1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.BZ

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.BZ

3
00:00:24,649 --> 00:00:26,484
Taga-South Carolina ako.

4
00:00:26,568 --> 00:00:28,653
Sa Lexington, South Carolina.

5
00:00:29,320 --> 00:00:30,363
Doon ako lumaki.

6
00:00:32,866 --> 00:00:34,451
Michael Smoak ang pangalan ko.

7
00:00:34,534 --> 00:00:36,286
Smoak ang tawag sa akin ng lahat.

8
00:00:40,623 --> 00:00:43,501
Buong buhay ko,
apelyido ko ang tawag sa akin.

9
00:00:43,585 --> 00:00:46,755
Lahat ng kakilala ko simula pagkabata,
Smoak ang tawag sa akin.

10
00:00:47,464 --> 00:00:50,175
Pag tinawag mo 'kong Michael,
ibig sabihin, lagot ako. So…

11
00:00:56,014 --> 00:00:58,975
Five years ako no'ng nangyari ang 9/11.

12
00:01:00,477 --> 00:01:02,270
Di ko alam kung ano'ng nangyayari,

13
00:01:02,353 --> 00:01:04,397
pero kita ko sa mga emosyon ng mga tao

14
00:01:04,481 --> 00:01:06,775
na may seryosong nangyari.

15
00:01:08,318 --> 00:01:11,613
May sakit ako noon kaya di ako pumasok.

16
00:01:11,696 --> 00:01:13,698
Nasa bahay ako ng lola ko

17
00:01:13,782 --> 00:01:18,828
at naaalala kong
pinapanood namin 'yon sa TV.

18
00:01:18,912 --> 00:01:22,373
Naalala ko lang na tumayo sila
sa mga upuan nila

19
00:01:22,457 --> 00:01:26,127
at lumapit sila sa TV.

20
00:01:27,420 --> 00:01:29,964
Parang may malaking piraso na natanggal.

21
00:01:30,048 --> 00:01:33,259
Sana lang na-evacuate na 'yong lugar
pero siyempre…

22
00:01:33,343 --> 00:01:36,888
Habang tumatanda,
mas naintindihan ko 'yong 9/11.

23
00:01:37,972 --> 00:01:41,142
Naiintindihan ko ang nangyari
pero hindi 'yong dahilan.

24
00:01:42,602 --> 00:01:46,272
Tapos nakita ko sa Youtube
'yong mga video ng giyera…

25
00:01:46,356 --> 00:01:47,524
Target!

26
00:01:50,652 --> 00:01:52,237
…kaya gusto kong makatulong.

27
00:01:52,320 --> 00:01:55,865
Di ko na maalala kung saan ko
unang narinig ang Marine Corps,

28
00:01:55,949 --> 00:01:59,119
pero naaalala kong
pinapanood ko 'yong mga video

29
00:01:59,202 --> 00:02:01,996
saka 'yong mga uniporme
at kung ano-ano pa sa internet.

30
00:02:03,414 --> 00:02:05,750
Sabi ko, "Magiging ganyan din ako."

31
00:02:06,543 --> 00:02:08,503
Magiging Marine ako paglaki ko.

32
00:02:12,966 --> 00:02:16,803
Sinabihan kami na pupunta kami
para sa non-combative evacuation.

33
00:02:16,886 --> 00:02:19,556
Tapos na ang giyera sa Afghanistan.

34
00:02:19,639 --> 00:02:22,600
Tapos na ang pinakamahabang giyera
ng Amerika. Twenty years.

35
00:02:22,684 --> 00:02:24,060
2,400 buhay ang nawala.

36
00:02:25,145 --> 00:02:27,647
Tapos, naging magulo na.

37
00:02:32,026 --> 00:02:34,821
Halos 20 years na 'to pagkatapos ng 9/11.

38
00:02:39,701 --> 00:02:41,369
Kung ano'ng nagsimula noong 9/11,

39
00:02:41,452 --> 00:02:44,247
natapos dito sa Abbey Gate.

40
00:02:48,042 --> 00:02:52,505
Inisip ko, ano bang
ginagawa natin ng 20 years?

41
00:02:53,756 --> 00:02:56,009
Kung wala silang tamang papeles,

42
00:02:56,092 --> 00:02:58,720
madalas, para pinapadala mo sila
sa kamatayan nila.

43
00:02:58,803 --> 00:03:04,726
Mabigat na responsibilidad 'yon
para sa isang 23-year-old.

44
00:03:31,169 --> 00:03:33,546
Nasa punto na tayo sa buhay ng Amerika

45
00:03:33,630 --> 00:03:36,090
kung saan 'yong mga nangyari noong 9/11,

46
00:03:36,174 --> 00:03:41,095
unti-unti nang nagiging kasaysayan.

47
00:03:45,016 --> 00:03:46,976
Sa susunod na ilang taon,

48
00:03:47,060 --> 00:03:51,606
darating ang panahon na
ipinanganak na pagkatapos ng 9/11

49
00:03:51,689 --> 00:03:56,819
ang kalahati ng mga Amerikano o masyado
pang bata para maalala 'yong nangyari.

50
00:03:58,196 --> 00:03:59,948
Ngayon, pinag-aaralan na nila ito

51
00:04:00,031 --> 00:04:02,700
at nakikita na nila ang mga picture noon.

52
00:04:03,618 --> 00:04:09,874
Tinuturo kung ano'ng nangyari.
Saka dapat alam namin na nangyari 'yon.

53
00:04:09,958 --> 00:04:14,045
Wala masyado akong naririnig tungkol
sa 9/11 maliban kung anniversary nito.

54
00:04:14,128 --> 00:04:17,507
Para lang siyang isa sa mga giyera
na natututunan namin

55
00:04:17,590 --> 00:04:19,884
kasi hindi pa ako buhay noon.

56
00:04:23,096 --> 00:04:26,557
Noong 9/11, nasa English class ako.

57
00:04:28,059 --> 00:04:29,560
Nasa grade 11 ako.

58
00:04:30,687 --> 00:04:32,730
Kami lang yata ang Muslim sa school noon.

59
00:04:34,107 --> 00:04:37,068
Ten months lang ako noong September 11.

60
00:04:37,902 --> 00:04:39,946
Madalas, para akong collateral.

61
00:04:41,489 --> 00:04:43,408
Kaka-three years old ko lang.

62
00:04:43,908 --> 00:04:45,743
Baka pinapalitan pa nga 'yong diaper ko.

63
00:04:45,827 --> 00:04:47,537
Three years old ako.

64
00:04:48,746 --> 00:04:50,373
Kaka-four ko lang.

65
00:04:51,666 --> 00:04:53,835
Twenty five years ago 'yon.

66
00:04:53,918 --> 00:04:57,463
Isang henerasyon na
mula noong mga pag-atake.

67
00:04:58,923 --> 00:05:03,011
Importanteng maintindihan
'yong sakit at kalungkutang pinagdaanan.

68
00:05:05,388 --> 00:05:09,434
Nagbabago 'yong mga epekto ng 9/11.

69
00:05:10,518 --> 00:05:15,398
Kahit 'yong mga epekto ng pangyayaring
'yon, patuloy pa ring nararamdaman ngayon.

70
00:05:19,736 --> 00:05:23,364
Makalipas ang 25 years,
nabubuhay ang kasalukuyang henerasyon

71
00:05:23,448 --> 00:05:27,660
sa mundong nilikha ng 9/11.

72
00:05:27,744 --> 00:05:31,331
VIGIL PARA KAY RENEE GOOD, INA NA PINATAY
NG ICE OFFICER SA MINNEAPOLIS

73
00:05:31,414 --> 00:05:33,416
SINO SI Q?
PAGSILIP SA TEORY NG KONSPIRASYON

74
00:05:33,499 --> 00:05:34,876
NAG-UTOS BA NG MUSLIM BAN

75
00:05:34,959 --> 00:05:36,461
IPATAYO ANG PADER

76
00:05:37,670 --> 00:05:41,215
BIN LADEN, PATAY NA
PAGSALAKAY SA IRAQ

77
00:05:41,716 --> 00:05:45,803
Naramdaman namin noon na malaki
ang pagbabagong pinagdadaanan namin.

78
00:05:45,887 --> 00:05:47,388
Tama nga kami.

79
00:05:51,351 --> 00:05:53,144
Tulog ako noon.

80
00:05:53,644 --> 00:05:55,646
Undergrad ako sa NYU.

81
00:05:57,523 --> 00:05:59,192
Sa Lower Manhattan ako nakatira.

82
00:05:59,275 --> 00:06:02,320
May naramdaman akong malakas na tunog.

83
00:06:14,624 --> 00:06:17,126
KUHA SA LOOB NG 3 WTC-THE MARRIOTT HOTEL

84
00:06:17,210 --> 00:06:19,295
May sumabog.

85
00:06:27,595 --> 00:06:29,013
Diyos ko!

86
00:06:29,597 --> 00:06:30,765
Binuksan ko 'yong TV.

87
00:06:30,848 --> 00:06:33,184
May breaking news kami para sa inyo.

88
00:06:33,267 --> 00:06:37,772
Mukhang may eroplanong bumagsak
sa World Trade Center dito sa…

89
00:06:37,855 --> 00:06:40,483
'Yon lang ang mayro'n kami,
'yong main TV stations.

90
00:06:40,566 --> 00:06:44,237
Ayokong sirain 'yong mood
pero may breaking news tayo.

91
00:06:44,320 --> 00:06:46,823
May bumagsak na eroplano…

92
00:06:46,906 --> 00:06:48,991
Sandali. …sa World Trade Center.

93
00:06:49,075 --> 00:06:50,034
Hindi nga?

94
00:06:50,118 --> 00:06:51,828
Wala pa tayong ibang detalye.

95
00:06:51,911 --> 00:06:56,374
Wala pa tayong alam
kung ano ang nangyari doon.

96
00:06:56,457 --> 00:06:59,919
Sige, tuloy na tayo. Kumusta?

97
00:07:00,002 --> 00:07:02,130
-Alam kong nagulat ka.
-Nagulat ako. Di ko…

98
00:07:02,213 --> 00:07:04,590
Di ko… Di ko alam kung ano'ng sasabihin.

99
00:07:04,674 --> 00:07:08,136
Nagsisimula pa lang alamin ng CNN Center
ang mga detalye

100
00:07:08,219 --> 00:07:11,931
at kinokontak ang aming mga source
para malaman kung ano'ng nangyayari.

101
00:07:12,014 --> 00:07:14,892
…hindi na makontrol ang apoy…

102
00:07:14,976 --> 00:07:20,064
Sampung taon akong oral historian
at curator sa 9/11 Museum,

103
00:07:20,148 --> 00:07:25,194
nagre-record ako ng mga kuwento
ng survivors, first responder, kapamilya.

104
00:07:26,362 --> 00:07:29,240
Kung gusto mong magkaroon
ng pag-asa para sa isang henerasyon,

105
00:07:29,740 --> 00:07:32,743
importante na matulungan silang
maunawaan ang nangyari,

106
00:07:32,827 --> 00:07:36,164
dahil parte ito ng pagbuo
ng magandang kinabukasan.

107
00:07:37,999 --> 00:07:41,252
Kapag naging totoo 'yong mga tao
at naging personal 'yong pangyayari,

108
00:07:42,670 --> 00:07:44,964
makapangyarihang paraan 'yon
para maintindihan

109
00:07:45,047 --> 00:07:47,842
kung ano ito at kung bakit ito mahalaga.

110
00:07:55,057 --> 00:07:57,143
Police operator 133, ano'ng emergency?

111
00:07:57,226 --> 00:08:00,938
Nasa 100th floor ako ng World Trade Center
kasama ang 30 tao.

112
00:08:01,022 --> 00:08:02,982
Tumatawag 'yong mga tao sa 911.

113
00:08:03,649 --> 00:08:05,651
Nagsasabi sila na na-trap sila.

114
00:08:05,735 --> 00:08:07,153
Nagsasabi sila na naipit sila.

115
00:08:07,236 --> 00:08:09,197
Kumusta? Fire department 'to.

116
00:08:09,280 --> 00:08:12,200
Hi. Mahirap magsalita.

117
00:08:12,283 --> 00:08:14,535
-Makapal 'yong usok. Mainit…
-Okay.

118
00:08:14,619 --> 00:08:17,121
Nag-o-overreact na kami.
Please pumunta na kayo dito.

119
00:08:17,205 --> 00:08:19,415
-Saang floor ka?
-100 Northeast.

120
00:08:19,499 --> 00:08:20,666
Sige.

121
00:08:23,544 --> 00:08:24,795
Ang init!

122
00:08:25,546 --> 00:08:27,048
Okay, ano'ng number n'yo diyan?

123
00:08:27,131 --> 00:08:28,591
Nasa cellphone ako.

124
00:08:28,674 --> 00:08:30,718
Sige, walang problema.
Pupuntahan ka namin.

125
00:08:30,801 --> 00:08:33,054
-Please, ngayon na.
-Papunta na sila.

126
00:08:34,180 --> 00:08:36,641
Ang totoo, ang masasabi lang
talaga ng mga tao,

127
00:08:36,724 --> 00:08:40,394
"Maghintay ka lang, pupuntahan ka namin.
Pupunta kami agad."

128
00:08:44,690 --> 00:08:48,861
Kaka-graduate lang ng anak naming
si Brad sa Bucknell University.

129
00:08:50,029 --> 00:08:55,993
Noong September 11, nagtatrabaho siya
sa 89th floor ng South Tower.

130
00:08:56,869 --> 00:08:58,162
Hi Ma, si Brad 'to.

131
00:08:58,246 --> 00:09:01,290
Gusto ko lang ipaalam sa 'yo,
sigurado akong nabalitaan mo na,

132
00:09:01,374 --> 00:09:04,293
may eroplanong bumagsak
sa World Trade Center One.

133
00:09:04,377 --> 00:09:06,921
Ayos lang kami,
nasa World Trade Center Two kami.

134
00:09:07,004 --> 00:09:09,924
Hindi ako—
Obviously buhay ako at okay lang ako.

135
00:09:10,007 --> 00:09:13,261
Pero nakakatakot pa rin
'yong experience na 'to.

136
00:09:13,302 --> 00:09:14,679
Sarado ba 'yong waterway?

137
00:09:15,429 --> 00:09:18,224
Para sa karamihan,
para lang itong nakakalito

138
00:09:18,307 --> 00:09:20,309
at malagim na aksidente.

139
00:09:23,646 --> 00:09:25,481
Sabi nila eroplano daw.

140
00:09:25,565 --> 00:09:27,608
Manonood muna ako ng balita.

141
00:09:28,359 --> 00:09:32,196
Akala namin, hindi kami matitinag
at hindi rin kami masasaktan.

142
00:09:32,280 --> 00:09:34,407
Na walang makakaatake sa amin.

143
00:09:36,075 --> 00:09:39,412
Nasira ng 9/11
ang pagiging kampante na 'yon.

144
00:09:41,872 --> 00:09:44,083
…makakapasok. Malayo ako ngayon,

145
00:09:44,166 --> 00:09:46,627
mukhang masyadong delikado para lumapit.

146
00:09:46,711 --> 00:09:48,254
Marami akong nakitang debris…

147
00:09:48,337 --> 00:09:53,217
Makikita mo sa pagitan ng 8:46 at 9:03

148
00:09:53,884 --> 00:09:56,804
kung gaano ka-inosente ang Amerika.

149
00:10:04,437 --> 00:10:09,150
Sa loob ng 17 minutes na 'yon, dama pa rin
ang pagiging inosente ng Amerika.

150
00:10:10,693 --> 00:10:14,238
Habang papunta ang mga bombero
sa area na 'to,

151
00:10:15,448 --> 00:10:19,410
mukhang wala pa ring
nakikitang pagkilos sa itaas.

152
00:10:19,493 --> 00:10:21,412
Tandaan mo… Diyos ko!

153
00:10:21,495 --> 00:10:23,581
Diyos ko.

154
00:10:23,664 --> 00:10:25,458
Mukhang may pangalawang eroplano.

155
00:10:36,344 --> 00:10:38,888
Jet 'yon. Malaking eroplano. Ang bilis.

156
00:10:38,971 --> 00:10:42,350
Dumaan sa Ritz-Carlton Hotel
na ginagawa sa Battery Park.

157
00:10:42,433 --> 00:10:45,645
Dumaan mismo sa tabi,
muntik nang tumama, tapos bumangga.

158
00:10:46,937 --> 00:10:50,775
Mukhang planadong pag-atake
sa World Trade Center

159
00:10:50,858 --> 00:10:55,196
ang nangyayari ngayon
sa downtown New York.

160
00:10:57,782 --> 00:10:59,617
Ako si Andrew Ansbro.

161
00:10:59,700 --> 00:11:02,244
Sumali ako sa FDNY noong February 2001.

162
00:11:03,120 --> 00:11:05,498
Na-assign ako sa Engine 58 sa Harlem.

163
00:11:06,707 --> 00:11:09,043
Twenty-nine ako noong September 11.

164
00:11:09,835 --> 00:11:11,587
Bago lang ako.

165
00:11:11,671 --> 00:11:14,090
Katatapos ko lang ng 24-hour shift

166
00:11:14,173 --> 00:11:16,342
no'ng bumangga 'yong unang eroplano.

167
00:11:16,425 --> 00:11:20,304
Na-assign kami sa pangalawang fifth alarm,
sa South Tower.

168
00:11:20,805 --> 00:11:23,140
Pag may alarm, may adrenaline.

169
00:11:23,724 --> 00:11:26,310
Naisip ko,
"Aapulahin namin 'yong apoy doon."

170
00:11:27,353 --> 00:11:29,230
Iba 'yong kalsada noon.

171
00:11:29,313 --> 00:11:33,234
Tumabi lahat ng nadaanan ng truck
at may mga pumalakpak sa 'min.

172
00:11:33,317 --> 00:11:36,737
Parang gladiator na papunta sa laban

173
00:11:36,821 --> 00:11:39,990
tapos pumapalakpak at sumisigaw lahat.

174
00:11:40,074 --> 00:11:43,119
Naalala kong dumaan kami sa may 70s

175
00:11:43,202 --> 00:11:47,665
tapos may nakatingin sa amin at umiiyak.

176
00:11:47,748 --> 00:11:48,916
Do'n ako natauhan.

177
00:11:52,795 --> 00:11:53,921
Shit.

178
00:11:56,048 --> 00:11:57,925
Tapos sabi ni lieutenant,

179
00:11:58,008 --> 00:11:59,719
"Makinig kayo,

180
00:11:59,802 --> 00:12:02,096
lahat ng nasa taas ng apoy,
patay na o mamamatay.

181
00:12:04,098 --> 00:12:08,352
Libo-libo ang nagtatrabaho
sa dalawang building na 'yon

182
00:12:08,436 --> 00:12:10,896
sa gitna ng financial district
ng New York.

183
00:12:15,276 --> 00:12:18,195
Kita mo 'yong apoy, 'yong usok.

184
00:12:18,279 --> 00:12:20,364
Sabi ko, "Diyos ko,
nando'n 'yong asawa ko."

185
00:12:21,282 --> 00:12:23,617
Sa 96th floor siya nagtatrabaho

186
00:12:24,118 --> 00:12:26,412
pero umasa pa rin ako.

187
00:12:29,665 --> 00:12:32,460
Two years old 'yong anak ko noon.

188
00:12:33,794 --> 00:12:37,214
Ilang araw lang, nagsisigaw at umiiyak
siya, tinatawag ang nanay niya.

189
00:12:37,715 --> 00:12:39,759
Doon ako natauhan.

190
00:12:44,263 --> 00:12:46,724
Bumaba 'yong mga tao sa hagdan.

191
00:12:48,851 --> 00:12:52,438
Mausok, depende kung nasaan ka.

192
00:12:53,063 --> 00:12:55,316
Sobrang sikip.

193
00:12:56,233 --> 00:13:00,362
May mga babaeng naka-stiletto
na naglalakad pababa

194
00:13:00,946 --> 00:13:02,948
ng mahabang hagdan.

195
00:13:03,699 --> 00:13:07,286
Sabi nila, may mga taong tumutulong
sa isa't isa sa hagdanan.

196
00:13:11,582 --> 00:13:16,629
May mga istasyon na itinayo ng mga
responder para magbigay ng oxygen.

197
00:13:16,712 --> 00:13:18,798
Binigyan ng tubig 'yong mga tao.

198
00:13:20,257 --> 00:13:22,551
Tapos nagtipon-tipon

199
00:13:22,635 --> 00:13:25,679
'yong mga first responder sa command post.

200
00:13:25,763 --> 00:13:29,433
Naghahanda silang umakyat
at pinag-uusapan kung ano ang plano nila.

201
00:13:29,934 --> 00:13:34,146
May tumingin sa maliit na grupo
na paakyat sa hagdan

202
00:13:34,230 --> 00:13:36,941
at sinabing,
"Baka di na tayo umabot ng bukas."

203
00:13:39,485 --> 00:13:42,530
Tapos nagkamayan sila.

204
00:13:54,416 --> 00:13:56,377
Ang alam lang natin ngayon…

205
00:13:56,460 --> 00:14:00,923
may dalawang eroplanong bumangga
sa mga tower ng World Trade Center.

206
00:14:00,965 --> 00:14:03,342
Stand by. Stand by lang.

207
00:14:03,843 --> 00:14:06,762
Walang duda na inaatake na 'yong siyudad.

208
00:14:07,513 --> 00:14:09,890
Maya-maya, nalaman naming
buong bansa pala.

209
00:14:17,356 --> 00:14:21,026
May isa pang eroplanong
papunta sa Washington, D.C.

210
00:14:23,946 --> 00:14:25,155
Ako si An Nguyen.

211
00:14:25,656 --> 00:14:27,741
Anak ako ni Khang Nguyen,

212
00:14:27,825 --> 00:14:31,996
na nagtatrabaho sa Pentagon
noong September 11.

213
00:14:33,122 --> 00:14:37,293
Ipinanganak ang tatay ko sa South Vietnam.

214
00:14:38,669 --> 00:14:43,090
Tapos pumunta siya sa Amerika
pagkatapos ng Fall of Saigon noong 1975.

215
00:14:44,216 --> 00:14:47,636
Patunay siya sa tinatawag
na American dream.

216
00:14:50,055 --> 00:14:51,348
May mga oportunidad dito

217
00:14:51,432 --> 00:14:54,268
na di niya nakuha
noong bata siya sa Vietnam.

218
00:14:55,477 --> 00:14:57,771
Electrical engineer ang tatay ko

219
00:14:57,855 --> 00:15:00,733
sa Navy Command Center sa Pentagon.

220
00:15:01,442 --> 00:15:03,527
Kaka-four ko lang noon.

221
00:15:03,611 --> 00:15:05,863
Nasa preschool pa 'ko

222
00:15:05,946 --> 00:15:07,573
at noong Martes ng umaga,

223
00:15:07,656 --> 00:15:10,534
noong ihahatid na ako ni Mama
sa bus papuntang preschool,

224
00:15:10,618 --> 00:15:12,494
tumakbo si Papa papunta sa bus

225
00:15:12,578 --> 00:15:17,166
para magpaalam sa akin
sa huling… sa huling pagkakataon.

226
00:15:34,099 --> 00:15:39,396
No'ng 9:37, bumagsak 'yong Flight 77
sa E ring ng Pentagon.

227
00:15:40,773 --> 00:15:41,690
Engine 101…

228
00:15:44,568 --> 00:15:48,447
Nasa site na ang 105. Mayro'n akong isang…

229
00:15:50,407 --> 00:15:51,867
…sa Pentagon.

230
00:15:54,995 --> 00:15:58,958
Mukhang may isa pang malaking pagsabog,

231
00:15:59,041 --> 00:16:01,001
sa kapital ng bansa.

232
00:16:01,085 --> 00:16:05,339
Makikita rito ang eksena
ng tila naging epekto ng pagsabog.

233
00:16:05,422 --> 00:16:08,175
May usok sa ere sa ibabaw ng Pentagon.

234
00:16:11,178 --> 00:16:13,389
Kakauwi ko lang pagkatapos ng klase.

235
00:16:14,473 --> 00:16:19,353
Hinihintay ko na lang
na dumating 'yong tatay ko sa driveway.

236
00:16:19,436 --> 00:16:21,105
Hintay lang ako nang hintay,

237
00:16:24,024 --> 00:16:25,734
umaasang uuwi siya.

238
00:16:29,655 --> 00:16:32,408
Sa mga sumunod na araw, lalo na sa libing,

239
00:16:32,908 --> 00:16:36,161
doon ko na-realize na di na siya uuwi.

240
00:16:38,080 --> 00:16:41,750
Di ko na napigilan ang pag-iyak ko.

241
00:16:43,877 --> 00:16:47,172
Hindi mo talaga
maiintindihan ang terorismo

242
00:16:47,256 --> 00:16:50,718
at ang bigat nito
hangga't di mo ito nararanasan.

243
00:16:52,219 --> 00:16:55,139
Di ko alam kung paano tatanggapin

244
00:16:55,222 --> 00:16:57,558
'yong gano'ng kalaking pagkawala,

245
00:16:58,726 --> 00:17:01,478
pero alam kong magbabago na
'yong buhay ko.

246
00:17:05,274 --> 00:17:09,111
Ngayon, sinusubukan kong
gumawa ng identity sa mundo

247
00:17:09,194 --> 00:17:11,530
na wala ang tatay ko sa tabi ko.

248
00:17:19,413 --> 00:17:21,874
Restricted area ang Pentagon.

249
00:17:21,957 --> 00:17:23,417
Mababa lang 'yong building.

250
00:17:24,501 --> 00:17:26,628
At dahil sa lakas ng eroplano,

251
00:17:26,712 --> 00:17:28,464
sa dami ng jet fuel,

252
00:17:29,214 --> 00:17:32,426
at sa laki at istraktura ng building,

253
00:17:32,509 --> 00:17:34,970
nagkaro'n ng matinding sunog.

254
00:17:41,894 --> 00:17:43,312
Kasabay naman no'n,

255
00:17:43,395 --> 00:17:46,648
nasusunog din 'yong South Tower
nang 56 minutes.

256
00:17:49,735 --> 00:17:52,362
Medyo mababa 'yong impact zone.

257
00:17:57,409 --> 00:18:02,956
Pagkalipas ng isang oras
na nasusunog sa matinding init,

258
00:18:03,040 --> 00:18:07,294
nagsimulang gumuho 'yong building.

259
00:18:13,550 --> 00:18:17,513
Tapos biglang may umugong
sa ilalim ng lupa.

260
00:18:17,596 --> 00:18:18,764
Parang lindol.

261
00:18:25,854 --> 00:18:28,482
May mga pulis na nakapila
na parang tinatawag isa-isa.

262
00:18:28,982 --> 00:18:30,609
Tapos bigla silang nagtakbuhan.

263
00:18:30,692 --> 00:18:32,903
Akala namin may nahuhulog
galing sa langit.

264
00:18:32,986 --> 00:18:36,448
O may kaguluhan
dahil lahat sila tumakbo pa-north.

265
00:18:37,324 --> 00:18:40,536
Di namin alam na nagradyo
sa kanila 'yong mga pulis

266
00:18:40,619 --> 00:18:42,037
sa helicopter.

267
00:18:42,121 --> 00:18:44,540
Umiikot na 'yong tuktok ng South Tower.

268
00:18:44,623 --> 00:18:46,291
Nakikita nila.

269
00:18:48,961 --> 00:18:50,379
Sinabihan silang lumikas na.

270
00:18:52,172 --> 00:18:53,757
Walang nakarinig sa amin.

271
00:18:56,927 --> 00:18:59,054
May lalaking Sean Rooney ang pangalan

272
00:18:59,138 --> 00:19:01,682
na tumawag sa asawa niyang si Beverly.

273
00:19:03,725 --> 00:19:07,062
Nag-usap sila sa telepono at na-trap siya.

274
00:19:08,188 --> 00:19:10,065
Mga 9:30 a.m. siya tumawag.

275
00:19:10,983 --> 00:19:13,652
Sinabi niyang nasa 105th floor siya.

276
00:19:16,947 --> 00:19:19,116
Naghahanap daw siya ng daan palabas.

277
00:19:20,409 --> 00:19:25,497
Sabi niya, wala siyang makitang daan
at puno na ng usok 'yong hagdan.

278
00:19:28,083 --> 00:19:30,210
Di na namin pinag-usapan 'yong paglikas.

279
00:19:32,754 --> 00:19:34,464
Tungkol na lang

280
00:19:34,548 --> 00:19:37,551
sa masasayang pinagsamahan namin
'yong pinag-usapan namin.

281
00:19:40,762 --> 00:19:43,849
Paulit-ulit niyang binubulong
na "Mahal kita."

282
00:19:45,350 --> 00:19:47,227
Tapos may narinig akong malakas na tunog,

283
00:19:47,311 --> 00:19:50,314
tapos tunog na parang avalanche.

284
00:19:50,898 --> 00:19:52,107
Take two.

285
00:19:52,191 --> 00:19:53,817
Take two and two, one.

286
00:19:53,901 --> 00:19:56,361
Hanggang dito lang tayo puwedeng lumapit.

287
00:19:56,445 --> 00:20:00,449
Makikita n'yo dito 'yong mga bombero,
mga pulis, mga FBI agent.

288
00:20:00,532 --> 00:20:02,868
Makikita n'yo rin 'yong dalawang tower.

289
00:20:02,951 --> 00:20:06,330
May malakas na pagsabog,
may mga nahuhulog na debris.

290
00:20:06,413 --> 00:20:07,789
Umalis na tayo.

291
00:20:09,958 --> 00:20:12,794
Tara na, Glenn.
Tara na, Glenn, kaya mo 'yan.

292
00:20:14,254 --> 00:20:16,173
May malakas na kalabog at pagsabog.

293
00:20:16,256 --> 00:20:17,299
Tapos alam mo 'yon…

294
00:20:18,967 --> 00:20:21,303
'Yon 'yong mga palapag na bumagsak.

295
00:20:24,223 --> 00:20:27,517
Dumilim 'yong kalye
at biglang naging gabi.

296
00:20:28,101 --> 00:20:33,065
Kaya kaming mga galing sa south,
tumakbo kami pabalik.

297
00:20:34,775 --> 00:20:38,195
May malakas na bumagsak,

298
00:20:38,278 --> 00:20:41,198
gumuho 'yong building!

299
00:20:41,990 --> 00:20:44,826
No'ng bumagsak 'yong building,
para natabunan kami

300
00:20:44,910 --> 00:20:48,372
at sinira ng air pressure galing
sa compressed air 'yong mga bintana.

301
00:20:48,455 --> 00:20:50,582
Ay, shit.

302
00:20:50,666 --> 00:20:51,708
Nahagis kami sa ere.

303
00:20:51,792 --> 00:20:54,419
Di ko alam kung gaano kalayo
pero bumagsak ako sa mga tao.

304
00:20:54,503 --> 00:21:00,550
'Yong sunod na paghinga, parang isang
tasa ng buhangin ang nilalanghap mo.

305
00:21:00,634 --> 00:21:01,551
Parang…

306
00:21:02,427 --> 00:21:04,972
Tapos tinatamaan ka na ng mga debris.

307
00:21:05,055 --> 00:21:07,599
Masasabi mo na lang talagang
ito na 'yong katapusan.

308
00:21:07,683 --> 00:21:08,892
Sana mabuhay ako.

309
00:21:08,976 --> 00:21:11,186
Sana mabuhay ako. Papunta na sa 'kin.

310
00:21:11,895 --> 00:21:16,316
Tumakbo ako sa unahan ng usok
at nagtago sa ilalim ng kotse.

311
00:21:16,400 --> 00:21:18,402
May subway grate sa ilalim ng kotse

312
00:21:18,485 --> 00:21:23,490
at ginamit ko 'yon para huminga
ng tatlo o apat na oras.

313
00:21:23,573 --> 00:21:26,368
Sobrang kapal para makakita sa labas.

314
00:21:29,413 --> 00:21:31,164
No'ng 10:28 a.m.,

315
00:21:31,248 --> 00:21:32,916
bumagsak 'yong North Tower,

316
00:21:33,417 --> 00:21:35,919
na pumatay ng 1,500 tao

317
00:21:36,003 --> 00:21:38,505
na hindi nakalabas ng building.

318
00:21:52,227 --> 00:21:54,688
Miss, pumasok ka! Lumayo ka sa salamin.

319
00:21:55,814 --> 00:21:57,190
Nasa labas lahat ng gamit ko!

320
00:21:57,274 --> 00:21:58,400
'Yong mga gamit ko!

321
00:21:58,483 --> 00:22:01,403
Miss, ano, buhay mo o gamit mo?

322
00:22:01,486 --> 00:22:03,905
May mga debris pang babagsak
sa kalsada, tingnan mo.

323
00:22:03,989 --> 00:22:05,907
-Wag mong buksan 'yong pinto.
-Lumayo ka.

324
00:22:05,991 --> 00:22:10,746
-Wag mong buksan!
-Ayan na! Magtago ka!

325
00:22:10,829 --> 00:22:12,914
Diyos ko. Diyos ko!

326
00:22:12,998 --> 00:22:15,959
-Tingnan mo 'yong anino ng kamatayan.
-Diyos ko!

327
00:22:17,878 --> 00:22:20,422
Tama ka! Diyos ko, iniligtas mo 'ko!

328
00:22:20,505 --> 00:22:23,050
-Sabi ko sa 'yo…
-Iniligtas mo ako, salamat!

329
00:22:27,179 --> 00:22:30,432
Di talaga maipaliwanag,
basta wala na 'yong mga tower.

330
00:22:30,515 --> 00:22:34,978
Marami pang naiwan sa Church Street
na nagmamasid, nakatingin.

331
00:22:35,062 --> 00:22:38,190
Di nila alam ang gagawin.
'Yong iba nakaluhod at nagdadasal.

332
00:22:39,191 --> 00:22:41,777
Nakikita n'yo ngayon
ang pagbagsak ng isa sa mga tower.

333
00:22:41,860 --> 00:22:45,447
May AP news alert tayo
galing sa Pittsburgh.

334
00:22:45,530 --> 00:22:48,367
Kinumpirma ng mga opisyal
ng Somerset County Airport

335
00:22:48,450 --> 00:22:51,953
ang pagbagsak ng malaking eroplano
sa hilaga ng airport.

336
00:22:56,917 --> 00:23:00,879
ANAK NI LEROY W. HOMER, JR.

337
00:23:01,963 --> 00:23:03,298
Ako si Laurel Homer.

338
00:23:03,382 --> 00:23:06,426
Ten months ako noong September 11.

339
00:23:07,302 --> 00:23:09,179
Sa Kasal niya ba 'yan?

340
00:23:09,262 --> 00:23:10,680
Oo.

341
00:23:11,473 --> 00:23:14,434
Anak ako ni Leroy Homer.

342
00:23:21,274 --> 00:23:24,778
'Yong tatay ko 'yong copilot sa Flight 93.

343
00:23:28,907 --> 00:23:32,035
May 44 na tao sa Flight 93.

344
00:23:34,704 --> 00:23:38,625
Dahil nasa ere na 'yong eroplano,

345
00:23:38,708 --> 00:23:41,211
marami sa mga pasahero

346
00:23:41,294 --> 00:23:44,506
ang nakatanggap ng impormasyon
mula sa labas

347
00:23:44,589 --> 00:23:47,259
tungkol sa mga pag-atake sa New York

348
00:23:47,342 --> 00:23:48,760
at sa Pentagon.

349
00:23:50,470 --> 00:23:54,433
Nagkaro'n ng 27 na tawag sa flight na 'yon

350
00:23:55,142 --> 00:23:56,977
at mga message na iniwan.

351
00:23:58,311 --> 00:23:59,896
Elsa, si Lin ito.

352
00:23:59,980 --> 00:24:04,818
May one minute lang ako.
Nasa United 93 ako at na-hijack 'to

353
00:24:04,901 --> 00:24:07,320
ng mga terorista na nagsasabing
may dala silang bomba.

354
00:24:07,404 --> 00:24:11,283
May mga eroplano pala silang
binangga sa World Trade Center

355
00:24:11,366 --> 00:24:13,785
at mukhang ibabangga din nila 'to.

356
00:24:13,869 --> 00:24:16,204
Gusto ko lang talagang
sabihin na mahal kita

357
00:24:16,288 --> 00:24:19,082
at mamimiss kita.

358
00:24:20,000 --> 00:24:21,751
Saka…

359
00:24:21,835 --> 00:24:24,796
pakisabi kina Mama at Papa
na mahal ko sila…

360
00:24:28,425 --> 00:24:31,219
mahal na mahal kita,
gusto ko lang malaman mo 'yon.

361
00:24:31,303 --> 00:24:34,556
Di ko alam kung
masasabi ko pa sa 'yo 'yon.

362
00:24:36,766 --> 00:24:40,854
Ngayon alam natin na
ang United States Capitol pala ang target.

363
00:24:44,649 --> 00:24:48,570
Na-realize na nilang
nasa suicide mission sila

364
00:24:48,653 --> 00:24:53,950
at alam nila agad na
kailangan nilang gumawa ng paraan.

365
00:24:54,534 --> 00:25:01,333
Mga natira sa bumagsak na eroplano
sa Lambertsville Road.

366
00:25:04,169 --> 00:25:08,215
Nagdesisyon ang mga pasahero
at crew na sugurin 'yong cockpit.

367
00:25:09,674 --> 00:25:14,763
Sa huli, nagdesisyon 'yong mga hijacker
na pabagsakin 'yong eroplano.

368
00:25:19,684 --> 00:25:24,648
Inilihis nila 'yong eroplano para di ito
bumagsak sa target ng mga terorista,

369
00:25:24,731 --> 00:25:28,485
at dahil dito,
maraming buhay ang nailigtas.

370
00:25:33,114 --> 00:25:37,744
Mahirap. Nagpapasalamat naman ako
na di gano'n kadaming tao ang napahamak

371
00:25:37,827 --> 00:25:39,454
pero gano'n pa din,

372
00:25:39,538 --> 00:25:41,665
nawala pa rin siya…

373
00:25:42,541 --> 00:25:45,627
medyo mahirap,

374
00:25:45,710 --> 00:25:48,588
dahil alam kong bayani siya
pero sana hindi na lang.

375
00:25:50,215 --> 00:25:52,676
'Yong nanay ko, sinabi niya sa 'kin

376
00:25:52,759 --> 00:25:55,262
na akala niya mamamatay siya sa lungkot.

377
00:25:57,222 --> 00:25:59,724
Gumuho ang mundo niya

378
00:26:01,476 --> 00:26:05,522
tapos may anak pa siyang dapat alagaan.

379
00:26:06,231 --> 00:26:10,193
Parang nakasentro dito
'yong naging buhay ko.

380
00:26:11,570 --> 00:26:13,863
Hirap na hirap pa rin ako

381
00:26:13,947 --> 00:26:17,158
at parang naapektuhan na nito ang buong…

382
00:26:18,159 --> 00:26:19,494
buong buhay ko.

383
00:26:25,834 --> 00:26:27,002
Good evening.

384
00:26:27,586 --> 00:26:30,046
Ngayon, inatake ang mga kababayan natin,

385
00:26:30,130 --> 00:26:31,506
ang pamumuhay natin,

386
00:26:31,590 --> 00:26:33,883
ang kalayaan natin

387
00:26:34,467 --> 00:26:38,305
sa sunod-sunod na planado at nakakamatay
na pag-atake ng mga terorista.

388
00:26:44,227 --> 00:26:48,565
May apat na pag-atake
at 3,000 tao ang namatay.

389
00:26:53,153 --> 00:26:58,408
Pero di nito naipapakita kung ano'ng
pakiramdam na maranasan ang 9/11.

390
00:27:03,913 --> 00:27:10,211
Hindi natin nararamdaman
'yong takot, kaguluhan, kalituhan,

391
00:27:10,295 --> 00:27:11,504
at trauma ng araw na 'yon.

392
00:27:11,588 --> 00:27:13,256
May nangangailangan daw ng tulong.

393
00:27:14,341 --> 00:27:16,843
Di namin alam kung kailan
nagsimula 'yong mga pag-atake.

394
00:27:18,219 --> 00:27:20,805
Di namin alam kung kailan matatapos.

395
00:27:20,889 --> 00:27:23,058
Di namin alam buong araw

396
00:27:23,141 --> 00:27:25,435
kung ilan na 'yong mga pag-atake.

397
00:27:28,188 --> 00:27:32,651
Di rin namin alam kung may
susunod pang pag-atake

398
00:27:32,734 --> 00:27:34,444
noong hapon ng September 11,

399
00:27:34,527 --> 00:27:36,363
o 'yong mangyayari sa September 12.

400
00:27:36,446 --> 00:27:40,950
Di namin alam kung ano'ng
mangyayari sa October o sa 2002.

401
00:27:45,789 --> 00:27:50,502
Kung hindi mo nakita 'yong takot,
kaguluhan, pagkalito at trauma,

402
00:27:50,585 --> 00:27:57,425
hindi mo makikita 'yong dahilan kung bakit
gano'n 'yong naging tugon ng US.

403
00:28:01,888 --> 00:28:06,142
TERROR WAR SA USA

404
00:28:06,226 --> 00:28:11,648
Isa itong napakalaking pagbabago
sa buhay ng mga Amerikano.

405
00:28:13,733 --> 00:28:16,695
Dahil sa pakiramdam na nilabag kami,

406
00:28:17,570 --> 00:28:21,324
parang kahit ano puwedeng mangyari.

407
00:28:23,034 --> 00:28:24,744
Parang bumukas 'yong impiyerno.

408
00:28:25,453 --> 00:28:29,457
Umulan ng apoy mula sa langit
at di mo na alam kung ano'ng susunod.

409
00:28:31,626 --> 00:28:34,337
Parang tama lang na pumunta.

410
00:28:34,421 --> 00:28:37,716
Kung inatake tayo
at pinatay 'yong mga kababayan natin,

411
00:28:37,799 --> 00:28:40,885
dapat lang na mapanagot
'yong mga gumawa no'n.

412
00:28:44,597 --> 00:28:46,349
Parang may giyera ngayon sa mundo.

413
00:28:46,433 --> 00:28:48,017
-Simula na 'to ng giyera.
-Oo.

414
00:28:48,101 --> 00:28:49,728
-Simula na 'to ng giyera.
-Oo.

415
00:28:49,811 --> 00:28:51,438
Magkakaro'n ng giyera. Sigurado.

416
00:28:53,022 --> 00:28:55,400
Narinig kong pinag-uusapan 'yon
ng matatanda,

417
00:28:55,483 --> 00:29:00,280
kaya noong tumatanda ako,
lalo kong naintindihan 'yong nangyari,

418
00:29:00,363 --> 00:29:02,282
hindi 'yong dahilan kung bakit nangyari,

419
00:29:02,365 --> 00:29:04,242
maliban sa ayaw nila sa mga Amerikano.

420
00:29:07,746 --> 00:29:10,707
Ang kuwento ng nanay ko,

421
00:29:10,790 --> 00:29:14,586
may masasamang tao daw sa eroplano niya.

422
00:29:17,255 --> 00:29:20,008
Alam kong may kinalaman
'yong mga terorista.

423
00:29:20,091 --> 00:29:21,801
Alam kong galing sila sa Middle East

424
00:29:21,885 --> 00:29:26,431
pero di ko talaga lubos na naintindihan
kung ano 'yong intensiyon?

425
00:29:27,932 --> 00:29:29,684
Ano 'yong mga layunin nila?

426
00:29:34,689 --> 00:29:38,401
Hinihiling ko ngayong gabi ang inyong
mga dasal para sa mga nagdadalamhati,

427
00:29:40,361 --> 00:29:42,989
para sa mga batang gumuho ang mundo,

428
00:29:43,740 --> 00:29:47,410
para sa lahat ng nakaramdam
na hindi na sila ligtas,

429
00:29:49,579 --> 00:29:52,832
at ipinagdarasal kong makahanap sila
ng ginhawa sa mas mataas sa atin.

430
00:29:53,416 --> 00:29:56,002
Sinasabi sa Psalm 23,

431
00:29:56,836 --> 00:29:59,881
"Kahit maglakad ako
sa lambak ng anino ng kamatayan,

432
00:30:00,381 --> 00:30:01,674
di ako matatakot sa masama

433
00:30:02,175 --> 00:30:03,718
dahil kasama kita."

434
00:30:13,812 --> 00:30:17,398
Nakakalungkot makita
'yong mga poster at mga karatula

435
00:30:17,482 --> 00:30:19,943
ng mga naghahanap sa mga kamag-anak nila.

436
00:30:21,277 --> 00:30:23,238
Umuusok pa 'yong mga tower,

437
00:30:23,321 --> 00:30:25,073
at mga guho ng panahong 'yon.

438
00:30:25,156 --> 00:30:26,491
NAGKAKAISA TAYO SA PAGTINDIG

439
00:30:26,574 --> 00:30:29,702
Alam mo, noon lang ako nakaramdam
ng gano'n katinding tungkulin.

440
00:30:29,786 --> 00:30:31,663
Parang 'yon ang point ng buhay ko,

441
00:30:31,746 --> 00:30:34,457
kna ailangan naming tumulong,
maging parte ng solusyon

442
00:30:34,541 --> 00:30:38,169
at hanapin 'yong mga gumawa nito.

443
00:30:45,009 --> 00:30:48,638
Pagkalipas ng ilang araw,
parang tatlong araw pagkatapos ng 9/11,

444
00:30:48,721 --> 00:30:53,268
nagkaro'n ng panic, pagkalito,
kawalan ng kaalaman at takot.

445
00:30:54,769 --> 00:30:58,481
Naisip agad ng mga nasa White House
at sa Justice department

446
00:30:58,565 --> 00:31:01,943
na kailangan nila ng matatag
na pamumuno para harapin ito.

447
00:31:03,194 --> 00:31:04,612
Ang malaking isyu ngayong gabi,

448
00:31:04,696 --> 00:31:08,199
gaano kalaking kapangyarihan ang ibibigay
sa pangulo para pangunahan

449
00:31:08,283 --> 00:31:11,452
ang giyerang ito at tumugon
sa anumang pag-atake sa hinaharap.

450
00:31:11,536 --> 00:31:15,081
Humingi sila ng napakalawak
na awtorisasyon para gumamit ng puwersa,

451
00:31:15,164 --> 00:31:16,624
na tinatawag na AUMF,

452
00:31:16,708 --> 00:31:22,630
isang malawak at walang takdang
awtorisasyon mula sa kongreso para tugisin

453
00:31:22,714 --> 00:31:26,175
lahat ng terorista, harapin ang mga banta
at pigilan ang mga ito.

454
00:31:26,259 --> 00:31:30,722
Pinapahintulutan ng draft resolution
ang paggamit ng armed forces

455
00:31:30,805 --> 00:31:32,557
laban sa mga nagplano,

456
00:31:32,640 --> 00:31:35,810
nag-utos, kumupkop,
nagsagawa, o tumulong sa pag-atakeng ito

457
00:31:35,894 --> 00:31:39,689
at para pigilan at iwasan
ang anumang terorismo sa hinaharap.

458
00:31:39,772 --> 00:31:42,483
420 ang yes, isa ang no.

459
00:31:42,567 --> 00:31:45,528
Naipasa na ang joint resolution.

460
00:31:49,282 --> 00:31:52,285
Isinulat ang Konstitusyon
para talagang limitahan

461
00:31:52,368 --> 00:31:55,496
ang kapangyarihan ng pangulo
na gumamit ng militar.

462
00:31:56,039 --> 00:31:57,624
Ayaw natin ng hari.

463
00:31:57,707 --> 00:31:59,250
Ayaw nating magkaro'n ng taong

464
00:31:59,334 --> 00:32:01,794
magpapasimula ng giyera.

465
00:32:01,878 --> 00:32:05,882
Kaya maingat na pinaghiwalay
ng Konstitusyon ang mga kapangyarihan.

466
00:32:05,965 --> 00:32:08,426
Kongreso ang nagdedeklara ng giyera.

467
00:32:08,927 --> 00:32:12,180
Ipinatupad ang 2001 authorization
para sa paggamit ng militar

468
00:32:12,263 --> 00:32:17,226
no'ng di nagkaroon ng sapat na oras para
sa masusing deliberasyon at pagninilay.

469
00:32:18,269 --> 00:32:20,980
Handa ka bang isakripisyo
ang ilan sa mga kalayaan mo

470
00:32:21,064 --> 00:32:23,066
para masugpo ng gobyerno

471
00:32:23,149 --> 00:32:24,734
ang terorismo?

472
00:32:24,817 --> 00:32:27,236
66% ang nagsabing oo.

473
00:32:31,950 --> 00:32:36,371
Ang AUMF, ang batas na ipinasa noong 2001,
ilang araw matapos ang 9/11,

474
00:32:36,454 --> 00:32:41,417
naging pundasyon ito ng mga sumunod
na giyera sa loob ng 25 years.

475
00:32:43,002 --> 00:32:46,297
Naging batayan ito sa paggamit
ng militar sa ibang bansa,

476
00:32:46,381 --> 00:32:49,217
batayan din ito
ng mga Guantanamo detention,

477
00:32:49,300 --> 00:32:52,804
at sa ilang aspeto,
ng mga lihim na kulungan sa ibang bansa.

478
00:32:52,887 --> 00:32:57,475
Ito talaga 'yong legal foundation
para sa lahat ng mangyayari.

479
00:33:00,853 --> 00:33:03,648
MAKAKATAKBO KA!!!
PERO HINDI KA MAKAKAPAGTAGO!!!

480
00:33:03,731 --> 00:33:05,775
Itinuturing naming responsable
ang gobyerno

481
00:33:05,858 --> 00:33:07,860
sa mga paglabag nito sa mga Muslim.

482
00:33:07,944 --> 00:33:13,157
At sa pagsuporta nito sa mga rehimen
sa ating mga bansa,

483
00:33:13,241 --> 00:33:16,619
na taliwas sa interes
at kapakanan ng mga tao.

484
00:33:18,579 --> 00:33:22,458
Pinlano ng Al-Qaeda
ang mga pag-atake noong 9/11

485
00:33:22,542 --> 00:33:26,379
at pinamunuan ni Osama bin Laden
na nasa Afghanistan noon.

486
00:33:32,468 --> 00:33:36,973
Bisita siya doon
ng gobyernong kontrolado ng Taliban.

487
00:33:42,311 --> 00:33:46,065
Lumapit ang U.S. sa gobyerno
ng Afghanistan, sa Taliban,

488
00:33:46,149 --> 00:33:49,360
at sinabing,
"Isuko n'yo siya o paalisin n'yo."

489
00:33:49,986 --> 00:33:53,865
Sa gitna ng presyur, tumugon na
ang Taliban ng Afghanistan sa paratang

490
00:33:53,948 --> 00:33:57,493
na ang mga pag-atake
sa New York at Washington

491
00:33:57,577 --> 00:33:59,787
ay pinlano sa teritoryo nito.

492
00:34:00,288 --> 00:34:01,497
Tumanggi sila.

493
00:34:02,165 --> 00:34:06,794
Ibig sabihin, sinabi ng Amerika na,
"Sige, susugurin namin siya."

494
00:34:09,589 --> 00:34:13,217
NAAALALA NAMIN ANG WORLD TRADE CENTER!

495
00:34:18,514 --> 00:34:22,101
Tinawagan kami para mag-deploy
'yong unit ko sa Afghanistan.

496
00:34:22,185 --> 00:34:25,021
At dahil nasa front line ang unit namin,

497
00:34:25,104 --> 00:34:29,150
'yon 'yong trabaho namin,
pupunta kami at tatapusin namin.

498
00:34:39,077 --> 00:34:42,455
Ramdam namin 'yong suporta
sa misyon namin noong panahong 'yon.

499
00:34:46,709 --> 00:34:48,753
May excitement na nararamdaman,

500
00:34:50,046 --> 00:34:53,925
'yong pakiramdam na ginagampanan mo
'yong tungkulin ng propesyon mo.

501
00:34:54,801 --> 00:34:57,553
Ito ang dahilan kung bakit ako nandito.
Kaya kami nagsanay.

502
00:34:57,637 --> 00:34:59,680
Nakaka-proud din

503
00:34:59,764 --> 00:35:02,725
na masama sa unit na sinanay
para sa gano'ng sitwasyon.

504
00:35:05,478 --> 00:35:08,606
Isa-isang bumagsak sa kamay
ng mga puwersang suportado ng US

505
00:35:08,689 --> 00:35:10,858
ang mga lungsod ng Afghan.

506
00:35:26,082 --> 00:35:28,251
Sa Kunar province
ng Afghanistan ako nakatira.

507
00:35:31,712 --> 00:35:34,340
Sa Afghanistan, diktadura talaga do'n.

508
00:35:35,299 --> 00:35:38,803
May mga patakaran
na itinakda ng Taliban para sa mga tao.

509
00:35:39,929 --> 00:35:43,641
Ten o eleven yata ako noon…

510
00:35:44,225 --> 00:35:46,644
Nakikinig sa radyo
at balita 'yong tatay ko.

511
00:35:47,228 --> 00:35:49,939
Doon namin nabalitaan 'yong 9/11.

512
00:35:50,022 --> 00:35:54,235
Diyos ko, Ed, may isa pang eroplano
na bumangga sa World Trade Center.

513
00:35:54,318 --> 00:35:56,904
Isa pang eroplano.
Medium-sized na eroplano.

514
00:35:56,988 --> 00:36:00,199
Grabe. Mukhang…

515
00:36:01,492 --> 00:36:04,245
Noong panahon ng Taliban,
wala kaming alam tungkol sa giyera,

516
00:36:04,328 --> 00:36:05,663
sa mga nangyayari.

517
00:36:05,746 --> 00:36:07,999
Parang may nangyari lang kung saan.

518
00:36:10,084 --> 00:36:14,297
Pero noong dumating ang mga Amerikano
sa Afghanistan, na-realize namin

519
00:36:14,380 --> 00:36:15,965
na may masamang nangyari.

520
00:36:21,345 --> 00:36:24,015
Noong sumalakay ang US noong 2001,

521
00:36:24,515 --> 00:36:29,604
itinuring ng karamihan ng mga Afghan
na mapaniil ang Taliban.

522
00:36:33,316 --> 00:36:35,860
Mga liberator na ang tingin
ng mga tao sa mga Amerikano.

523
00:36:36,569 --> 00:36:39,322
Malaki ang naging pag-asa
na magdadala ang US

524
00:36:39,405 --> 00:36:42,200
ng kaunlaran at kapayapaan.

525
00:36:46,162 --> 00:36:48,748
Noong Ddecember 2001,
bumagsak ang Taliban.

526
00:36:50,208 --> 00:36:51,876
Isang araw, Taliban ang namumuno.

527
00:36:51,959 --> 00:36:56,088
Kinabukasan, wala nang Taliban.
Parang lumiwanag ang lahat.

528
00:36:56,672 --> 00:36:59,800
Sabi namin, parang, malaya na tayo.

529
00:36:59,884 --> 00:37:02,595
Magagawa na natin ang gusto natin.

530
00:37:03,804 --> 00:37:08,434
Ayon sa mga source ng ABC News,
may ebidensiyang buhay pa

531
00:37:08,517 --> 00:37:11,854
si Osama bin Laden.
Nagtatago pero may kontrol pa rin.

532
00:37:11,938 --> 00:37:15,233
Kaya nandoon kami.
Kaya hinahabol namin sila.

533
00:37:15,316 --> 00:37:17,109
Kaya binobomba namin.

534
00:37:18,110 --> 00:37:21,072
Kaya nakikipagtulungan kami
sa Afghan forces.

535
00:37:24,617 --> 00:37:28,037
Bata pa lang ako
pangarap ko nang maging piloto.

536
00:37:28,120 --> 00:37:31,874
Tinupad ko 'yong pangarap ko
at naging piloto ako.

537
00:37:33,876 --> 00:37:37,004
Pumunta ako sa US
para maging fighter pilot.

538
00:37:39,298 --> 00:37:41,342
Bumalik ako sa bansa ko

539
00:37:41,926 --> 00:37:44,720
at naglingkod sa military
laban sa Taliban.

540
00:37:49,809 --> 00:37:51,352
PAMPUBLIKONG PAGBITAY

541
00:37:51,435 --> 00:37:56,190
Pangunahing layunin naming iligtas
ang mga tao sa Taliban at mga batas nito.

542
00:37:58,609 --> 00:37:59,986
PAGSIRA NG MGA GAMIT

543
00:38:02,697 --> 00:38:05,324
Dahil nakita ko na sila dati

544
00:38:06,784 --> 00:38:10,454
at ayokong magkaro'n sila ulit
ng kapangyarihan.

545
00:38:16,294 --> 00:38:19,171
'Yong mga Amerikano,
parang counterpart namin sila.

546
00:38:19,255 --> 00:38:21,549
Magkakampi kami.

547
00:38:30,933 --> 00:38:33,561
Noong 1978,

548
00:38:33,644 --> 00:38:35,980
mga seven years old ako.

549
00:38:36,647 --> 00:38:39,859
Pagdating ko dito,
pizza agad ang kinain ko.

550
00:38:39,942 --> 00:38:41,736
Sabi ko, Diyos ko.

551
00:38:42,737 --> 00:38:45,573
Tinatawag na Little Pakistan
'yong lugar na kinalakihan ko.

552
00:38:46,324 --> 00:38:48,117
Sa Brooklyn, New York.

553
00:38:48,826 --> 00:38:50,828
Tatay ko ang nagbukas ng unang tindahan.

554
00:38:51,620 --> 00:38:54,790
Nagkaro'n ng mosque,
tapos unti-unti nang lumago ang komunidad.

555
00:38:56,792 --> 00:38:59,879
Ano bang ginagawa ng mga immigrant?
Puro trabaho lang.

556
00:39:03,716 --> 00:39:06,510
Nagkaro'n ako ng grocery store
sa kabila saka 99 cents store.

557
00:39:06,594 --> 00:39:08,137
May restaurant din ako.

558
00:39:09,847 --> 00:39:12,224
Natupad ko 'yong pangarap ko sa Amerika.

559
00:39:16,896 --> 00:39:20,649
Immigrants kaming lahat
pero Amerikano kami.

560
00:39:22,568 --> 00:39:25,613
Hindi ko naramdaman

561
00:39:26,364 --> 00:39:28,657
na negatibo 'yong pagkatao ko.

562
00:39:33,954 --> 00:39:36,540
Bumagsak 'yong buong second tower.

563
00:39:36,624 --> 00:39:38,167
Wala na 'yong buong building.

564
00:39:38,250 --> 00:39:39,502
'Yong buong building.

565
00:39:40,628 --> 00:39:42,380
Tapos nangyari 'yong mga pag-atake.

566
00:39:43,756 --> 00:39:46,842
Umiyak talaga ako.
Di ako makapaniwala noon.

567
00:39:52,139 --> 00:39:55,976
'Yong mga ginawa nila,
di talaga kapani-paniwala.

568
00:39:56,477 --> 00:39:58,771
Kawawa naman 'yong mga tao. Diyos ko.

569
00:39:59,271 --> 00:40:01,982
Pagbagsak ng mga building,
lumutang 'yong mga abo

570
00:40:02,483 --> 00:40:04,652
sa harap mismo ng pintuan ko.

571
00:40:06,612 --> 00:40:09,198
No'ng nagkaro'n na ng mga abo,
'yon 'yong nakakalungkot

572
00:40:11,575 --> 00:40:14,120
kasi maiisip mo na parang, "Diyos ko."

573
00:40:16,705 --> 00:40:19,458
Nagtatrabaho ako sa fabric store

574
00:40:19,542 --> 00:40:21,502
at sabi ng mga kaibigan kong Italian,

575
00:40:21,585 --> 00:40:23,379
"Paano 'to nagawa ng mga kababayan mo?"

576
00:40:23,462 --> 00:40:24,839
"Di ko sila kababayan."

577
00:40:26,507 --> 00:40:28,926
May tatlo kaming anak na babae
at dalawang lalaki.

578
00:40:29,009 --> 00:40:30,594
Noon, dalawa't dalawa pa lang.

579
00:40:31,554 --> 00:40:32,721
Umuwi ako at umupo.

580
00:40:33,222 --> 00:40:35,683
Sabi ko lang, wala tayong kinalaman do'n.

581
00:40:36,559 --> 00:40:39,437
Kapag nakikipaggiyera 'yong bansa
sa grupong ito,

582
00:40:39,520 --> 00:40:41,814
ano sa tingin n'yo ang gagawin ng mga tao?

583
00:40:41,897 --> 00:40:43,190
Kakalabanin nila kami.

584
00:40:43,274 --> 00:40:45,151
Sana pauwiin kayong lahat.

585
00:40:45,234 --> 00:40:48,028
Sana patayin nila 'yong
mga kababayan n'yo, pati mga inosente.

586
00:40:48,112 --> 00:40:50,406
Umuwi na kayo. Ayaw namin sa inyo.

587
00:40:51,407 --> 00:40:52,241
May isa pa.

588
00:40:52,324 --> 00:40:53,909
Para burahin, pindutin ang one.

589
00:40:54,743 --> 00:40:56,120
Hello, Muslims.

590
00:40:56,620 --> 00:41:00,040
Bakit n'yo pinatay ang 5,000 tao
sa World Trade Center?

591
00:41:00,666 --> 00:41:02,668
Ginising n'yo ang mga Amerikano.

592
00:41:02,751 --> 00:41:04,336
Sisipain namin kayo.

593
00:41:07,173 --> 00:41:09,091
Americans din kami

594
00:41:09,175 --> 00:41:12,511
at apektado kami
sa trahedyang ito kagaya ng iba.

595
00:41:12,595 --> 00:41:15,639
Sinasabi ko lang na 'yong lider n'yo,

596
00:41:15,723 --> 00:41:17,558
siya 'yong nagbabanta sa Amerika.

597
00:41:17,641 --> 00:41:21,854
Importante sa amin
na hindi sisihin ang religion.

598
00:41:21,937 --> 00:41:24,773
May 1.6 bilyong Muslim sa mundo.

599
00:41:25,441 --> 00:41:29,695
Sinisisi kami sa bagay na wala kaming
kontrol at wala kaming kinalaman.

600
00:41:29,778 --> 00:41:32,490
Hindi terorista ang mga Muslim.

601
00:41:32,573 --> 00:41:35,117
Hindi terorista ang mga Muslim.

602
00:41:35,201 --> 00:41:37,661
Bigla akong naging dayuhan.

603
00:41:39,163 --> 00:41:40,748
Di ko pa naramdaman 'yon.

604
00:41:41,916 --> 00:41:46,795
Pakiramdam niyang binabantayan siya
at naniniwala siyang minamanmanan siya.

605
00:41:46,879 --> 00:41:48,672
Siguro isang linggo pagkatapos ng 9/11,

606
00:41:49,173 --> 00:41:51,425
may kumatok sa pinto, FBI.

607
00:41:51,509 --> 00:41:53,844
"May gathering ba sa basement mo?"
Sabi ko, oo.

608
00:41:53,928 --> 00:41:56,764
Malaki ang pamilya ko.
Bumababa kami at nagdarasal.

609
00:41:56,847 --> 00:41:59,433
May mga tinanong pa siya.
"Saan ka nagtatrabaho?"

610
00:41:59,517 --> 00:42:03,103
Sabi ko, may grocery store ako
at 99-cent store.

611
00:42:03,187 --> 00:42:06,232
"Sige, siguro dadaan na lang kami
at magkita tayo ulit."

612
00:42:07,233 --> 00:42:09,026
Kung nangyari 'yon sa akin,

613
00:42:09,610 --> 00:42:13,280
paano pa kaya kung nangyari 'yon
sa mga di marunong mag-English

614
00:42:13,364 --> 00:42:16,534
o sa mga di nakakaintindi ng sistema dito?

615
00:42:16,617 --> 00:42:18,369
Matatakot siya.

616
00:42:20,329 --> 00:42:22,498
Itinulak sa hagdan 'yong panganay ko.

617
00:42:22,581 --> 00:42:26,126
Hinila 'yong scarf niya at minura siya.

618
00:42:26,877 --> 00:42:28,128
Sabi ko, "Diyos ko, bakit?"

619
00:42:28,212 --> 00:42:30,464
Sabi niya,
"Kaya nga di ko sinabi sa 'yo, e."

620
00:42:31,465 --> 00:42:33,676
"Kasi alam kong gagawa ka ng eksena."

621
00:42:33,759 --> 00:42:36,387
Nakakalungkot lang
na di niya sinabi sa akin.

622
00:42:36,470 --> 00:42:38,222
Pero naintindihan ko siya

623
00:42:38,305 --> 00:42:41,267
kasi magiging sentro siya ng atensiyon.

624
00:42:50,276 --> 00:42:54,280
Nagsasagawa ng importanteng hakbang
ang Homeland Security Act of 2002

625
00:42:54,363 --> 00:42:56,240
para ipagtanggol ang bansa.

626
00:42:58,117 --> 00:43:02,413
Walang Homeland Security
sa United States bago ang 9/11.

627
00:43:04,707 --> 00:43:06,041
Parang mali.

628
00:43:06,125 --> 00:43:11,755
Parang galing pa ito sa panahon
ng nasyonalismo sa Europe,

629
00:43:11,839 --> 00:43:17,553
kumpara sa dating konsepto
ng pagiging Amerikano,

630
00:43:18,095 --> 00:43:20,055
na puwede kang manggaling kahit saan

631
00:43:20,139 --> 00:43:23,475
basta naniniwala ka sa mga bagay na 'to

632
00:43:23,559 --> 00:43:27,146
at handa kang magsikap
para mamuhay tayo nang mapayapa.

633
00:43:27,229 --> 00:43:29,231
Ayos, may bagong Amerikano na naman.

634
00:43:30,858 --> 00:43:32,943
Ang Department of Homeland Security

635
00:43:33,027 --> 00:43:35,988
ang unang senyales na
magbabago ang lahat ng 'yon.

636
00:43:37,489 --> 00:43:42,369
Di nagtagal, naging mas malawak
at mas mahirap tukuyin

637
00:43:42,453 --> 00:43:45,039
ang tunay na pokus

638
00:43:45,122 --> 00:43:47,916
ng war on terror.

639
00:43:49,209 --> 00:43:52,713
Bigla na lang, may mandato na ring

640
00:43:52,796 --> 00:43:55,382
kontra-terorismo ang mga patakaran

641
00:43:55,466 --> 00:43:59,053
sa imigrasyon ng Amerika.

642
00:43:59,637 --> 00:44:03,849
'Yon ang simula ng mga ahensiya
na magiging ICE.

643
00:44:05,225 --> 00:44:10,731
Itinatag ng Department of Homeland
Security ang konsepto

644
00:44:10,814 --> 00:44:14,068
na hindi lang sa ibang bansa
nangyayari ang war on terror,

645
00:44:14,151 --> 00:44:15,861
kundi pati sa sariling bansa.

646
00:44:23,952 --> 00:44:25,829
-Ang saya mo.
-Gusto ko 'yan.

647
00:44:25,913 --> 00:44:28,415
May kopya ako niyan sa wallet ko.

648
00:44:31,669 --> 00:44:36,298
Naging piloto ang tatay ko
no'ng 16 years old siya.

649
00:44:38,342 --> 00:44:43,847
Nagkaroon siya ng lisensya
at pumasok sa Air Force Academy.

650
00:44:45,474 --> 00:44:48,602
Hindi ko na masyadong inalam
ang tungkol sa kanya.

651
00:44:50,479 --> 00:44:54,066
Mahirap pa rin para sa akin
na malaman ang kahit ano

652
00:44:54,149 --> 00:44:55,776
dahil pag mas marami akong alam,

653
00:44:55,859 --> 00:44:58,904
mas naiisip ko 'yong mga bagay na wala ako

654
00:44:58,987 --> 00:45:02,116
at 'yong buhay na di ko naranasan.

655
00:45:04,201 --> 00:45:05,619
Kamukha mo nga siya.

656
00:45:06,328 --> 00:45:07,538
Oo nga.

657
00:45:10,416 --> 00:45:12,209
Hirap akong tumingin sa mga picture.

658
00:45:12,793 --> 00:45:14,920
Oo, sobrang emotional.

659
00:45:15,921 --> 00:45:16,922
Okay lang.

660
00:45:19,717 --> 00:45:24,304
Sa social media nalaman
ng henerasyon ko ang tungkol sa 9/11,

661
00:45:24,388 --> 00:45:28,058
sa Instagram, Twitter, Facebook.

662
00:45:29,184 --> 00:45:32,855
Parang public figure ako

663
00:45:32,938 --> 00:45:35,149
kasi puwede mo akong i-search.

664
00:45:36,650 --> 00:45:40,320
Ilang beses na akong minessage
tungkol sa kanya.

665
00:45:41,447 --> 00:45:43,907
Di ko alam kung inaasar lang ba nila ako.

666
00:45:44,408 --> 00:45:49,872
Nagjo-joke ang mga tao na si Bush daw
ang nagplano ng 9/11,

667
00:45:50,497 --> 00:45:52,666
may joke rin tungkol kay Osama Bin Laden,

668
00:45:52,750 --> 00:45:56,378
na naging meme na rin.

669
00:45:57,254 --> 00:46:00,090
Sobrang daming conspiracy.

670
00:46:00,174 --> 00:46:03,302
Marami akong nakitang YouTube channel

671
00:46:03,385 --> 00:46:06,096
na nagpo-post ng mga video
tungkol sa conspiracy.

672
00:46:06,180 --> 00:46:09,266
Posible bang inside job ang 9/11?

673
00:46:09,349 --> 00:46:13,729
Hindi lang posible
pero kumpirmado na nagsinungaling sila.

674
00:46:13,812 --> 00:46:16,398
May mga comment
na gawa-gawa lang lahat 'to

675
00:46:16,482 --> 00:46:18,358
o inside job.

676
00:46:18,442 --> 00:46:20,819
Sobrang insensitive ng mga comment.

677
00:46:21,487 --> 00:46:24,364
NAGAGALIT KA BA SA MGA JOKE
TUNGKOL SA 9 11?

678
00:46:24,448 --> 00:46:28,619
May mga bastos din na mga comment.

679
00:46:30,370 --> 00:46:32,998
Na-realize ko kung gaano ako ka-vulnerable

680
00:46:33,081 --> 00:46:36,877
dahil sobrang daming impormasyon
tungkol sa nangyaring

681
00:46:36,960 --> 00:46:40,130
na puwedeng gamitin ng mga tao
para saktan ako.

682
00:46:43,509 --> 00:46:46,553
Parang parte na 'to ng kasaysayan.

683
00:46:47,471 --> 00:46:51,850
May bagong henerasyon na di pa buhay,

684
00:46:51,934 --> 00:46:53,811
o bata pa sila no'ng nangyari 'yon.

685
00:46:54,645 --> 00:46:56,522
Pero di nila 'yon maiiwasan.

686
00:47:03,070 --> 00:47:06,782
Sa mga nakaraang taon,
madalas kong balikan ang childhood ko

687
00:47:06,865 --> 00:47:10,619
at kung ano sana ang naging buhay ko.

688
00:47:13,038 --> 00:47:15,499
Hinahanap ko pa rin 'yong tamang salita,

689
00:47:15,582 --> 00:47:19,837
'yong pakiramdam na dapat
ganito 'yong buhay mo

690
00:47:20,671 --> 00:47:25,092
tapos may isang bagay
na sisira sa buong kinabukasan mo.

691
00:47:31,807 --> 00:47:38,063
Ang pagbabago sa teknolohiya,
gaya ng internet at social media,

692
00:47:38,647 --> 00:47:44,236
lalo nilang pinapalakas
ang mga teoryang sabwatan

693
00:47:44,319 --> 00:47:48,782
na matagal nang umiiral
sa ilang parte ng United States.

694
00:47:50,534 --> 00:47:55,998
Makikita talagang nagsabay ang 9/11

695
00:47:56,081 --> 00:48:00,961
sa lalong paglaganap
ng mga conspiracy sa Amerika,

696
00:48:01,044 --> 00:48:05,924
na naglunsad sa napakadilim na kilusang

697
00:48:06,008 --> 00:48:09,094
tinatawag nating 9/11 Truthers.

698
00:48:09,177 --> 00:48:10,679
Hello, ako si Alex Jones.

699
00:48:10,762 --> 00:48:15,767
Kumalat ang lasong ito

700
00:48:15,851 --> 00:48:19,980
sa lahat ng uri ng mga grupo sa Amerika

701
00:48:20,063 --> 00:48:23,400
na far right at far left,

702
00:48:23,483 --> 00:48:26,820
at naaapektuhan nito ang ating politika.

703
00:48:26,904 --> 00:48:30,949
Naaapektuhan din nito
ang ating pambansang kultura at debate.

704
00:48:31,992 --> 00:48:35,829
Nare-realize rin ng mga kompanya

705
00:48:35,913 --> 00:48:42,586
na ang mga content na nakakagalit
ang humihila ng engagement.

706
00:48:42,669 --> 00:48:47,966
Alam nating hindi sapat
ang init ng apoy para tunawin ang bakal,

707
00:48:48,050 --> 00:48:51,011
pero natunaw ang metal
sa base ng mga tower.

708
00:48:51,094 --> 00:48:57,351
Kaya kumalat 'yong mga conspiracy,
kumalat 'yong political polarization.

709
00:48:57,434 --> 00:49:02,022
Nahaharap tayo sa pag-usbong
ng Islamo-Nazism sa buong mundo.

710
00:49:03,815 --> 00:49:05,901
Nalaman ito ng ibang bansa,
gaya ng Russia,

711
00:49:05,984 --> 00:49:09,446
at ginamit nila ang ilan sa mga ito
laban sa atin para magpakalat

712
00:49:09,529 --> 00:49:13,325
ng pekeng impormasyon at mga content
na nagpapa-away-away sa mga tao.

713
00:49:14,785 --> 00:49:20,040
May malinaw na koneksiyon

714
00:49:20,832 --> 00:49:25,045
na nag-uugnay sa atin
sa mga conspiracy noong 9/11

715
00:49:25,128 --> 00:49:27,923
at sa pinakamalalang sitwasyon
ng politika natin ngayon.

716
00:49:29,466 --> 00:49:33,011
Mukhang biglang sumabog.
Pinalikas na nila lahat sa hotel.

717
00:49:33,095 --> 00:49:34,680
Pinalikas na lahat ng empleyado.

718
00:49:34,763 --> 00:49:36,682
-Lumabas na sila sa hotel?
-Oo.

719
00:49:36,765 --> 00:49:37,933
-Kaagad?
-Oo.

720
00:49:38,016 --> 00:49:39,643
May nabalitaan ka ba, Wendell,

721
00:49:39,726 --> 00:49:41,895
-kung anong klaseng eroplano 'yon?
-Wala.

722
00:49:41,979 --> 00:49:44,022
-O kung ilan ang sakay?
-Wala.

723
00:49:44,106 --> 00:49:46,316
Sige. Mr. Klein, salamat po.

724
00:49:46,400 --> 00:49:47,526
Naiintindihan ko…

725
00:49:47,609 --> 00:49:49,486
Pagkatapos ng atake,

726
00:49:49,569 --> 00:49:55,367
naaalala ko 'yong mga lumabas na tsismis,
sobrang nakakalito.

727
00:49:56,660 --> 00:49:57,953
Kaming mga undergrad sa NYU

728
00:49:58,036 --> 00:50:00,580
na nakatira malapit sa tower,

729
00:50:00,664 --> 00:50:02,833
nilipat kami sa hotel.

730
00:50:02,916 --> 00:50:05,127
Tumira ako sa hotel nang ilang buwan.

731
00:50:05,836 --> 00:50:08,046
No'ng panahong 'yon,
nag-aaral ako ng physics,

732
00:50:09,214 --> 00:50:12,968
pero do'n ko na napansin
'yong nangyayari sa mundo.

733
00:50:13,468 --> 00:50:15,303
Bata pa ako. Twenty ako noon.

734
00:50:15,971 --> 00:50:19,433
Sinubaybayan ko na 'yong war on terror.

735
00:50:21,810 --> 00:50:24,271
Pumunta ako sa Afghanistan dahil

736
00:50:24,354 --> 00:50:25,939
sinusubaybayan ko 'yong mga balita

737
00:50:26,023 --> 00:50:28,775
at nadismaya ako sa kung paano
nila ito ibinabalita,

738
00:50:28,859 --> 00:50:31,194
dahil di ko talaga
naiintindihan 'yong nangyayari.

739
00:50:31,862 --> 00:50:34,823
Pagdating ko doon,
nagsimula agad akong mag-report

740
00:50:34,906 --> 00:50:37,617
at nakita ko
'yong kabilang panig ng hidwaan…

741
00:50:40,412 --> 00:50:41,329
sa Afghanistan.

742
00:50:41,413 --> 00:50:42,831
May kakaibang sitwasyon

743
00:50:42,914 --> 00:50:46,126
kung saan may libo-libong
sundalong Amerikano sa Afghanistan

744
00:50:46,209 --> 00:50:47,878
pero walang kalaban.

745
00:50:47,961 --> 00:50:52,507
Kaya para maresolba 'yong kontradiksyon
na ito, nakipag-alyansa ang US

746
00:50:52,591 --> 00:50:54,384
sa mga warlord sa bansa.

747
00:50:55,969 --> 00:50:58,096
Sabi nila,
"Lalabanan namin ang terorismo."

748
00:50:58,180 --> 00:51:01,641
"Lalabanan namin ang masasamang tao,
isuko n'yo sila."

749
00:51:01,725 --> 00:51:03,852
"Bigyan n'yo kami ng impormasyon.
Nasaan sila?"

750
00:51:03,935 --> 00:51:05,187
Talib! Talib!

751
00:51:05,270 --> 00:51:06,104
Taliban?

752
00:51:07,230 --> 00:51:08,690
Binayaran nila ang mga warlord.

753
00:51:08,774 --> 00:51:11,902
Kaya may dahilan na sila
para magbigay ng impormasyon.

754
00:51:11,985 --> 00:51:14,780
Halimbawa, may lupa ka,

755
00:51:14,863 --> 00:51:16,406
tapos gusto ko 'yong lupa,

756
00:51:16,490 --> 00:51:19,284
sasabihin ko sa mga Amerikano
na miyembro ka ng Al-Qaeda.

757
00:51:21,203 --> 00:51:23,121
Tatanggapin 'yon ng U.S. troops

758
00:51:23,205 --> 00:51:25,373
at ire-raid nila at kukunin nila
'yong mga tao.

759
00:51:25,457 --> 00:51:28,627
Hindi ako member ng Al-Qaeda.
Estudyante ako.

760
00:51:28,710 --> 00:51:30,670
Paulit-ulit 'tong nangyari.

761
00:51:31,755 --> 00:51:33,548
At ang naging resulta nito,

762
00:51:33,632 --> 00:51:38,053
kahit na may malakas
na suporta para sa US,

763
00:51:38,136 --> 00:51:41,598
unti-unting nagalit
ang mga taga-nayon sa mga Amerikano,

764
00:51:42,474 --> 00:51:46,186
kaya hindi na liberator ang tingin
sa kanila, kundi mananakop.

765
00:51:48,563 --> 00:51:51,691
Dito nagsimulang mabuo muli ang Taliban.

766
00:51:54,861 --> 00:51:59,199
Ang 9/11 at ang War on Terror

767
00:51:59,282 --> 00:52:02,077
ang nagpasimula sa unti-unting
pagkawala ng tiwala

768
00:52:02,160 --> 00:52:04,955
ng mga tao sa mga pinuno ng gobyerno.

769
00:52:05,038 --> 00:52:08,583
Sinabihan kami na kailangan naming
sakupin ang Iraq, halimbawa,

770
00:52:08,667 --> 00:52:11,920
dahil may mga armas si Saddam Hussein
na magdudulot ng mass destruction.

771
00:52:12,921 --> 00:52:15,382
Responsibilidad nating ibigay
sa mga anak at apo natin

772
00:52:15,465 --> 00:52:19,511
ang isang mundong walang mga armas
na magdudulot ng mass destruction.

773
00:52:19,594 --> 00:52:20,887
Weapons of mass destruction.

774
00:52:20,971 --> 00:52:22,514
Weapons of mass destruction?

775
00:52:22,597 --> 00:52:24,766
Hindi pala totoo.

776
00:52:24,850 --> 00:52:26,226
WALANG EBIDENSIYA

777
00:52:26,309 --> 00:52:29,396
Dahil do'n, nawala 'yong tiwala

778
00:52:29,479 --> 00:52:35,443
at nagkawatak-watak ang mga tao,
na hanggang ngayon, di pa rin naaayos.

779
00:52:36,903 --> 00:52:40,323
Ipinaglalaban natin ang kalayaan
at demokrasya, mga ginoo!

780
00:52:41,283 --> 00:52:44,870
Para sa marami,
ang pagkamatay ni Osama bin Laden

781
00:52:44,953 --> 00:52:47,372
ang tanda ng pagtatapos ng War on Terror.

782
00:52:47,455 --> 00:52:50,083
Tapos na. Inuubos na lang nila.

783
00:52:52,878 --> 00:52:54,129
WAG KALIMUTAN

784
00:52:54,212 --> 00:52:57,883
Pero sa Iraq,
may bagong grupo ng terorista.

785
00:52:59,593 --> 00:53:02,470
Sa kaguluhan noong sinakop ng US ang Iraq,

786
00:53:02,554 --> 00:53:06,766
iba't ibang grupo ang nagsilabasan
para lumaban sa mga mananakop.

787
00:53:09,853 --> 00:53:12,314
Isa sa mga grupong 'yon ang Al-Qaeda.

788
00:53:12,397 --> 00:53:14,482
Kalaunan, habang patuloy ang giyera,

789
00:53:14,566 --> 00:53:18,195
naging mas radikal ang Al-Qaeda
at humiwalay ang isang pangkat

790
00:53:18,278 --> 00:53:20,113
na kilala ngayon bilang ISIS.

791
00:53:21,907 --> 00:53:26,411
Naging isa ang ISIS sa pinakamalakas
na teroristang organisasyon sa kasaysayan.

792
00:53:39,883 --> 00:53:43,220
Noong 9/11, nasa English class ako

793
00:53:43,303 --> 00:53:49,017
at may pumasok sa classroom namin
at sinabing, "Buksan n'yo 'yong TV."

794
00:53:49,100 --> 00:53:50,352
Binuksan namin.

795
00:53:51,519 --> 00:53:55,732
Maya-maya lang, tinawag kami
ng kapatid ko ng principal at sinabing,

796
00:53:56,233 --> 00:53:57,692
"Umuwi na kayo."

797
00:53:58,443 --> 00:54:00,195
Kami lang 'yong Muslim sa school

798
00:54:00,695 --> 00:54:06,826
at gusto nilang gumawa agad ng paraan
para maprotektahan kami.

799
00:54:07,494 --> 00:54:09,287
Pinasundo nila kami sa parents namin.

800
00:54:10,163 --> 00:54:12,249
Habang lumalaki ako,

801
00:54:12,332 --> 00:54:16,670
nagsimula na 'yong giyera ng US
sa Afghanistan at Iraq.

802
00:54:17,420 --> 00:54:20,966
Nakita na kung paano lumaganap
'yong sunod-sunod na karahasan.

803
00:54:25,762 --> 00:54:27,264
Masaya akong nandito ka. Salamat.

804
00:54:28,139 --> 00:54:31,101
Umasa na si Obama

805
00:54:31,184 --> 00:54:35,355
sa mga targeted na pagpatay
gamit ang unmanned aircraft, drones,

806
00:54:35,855 --> 00:54:39,651
Predator at Reaper drones
na nagpapaputok ng Hellfire missile.

807
00:54:41,236 --> 00:54:45,198
At hindi lang mga kilalang lider
ng mga terorista ang tina-target,

808
00:54:45,782 --> 00:54:48,952
kundi pati 'yong tinatawag
na signature strikes.

809
00:54:50,996 --> 00:54:52,872
Sa madaling salita, kahit walang

810
00:54:52,956 --> 00:54:56,543
malinaw na impormasyon
kung sino ang target,

811
00:54:56,626 --> 00:54:57,752
aatake pa rin kami.

812
00:54:58,336 --> 00:55:01,589
At siyempre, hindi maiiwasan,
nagkaroon ng trahedya

813
00:55:01,673 --> 00:55:05,427
at napatay nang di sinasadya
ang mga inosenteng sibilyan.

814
00:55:08,096 --> 00:55:09,848
Kapag pinapanood mo 'yon sa malayo,

815
00:55:09,931 --> 00:55:12,475
mukha lang silang mga drone strike.

816
00:55:12,559 --> 00:55:14,352
Parang computer game.

817
00:55:15,353 --> 00:55:16,354
Na may sumabog.

818
00:55:16,438 --> 00:55:17,772
Iba pag nasa lupa ka.

819
00:55:21,026 --> 00:55:24,195
Nakakakilabot na gawin 'yon.
May mga taong nasasabugan.

820
00:55:25,030 --> 00:55:27,073
Nasusunog sila nang matindi.

821
00:55:29,826 --> 00:55:32,662
Nagdesisyon ang administrasyon ni Obama

822
00:55:32,746 --> 00:55:35,665
na puwede nilang gamitin
ang militar laban sa ISIS,

823
00:55:36,249 --> 00:55:38,043
kahit wala ito noong 9/11,

824
00:55:38,126 --> 00:55:43,048
gamit ang awtoridad na ibinigay
sa 2001 Authorization for Use of Military.

825
00:55:45,675 --> 00:55:49,554
Naging daan ito para magpatuloy
ang puwersang militar

826
00:55:49,637 --> 00:55:52,766
gamit ang awtoridad na 'yon
sa loob pa ng isang dekada.

827
00:55:57,395 --> 00:55:59,189
Unang lipad ko noong 14 ako.

828
00:56:00,357 --> 00:56:03,818
Nakuha ko 'yong private
pilot license ko noong 16 ako.

829
00:56:04,611 --> 00:56:06,905
Dati ko pang gusto maging fighter pilot.

830
00:56:07,947 --> 00:56:12,285
No'ng bata ako, paulit-ulit kong pinanood
'yong dalawang VHS ngTop Gun.

831
00:56:13,286 --> 00:56:15,914
Pagkatapos ng 9/11,
pumunta ako sa Marine Corps recruiter.

832
00:56:15,997 --> 00:56:17,665
Sabi niya, "Ilang pull-up kaya mo?"

833
00:56:21,127 --> 00:56:24,297
Operation Inherent Resolve
ang misyon na sinusuportahan namin.

834
00:56:25,006 --> 00:56:27,717
Sakop nito ang Iraq at Syria.

835
00:56:31,096 --> 00:56:34,349
Trabaho namin na magbigay ng air support

836
00:56:35,141 --> 00:56:37,894
sa pamamagitan ng reconnaissance
o direct action,

837
00:56:37,977 --> 00:56:39,938
maghulog ng bomba, mga strike, mga gano'n,

838
00:56:40,730 --> 00:56:42,273
laban sa ISIS.

839
00:56:44,734 --> 00:56:48,613
Gusto kong manatiling anonymous
ang identity ko dahil

840
00:56:48,696 --> 00:56:52,784
sigurado akong may mga tao
na gustong maghiganti.

841
00:56:53,660 --> 00:56:55,328
Sana di na namin ginawa 'yon.

842
00:56:56,413 --> 00:56:57,914
Mahal ko ang trabaho ko.

843
00:56:58,415 --> 00:56:59,958
Gusto kong pumatay ng ISIS.

844
00:57:01,334 --> 00:57:04,712
Pero alam ko pa rin kung gaano kabigat
ang ginagawa namin.

845
00:57:06,464 --> 00:57:09,217
Mas gusto ko pang nasa San Diego ako,

846
00:57:09,300 --> 00:57:10,927
kumakain ng fish tacos sa beach.

847
00:57:11,428 --> 00:57:14,055
Pero ito 'yong pinasok ko.
Ito ang trabaho ko.

848
00:57:14,139 --> 00:57:15,974
Ito ang pinagkatiwala nila sa akin.

849
00:57:16,057 --> 00:57:18,059
Kaya gagawin ko.

850
00:57:28,611 --> 00:57:33,700
Naalala ko 'yong
imposibleng statistics na lumabas.

851
00:57:33,783 --> 00:57:38,621
Sabi ng United States na
nakapatay sila ng 25,000 ISIS fighters.

852
00:57:38,705 --> 00:57:44,002
Pero 21 o 24 na sibilyan lang
ang inaamin nilang namatay.

853
00:57:44,502 --> 00:57:46,463
Imposible 'yon.

854
00:57:49,132 --> 00:57:54,512
Pinuntahan ko 'yong mismong lugar
at inimbestigahan 'yong mga namatay.

855
00:57:56,931 --> 00:57:58,641
Kung titingnan ang datos ng gobyerno

856
00:57:58,725 --> 00:58:02,937
tungkol sa porsiyento ng mga sibilyang
inamin nilang namamatay,

857
00:58:03,021 --> 00:58:05,106
wala pang 1% ng lahat ng pag-atakeng 'to

858
00:58:05,190 --> 00:58:06,983
ang may nasasawing sibilyan.

859
00:58:08,401 --> 00:58:12,864
Pero matagal akong nasa mismong lugar

860
00:58:12,947 --> 00:58:15,366
at sinuri ko 'yong ibang airstrike.

861
00:58:15,450 --> 00:58:17,243
Ang nakita ko,

862
00:58:17,327 --> 00:58:20,914
sa bawat limang strike,
may namamatay na sibilyan.

863
00:58:21,498 --> 00:58:25,502
Hindi lang 'yon doble o triple
sa iniisip ng gobyerno.

864
00:58:25,585 --> 00:58:28,129
Mas mataas 'yon ng 31 beses.

865
00:58:31,549 --> 00:58:33,885
Sobrang bait ng mga tao.

866
00:58:34,719 --> 00:58:36,429
Napaka-welcoming nila.

867
00:58:36,930 --> 00:58:39,891
Wala akong maalalang
tumanggi na makipag-usap sa akin.

868
00:58:40,475 --> 00:58:43,228
Maraming sibilyan ang naniniwala

869
00:58:43,311 --> 00:58:46,940
na kayang maging eksakto
ng mga Amerikano sa pag-target.

870
00:58:47,023 --> 00:58:49,359
Naalala ko na may lalaking
nagturo ng tasa niya,

871
00:58:49,442 --> 00:58:51,236
hawak niya 'yong tasa, tapos sabi niya,

872
00:58:51,319 --> 00:58:53,863
"Kaya nilang tamaan
'tong tasa kung gusto nila."

873
00:58:53,947 --> 00:58:55,240
'Yon ang paniniwala niya.

874
00:58:56,407 --> 00:58:57,951
"Tingnan mo 'yong pamilya ko."

875
00:59:00,995 --> 00:59:02,372
Paulit-ulit,

876
00:59:02,872 --> 00:59:05,458
ikinukuwento ng mga magulang
sa akin 'yong tungkol sa

877
00:59:05,542 --> 00:59:07,252
kung paano tumawa 'yong anak nila,

878
00:59:07,961 --> 00:59:12,340
o pinapakita sa 'kin 'yong picture niya
na may hawak na paputok

879
00:59:12,423 --> 00:59:13,883
noong gabi bago siya pinatay.

880
00:59:14,467 --> 00:59:16,010
'Yong sigla niya, kabataan niya,

881
00:59:16,511 --> 00:59:19,472
'yong sakit na mabuhay nang
mas matagal kaysa sa sariling anak.

882
00:59:20,598 --> 00:59:22,183
Lagi kong naaalala 'yon.

883
00:59:23,643 --> 00:59:25,061
Di ko alam kung paano

884
00:59:27,438 --> 00:59:28,940
makaka-move sa gano'n.

885
00:59:34,320 --> 00:59:36,364
Noong umalis si Obama sa puwesto,

886
00:59:36,447 --> 00:59:40,451
nakikipaglaban ang Amerika
sa terorismo sa ibang paraan

887
00:59:40,535 --> 00:59:42,704
sa humigit-kumulang 13 bansa.

888
00:59:44,205 --> 00:59:48,167
Ang pariralang "endless war"
at "forever war,"

889
00:59:48,251 --> 00:59:50,920
mas malawak nang ginagamit.

890
00:59:54,632 --> 00:59:57,635
Si Obama, kahit siya ang drone president

891
00:59:57,719 --> 01:00:00,388
na regular na nag-uutos
ng mga drone strike

892
01:00:00,471 --> 01:00:02,348
sa maraming lugar,

893
01:00:02,974 --> 01:00:04,142
tinatanong niya,

894
01:00:04,225 --> 01:00:07,979
paano kung mas marami pa tayong
nagagawang terorista

895
01:00:08,062 --> 01:00:09,314
kaysa napapatay?

896
01:00:12,817 --> 01:00:14,944
May problema tayo sa bansa.

897
01:00:15,028 --> 01:00:15,903
Mga Muslim.

898
01:00:16,487 --> 01:00:18,906
Alam nating Muslim ang presidente natin.

899
01:00:19,490 --> 01:00:20,950
-Tama.
-Ni hindi siya Amerikano.

900
01:00:21,034 --> 01:00:23,077
-Kailangan natin 'to.
-Birth certificate.

901
01:00:23,578 --> 01:00:29,459
Pero may mga training camp
kung saan gusto nila tayong patayin.

902
01:00:29,542 --> 01:00:32,462
'Yon ang tanong ko.
Kailan natin sila mapupuksa?

903
01:00:32,545 --> 01:00:34,380
Marami tayong titingnan.

904
01:00:34,464 --> 01:00:36,507
Maraming nagsasabi no'n

905
01:00:36,591 --> 01:00:39,344
at maraming nagsasabi
na may masasamang nangyayari.

906
01:00:39,427 --> 01:00:44,015
Deretsong magsalita si Donald Trump
pero mahusay umunawa ng mga pahiwatig.

907
01:00:44,098 --> 01:00:45,892
Trump! Trump!

908
01:00:45,975 --> 01:00:50,480
Nakita niya agad na puwedeng
gamitin ang war on terror

909
01:00:50,563 --> 01:00:52,899
para makuha ang kapangyarihan

910
01:00:52,982 --> 01:00:57,487
ng mga grupong makabayan
na lalong nagiging radikal,

911
01:00:57,570 --> 01:00:59,989
dahil pakiramdam nilang
inaagaw sa kanila ang bansa.

912
01:01:00,073 --> 01:01:04,577
Nanawagan si Donald J. Trump
na tuluyang pagbawalan

913
01:01:04,661 --> 01:01:07,664
ang mga Muslim na pumasok
sa United States.

914
01:01:07,747 --> 01:01:13,169
Napansin ng kilusan ni Trump na

915
01:01:13,252 --> 01:01:16,964
sobrang laki pa rin
ng pakinabang sa politika

916
01:01:17,048 --> 01:01:18,841
ng war on terror.

917
01:01:18,925 --> 01:01:21,969
'Yong Islam… galit sa atin.

918
01:01:22,053 --> 01:01:24,972
Itayo ang pader!

919
01:01:25,056 --> 01:01:27,392
Gusto kong may surveillance tayo
sa mga mosque.

920
01:01:29,102 --> 01:01:33,690
Naging pangunahing usapin 'yong border,

921
01:01:33,773 --> 01:01:37,276
na parang sobrang laking problema nito
kumpara sa tunay na kalagayan sa border

922
01:01:37,360 --> 01:01:39,404
noong kampanya noong 2016.

923
01:01:39,487 --> 01:01:41,739
Mga kababayan, unti-unti

924
01:01:41,823 --> 01:01:44,575
nating itatayo ang pader na 'yan.

925
01:01:44,659 --> 01:01:49,831
Magkakaro'n tayo ng maayos na border
na wala nang karahasan at kaguluhan.

926
01:01:49,914 --> 01:01:52,750
-Tumahimik ka nga.
-Sino ang nasa listahan mo?

927
01:01:52,834 --> 01:01:57,130
Pagkalipas ng apat na taon,
sa 2020 presidential campaign,

928
01:01:57,213 --> 01:01:59,632
sa tingin ko, iisa lang ang isyu

929
01:01:59,716 --> 01:02:04,053
na pinagkasunduan nina President Trump
at presidential candidate Biden,

930
01:02:05,179 --> 01:02:07,140
ang tapusin ang walang katapusang digmaan.

931
01:02:08,057 --> 01:02:10,476
Afghanistan, ano'ng masasabi n'yo?

932
01:02:10,560 --> 01:02:13,688
Sinimulan ko na rin 'yong prosesong 'yon,
uuwi na ang mga sundalo,

933
01:02:13,771 --> 01:02:15,523
di na nila mapipigilan 'yon.

934
01:02:16,983 --> 01:02:21,946
Nahuli ng mga militante
ang piloto no'ng Disyembre sa Syria.

935
01:02:22,029 --> 01:02:23,281
Ang video na ito…

936
01:02:23,364 --> 01:02:26,659
Kaka-three years old ko lang noong 9/11.

937
01:02:26,743 --> 01:02:30,747
Nine days bago 'yong nangyari,
nag-birthday ako.

938
01:02:31,956 --> 01:02:34,041
Para sa akin, sumali ako sa Marine Corps

939
01:02:34,125 --> 01:02:38,254
para labanan ang ISIS
dahil 'yon ang nakita ko.

940
01:02:38,337 --> 01:02:40,757
…ng Islamic State extremist group.

941
01:02:41,257 --> 01:02:44,927
May video kung saan sinusunog
'yong lalaki nang buhay habang…

942
01:02:45,553 --> 01:02:49,182
Parang, galit ako
at kailangan gumawa ako ng paraan.

943
01:02:49,265 --> 01:02:51,142
Hindi ito 9/11.

944
01:02:51,726 --> 01:02:55,271
Malaking pagbabago 'yon
kumpara sa experience ng generation ko

945
01:02:55,354 --> 01:02:58,775
sa unang parte ng GWOT War.

946
01:02:59,776 --> 01:03:02,862
Naaalala ko rin na
gusto kong maging parte no'n,

947
01:03:02,945 --> 01:03:04,155
na pigilan 'yon.

948
01:03:13,623 --> 01:03:19,253
Pumasok ako sa boot camp
noong August 26, 2017.

949
01:03:20,129 --> 01:03:22,632
Tapos grumaduate ako sa boot camp

950
01:03:22,715 --> 01:03:26,385
noong October o early November.

951
01:03:26,469 --> 01:03:29,138
Lagi kong naririnig na
'yong Marines ang pumapatay.

952
01:03:29,847 --> 01:03:33,935
Gusto kong pumunta sa Afghanistan
o Iraq at pumatay ng terorista.

953
01:03:34,018 --> 01:03:36,521
'Yon ang pangarap ko noong bata pa 'ko.

954
01:03:40,441 --> 01:03:44,237
Pareho kami ng unit nina Smoak at Wyatt.

955
01:03:47,907 --> 01:03:51,536
Seryosong tao si Wyatt.

956
01:03:52,703 --> 01:03:54,372
Parang lagi siyang naiinis.

957
01:03:57,708 --> 01:03:59,293
Lagi ko siyang nakikita

958
01:03:59,377 --> 01:04:01,629
at parang lagi siyang inis
o galit o kung ano man.

959
01:04:01,712 --> 01:04:04,924
Pero mabait siya. Gusto ko siya.

960
01:04:06,050 --> 01:04:07,844
PANALO SI BIDEN

961
01:04:07,927 --> 01:04:10,471
PAUUWIIN NI BIDEN LAHAT NG SUNDALO
SA AFGHANISTAN

962
01:04:10,555 --> 01:04:12,265
Noong April 2021,

963
01:04:12,348 --> 01:04:15,810
inanunsyo ni President Biden
na aalis na sa Afghanistan

964
01:04:15,893 --> 01:04:19,689
ang United States
bago mag-September 11, 2021.

965
01:04:19,772 --> 01:04:21,107
Pumunta tayo sa Afghanistan

966
01:04:21,190 --> 01:04:24,986
dahil sa nakakatakot na atake
na nangyari 20 years ago.

967
01:04:25,486 --> 01:04:28,781
Ipinagtanggol ng Presidente
ang matagal niyang pinanindigan

968
01:04:28,865 --> 01:04:32,368
na wala nang saysay na ituloy
ang operasyon sa Afghanistan.

969
01:04:32,451 --> 01:04:36,247
At sabi niya na ayaw niyang magpadala
ng panibagong henerasyon

970
01:04:36,330 --> 01:04:41,252
ng mga kabataang lalaki at babae para
lumaban sa digmaang di mapapanalunan.

971
01:04:43,129 --> 01:04:46,132
Noong umatras na ang US troops,

972
01:04:46,215 --> 01:04:48,426
nagsimulang umatake ang Taliban.

973
01:04:50,177 --> 01:04:54,348
Sa loob ng ilang araw,
nilusob ng Taliban ang Afghanistan

974
01:04:54,432 --> 01:04:56,726
at sinakop ang mga siyudad.

975
01:04:59,228 --> 01:05:03,608
Nasa cafeteria kami,
kumakain ng lunch o dinner.

976
01:05:04,108 --> 01:05:05,484
Pinapanood ko sa TV,

977
01:05:05,568 --> 01:05:08,905
sunod-sunod nang bumabagsak
'yong mga probinsya.

978
01:05:10,323 --> 01:05:13,659
Nagiging pula 'yong mga probinsya
sa TV kapag nasasakop ng Taliban.

979
01:05:14,452 --> 01:05:16,996
Papunta lahat 'yon sa Kabul.

980
01:05:17,538 --> 01:05:22,376
Ang nasa isip ko, ano ba'ng
ginawa namin ng 20 years?

981
01:05:22,960 --> 01:05:26,589
Bakit nasayang lahat ng buhay na 'yon,

982
01:05:26,672 --> 01:05:28,341
kung babalik lang din kami

983
01:05:28,424 --> 01:05:30,134
at babawiin lang nila ulit?

984
01:05:37,683 --> 01:05:39,936
Makikita mo 'yong mga Taliban sa kalsada.

985
01:05:40,436 --> 01:05:41,729
Nakakatakot 'to.

986
01:05:42,730 --> 01:05:43,856
Isipin n'yo.

987
01:05:43,940 --> 01:05:45,650
Sila ang may kontrol.

988
01:05:46,233 --> 01:05:47,902
Sa history ko,

989
01:05:47,985 --> 01:05:49,320
sa lahat ng record,

990
01:05:49,403 --> 01:05:51,697
'yong mga lugar na binomba namin,

991
01:05:52,198 --> 01:05:53,991
nasa mga computer pa rin nila.

992
01:05:54,075 --> 01:05:56,077
Nasa kanila 'yong biometric data ko.

993
01:05:56,160 --> 01:05:58,287
Lahat ng biometric data, nasa kanila.

994
01:05:59,288 --> 01:06:01,290
Walang gobyerno, wala.

995
01:06:01,374 --> 01:06:04,001
Para kang nakatira sa maliwanag na lugar

996
01:06:04,085 --> 01:06:06,295
tapos biglang namatay 'yong ilaw,

997
01:06:07,713 --> 01:06:10,216
tapos nasa gitna ka lang ng kaguluhan.

998
01:06:11,133 --> 01:06:14,136
Puno ng mga Afghan na gustong tumakas

999
01:06:14,220 --> 01:06:16,514
ang Hamid Karzai International Airport.

1000
01:06:19,517 --> 01:06:22,770
Mga taong nagtrabaho
sa militar ng United States,

1001
01:06:22,853 --> 01:06:24,647
sa gobyerno ng United States,

1002
01:06:25,898 --> 01:06:31,320
mga office clerk, mga tagasalin,
mekaniko, mga tagalinis,

1003
01:06:31,821 --> 01:06:35,825
o mga nagtrabaho para sa anumang
organisasyon ng United States,

1004
01:06:35,908 --> 01:06:36,826
kahit sa US NGOs.

1005
01:06:41,080 --> 01:06:44,542
Takot silang balikan sila.

1006
01:06:50,256 --> 01:06:54,218
Mabagal ang evacuation
at libo-libong Amerikano pa

1007
01:06:54,301 --> 01:06:56,095
ang gustong makaalis.

1008
01:06:56,595 --> 01:07:01,851
Ito na ang pinakamalaking evacuation mula
noong bumagsak ang Saigon 46 years ago.

1009
01:07:02,852 --> 01:07:04,353
Malaking bagay ang pagbagsak

1010
01:07:05,229 --> 01:07:06,689
ng Kabul, pero masakit din

1011
01:07:06,772 --> 01:07:07,982
para sa pamilya namin.

1012
01:07:10,067 --> 01:07:13,779
Kinuwento sa 'kin ng nanay ko no'ng
bumagsak ang gobyerno ng South Vietnam

1013
01:07:13,863 --> 01:07:15,448
sa komunistang hilaga.

1014
01:07:16,365 --> 01:07:21,370
Alam mo, parang gano'n din
noong sinakop ng Taliban ang lungsod.

1015
01:07:22,872 --> 01:07:25,708
Nagtatangkang tumakas ang mga tao

1016
01:07:25,791 --> 01:07:29,920
sa alam nilang magiging
nakapipinsalang sitwasyon.

1017
01:07:30,421 --> 01:07:34,383
Pareho 'yong emosyon
at 'yong mismong imahe.

1018
01:07:38,763 --> 01:07:41,682
Parang naulit ang kasaysayan.

1019
01:07:44,310 --> 01:07:45,853
Minsan, wala ka nang masabi, e.

1020
01:07:48,731 --> 01:07:52,902
Marami sa kanila, siyempre,
may mga karapatang makasakay sa eroplano,

1021
01:07:53,402 --> 01:07:55,112
pero di sila pinapadaan ng Taliban

1022
01:07:55,196 --> 01:07:58,115
at brutal ang naging tugon nila sa lugar.

1023
01:08:00,076 --> 01:08:04,538
Paulit-ulit silang nagpapaputok
ng automatic weapon sa mga tao.

1024
01:08:07,041 --> 01:08:09,251
Binubugbog nila 'yong mga tao.

1025
01:08:09,335 --> 01:08:11,378
Tinututukan nila ng baril ang mga tao.

1026
01:08:14,715 --> 01:08:16,759
Doon na kami nakarinig ng tsismis.

1027
01:08:18,928 --> 01:08:21,055
Parang, "Ano'ng nangyayari?
Ano'ng mangyayari?"

1028
01:08:21,555 --> 01:08:24,850
Tapos, may nagsabi na,
"Uy, pupunta na kayo."

1029
01:08:25,601 --> 01:08:28,771
Sabi namin, "Shit, eto na 'yon.
Ito 'yong gusto natin."

1030
01:08:29,688 --> 01:08:32,900
Parang sa wakas, totoong misyon na.

1031
01:08:33,859 --> 01:08:37,863
Inaprubahan ni U.S. President Joe Biden
ang deployment ng 5,000 sundalo

1032
01:08:38,447 --> 01:08:39,824
para suportahan ang drawdown.

1033
01:08:41,867 --> 01:08:44,078
Kaya parang, ayos, gear check.

1034
01:08:44,161 --> 01:08:46,914
Ready na ba kami?
Sino'ng pupunta? Sino'ng hindi?

1035
01:08:48,040 --> 01:08:49,375
Magkakarga ka ng bala.

1036
01:08:49,458 --> 01:08:51,210
Nagkakarga lahat ng bala, naghahanda.

1037
01:08:51,293 --> 01:08:52,795
Tayo! Target gun!

1038
01:08:52,878 --> 01:08:54,713
Excited lahat.

1039
01:08:54,797 --> 01:08:56,674
Ito 'yong pangarap namin, e.

1040
01:08:57,716 --> 01:09:02,096
Afghanistan at Iraq ang pinapangarap
na puntahan ng Marine Corps infantryman.

1041
01:09:03,764 --> 01:09:06,475
Sabi ko sa mga kasama ko bago kami umalis,

1042
01:09:06,559 --> 01:09:08,018
lumapit na kayo sa Diyos n'yo

1043
01:09:08,102 --> 01:09:10,354
dahil di natin alam ang mangyayari.

1044
01:09:11,564 --> 01:09:15,067
Sinabihan kami na pupunta kami
para sa noncombative evacuation.

1045
01:09:16,318 --> 01:09:19,947
Kukunin namin 'yong mga US citizen
at mga Afghan na may tamang credentials.

1046
01:09:20,030 --> 01:09:21,365
Ilalabas namin sila sa bansa.

1047
01:09:24,326 --> 01:09:25,786
Operation Allies Refuge.

1048
01:09:28,789 --> 01:09:30,416
Umalis kami ng Jordan,

1049
01:09:30,499 --> 01:09:31,500
lumapag sa Kuwait.

1050
01:09:31,584 --> 01:09:33,878
Nasa Kuwait kami nang 36 hours.

1051
01:09:34,378 --> 01:09:37,256
Tapos lumipad kami
galing sa Kuwait papuntang Afghanistan

1052
01:09:37,339 --> 01:09:40,217
at lumapag sa Kabul Airport nang gabi.

1053
01:09:40,301 --> 01:09:44,096
May maririnig kang putok ng baril
at makikita mong lumilipad 'yong mga bala.

1054
01:09:44,597 --> 01:09:48,350
Sinigurado kong kumpleto
'yong mga gamit ng mga kasama ko.

1055
01:09:49,018 --> 01:09:50,853
Pupunta daw kami sa Abbey Gate.

1056
01:09:54,148 --> 01:09:56,358
Sabi ko, "Ayos, sa Abbey Gate tayo."

1057
01:09:56,442 --> 01:09:58,444
Di namin alam kung ano 'yon.

1058
01:09:58,527 --> 01:10:00,571
Sabi ko, "Ito na, mga pare."

1059
01:10:17,755 --> 01:10:19,298
Tapos dumating kami doon.

1060
01:10:19,381 --> 01:10:22,301
Tumingin ako sa paligid
at parang, "Ano ba 'to?"

1061
01:10:38,025 --> 01:10:40,653
Naalala ko na may mga tao
sa harap ng gate.

1062
01:10:42,696 --> 01:10:44,490
Parang mga pader ng mga tao.

1063
01:10:55,167 --> 01:10:58,629
Nag-deploy kami ng mga batang
Marines na sinanay sa combat,

1064
01:10:58,712 --> 01:11:00,297
rifleman lahat ng Marine

1065
01:11:00,381 --> 01:11:03,467
pero gumagawa sila ng mga bagay
na di sila handa o sinanay.

1066
01:11:03,550 --> 01:11:05,344
Halimbawa, crowd control.

1067
01:11:15,604 --> 01:11:17,815
Pag-interpret ng mga opisyal na papel

1068
01:11:17,898 --> 01:11:20,693
na nakasulat sa isa sa mga
dialect ng Afghan,

1069
01:11:20,776 --> 01:11:22,236
hindi sa English.

1070
01:11:25,364 --> 01:11:27,741
Sobrang gulo

1071
01:11:27,825 --> 01:11:29,827
at delikado ng sitwasyon na 'to.

1072
01:11:35,416 --> 01:11:38,127
Halos 20 years 'to pagkatapos ng 9/11.

1073
01:11:39,920 --> 01:11:41,630
Kung ano'ng nagsimula noong 9/11,

1074
01:11:42,131 --> 01:11:45,009
natapos dito sa Abbey Gate.

1075
01:11:46,218 --> 01:11:49,430
Sinabihan kami na ituring
na kakampi ang Taliban.

1076
01:11:50,389 --> 01:11:55,019
Nandoon kami para magtulungan
na mailabas ang mga tao sa Afghanistan.

1077
01:11:56,770 --> 01:11:58,272
Ang hirap

1078
01:11:59,106 --> 01:12:01,483
paniwalaan no'n.

1079
01:12:02,818 --> 01:12:05,863
Lalo na sa mga platoon sergeant namin

1080
01:12:05,946 --> 01:12:11,243
na halos 20 years na sa serbisyo
at nasaksihan na ang kasagsagan ng giyera

1081
01:12:11,910 --> 01:12:13,203
at pinagdaanan na lahat.

1082
01:12:13,871 --> 01:12:18,125
'Yong pumatay sa mga kaibigan ko
10 years ago, kakampi ko na sila.

1083
01:12:18,709 --> 01:12:22,004
Sobrang hirap paniwalaan.

1084
01:12:24,298 --> 01:12:27,885
Parang nasasalamin sa Abbey Gate

1085
01:12:28,886 --> 01:12:31,096
ang mahigit 20 years
na giyera sa Middle East.

1086
01:12:32,181 --> 01:12:34,308
Sa pagbagsak ng Afghanistan,

1087
01:12:34,391 --> 01:12:38,270
imposibleng hindi ituring
na kabiguan ang nangyari

1088
01:12:38,354 --> 01:12:40,064
sa Afghanistan at Iraq.

1089
01:12:41,148 --> 01:12:46,028
Marami sa kanila ang walang
US passport, green card at visa.

1090
01:12:46,111 --> 01:12:48,572
Wala silang kahit ano.
Gusto lang nilang umalis.

1091
01:12:48,655 --> 01:12:50,574
Takot lang sila.

1092
01:12:55,537 --> 01:12:59,083
Magulo sa loob at labas ng siyudad.

1093
01:13:00,542 --> 01:13:04,213
Pagdating sa airport, sarado ang mga gate,

1094
01:13:04,296 --> 01:13:08,092
at wala silang pinapapasok dahil

1095
01:13:08,175 --> 01:13:10,511
libo-libo ang mga tao.

1096
01:13:11,345 --> 01:13:12,930
Karga ko 'yong mga anak ko.

1097
01:13:13,764 --> 01:13:18,102
Tatlong buwan pa lang 'yong anak kong
babae at dalawang taon 'yong lalaki.

1098
01:13:20,187 --> 01:13:23,607
Walang puwedeng kumuha sa kanila
kung di sila tatanggapin.

1099
01:13:24,316 --> 01:13:26,443
Kaya gumawa kami ng butas
sa chain-link fence

1100
01:13:26,527 --> 01:13:28,153
at tinawag naming Freedom Gate.

1101
01:13:28,237 --> 01:13:32,866
Kung di ka makakapasok,
sorry pero doon ka dadaan.

1102
01:13:38,205 --> 01:13:40,916
Nasa kabilang side ng bakod ang Taliban

1103
01:13:40,999 --> 01:13:44,253
at kung di sila nakapasok,
bubugbugin nila sila,

1104
01:13:44,837 --> 01:13:48,549
babarilin. Tapos ang nakakainis lang kasi,

1105
01:13:49,341 --> 01:13:53,220
ako 'yong nando'n at alam ko
kung ano'ng mangyayari sa kanila

1106
01:13:53,303 --> 01:13:55,806
pero wala akong magawa

1107
01:13:56,306 --> 01:13:58,392
kung wala silang tamang papeles.

1108
01:13:59,309 --> 01:14:05,315
Sobrang bigat ng responsibilidad 'yon
para sa 23 years old.

1109
01:14:06,984 --> 01:14:10,821
Gusto kong isipin na hindi
nawala 'yong awa ko sa mga tao,

1110
01:14:11,947 --> 01:14:13,699
pero magiging manhid ka na talaga.

1111
01:14:18,954 --> 01:14:21,582
Kumalat ang balita na isasara
na namin ang mga gate.

1112
01:14:22,082 --> 01:14:24,710
Naging desperado 'yong mga tao,

1113
01:14:24,793 --> 01:14:26,336
iniiwan na 'yong mga anak nila.

1114
01:14:33,886 --> 01:14:35,679
May mga dalang baby 'yong iba,

1115
01:14:35,762 --> 01:14:39,600
kaya naisip nilang
ihagis sa kabila 'yong mga baby.

1116
01:14:46,190 --> 01:14:49,860
Ang hirap paniwalaang nakikita ko 'yon
dahil may mga anak ako,

1117
01:14:51,278 --> 01:14:54,948
at mahirap isipin
na isusuko ko 'yong isa sa kanila.

1118
01:14:55,032 --> 01:14:56,325
Yeah.

1119
01:15:03,916 --> 01:15:05,709
May picture ng anak ko sa Kevlar ko.

1120
01:15:07,419 --> 01:15:09,463
Ipinanganak ang panganay ko apat na araw

1121
01:15:09,546 --> 01:15:11,131
pagkatapos kong ma-deploy.

1122
01:15:13,383 --> 01:15:15,302
May mga anak din 'yong platoon sergeant ko

1123
01:15:15,385 --> 01:15:16,970
at di ko alam kung bakit,

1124
01:15:17,054 --> 01:15:19,640
pero nagkasalubong kami

1125
01:15:21,475 --> 01:15:22,976
at napahagulgol na lang ako.

1126
01:15:23,060 --> 01:15:24,937
Hindi ko na napigilan.

1127
01:15:29,191 --> 01:15:30,817
'Yong bagong generation.

1128
01:15:34,863 --> 01:15:37,574
May sakit 'yong asawa ko noon.

1129
01:15:37,658 --> 01:15:38,617
Mahina siya.

1130
01:15:38,700 --> 01:15:40,744
Hindi siya makalakad nang maayos.

1131
01:15:41,411 --> 01:15:45,123
Maliit pa 'yong anak ko
at sabi ng American Marine,

1132
01:15:45,207 --> 01:15:47,084
"Akin na ang anak mo, ipapasok ko siya.

1133
01:15:47,167 --> 01:15:48,835
Tapos makakapasok kayo sa gate."

1134
01:15:50,587 --> 01:15:52,172
Naiwan 'yong asawa ko

1135
01:15:54,466 --> 01:15:56,468
tapos sinara na nila 'yong gate.

1136
01:15:57,427 --> 01:15:59,888
Nasa Afghanistan pa rin siya.

1137
01:16:02,391 --> 01:16:03,892
Nakakalungkot.

1138
01:16:06,270 --> 01:16:09,064
Sinabi sa 'kin na ililikas siya.

1139
01:16:09,898 --> 01:16:11,858
Wala akong nakita.

1140
01:16:15,612 --> 01:16:17,614
Masaya ako noon, e.

1141
01:16:18,490 --> 01:16:20,492
Tapos nawala lahat.

1142
01:16:23,870 --> 01:16:25,872
Masaya ang buhay mo,

1143
01:16:27,374 --> 01:16:29,668
pero isang araw, mawawala lahat.

1144
01:16:34,172 --> 01:16:39,720
Mas lumala pa noong nakatanggap kami
ng intelligence na ang ISIS-K,

1145
01:16:40,762 --> 01:16:44,433
o ang branch ng Islamic State
ng Iraq at Syria

1146
01:16:44,516 --> 01:16:48,395
sa Afghanistan,
na tinatawag na ISIS-Khorasan.

1147
01:16:50,564 --> 01:16:53,859
Sinaunang pangalan
ng region na 'yon ang Khorasan.

1148
01:16:53,942 --> 01:16:56,069
Nagbabalak ng pag-atake ang ISIS-K.

1149
01:17:01,366 --> 01:17:04,953
Sinabihan kami na may suicide bomber

1150
01:17:05,579 --> 01:17:09,833
na posibleng bagong ahit
na may itim na bag na may arrow.

1151
01:17:09,916 --> 01:17:12,169
Hinanap namin siya.

1152
01:17:12,252 --> 01:17:14,296
Di namin alam kung kailan siya darating.

1153
01:17:14,379 --> 01:17:15,797
Sinabi namin na parang,

1154
01:17:16,715 --> 01:17:20,177
"Sige, paano ko siya hahanapin dito?"

1155
01:17:20,260 --> 01:17:22,596
Libo-libo 'yong tao sa harap ko.

1156
01:17:23,430 --> 01:17:26,099
Para kaming di makausad
at pinipigilan lang namin lahat

1157
01:17:26,183 --> 01:17:30,020
habang hinihintay 'yong desisyon
kung aalis ba kami o hindi.

1158
01:17:32,439 --> 01:17:35,734
Tapos may sumigaw ng IED.

1159
01:17:44,201 --> 01:17:45,535
Sumabog 'yong bomba.

1160
01:17:48,163 --> 01:17:52,834
Nakita ko 'yong malaking usok
at 'yong braso na lumilipad sa ere.

1161
01:17:54,544 --> 01:17:57,214
Nagri-ring 'yong tenga ko.
Wala akong marinig.

1162
01:17:57,297 --> 01:18:00,008
Tapos may nakita akong mukha sa harap ko.

1163
01:18:01,134 --> 01:18:02,427
Parang patay na.

1164
01:18:02,969 --> 01:18:06,598
Di ko ma-process
kung sino 'yong mukhang 'yon.

1165
01:18:07,432 --> 01:18:12,562
Tumayo ako at tumakbo
papunta sa butas sa bakod

1166
01:18:12,646 --> 01:18:14,356
na sinira namin sa Abbey Gate.

1167
01:18:15,065 --> 01:18:17,859
Hinawakan ako ng isang opisyal
at pinigilan ako.

1168
01:18:18,694 --> 01:18:20,612
Sinabi ko sa kanya na bitawan ako,

1169
01:18:20,696 --> 01:18:22,531
na kaibigan ko 'yong mga nando'n.

1170
01:18:23,115 --> 01:18:25,367
Tapos, tumakbo ako papunta…

1171
01:18:25,450 --> 01:18:28,578
Nakita ko 'yong mga katawan
na nagkapatong-patong.

1172
01:18:29,538 --> 01:18:32,040
Una kong nilapitan

1173
01:18:32,124 --> 01:18:36,336
'yong isa sa mga bestfriend ko,
si Corporal Daegan Page.

1174
01:18:37,504 --> 01:18:40,298
Alam ko agad na wala na siya
no'ng nakita ko siya.

1175
01:18:42,050 --> 01:18:45,929
May humawak sa isang side ng chest rig
niya at hinawakan ko 'yong kabila

1176
01:18:46,513 --> 01:18:48,473
tapos hinila namin siya pabalik sa butas

1177
01:18:48,557 --> 01:18:50,058
na ginawa namin sa bakod.

1178
01:18:50,851 --> 01:18:53,311
Sinabi ng captain ko na
nasa kanya na si Page

1179
01:18:53,395 --> 01:18:55,397
at pinabalik niya ako
para kumuha pa ng iba.

1180
01:18:56,606 --> 01:18:58,400
Kaya iniwan ko siya…

1181
01:19:03,113 --> 01:19:04,114
tapos…

1182
01:19:06,116 --> 01:19:07,117
Sorry.

1183
01:19:28,346 --> 01:19:31,433
Tapos may narinig akong sigawan
at parang putok.

1184
01:19:31,516 --> 01:19:35,771
Akala ko nakakita ako ng kung ano-anong
ilaw pero mga flash pala 'yon.

1185
01:19:35,854 --> 01:19:38,857
Naisip ko agad, binabaril ako.

1186
01:19:39,483 --> 01:19:41,985
Tinamaan ako sa kaliwang balikat.

1187
01:19:44,738 --> 01:19:46,281
Mga 10 yards ang layo ko.

1188
01:19:47,532 --> 01:19:49,785
Nandito 'yong pader ng kanal,

1189
01:19:49,868 --> 01:19:52,287
nasa kabila lang siya.

1190
01:19:55,081 --> 01:19:56,750
Nag-collapse 'yong kanang baga ko.

1191
01:19:57,751 --> 01:20:01,421
Tinamaan ako ng bearing sa panga,
sa lat ko at sa kanang tagiliran.

1192
01:20:01,505 --> 01:20:05,300
Nabaril ako sa ibaba ng kanang binti ko.

1193
01:20:06,593 --> 01:20:09,429
Paglabas ko, nadadapa na 'ko.

1194
01:20:09,513 --> 01:20:11,264
Para akong humihinga sa straw.

1195
01:20:13,683 --> 01:20:16,436
Sina Daegan Page at Max Soviak,

1196
01:20:17,187 --> 01:20:19,189
palagi silang magkasama.

1197
01:20:20,398 --> 01:20:21,566
Mababait sila.

1198
01:20:21,650 --> 01:20:24,778
Kung nasaan si Max, nando'n si Page.
Gano'n din si Page kay Max.

1199
01:20:32,327 --> 01:20:36,248
Nasa likod ko sina Max at Page
no'ng tamaan kami.

1200
01:20:36,873 --> 01:20:40,293
Paglingon ko, gumapang ako
sa ibabaw ng isang tao.

1201
01:20:40,377 --> 01:20:42,754
Hanggang ngayon, sigurado pa rin ako

1202
01:20:42,838 --> 01:20:45,465
na si Page 'yong nasa ilalim ko.

1203
01:20:47,926 --> 01:20:49,094
Ayun, di sila nakaligtas.

1204
01:20:56,226 --> 01:20:58,270
Doon ko sinubukang kunin si Kelsee.

1205
01:21:00,105 --> 01:21:04,234
Kasama si Kelsee Lainhart
sa female engagement team.

1206
01:21:04,901 --> 01:21:08,113
Hinila ko siya
hanggang sa kaya ko siyang dalhin.

1207
01:21:09,364 --> 01:21:11,449
Na-realize ko na dito na 'ko mamamatay.

1208
01:21:12,242 --> 01:21:13,326
Bahala na.

1209
01:21:14,953 --> 01:21:16,037
Bumaling ako sa kabila.

1210
01:21:16,538 --> 01:21:17,956
Dito na mangyayari 'yon.

1211
01:21:18,790 --> 01:21:21,001
Inayos ko ang puwesto ko at tumihaya.

1212
01:21:23,044 --> 01:21:27,090
Tapos tumingin ako sa kanan
at may mga sumisigaw,

1213
01:21:27,173 --> 01:21:28,383
tapos nando'n…

1214
01:21:28,884 --> 01:21:31,428
Nakita kong paparating si Wyatt
na may dalang stretcher.

1215
01:21:32,345 --> 01:21:37,934
Dinala nila ako sa madilim na hallway,
habang hinahanap ng JSOC doc ang pulso ko.

1216
01:21:40,729 --> 01:21:45,066
Nagbakasakali siya
at nag-perform ng emergency thoracotomy,

1217
01:21:47,235 --> 01:21:48,695
bilang desperadong hakbang.

1218
01:21:50,864 --> 01:21:54,367
Hihiwain nila 'yong sternum
tapos iha-hand-pump 'yong puso.

1219
01:21:56,578 --> 01:21:58,288
Naibalik niya ako, tapos

1220
01:21:59,247 --> 01:22:01,750
di ko alam kung ilang unit
ng dugo ang laman ng katawan,

1221
01:22:01,833 --> 01:22:05,629
pero kung ano man 'yong binigay nila,
katumbas 'yon ng buong katawan.

1222
01:22:19,225 --> 01:22:23,730
May tattoo si Wilson
sa balikat o braso niya,

1223
01:22:23,813 --> 01:22:25,732
at sinasabi no'n 'yong buong buhay niya.

1224
01:22:25,815 --> 01:22:28,109
Ang nakalagay,
"Matigas ang ulo ko para mamatay."

1225
01:22:28,193 --> 01:22:31,154
At totoo 'yon,
kasi matigas talaga ang ulo niya.

1226
01:22:34,115 --> 01:22:36,284
Di ko alam na ISIS siya,

1227
01:22:36,368 --> 01:22:38,536
pero sa imbestigasyon,

1228
01:22:38,620 --> 01:22:40,372
noong bumalik na 'ko sa California,

1229
01:22:40,455 --> 01:22:42,540
nalaman kong ISIS pala.

1230
01:22:42,624 --> 01:22:44,584
Nakulong na pala 'yong tao

1231
01:22:45,669 --> 01:22:48,838
pero pinalaya siya
no'ng dumating 'yong Taliban.

1232
01:22:51,549 --> 01:22:52,592
Yeah.

1233
01:22:54,052 --> 01:22:57,180
Thirteen service members
namin ang namatay.

1234
01:23:00,600 --> 01:23:03,728
Sobrang saya kong makita si Wyatt.

1235
01:23:05,397 --> 01:23:06,398
Totoo.

1236
01:23:06,481 --> 01:23:09,442
No'ng nakita ko siya sa stretcher…

1237
01:23:16,908 --> 01:23:18,660
saka pag nakikita ko siya ngayon,

1238
01:23:19,411 --> 01:23:21,287
ewan ko, natutuwa talaga ako.

1239
01:23:21,371 --> 01:23:26,543
Di ko maipaliwanag.
Masaya lang ako na nandito siya.

1240
01:23:30,672 --> 01:23:33,633
Noong nagising na 'ko, dinala nila
ako doon sakay ng wheelchair

1241
01:23:34,134 --> 01:23:35,927
at nagkita kami ni Kelsee.

1242
01:23:37,137 --> 01:23:39,139
Magulo pa ang isip mo,

1243
01:23:39,222 --> 01:23:42,726
di mo pa mare-realize
kung gaano ka-importante lahat.

1244
01:23:44,227 --> 01:23:46,771
Buti na lang, nailigtas nila siya.

1245
01:23:48,064 --> 01:23:49,649
Dumalo siya sa retirement ko.

1246
01:23:51,192 --> 01:23:52,736
Paralyzed siya.

1247
01:24:01,077 --> 01:24:04,748
Gabi-gabi o every other night,
may intel brief kami

1248
01:24:04,831 --> 01:24:08,043
kung ilang tao 'yong nailigtas namin
sa buong linggong 'yon.

1249
01:24:14,340 --> 01:24:17,844
No'ng bandang huli, umabot
ng mga 120,000 lahat. Grabe.

1250
01:24:24,350 --> 01:24:26,853
Ang sarap sa pakiramdam

1251
01:24:27,937 --> 01:24:29,606
na may nagawa ka,

1252
01:24:29,689 --> 01:24:33,735
na naging parte ka no'n
at nakatulong ka sa mga tao.

1253
01:24:33,818 --> 01:24:35,111
Masarap sa pakiramdam.

1254
01:24:36,112 --> 01:24:38,490
Pero ang tanong,

1255
01:24:39,783 --> 01:24:41,326
worth it ba 'yon?

1256
01:24:43,495 --> 01:24:47,499
Hindi 'to politically correct na sagot
pero sa palagay ko,

1257
01:24:48,958 --> 01:24:53,630
hindi ko ipagpapalit ang buhay
ng isang Afghan para sa mga kaibigan ko.

1258
01:25:03,431 --> 01:25:07,352
Napansin ko agad na parang
hindi ako dapat umuwi.

1259
01:25:08,269 --> 01:25:10,563
Dapat dalawang buwan pa 'ko sa ospital.

1260
01:25:13,274 --> 01:25:17,737
Buti na lang, pinilit nila akong
magpatingin sa psychiatrist,

1261
01:25:17,821 --> 01:25:20,198
kasi di ko 'yon gagawin mag-isa.

1262
01:25:20,698 --> 01:25:23,368
Hanggang ngayon,
psychiatrist ko pa rin siya.

1263
01:25:25,036 --> 01:25:28,289
Ayoko sanang pag-usapan.
Tumanggi ako. Ayoko talaga.

1264
01:25:32,418 --> 01:25:35,296
Tapos narealize ko,
okay lang palang pag-usapan 'yon.

1265
01:25:35,380 --> 01:25:39,092
Okay lang maging mahina nang five seconds.

1266
01:25:39,175 --> 01:25:41,553
Maniwala ka, sobrang laki ng ego ko.

1267
01:25:43,054 --> 01:25:45,557
No'ng sa wakas binitawan ko 'yon

1268
01:25:46,141 --> 01:25:48,184
at na-realize kong okay lang pala,

1269
01:25:48,685 --> 01:25:51,271
mabilis nang naging okay lahat.

1270
01:25:57,902 --> 01:25:59,696
-Dada?
-Ano?

1271
01:25:59,779 --> 01:26:01,656
Paano umakyat sa batong 'to?

1272
01:26:01,739 --> 01:26:04,325
-Ha?
-Gusto kong umakyat sa malaking bato.

1273
01:26:04,409 --> 01:26:06,327
-Takot ka sa malaking bato?
-Uy!

1274
01:26:07,287 --> 01:26:09,873
-Ibaba mo 'ko.
-Ibaba kita?

1275
01:26:09,956 --> 01:26:11,291
Dad, tama na!

1276
01:26:11,374 --> 01:26:13,334
Wag mong hawakan 'yong puwet ko!

1277
01:26:15,170 --> 01:26:17,672
Nando'n si Pops no'ng unang deployment ko.

1278
01:26:20,425 --> 01:26:23,636
Tapos si Pagie,
ipinanganak siya noong 2022.

1279
01:26:23,720 --> 01:26:25,221
Magfo-four na siya.

1280
01:26:26,306 --> 01:26:30,935
Pinangalanan siya kina
Daegan Page at Max Soviak.

1281
01:26:32,353 --> 01:26:36,482
Pero pinaikli ko 'yong Soviak
sa Sovie, kaya mas bagay sa kanya.

1282
01:26:40,778 --> 01:26:43,239
Naranasan ni Pops 'yon.
Oo, nakita niya ako sa ospital.

1283
01:26:45,366 --> 01:26:47,493
Two and half na siya no'n.

1284
01:26:47,577 --> 01:26:49,078
Oo, siya ang trauma baby ko.

1285
01:26:49,162 --> 01:26:51,581
Pinagdadaanan namin 'to.
Magkasama kami dito.

1286
01:26:52,582 --> 01:26:54,584
Pinapalakas namin ang isa't isa.

1287
01:26:55,376 --> 01:26:58,546
Nakikita sa buong mundo ang mga eksena

1288
01:26:58,630 --> 01:27:00,882
ng desperasyon at kaguluhan
sa Afghanistan.

1289
01:27:01,633 --> 01:27:03,343
Di ko alam kung paano ipapaliwanag.

1290
01:27:04,594 --> 01:27:07,096
Di ko nga maipaliwanag sa inyo
nang may sense,

1291
01:27:07,180 --> 01:27:11,351
paano pa kaya sa 8 at 9 year old
pag dumating na sila sa edad na 'yon.

1292
01:27:13,061 --> 01:27:16,064
Daddy, may lemon ako!

1293
01:27:17,315 --> 01:27:18,316
Tingnan mo!

1294
01:27:22,612 --> 01:27:26,157
Nakita na ng mga anak ko
'yong peklat ko ng bala.

1295
01:27:26,241 --> 01:27:27,742
Tinanong nila kung ano 'yon.

1296
01:27:28,243 --> 01:27:30,995
Ayokong pagtakpan ang katotohanan
dahil nabaril ako.

1297
01:27:31,955 --> 01:27:36,125
May masasamang tao sa mundo
at may mga gustong manakit sa inyo.

1298
01:27:38,836 --> 01:27:42,215
Ayaw na ayaw ng asawa ko
kasi gusto nilang maging Marines.

1299
01:27:42,298 --> 01:27:44,092
Ayaw na niyang maranasan 'yong trauma.

1300
01:27:44,592 --> 01:27:47,512
Tapos ngayon pagdadaanan 'yon
ng mga anak namin? Ang hirap no'n.

1301
01:27:51,808 --> 01:27:56,271
Simula no'ng makuha ng Taliban
ang Afghanistan noong 2021,

1302
01:27:56,354 --> 01:28:01,192
mga 200,000 Afghans, marami sa kanila
ang sumuporta sa giyera ng US,

1303
01:28:01,276 --> 01:28:03,778
ang nakahanap ng kanlungan sa Amerika.

1304
01:28:06,155 --> 01:28:08,533
Sumakay ako ng eroplano
na parang charter flight

1305
01:28:08,616 --> 01:28:13,871
galing Kabul papuntang Bahrain
at galing Bahrain papuntang New Jersey.

1306
01:28:14,998 --> 01:28:19,627
Sa New Jersey, isang buwan ako sa kampo.

1307
01:28:21,546 --> 01:28:24,465
Tapos umalis ako sa kampo
para pumunta sa Arizona.

1308
01:28:26,134 --> 01:28:28,177
Ngayon, nag-a-Amazon Flex ako,

1309
01:28:28,678 --> 01:28:32,640
mga isang oras, dalawang oras,
tatlong oras sa isang araw,

1310
01:28:32,724 --> 01:28:37,228
kasi di ako makapagtrabaho nang maayos
dahil lagi kong kasama 'yong mga bata.

1311
01:28:37,312 --> 01:28:40,398
Hinihintay ko 'yong asawa ko
hanggang sa makasama ko siya.

1312
01:28:42,483 --> 01:28:45,611
Asawa siya ng dating piloto.

1313
01:28:47,071 --> 01:28:51,617
Simula noong 2021,
lagi na siyang nakasuot ng hijab.

1314
01:28:53,328 --> 01:28:56,080
Batas 'yon ng Taliban.

1315
01:28:58,291 --> 01:29:01,544
Hindi talaga siya okay.

1316
01:29:03,546 --> 01:29:06,966
Nawalan ka ng asawa,
anak na lalaki, anak na babae.

1317
01:29:07,759 --> 01:29:09,260
Ano'ng mangyayari sa 'yo?

1318
01:29:17,602 --> 01:29:24,067
Ang nakakagulat, hindi ang mga terorista
ang naging pinakamalaking banta

1319
01:29:24,150 --> 01:29:28,071
sa kalayaan ng Amerika,

1320
01:29:28,654 --> 01:29:31,407
kundi ang naging tugon

1321
01:29:31,491 --> 01:29:34,619
ng bansa sa terorismo.

1322
01:29:36,746 --> 01:29:43,252
Naniniwala si Bin Laden
na di niya kayang wasakin ang US,

1323
01:29:44,253 --> 01:29:46,839
pero sa pag-atake dito,

1324
01:29:46,923 --> 01:29:51,219
sa pag-atake sa mga bahaging sakop nito,

1325
01:29:51,302 --> 01:29:55,181
mapipilitan ang US
na wasakin ang sarili nito.

1326
01:29:56,724 --> 01:30:02,063
Kung sisimulan mong galugarin
ang halos lahat ng aspeto ng buhay natin

1327
01:30:02,146 --> 01:30:04,816
sa United States ngayon,

1328
01:30:04,899 --> 01:30:08,820
maipapakita ko sa 'yo
kung paano binago ng 9/11 ang bansa.

1329
01:30:14,409 --> 01:30:17,370
Nakikita natin kung paano nito

1330
01:30:17,453 --> 01:30:22,458
naaapektuhan ang mga limitasyon
sa kapangyarihan ng presidente.

1331
01:30:22,542 --> 01:30:25,586
Nakikita natin na ginagamit na rin dito
ang mga military tactic.

1332
01:30:25,670 --> 01:30:27,171
Ano ba 'yan?

1333
01:30:27,964 --> 01:30:30,967
Nakikita natin ang pagtrato
sa mga Amerikano

1334
01:30:31,050 --> 01:30:37,014
na pamilyar sa mga nakasaksi
sa war on terror sa ibang bansa.

1335
01:30:43,104 --> 01:30:45,189
Ngayon naiisip nila, "Nakakatakot pala

1336
01:30:45,273 --> 01:30:48,985
na kayang mag-utos ng isang tao
na gumamit ng puwersang militar,

1337
01:30:49,068 --> 01:30:52,989
pero wala akong magawa para pigilan 'yon."

1338
01:30:53,948 --> 01:30:55,658
Kinumpirma ng administrasyong Trump

1339
01:30:55,741 --> 01:30:58,828
na may inatake silang drug boat
nang dalawang beses.

1340
01:30:58,911 --> 01:31:03,541
Inutos ang ikalawang strike dahil
di napatay lahat ng sakay sa unang strike.

1341
01:31:05,710 --> 01:31:08,963
Itong military operation na 'to,
di ko gagamitin ang salitang "giyera,"

1342
01:31:09,046 --> 01:31:13,134
ayaw nila 'yong salitang "giyera,"
kasi kailangan ng approval,

1343
01:31:13,217 --> 01:31:15,720
kaya "military operation"
ang gagamitin ko.

1344
01:31:16,679 --> 01:31:17,805
Tatapusin natin ito

1345
01:31:18,306 --> 01:31:23,019
sa mga kondisyong gusto
ni President Trump na pabor sa Amerika.

1346
01:31:23,895 --> 01:31:26,689
Kamatayan at pagkawasak mula sa langit.

1347
01:31:30,485 --> 01:31:32,695
Iniisip ng mga tao
na tapos na ang war on terror.

1348
01:31:32,778 --> 01:31:35,656
Sinabi 'yon sa kanila ng mga lider nila.

1349
01:31:35,740 --> 01:31:38,242
Nandiyan pa rin
'yong awtoridad, mga institusyon,

1350
01:31:38,326 --> 01:31:40,203
at marami sa mga operasyon.

1351
01:31:40,286 --> 01:31:42,205
May ibang target lang sila.

1352
01:31:45,166 --> 01:31:50,046
Wag nating isipin na 'yon na
ang pinakamalala nito.

1353
01:31:50,129 --> 01:31:52,131
Marami pa sa atin ang tatamaan nito.

1354
01:32:01,766 --> 01:32:05,436
Nasa isang malaking pagbabago talaga tayo

1355
01:32:05,520 --> 01:32:08,940
dahil malapit nang mapalitan

1356
01:32:09,023 --> 01:32:12,735
'yong matatandang politiko
na matagal nang nasa puwesto.

1357
01:32:14,987 --> 01:32:16,864
Totoo 'yon, basahin mo lang 'yong poll,

1358
01:32:16,948 --> 01:32:19,700
iba ang pananaw ng mga kabataan
tungkol sa mga bagay na 'to.

1359
01:32:22,078 --> 01:32:24,956
Di pa ipinanganak
ang mga estudyante ko noon.

1360
01:32:25,456 --> 01:32:29,961
Para sa kanila, parang World War II
ang 9/11 para sa akin.

1361
01:32:30,586 --> 01:32:33,589
O mas malabo pa nga.

1362
01:32:34,382 --> 01:32:37,885
Namana nila 'yong kasalukuyang sitwasyon.

1363
01:32:38,594 --> 01:32:41,055
Di namin alam kung ano'ng pakiramdam
na walang pulis

1364
01:32:41,138 --> 01:32:45,226
sa mga subway o sa bawat kanto.

1365
01:32:45,309 --> 01:32:48,104
Mas nakakatakot para sa amin na isipin na

1366
01:32:48,187 --> 01:32:50,106
kung nasa maling lugar kami,

1367
01:32:50,189 --> 01:32:52,441
puwedeng maapektuhan
nang husto ang buhay namin

1368
01:32:52,525 --> 01:32:55,236
o puwede nga kaming mamatay.

1369
01:32:55,319 --> 01:32:58,573
Nangyayari ang mga gano'ng bagay,
mga sakunang sobrang lala

1370
01:32:58,656 --> 01:33:02,493
na binabago ng mga ito ang mundo
pero wala tayong magawa.

1371
01:33:02,994 --> 01:33:06,539
Kaya kailangan na lang nating
mabuhay sa bagong mundo.

1372
01:33:15,798 --> 01:33:18,467
Ano ang nakuha natin
sa giyera sa Afghanistan?

1373
01:33:20,219 --> 01:33:22,430
Ito ang pinakamahabang giyera
sa kasaysayan ng US

1374
01:33:22,513 --> 01:33:25,099
at ito rin ang pinakamahaba
sa kasaysayan ng Afghanistan.

1375
01:33:27,018 --> 01:33:28,936
Intergenerational trauma ito.

1376
01:33:30,229 --> 01:33:32,732
Marami na akong nakausap
na sundalong Amerikano,

1377
01:33:32,815 --> 01:33:37,445
at di malinaw kung may kinalaman
sa 9/11 attacks

1378
01:33:37,528 --> 01:33:41,657
ang ginagawa nila
no'ng dumating sila noong 2021.

1379
01:33:46,162 --> 01:33:48,247
Nahuli natin 'yong may pakana.

1380
01:33:48,331 --> 01:33:50,541
Masasabing maganda 'yon

1381
01:33:51,334 --> 01:33:54,420
pero lumipas muna ang sampung taon.

1382
01:33:55,212 --> 01:33:59,425
25 years after 9/11,
ano'ng tingin mo sa global war on terror?

1383
01:34:01,218 --> 01:34:04,388
'Yan talaga 'yong tanong, di ba?
Worth it ba?

1384
01:34:11,187 --> 01:34:12,563
Pakiramdam ko,

1385
01:34:13,230 --> 01:34:14,940
ang dami kong pinagdaanan,

1386
01:34:15,024 --> 01:34:17,860
at ang dami ring pinagdaanan
ng pamilya ko noong bata pa ako.

1387
01:34:20,237 --> 01:34:25,826
Nakakagulat na nakaligtas ako.

1388
01:34:29,497 --> 01:34:32,083
Sana alam ko kung ano ako

1389
01:34:32,166 --> 01:34:35,211
o kung ano ang buhay ko dati,

1390
01:34:35,294 --> 01:34:37,004
pero di ko na 'yon naranasan.

1391
01:34:38,506 --> 01:34:43,094
Sinusubukan ko na lang mabawi
'yong buhay na nawala sa akin.

1392
01:34:46,597 --> 01:34:48,808
Patuloy lang akong gagawa ng mabuti.

1393
01:35:00,361 --> 01:35:03,948
Sa loob ng 25 years,
naging hati ang lipunan ng Amerika

1394
01:35:04,031 --> 01:35:07,201
at ayaw na nilang makinig sa isa't isa.

1395
01:35:09,537 --> 01:35:12,415
Kaya sobrang importante na nag-uusap tayo

1396
01:35:12,498 --> 01:35:16,127
para maayos ang mga pagkakaiba ng pananaw.

1397
01:35:17,712 --> 01:35:20,506
Huhusgahan tayo ng kasaysayan
base sa ginagawa natin ngayon.

1398
01:38:03,752 --> 01:38:08,757
Nagsalin ng Subtitles: SM Sacay



