1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:58,083 --> 00:01:02,041
Okay. Tape ID number 703.

4
00:01:02,041 --> 00:01:04,750
Oras, 6:14 ng umaga.

5
00:01:04,750 --> 00:01:07,250
Nagpapatuloy ang panayam sa impormante.

6
00:01:07,250 --> 00:01:09,125
Pakiulit ang pangalan ng mga ito.

7
00:01:10,833 --> 00:01:14,375
Hector Álvarez. Adrian Lovell.

8
00:01:14,916 --> 00:01:17,583
- Ikaw ang nagpakilala sa kanila?
- Oo.

9
00:01:17,583 --> 00:01:20,958
- Ikaw ang nagsaayos ng usapan sa armas?
- Oo.

10
00:01:22,875 --> 00:01:25,166
At may relasyon ka sa kanilang dalawa?

11
00:01:25,833 --> 00:01:27,125
Oo.

12
00:01:27,125 --> 00:01:29,166
Sige. Okay.

13
00:01:31,833 --> 00:01:33,500
Ipaliwanag mong mabuti.

14
00:01:33,500 --> 00:01:36,333
Si Álvarez ang nagsusuplay
ng armas kay Lovell.

15
00:01:36,333 --> 00:01:37,708
Anong uri ng armas?

16
00:01:39,875 --> 00:01:41,500
Hindi ligtas dito.

17
00:01:41,500 --> 00:01:45,500
Binibini, 'wag mo kaming pangunahan.
Puwede ka naming ikulong.

18
00:01:48,958 --> 00:01:51,916
- Di n'yo alam kung gaano ito kalala.
- Sabihin mo.

19
00:01:59,208 --> 00:02:00,041
Heto.

20
00:02:03,541 --> 00:02:05,250
Alam kong nakakatakot ito,

21
00:02:06,416 --> 00:02:09,916
kaya't magsimula tayo
sa suplay na armas ni Álvarez.

22
00:02:12,916 --> 00:02:17,791
Mga Soviet PKM machine gun,
LAWS rocket launcher,

23
00:02:17,791 --> 00:02:19,541
mga M18 Claymore mine.

24
00:02:20,375 --> 00:02:22,916
- Di iyon ang punto.
- Ang totoo, iyon talaga.

25
00:02:22,916 --> 00:02:25,125
Papatayin ka dahil sa nalalaman mo, tama?

26
00:02:25,875 --> 00:02:27,208
Ang deal ko muna.

27
00:02:27,208 --> 00:02:29,916
Sawa na ako sa pagpapaligoy-ligoy nito.

28
00:02:29,916 --> 00:02:31,208
Kung proteksyon ang...

29
00:02:31,208 --> 00:02:33,750
Wala kang alam sa pagprotekta sa akin.

30
00:02:34,583 --> 00:02:36,875
Ligtas ka rito.

31
00:02:37,500 --> 00:02:38,708
Hindi.

32
00:02:38,708 --> 00:02:41,333
Nasa Cuba si Álvarez
at minamatyagan si Lovell.

33
00:02:41,333 --> 00:02:44,458
Nakasubaybay kami sa kaniya
paglapag niya sa O'Hare.

34
00:02:45,083 --> 00:02:46,875
Alam na niya kung nasaan tayo.

35
00:02:47,583 --> 00:02:48,708
Para lang alam mo--

36
00:02:48,708 --> 00:02:51,625
Akala n'yo sinusundan n'yo siya?
Siya ang nakasunod.

37
00:02:51,625 --> 00:02:55,041
Kung iniisip mong
madidiktahan mo kami sa interogasyon,

38
00:02:55,041 --> 00:02:56,416
di ko alam kung sino...

39
00:03:05,250 --> 00:03:06,625
Nasa labas ang bumaril.

40
00:03:07,375 --> 00:03:09,583
<i>Hawthorne? Carter? Copy ba?</i>

41
00:03:10,250 --> 00:03:12,500
<i>Napasok ba tayo? Copy ba?</i>

42
00:03:17,833 --> 00:03:18,708
Halika.

43
00:03:29,416 --> 00:03:30,916
'Wag sa bintana, huwag...

44
00:03:41,291 --> 00:03:42,625
Hindi, akin na...

45
00:04:02,833 --> 00:04:03,708
Mamamatay ba ako?

46
00:04:05,333 --> 00:04:06,458
Hindi ko alam.

47
00:04:51,750 --> 00:04:53,041
Alam kong nariyan ka.

48
00:04:54,791 --> 00:04:57,000
Akala mo matataguan mo ako?

49
00:04:58,916 --> 00:05:01,000
Alam mo sigurong mahahanap kita.

50
00:05:26,458 --> 00:05:27,375
Adrian.

51
00:05:43,791 --> 00:05:44,916
Hindi.

52
00:06:27,291 --> 00:06:29,958
ANG INA

53
00:06:58,291 --> 00:06:59,583
Babae.

54
00:07:01,833 --> 00:07:03,000
Ayos lang ba siya?

55
00:07:04,583 --> 00:07:06,166
Malusog na malusog.

56
00:07:18,583 --> 00:07:19,500
Lumabas kayo.

57
00:07:21,250 --> 00:07:22,791
Special Agent Williams.

58
00:07:23,875 --> 00:07:24,833
Kumusta ka?

59
00:07:24,833 --> 00:07:28,458
- Nasaan ang anak ko?
- Nasa nursery. Napakasuwerte niya.

60
00:07:28,458 --> 00:07:29,958
Gusto ko siyang makita.

61
00:07:29,958 --> 00:07:34,333
Wala nang saysay ang gusto mo
sa susunod na mangyayari.

62
00:07:34,333 --> 00:07:38,000
Nag-aksaya ka ng 12 oras ng FBI
para sa sarili mong deal

63
00:07:38,000 --> 00:07:39,833
at pitong ahente ang namatay.

64
00:07:39,833 --> 00:07:42,250
Kami na ang masusunod sa usapang ito.

65
00:07:44,000 --> 00:07:47,333
Di n'yo siya mailalayo sa akin.
Ako ang nanay niya.

66
00:07:47,333 --> 00:07:50,791
Sa ngayon, parusang kamatayan ka
para sa batang iyon.

67
00:07:50,791 --> 00:07:55,041
Malulupit na negosyante
sina Adrian Lovell at Hector Álvarez.

68
00:07:55,041 --> 00:07:57,625
Pag umalis ka kasama ang bata,
papatayin siya.

69
00:07:58,375 --> 00:08:00,958
Nanaksak na ng buntis si Lovell.

70
00:08:00,958 --> 00:08:02,791
Paano pa ang isang sanggol?

71
00:08:02,791 --> 00:08:04,166
Patay na si Lovell.

72
00:08:05,458 --> 00:08:08,875
Naitakas si Lovell mula sa sunog
bago dumating ang backup.

73
00:08:08,875 --> 00:08:10,833
Wala ang bangkay niya.

74
00:08:16,625 --> 00:08:19,083
Ilalagay ang anak mo sa witness security...

75
00:08:19,083 --> 00:08:21,125
Hindi ipapaampon ang anak ko.

76
00:08:21,125 --> 00:08:23,041
...para di makilala ang ina niya.

77
00:08:23,041 --> 00:08:25,291
Kaya kong protektahan ang anak ko.

78
00:08:25,291 --> 00:08:26,583
Alam ko.

79
00:08:26,583 --> 00:08:29,083
Sunod-sunod na sabak
sa Iraq at Afghanistan,

80
00:08:29,083 --> 00:08:33,916
apatnapu't anim na patay,
asintado sa M24 sa layong 1,300 metro.

81
00:08:34,916 --> 00:08:36,291
Ano'ng silbi no'n?

82
00:08:39,208 --> 00:08:43,166
Alam nating ang tanging paraan
para maprotektahan siya ay mawala ka.

83
00:08:50,791 --> 00:08:51,833
At kung hindi?

84
00:08:54,250 --> 00:08:56,583
Hahanapin ka nila. Kayong dalawa.

85
00:09:05,208 --> 00:09:06,916
At para lang alam mo,

86
00:09:06,916 --> 00:09:10,750
terible ang rekord ng FBI
sa pagtatago ng kinaroroonan

87
00:09:10,750 --> 00:09:13,666
ng mga taong dahilan
ng pagkamatay ng mga ahente.

88
00:09:19,708 --> 00:09:23,083
Pagtanggal ng karapatan ng magulang.
Pirmahan mo pag handa ka na.

89
00:09:43,875 --> 00:09:45,291
- Papasukin mo.
- Sigurado ka?

90
00:09:45,291 --> 00:09:46,333
Ayos lang siya.

91
00:09:48,666 --> 00:09:49,500
Uy.

92
00:09:51,666 --> 00:09:53,291
Kasasabi lang nila sa akin.

93
00:09:55,208 --> 00:09:56,166
Ayos ka lang?

94
00:10:00,250 --> 00:10:01,125
Tatlong bagay.

95
00:10:03,208 --> 00:10:05,958
Una, ibigay n'yo siya sa mabubuting tao.

96
00:10:07,000 --> 00:10:10,416
Gusto ko ng pinakanakakainip
at karaniwang buhay sa kaniya.

97
00:10:12,166 --> 00:10:13,541
Babae?

98
00:10:13,541 --> 00:10:16,041
Ikalawa, balitaan n'yo akong ligtas siya,

99
00:10:17,625 --> 00:10:18,916
tuwing kaarawan niya.

100
00:10:21,250 --> 00:10:22,125
Ikatlo,

101
00:10:23,625 --> 00:10:25,000
kapag may problema...

102
00:10:27,500 --> 00:10:28,500
sabihan n'yo ako.

103
00:10:30,958 --> 00:10:32,208
Utang ko 'yan sa 'yo.

104
00:10:48,291 --> 00:10:49,416
Anak mo?

105
00:10:54,250 --> 00:10:55,166
Hindi.

106
00:11:43,166 --> 00:11:45,500
'Wag kang manggulat ng taong may PTS--

107
00:11:50,791 --> 00:11:54,166
Na-trigger na ako nang tuluyan.

108
00:12:08,916 --> 00:12:10,333
Kailangan mo ng trabaho.

109
00:12:11,083 --> 00:12:14,125
Malaki ang bayad ng ilang rantsero
sa mga shooter na katulad mo.

110
00:12:15,791 --> 00:12:17,125
Pangtaboy ng mga lobo.

111
00:12:18,500 --> 00:12:19,958
Ayokong mamaril ng lobo.

112
00:12:22,208 --> 00:12:23,583
Makadiyos ka na?

113
00:12:29,541 --> 00:12:30,541
Hindi.

114
00:13:15,583 --> 00:13:17,375
Ayos na. Salamat.

115
00:13:19,666 --> 00:13:22,125
- Kung gusto mo--
- Wala akong gusto, Jons.

116
00:13:23,875 --> 00:13:27,416
Lahat tayo tuliro kapag nakaalis na tayo.

117
00:13:30,416 --> 00:13:31,791
Mas malala pa 'to roon.

118
00:13:33,791 --> 00:13:37,833
Anumang ginawa mo, nandito ka pa.
May oras ka pa para itama iyon.

119
00:13:39,833 --> 00:13:41,958
Pag may nakakita, di mo ako kilala.

120
00:13:43,333 --> 00:13:44,333
Ganoon kalala?

121
00:14:24,625 --> 00:14:28,041
MAKALIPAS ANG 12 TAON

122
00:15:54,541 --> 00:15:55,625
Kaarawan na naman.

123
00:15:56,791 --> 00:15:58,333
Gaano na kaya siya kalaki?

124
00:16:03,916 --> 00:16:05,541
Hindi niya kaarawan.

125
00:16:21,875 --> 00:16:24,833
LIHAM NG TAGUBILIN MULA SA NAGPADALA

126
00:17:18,791 --> 00:17:19,791
<i>Nanganganib siya?</i>

127
00:17:21,708 --> 00:17:23,458
Magbatian kaya muna tayo?

128
00:17:23,458 --> 00:17:24,375
Kumusta?

129
00:17:25,000 --> 00:17:27,166
Nabuo ang sibilisasyon
sa maliliit na bagay.

130
00:17:27,166 --> 00:17:28,625
Ano'ng nangyayari, Cruise?

131
00:17:28,625 --> 00:17:33,708
Nahuli ng ATF ang ilang tauhan ni Álvarez
sa tambakan sa Nuevo Laredo.

132
00:17:33,708 --> 00:17:36,750
Tipikal na armas.
Mga MK12, bump stock, silencer.

133
00:17:37,916 --> 00:17:39,250
Pero mayroon din nito.

134
00:17:46,291 --> 00:17:48,666
Nasa kustodiya sa Mexico ang anim.

135
00:17:49,458 --> 00:17:50,708
Kilalanin mo sila.

136
00:17:52,458 --> 00:17:54,208
Wala ako rito para mangilala.

137
00:17:54,208 --> 00:17:55,583
Nangako ako.

138
00:17:58,541 --> 00:18:00,791
- Poprotektahan ko siya.
- Di kita mapapayuhan.

139
00:18:02,791 --> 00:18:03,750
Ano'ng pangalan niya?

140
00:18:07,125 --> 00:18:08,541
Puwede mo nang sabihin.

141
00:18:09,791 --> 00:18:10,666
Zoe.

142
00:18:12,458 --> 00:18:14,166
Griyego para sa "buhay."

143
00:18:33,833 --> 00:18:36,083
- Okay, muntik na.
- Muntik na!

144
00:19:49,208 --> 00:19:50,208
Uy.

145
00:20:34,541 --> 00:20:35,458
Kilala kita.

146
00:21:14,041 --> 00:21:15,375
- Uy!
- Halika!

147
00:21:24,666 --> 00:21:27,833
Huwag, pakiusap! Mama!

148
00:21:36,958 --> 00:21:38,041
Zoe!

149
00:21:40,250 --> 00:21:41,458
Halika na!

150
00:21:42,291 --> 00:21:43,291
Hindi!

151
00:23:35,125 --> 00:23:36,416
- Ayos ka lang?
- Bilis!

152
00:23:45,750 --> 00:23:47,708
Alam mo, dapat may mga kasama ka.

153
00:23:47,708 --> 00:23:50,958
Di ko alam kung kailan o paano.
Di ko alam na si Hector...

154
00:23:50,958 --> 00:23:53,208
Di ka makabuo ng standard perimeter?

155
00:23:53,208 --> 00:23:56,791
Higit iyon sa inasahan ko.
Mga tinyente ni Hector iyon.

156
00:23:56,791 --> 00:23:58,916
Oo, si Yanil Gonzalez ang kumuha.

157
00:24:01,208 --> 00:24:02,375
Si Tarantula.

158
00:24:05,375 --> 00:24:07,416
May pamalit ng damit sa tabi mo.

159
00:24:17,333 --> 00:24:18,750
Tatlong pangako.

160
00:24:18,750 --> 00:24:22,041
Tinupad ko iyon
at ginawa ang lahat para ilihim siya.

161
00:24:22,041 --> 00:24:23,583
Hayag na ang lihim.

162
00:24:25,583 --> 00:24:28,416
- Kanino ba 'to? Pulis sa opisina?
- Sa kapatid ko.

163
00:24:28,416 --> 00:24:32,375
May team sa bahay.
Maghihintay tayo ng tawag ukol sa ransom.

164
00:24:32,375 --> 00:24:34,708
- Walang tatawag.
- Ano'ng gusto nila?

165
00:24:35,916 --> 00:24:36,916
Ako.

166
00:24:37,875 --> 00:24:43,666
Matitingnan nila ako nang mahaba-haba
habang pinapatay ko sila isa-isa.

167
00:24:44,583 --> 00:24:45,625
Tapos, ano?

168
00:24:48,375 --> 00:24:50,333
Ibabalik ko ang bata sa magulang.

169
00:24:55,208 --> 00:24:56,208
Mahusay sila.

170
00:25:18,916 --> 00:25:19,833
Banyo?

171
00:25:21,750 --> 00:25:23,500
Ginagamit niya ang pasilidad.

172
00:26:20,458 --> 00:26:22,125
Bantayan ang bakuran.

173
00:26:32,125 --> 00:26:34,041
Alam mo kung saan tayo pupunta?

174
00:26:34,625 --> 00:26:35,791
Pabalik sa Cuba.

175
00:26:39,125 --> 00:26:39,958
Kasal tayo?

176
00:26:40,875 --> 00:26:42,916
Magandang lugar para sa honeymoon.

177
00:27:44,500 --> 00:27:46,625
- Itapon mo ang baril.
- Kalma lang.

178
00:27:48,125 --> 00:27:49,416
Nasaan ang bata?

179
00:27:49,416 --> 00:27:51,041
Ano'ng ginawa mo sa kaniya?

180
00:28:50,166 --> 00:28:51,916
Bilangan mo. Mandaraya siya.

181
00:28:52,458 --> 00:28:54,208
- Tahimik, tanda!
- Hindi!

182
00:29:00,125 --> 00:29:01,666
Pigilan n'yo ang lintik!

183
00:29:05,291 --> 00:29:07,208
Lumayas kayo sa bahay ko!

184
00:29:42,541 --> 00:29:43,375
Cruise!

185
00:30:10,125 --> 00:30:10,958
Putang ina!

186
00:30:12,541 --> 00:30:13,583
Tabi!

187
00:30:17,541 --> 00:30:18,916
Sinira mo ang kotse ko.

188
00:31:43,833 --> 00:31:45,583
Ilagay mo siya sa trunk.

189
00:31:51,458 --> 00:31:54,583
Ang bata? Nasaan ang bata?

190
00:31:56,375 --> 00:31:57,208
Anong bata?

191
00:32:00,458 --> 00:32:02,666
Ako ang nagtatanong!

192
00:32:03,750 --> 00:32:04,833
Nasaan ang bata?

193
00:32:04,833 --> 00:32:06,291
Tingin ko di niya alam.

194
00:32:07,166 --> 00:32:08,000
Ano raw?

195
00:32:08,000 --> 00:32:10,875
Gusto mong malaman ang sabi niya?
Isasalin ko.

196
00:32:13,416 --> 00:32:15,000
Ganito ka pala magtanong.

197
00:32:15,916 --> 00:32:17,125
Ano'ng nangyari?

198
00:32:19,458 --> 00:32:20,625
Napagod ka na?

199
00:32:20,625 --> 00:32:21,791
Puta ni Hector.

200
00:32:24,708 --> 00:32:26,708
Okay.

201
00:32:26,708 --> 00:32:27,750
Hoy.

202
00:32:31,541 --> 00:32:33,625
Gusto ako ni Hector doon, tama?

203
00:32:33,625 --> 00:32:35,083
Pero di ako papabitag.

204
00:32:39,750 --> 00:32:41,083
Hawakan mo siya.

205
00:32:42,541 --> 00:32:43,916
Saan ka pupunta?

206
00:32:46,791 --> 00:32:47,833
Ano ang gusto mo...

207
00:32:56,666 --> 00:32:58,125
Ganito sa militar.

208
00:33:00,583 --> 00:33:04,375
Ang hapdi ng bula, ano? Ngayon...

209
00:33:04,375 --> 00:33:05,875
Magsalita ka, gago.

210
00:33:06,833 --> 00:33:08,833
Nasaan ang bata?

211
00:33:13,208 --> 00:33:14,166
Efila.

212
00:33:16,625 --> 00:33:18,083
Ano'ng naghihintay roon?

213
00:33:18,708 --> 00:33:20,000
Ilan ang guwardiya?

214
00:33:21,083 --> 00:33:22,083
Lahat sila.

215
00:33:22,083 --> 00:33:23,333
Bitag.

216
00:33:25,000 --> 00:33:26,208
Wala akong pakialam.

217
00:33:27,666 --> 00:33:30,875
Mailigtas lang si Zoe,
puwede na nila akong kunin.

218
00:33:32,958 --> 00:33:34,500
Di ikaw ang gusto niya.

219
00:33:34,500 --> 00:33:36,333
Ang mga gagawin sa kaniya,

220
00:33:37,416 --> 00:33:38,958
hindi niya malilimutan.

221
00:33:44,583 --> 00:33:46,500
Kailangan na nating umalis dito.

222
00:34:12,208 --> 00:34:13,458
Tulungan na kita.

223
00:34:28,583 --> 00:34:30,875
Di ka lang pala nambubugbog.

224
00:34:33,333 --> 00:34:35,500
Kahit ano para mailigtas siya.

225
00:34:37,375 --> 00:34:39,833
Tulad ng pagbabago na parang multo?

226
00:34:48,166 --> 00:34:49,166
Dama mo iyon?

227
00:34:52,000 --> 00:34:54,916
Hinayaan mo sana akong mamatay,
pero di mo ginawa.

228
00:34:57,458 --> 00:34:58,500
Iniligtas mo ako.

229
00:35:00,208 --> 00:35:01,416
Bakit?

230
00:35:13,666 --> 00:35:15,208
Binigyan mo ako ng tubig.

231
00:35:17,041 --> 00:35:18,125
Sa safe house.

232
00:35:21,916 --> 00:35:24,166
Parang alam mong nauuhaw ako lagi.

233
00:35:26,208 --> 00:35:28,083
Inalagaan mo kami ng anak ko.

234
00:35:31,500 --> 00:35:33,166
Dama ko, dapat kang iligtas.

235
00:35:38,708 --> 00:35:40,583
Paano ka nasangkot dito?

236
00:35:42,125 --> 00:35:44,416
Kayo nina Lovell at Álvarez.

237
00:35:45,625 --> 00:35:46,583
Di ko maunawaan.

238
00:35:56,791 --> 00:35:57,625
Afghanistan.

239
00:35:58,458 --> 00:36:00,458
Paputukan n'yo ang mga target!

240
00:36:01,125 --> 00:36:05,458
<i>Ex-SAS si Lovell,
ang nagsasanay sa sniper unit ko.</i>

241
00:36:05,458 --> 00:36:07,625
Kumilos kayo kahit nahihirapan.

242
00:36:08,208 --> 00:36:09,500
<i>Ako yata ang nanguna.</i>

243
00:36:10,208 --> 00:36:13,458
Sa 500 metro,
kahit tibok ng puso n'yo, makakaistorbo.

244
00:36:15,750 --> 00:36:17,000
Pinili niya ako.

245
00:36:18,375 --> 00:36:20,083
Walang pamilya't kinabukasan.

246
00:36:21,541 --> 00:36:22,541
Walang mawawala.

247
00:36:22,541 --> 00:36:24,708
- Headhunter ka.
- Hindi.

248
00:36:25,250 --> 00:36:26,583
Adiksiyon ang digmaan.

249
00:36:26,583 --> 00:36:29,833
Ang dala nito ay gulo
at mga taong may mga kailangan.

250
00:36:29,833 --> 00:36:32,708
Binibigay ko lang ang kailangan nila.

251
00:36:34,875 --> 00:36:38,166
- Para kanino?
- Three-star na heneral, Uzbek na warlord...

252
00:36:39,375 --> 00:36:43,583
Nais ng mga makapangyarihang tao...
ang mga wala sa menu.

253
00:36:46,291 --> 00:36:48,458
Dapat tumakbo na ako palayo.

254
00:36:48,458 --> 00:36:49,708
Bakit hindi?

255
00:36:49,708 --> 00:36:52,000
Ano'ng gagawin ko pagkatapos?

256
00:36:53,333 --> 00:36:54,458
Pinakamahusay ako,

257
00:36:54,458 --> 00:36:59,083
at ang maaasahan ko lang paglabas
ay maging kahera sa tindahan.

258
00:37:03,541 --> 00:37:05,500
<i>Higit pa doon ang alok ni Adrian.</i>

259
00:37:12,333 --> 00:37:13,583
Pero di mo tinanggap.

260
00:37:14,291 --> 00:37:16,291
Sa halip, sumabak sa Guantanamo.

261
00:37:17,916 --> 00:37:20,166
<i>Di ako magiging empleyado niya.</i>

262
00:37:20,750 --> 00:37:24,000
Naghintay ako hanggang may maialok ako.

263
00:37:25,125 --> 00:37:25,958
Álvarez.

264
00:37:29,333 --> 00:37:32,916
Nakakatalas ng pokus
ang 18 buwang paglagi sa guard tower.

265
00:37:32,916 --> 00:37:33,916
Hector.

266
00:37:33,916 --> 00:37:38,041
<i>Kinukuha ni Hector ang mga baril sa base
at wala silang pakialam.</i>

267
00:37:38,041 --> 00:37:39,125
Iba naman ako.

268
00:37:40,541 --> 00:37:42,666
- Nakita ko kung ano siya.
- Ano iyon?

269
00:37:44,833 --> 00:37:46,000
Retirement plan ko.

270
00:37:49,041 --> 00:37:52,541
Mga baril ni Hector. Network ni Adrian.

271
00:37:54,083 --> 00:37:55,541
Malinaw ang potensyal.

272
00:37:55,541 --> 00:37:57,791
Ang problema, nasa akin ang lupon

273
00:37:57,791 --> 00:38:00,083
ng mga nakaw na armas ni Hector,

274
00:38:01,125 --> 00:38:04,166
at kailangan kong hanapan
ng tahanan ang mga iyon.

275
00:38:06,541 --> 00:38:09,375
May nahanap ako,
pero 'yong <i>repartero</i> mong nobyo,

276
00:38:09,375 --> 00:38:12,291
tinataasan ang napag-usapan nating presyo.

277
00:38:13,416 --> 00:38:15,875
May nag-aaral ng wikang Cuban.

278
00:38:15,875 --> 00:38:18,250
Buong buhay akong inuutusan.

279
00:38:20,875 --> 00:38:22,625
At masarap magkakontrol.

280
00:38:22,625 --> 00:38:24,750
Tiyak na mas mahusay kang sumayaw.

281
00:38:40,416 --> 00:38:41,583
Napakadali sana.

282
00:38:43,916 --> 00:38:45,250
Hanggang mabuntis ako.

283
00:38:48,291 --> 00:38:49,916
At nagbago ang lahat...

284
00:38:53,291 --> 00:38:54,500
nang di ko napansin.

285
00:38:54,500 --> 00:38:57,041
Mas malaki pa ang kita. Ang galing ko.

286
00:38:57,833 --> 00:38:58,833
Bakit mas malaki?

287
00:38:58,833 --> 00:39:01,625
Makapangyarihan nga ang mga kaibigan niya,

288
00:39:01,625 --> 00:39:04,208
kaya minsan,
gusto nila iyong wala sa menu.

289
00:39:09,041 --> 00:39:10,625
<i>May itinatago sila.</i>

290
00:39:12,458 --> 00:39:14,208
<i>Kailangan kong alamin.</i>

291
00:40:20,375 --> 00:40:21,708
At tinawagan mo kami.

292
00:40:29,500 --> 00:40:30,666
Kaninong anak siya?

293
00:40:31,500 --> 00:40:32,916
Kung ayos lang itanong.

294
00:40:37,833 --> 00:40:39,750
Di siya kay Hector.

295
00:40:41,625 --> 00:40:42,916
At di rin kay Adrian.

296
00:40:45,958 --> 00:40:47,208
Akin siya.

297
00:40:54,333 --> 00:40:55,250
Halika na.

298
00:41:37,750 --> 00:41:39,375
- Nakaposisyon na ako.
<i>- Copy.</i>

299
00:41:46,500 --> 00:41:47,708
<i>Apat sa kanluran.</i>

300
00:41:47,708 --> 00:41:51,416
Kita ko. May dalawa pa sa harap.
Lalong yumaman si Hector.

301
00:41:51,416 --> 00:41:54,833
Hindi. Binigay ito ni Adrian sa kanya
at pinabayaan niya.

302
00:41:59,750 --> 00:42:01,333
Nandiyan lang siya.

303
00:42:39,250 --> 00:42:40,166
Ayos na.

304
00:43:17,208 --> 00:43:19,125
Patayin ang kuryente. Ngayon na.

305
00:44:44,333 --> 00:44:46,083
Kita ko na siya. Posisyon na.

306
00:44:47,500 --> 00:44:48,833
Sumama ka sa akin.

307
00:44:49,750 --> 00:44:51,791
Ang kamay mo. Halika na.

308
00:44:51,791 --> 00:44:54,208
- Sino ka?
- Di na mahalaga.

309
00:44:54,208 --> 00:44:55,666
Tulong!

310
00:44:55,666 --> 00:44:57,125
Tumutulong ako.

311
00:44:57,125 --> 00:44:58,458
Sinasaktan mo ako.

312
00:44:59,375 --> 00:45:02,875
- Nakuha ko na siya. Pabalik na kami.
- Ang braso ko!

313
00:45:02,875 --> 00:45:05,666
Dito ka lang. Dito ka lang sa tabi ko.

314
00:45:08,833 --> 00:45:10,791
Sampung segundo nandiyan na kami.

315
00:45:17,500 --> 00:45:19,208
William!

316
00:45:24,250 --> 00:45:25,416
Ayos na ang lahat.

317
00:45:25,416 --> 00:45:28,083
Ayos na. Ayos na ang lahat.

318
00:45:32,208 --> 00:45:34,583
Patingin nga sa 'yo. Ayos ka lang?

319
00:45:38,250 --> 00:45:39,208
Halika na.

320
00:45:40,375 --> 00:45:41,500
Di pa ako tapos.

321
00:46:06,750 --> 00:46:10,208
Ibaba mo ang baril...

322
00:46:13,750 --> 00:46:15,250
Itapon mo sa bintana.

323
00:46:17,625 --> 00:46:18,750
Itapon mo!

324
00:46:22,208 --> 00:46:23,625
Taas ang kamay.

325
00:46:25,791 --> 00:46:26,916
Talikod.

326
00:46:28,083 --> 00:46:29,125
Talikod.

327
00:46:31,708 --> 00:46:33,708
Oo. Ganyan kabagal.

328
00:46:36,750 --> 00:46:38,458
Napakaganda.

329
00:46:40,166 --> 00:46:43,708
Ibinenta mo ang kaluluwa mo.
Bakit ang ganda mo pa rin?

330
00:46:45,708 --> 00:46:47,208
Ba't mo dinamay ang bata?

331
00:46:48,500 --> 00:46:49,625
Di na siya bata.

332
00:46:52,833 --> 00:46:54,541
Di ka na makakatakas ngayon.

333
00:46:56,375 --> 00:46:57,791
Nandito ka sa mundo ko.

334
00:46:59,166 --> 00:47:00,791
Ito ang kastilyo ko.

335
00:47:03,041 --> 00:47:04,333
Masarap na buhay.

336
00:47:05,958 --> 00:47:08,416
May isang dosena kang bantay sa pagtulog.

337
00:47:10,375 --> 00:47:12,208
Wala na nga pala silang lahat.

338
00:47:12,208 --> 00:47:14,583
Namatay sila para sa mabuting layunin...

339
00:47:16,416 --> 00:47:18,000
dahil pangarap ko ito.

340
00:47:19,750 --> 00:47:22,500
Ang totoo, tinatayuan ako
kapag naiisip ito.

341
00:47:23,666 --> 00:47:26,083
Dapat dati mo pa pala inisip 'to.

342
00:47:26,958 --> 00:47:29,458
Lintik. Ganiyan ka kabastos?

343
00:47:32,166 --> 00:47:33,708
Tatanungin kita...

344
00:47:35,625 --> 00:47:36,791
Ang batang babae...

345
00:47:40,500 --> 00:47:42,333
- Akin ba siya?
- Di na mahalaga.

346
00:47:43,916 --> 00:47:46,791
Hindi. Ang mahalaga, isinuplong mo ako.

347
00:47:48,958 --> 00:47:50,875
Na sinira mo ang binuo natin.

348
00:47:53,083 --> 00:47:54,875
Babayaran mo na ba ako ngayon?

349
00:47:57,375 --> 00:47:58,708
Nanaginip ako...

350
00:48:01,041 --> 00:48:02,375
na pinagmakaawa kita...

351
00:48:06,125 --> 00:48:07,208
at pinasigaw.

352
00:48:08,250 --> 00:48:10,375
Tanda mo 'yong mga nilalaro natin?

353
00:48:12,375 --> 00:48:13,791
Wala nang safe word.

354
00:48:15,875 --> 00:48:17,250
Totohanan na 'to.

355
00:48:20,041 --> 00:48:22,541
Papanoorin kitang mamatay na parang hayop.

356
00:48:23,958 --> 00:48:25,291
Wala kang bayag.

357
00:48:26,541 --> 00:48:27,541
Wala?

358
00:48:30,041 --> 00:48:30,958
Subukan mo ako.

359
00:48:33,750 --> 00:48:37,833
Pagiinitin kita.
Tapos, hahatiin kita sa dalawa.

360
00:48:40,375 --> 00:48:41,916
Tanda mo pa ang safe word?

361
00:48:51,875 --> 00:48:53,541
Wala tayong safe word.

362
00:49:19,125 --> 00:49:21,750
<i>'Wag iwan ang bagahe na walang bantay.</i>

363
00:50:10,208 --> 00:50:14,000
{\an8}PAANO MAHANAP ANG INA GAMIT ANG DNA?

364
00:50:19,250 --> 00:50:21,083
PARAAN PARA MAHANAP ANG MAGULANG

365
00:51:18,875 --> 00:51:22,000
Mukhang ayos na ulit siya.
Nakausap ko ang ina niya.

366
00:51:22,000 --> 00:51:24,750
Nasa mesa na ang pancakes pagdating natin.

367
00:51:24,750 --> 00:51:27,375
Para kay Zoe. Salamat.

368
00:51:41,083 --> 00:51:41,916
Salamat.

369
00:51:43,333 --> 00:51:45,250
Sa FBI iyan. Bili ni Cruise.

370
00:52:01,583 --> 00:52:03,083
Ayos ka na mula rito.

371
00:52:05,416 --> 00:52:06,500
Mayroon silang...

372
00:52:08,791 --> 00:52:11,666
mga counseling at mga makakausap na tao.

373
00:52:20,125 --> 00:52:21,125
Saan ka pupunta?

374
00:52:22,291 --> 00:52:24,916
Palabas na si Cruise.
Maghintay ka sa kotse.

375
00:52:32,250 --> 00:52:33,166
Nanay ba kita?

376
00:52:44,708 --> 00:52:45,666
Hindi.

377
00:52:51,791 --> 00:52:52,833
Iyon na iyon?

378
00:52:52,833 --> 00:52:54,666
Mawawala ka ulit?

379
00:53:05,041 --> 00:53:08,625
Dose anyos lang siya.
Hayaan mo siyang maging bata.

380
00:53:11,208 --> 00:53:13,625
Isipin mo na lang na masamang alaala ito.

381
00:53:14,541 --> 00:53:15,541
Uy.

382
00:53:24,041 --> 00:53:25,000
Tumawag ka.

383
00:53:42,833 --> 00:53:46,250
May anim na oras pa tayo,
kaya puwede ka pang matulog.

384
00:53:47,958 --> 00:53:49,458
Bakit di niya aminin?

385
00:53:50,375 --> 00:53:51,208
Ano?

386
00:53:52,625 --> 00:53:53,875
Na siya ang nanay ko.

387
00:53:57,208 --> 00:54:00,250
Zoe, umuwi na tayo
sa tunay mong pamilya, okay?

388
00:54:46,875 --> 00:54:48,083
Ito ang ulo.

389
00:54:49,666 --> 00:54:50,500
At ito

390
00:54:51,833 --> 00:54:52,708
ang puso.

391
00:54:53,416 --> 00:54:54,333
Kita mo ba?

392
00:55:14,666 --> 00:55:15,875
Malapit na tayo.

393
00:55:16,875 --> 00:55:19,000
Mamaya, matutulog ka na sa kama mo.

394
00:55:21,291 --> 00:55:22,541
Gusto mo iyon?

395
00:55:23,541 --> 00:55:25,000
Mukhang masarap iyon.

396
00:55:25,000 --> 00:55:28,791
Oo. Magkasundo pa rin kayo ng BFF mo?

397
00:55:28,791 --> 00:55:30,875
- BFF?
- Di ba ganoon ang tawag doon?

398
00:56:20,250 --> 00:56:25,708
William...

399
00:57:15,083 --> 00:57:16,041
Diyos ko.

400
00:57:22,750 --> 00:57:25,708
Nasaan ang nanay mo?

401
00:57:52,041 --> 00:57:53,375
Ibaba mo ang baril.

402
00:57:59,708 --> 00:58:00,916
Dito ka sa likod ko.

403
00:58:05,166 --> 00:58:06,666
Tingnan mo ang ginawa mo.

404
00:58:10,291 --> 00:58:11,541
Kilala mo 'to?

405
00:58:16,750 --> 00:58:17,750
Sino siya?

406
00:58:19,916 --> 00:58:23,875
Taga-child welfare? Social Services?

407
00:58:27,125 --> 00:58:28,000
Naku, hindi.

408
00:58:28,750 --> 00:58:32,583
May standard holster ng FBI.

409
00:58:48,291 --> 00:58:49,375
- Hindi!
- Takbo!

410
00:59:00,833 --> 00:59:04,083
Zoe!

411
00:59:46,250 --> 00:59:47,166
Heto.

412
00:59:55,208 --> 00:59:56,666
Kailan ako uuwi?

413
00:59:59,291 --> 01:00:01,083
Nakita mo ang nangyari.

414
01:00:02,750 --> 01:00:04,291
Magpapatuloy iyon.

415
01:00:05,666 --> 01:00:09,333
Mapoprotektahan ang magulang mo,
pero hindi tayo. Walang may kaya.

416
01:00:09,333 --> 01:00:11,750
Patuloy tayong kikilos at mag-iingat.

417
01:00:18,583 --> 01:00:19,541
Sino sila?

418
01:00:22,208 --> 01:00:23,458
'Wag mo nang alamin.

419
01:00:24,666 --> 01:00:25,833
Basta masama sila.

420
01:00:27,583 --> 01:00:29,250
Ano'ng gusto nila sa 'kin?

421
01:00:34,333 --> 01:00:36,916
Isa kang chip, gamit sa pakikipagtawaran.

422
01:00:40,958 --> 01:00:43,000
Di ko ito maipaliwanag sa edad mo.

423
01:00:48,375 --> 01:00:50,125
Bata ka pa. Matatakot ka.

424
01:00:51,000 --> 01:00:52,083
'Wag na nga.

425
01:00:55,541 --> 01:00:58,333
Nalimutan ko... Para sa 'yo ito.

426
01:01:01,958 --> 01:01:03,083
Saan tayo pupunta?

427
01:01:05,916 --> 01:01:06,750
Sa malayo.

428
01:01:09,750 --> 01:01:10,916
Magbanyo ka na.

429
01:01:32,250 --> 01:01:33,750
- Ma'am?
- Para sa truck.

430
01:01:40,750 --> 01:01:43,291
- Hello?
- Sasabihin ko lang na ligtas siya.

431
01:01:44,291 --> 01:01:47,125
- Kakausapin ko siya.
- Hindi puwede.

432
01:01:47,125 --> 01:01:50,541
- Ano'ng sabi mo?
- Di pa siya makakabalik.

433
01:01:51,041 --> 01:01:51,875
Hindi pa.

434
01:01:52,958 --> 01:01:56,333
Ano'ng ibig sabihin noon?
Hindi ko maintindihan.

435
01:01:57,000 --> 01:02:00,500
Wala akong maunawaan, ipaliwanag mo.

436
01:02:00,500 --> 01:02:03,375
- Magtiwala ka sa akin.
- Seryoso ka ba?

437
01:02:03,375 --> 01:02:05,083
Pangako, siya ay nasa...

438
01:02:05,083 --> 01:02:08,041
Nangako siyang di ka na babalik.

439
01:02:08,625 --> 01:02:11,875
<i>Si Agent Cruise.
Sinabi nila sa akin ang nangyari.</i>

440
01:02:14,000 --> 01:02:15,000
Nakita mo ba?

441
01:02:17,541 --> 01:02:18,583
Oo.

442
01:02:21,000 --> 01:02:21,958
Nakita niya rin?

443
01:02:25,000 --> 01:02:26,083
Oo.

444
01:02:28,208 --> 01:02:31,125
Sandali lang. Sandali. Hindi ko...

445
01:02:31,125 --> 01:02:32,166
Uy.

446
01:02:35,250 --> 01:02:38,875
Iuuwi ko siya. Okay? Pabalik sa iyo.

447
01:02:39,958 --> 01:02:41,375
Kapag ligtas na.

448
01:02:41,375 --> 01:02:43,833
Petsang di ko mailalagay sa kalendaryo.

449
01:02:46,333 --> 01:02:47,916
Kaarawan niya sa Oktubre.

450
01:02:50,833 --> 01:02:53,250
- Alam ko iyon.
- Oo naman.

451
01:02:57,708 --> 01:02:59,416
Tumupad si Cruise sa pangako,

452
01:02:59,416 --> 01:03:00,708
tutupad din ako.

453
01:03:01,625 --> 01:03:03,833
Makikita mo siyang umihip ng kandila.

454
01:03:05,375 --> 01:03:06,750
Pangako iyan.

455
01:03:10,208 --> 01:03:12,500
- Sakay na.
- Hindi, nasaan ang phone ko?

456
01:03:14,416 --> 01:03:15,375
Sakay na.

457
01:03:16,250 --> 01:03:18,166
Kailangan ko ang phone ko.

458
01:03:20,333 --> 01:03:21,750
Sumakay ka na sa truck.

459
01:04:15,125 --> 01:04:17,000
Ang gandang bata ng kasama mo.

460
01:04:18,208 --> 01:04:20,375
Salamat, napadaan lang kami.

461
01:04:21,291 --> 01:04:22,125
Sayang naman.

462
01:04:23,083 --> 01:04:26,750
Kung magtatagal kayo,
mapapanood n'yo ang salmon run.

463
01:04:26,750 --> 01:04:29,875
Lumalangoy na isda lang,
nangingitlog para mamatay.

464
01:04:30,916 --> 01:04:33,083
Hindi romantiko kapag ganoon.

465
01:04:34,416 --> 01:04:36,291
Nangangaso siguro kayo.

466
01:04:37,500 --> 01:04:38,916
Mga tupa?

467
01:04:41,000 --> 01:04:42,083
Usa?

468
01:04:45,708 --> 01:04:46,583
Oso.

469
01:04:48,083 --> 01:04:50,125
Baka gusto mo ring mag-imbak.

470
01:04:55,125 --> 01:04:57,833
Ano 'to, Halloween? Ibalik mo iyan.

471
01:05:04,958 --> 01:05:07,250
- Siya ang magbabayad no'n.
- Libre na.

472
01:05:10,791 --> 01:05:12,625
Mag enjoy kayo.

473
01:05:15,541 --> 01:05:16,625
Kilala mo siya?

474
01:05:18,750 --> 01:05:19,583
Ano?

475
01:05:20,250 --> 01:05:22,458
Bakit kayo nagkukunwaring di magkakilala?

476
01:05:23,666 --> 01:05:24,625
Kasi hindi nga.

477
01:05:28,291 --> 01:05:31,250
Di ganoon mag usap ang di magkakilala.
Para kayong...

478
01:05:34,000 --> 01:05:36,250
mga espiya, nag-uusap ng naka-code.

479
01:06:07,083 --> 01:06:07,958
Isuot mo ito.

480
01:06:18,583 --> 01:06:19,541
Kakain tayo.

481
01:06:52,083 --> 01:06:53,416
Ang ganda.

482
01:06:58,000 --> 01:07:00,708
Hindi!

483
01:07:07,250 --> 01:07:08,083
Halika na.

484
01:07:15,833 --> 01:07:17,458
- Kain na.
- Di ko kaya.

485
01:07:19,583 --> 01:07:20,500
Kaya mo.

486
01:07:24,666 --> 01:07:26,666
Di ko kakainin ang nanay ni Bambi.

487
01:07:28,541 --> 01:07:30,208
Hindi iyan karne ng usa.

488
01:07:30,208 --> 01:07:33,333
Kailangang isabit ang usa para lumambot.

489
01:07:33,333 --> 01:07:36,166
Isa pa, lalaki iyon, kaya...

490
01:07:37,000 --> 01:07:39,500
tatay ni Bambi iyon.

491
01:07:41,541 --> 01:07:43,125
- Ano 'to?
- Kuneho.

492
01:07:46,416 --> 01:07:47,375
Si Thumper.

493
01:07:48,625 --> 01:07:50,166
Ayoko rin ng kuneho.

494
01:07:51,583 --> 01:07:53,000
Makinig ka sa 'kin,

495
01:07:53,000 --> 01:07:56,041
masaya ang kunehong iyon
kaysa sa cheeseburger mo.

496
01:07:56,041 --> 01:07:58,000
Masaya siya hanggang sa binaril mo siya.

497
01:08:03,041 --> 01:08:04,750
- Binitag ko siya.
- Mas mabuti.

498
01:08:06,041 --> 01:08:07,333
Makinig ka, iha.

499
01:08:08,500 --> 01:08:11,666
Lahat ng kinain mo buong buhay
ay galing sa karahasan.

500
01:08:14,625 --> 01:08:15,458
Tokwa.

501
01:08:16,250 --> 01:08:20,708
Kalahati ng Paraguay ay sinunog
para sa plantasyon ng soy.

502
01:08:20,708 --> 01:08:22,083
Keso.

503
01:08:22,083 --> 01:08:25,083
Binuntis ang mga baka
para buong araw na gatasan.

504
01:08:25,833 --> 01:08:26,666
Kadiri.

505
01:08:29,291 --> 01:08:30,291
Kesong kasuy.

506
01:08:30,291 --> 01:08:34,333
May kilala ako sa Ivory Coast,
lumaban daw sila sa digmaang sibil

507
01:08:35,791 --> 01:08:37,125
dahil sa mga kasuy.

508
01:08:42,208 --> 01:08:43,458
Gusto ko nang umuwi.

509
01:08:44,166 --> 01:08:45,083
Alam ko.

510
01:08:52,375 --> 01:08:53,208
Kain na.

511
01:09:12,666 --> 01:09:14,791
Lumabas ka sa loob ng limang minuto.

512
01:09:30,125 --> 01:09:30,958
Magmaneho ka.

513
01:09:31,916 --> 01:09:32,833
Dose lang ako.

514
01:09:33,541 --> 01:09:34,791
Tuturuan kita.

515
01:09:36,625 --> 01:09:37,625
Bakit?

516
01:09:38,166 --> 01:09:39,375
Gusto mo bang umuwi?

517
01:09:40,250 --> 01:09:41,333
Gusto ko rin iyon.

518
01:09:42,291 --> 01:09:44,916
Pero dapat matuto ka munang mabuhay.

519
01:09:44,916 --> 01:09:46,375
Dito tayo magsisimula.

520
01:09:51,625 --> 01:09:52,625
Galit ka sa akin?

521
01:09:54,583 --> 01:09:56,541
Mabuti. Gamitin mo iyon.

522
01:09:57,416 --> 01:10:00,458
Dahil magtatrabaho ka
ng higit sa iniisip mo.

523
01:10:01,333 --> 01:10:04,000
Mauubusan ka ng enerhiya
at pag nakahanap ka,

524
01:10:04,000 --> 01:10:05,708
mauubusan ka ulit.

525
01:10:06,583 --> 01:10:10,000
Pero pag tapos na,
ikaw mismo ang magmamaneho palayo rito.

526
01:10:14,416 --> 01:10:15,708
Bakit, natatakot ka?

527
01:10:17,416 --> 01:10:18,416
Oo, sobra.

528
01:10:20,208 --> 01:10:21,750
Kung gayon, gawin mo ito.

529
01:10:28,166 --> 01:10:29,583
Ilagay mo ang susi.

530
01:10:31,916 --> 01:10:35,166
Oo. Ikutin mo. Ikot.

531
01:10:39,000 --> 01:10:40,458
Hatakin mo pababa.

532
01:10:41,250 --> 01:10:43,791
Tulak at tapak. Handa ka na? Sige.

533
01:11:00,250 --> 01:11:02,541
Itaas mo ang riple. Bawal magpahinga.

534
01:11:02,541 --> 01:11:05,291
Ginagawa ito
para makapag-isip ka kahit pagod.

535
01:11:05,291 --> 01:11:07,041
Tingala, tingin sa harapan.

536
01:11:08,875 --> 01:11:10,166
Chamber.

537
01:11:13,208 --> 01:11:14,083
Pokus.

538
01:11:15,875 --> 01:11:17,000
Hinga.

539
01:11:19,916 --> 01:11:20,750
Tira.

540
01:11:25,833 --> 01:11:26,708
Ulit.

541
01:11:33,500 --> 01:11:37,541
Hi!

542
01:11:37,541 --> 01:11:40,416
Gusto n'yong maglaro? Siyempre.

543
01:11:40,416 --> 01:11:42,541
Hi! Diyos ko.

544
01:11:42,541 --> 01:11:45,291
Hindi sila alaga. Walang alaga rito.

545
01:11:55,750 --> 01:11:56,625
Gaano kalapit?

546
01:11:57,666 --> 01:11:58,791
Sa likod mo mismo.

547
01:12:10,458 --> 01:12:11,625
Takbo!

548
01:12:20,000 --> 01:12:21,458
Ayos lang.

549
01:12:21,458 --> 01:12:23,291
Binaril mo ang nanay!

550
01:12:23,291 --> 01:12:27,416
Hindi. Tingnan mo.
Asin lang ang bala ng berde.

551
01:12:29,041 --> 01:12:31,166
Para lang panakot.

552
01:12:34,583 --> 01:12:35,541
Kita mo?

553
01:12:38,083 --> 01:12:38,916
Halika na.

554
01:12:56,833 --> 01:13:00,500
'Wag mo nang isubo ulit iyan.
Di para sa 'yo iyan.

555
01:13:00,500 --> 01:13:01,958
Bakit ikaw?

556
01:13:02,791 --> 01:13:05,041
Magkaiba tayo. Naintindihan mo?

557
01:13:06,541 --> 01:13:08,666
- Magkaiba tayo.
- Ayokong maging ikaw.

558
01:13:09,875 --> 01:13:11,125
Gusto ko nang umuwi.

559
01:13:15,333 --> 01:13:16,500
Ayoko rito.

560
01:13:20,708 --> 01:13:21,583
Ibaba mo.

561
01:13:22,250 --> 01:13:25,375
Hindi. Aalis na ako.
Di mo ako mapipigilan.

562
01:13:28,750 --> 01:13:29,708
Nanginginig ka.

563
01:13:33,291 --> 01:13:35,250
- Di ka pa handa.
- Handa na ako.

564
01:13:38,458 --> 01:13:39,500
Patunayan mo.

565
01:13:40,250 --> 01:13:41,416
Huwag mo akong--

566
01:13:43,416 --> 01:13:44,541
Bakit ang gago mo?

567
01:13:44,541 --> 01:13:47,750
'Wag mo akong tawaging gago!
'Wag mo akong gaguhin!

568
01:13:47,750 --> 01:13:49,916
Di kagaguhan ang pagligtas sa 'yo.

569
01:13:49,916 --> 01:13:51,958
- Ang pagsisinungaling, oo.
- Paano?

570
01:13:53,250 --> 01:13:54,541
Alam ko kung sino ka.

571
01:13:55,166 --> 01:13:59,000
Di pagsisinungaling iyon.
Di lang pinag-uusapan ang di mahalaga.

572
01:14:01,375 --> 01:14:03,250
Isa pa, may mabuti ka nang ina.

573
01:14:03,916 --> 01:14:05,625
Nami-miss ko na siya.

574
01:14:06,166 --> 01:14:10,208
Nami-miss ko siya at si Papa,
at hindi kita makausap sa kahit ano

575
01:14:10,208 --> 01:14:15,250
bukod sa kung paano magtanggal
ng hasang ng isda at lamang-loob ng pato!

576
01:14:16,916 --> 01:14:18,125
Seryoso ako.

577
01:14:19,583 --> 01:14:22,125
- Lamang-loob ng pato?
- Di kita makausap.

578
01:14:24,708 --> 01:14:26,333
Di ako makapagtanong.

579
01:14:27,708 --> 01:14:28,541
Zoe.

580
01:14:30,875 --> 01:14:32,041
Mahirap ang sagot.

581
01:14:32,791 --> 01:14:33,958
Ano naman?

582
01:14:36,083 --> 01:14:38,791
May mga bagay na di mo pa dapat malaman.

583
01:14:39,916 --> 01:14:40,916
Ano ang mga iyon?

584
01:14:44,333 --> 01:14:45,208
Pakiusap.

585
01:14:57,041 --> 01:14:57,875
Nandito ako.

586
01:15:02,458 --> 01:15:07,583
Anuman ang tanong, iyon na ang sagot.

587
01:15:12,291 --> 01:15:13,833
Iyon lang ang mayroon ako.

588
01:15:37,958 --> 01:15:39,125
Buksan mo.

589
01:15:48,000 --> 01:15:50,958
Magpraktis kang ayusin ang timing mo.

590
01:15:50,958 --> 01:15:53,541
Pag hinawakan agad, masusugatan ka.

591
01:15:55,500 --> 01:15:56,791
Akin na ang braso mo.

592
01:16:02,041 --> 01:16:04,333
Sa malapitan ginagamit ang kutsilyo.

593
01:16:05,250 --> 01:16:07,083
Di puwedeng isang saksak lang.

594
01:16:07,083 --> 01:16:10,875
'Wag kang tumigil sa saksak
hanggang di na siya makaganti.

595
01:16:13,000 --> 01:16:14,583
Ganoon protektahan ang sarili.

596
01:16:15,208 --> 01:16:18,333
Tirahin mo lang siya nang tirahin...

597
01:16:20,833 --> 01:16:22,125
Tinatakot mo ako.

598
01:16:22,958 --> 01:16:24,708
Tuwing nakikita kita, takot ako.

599
01:16:26,125 --> 01:16:29,041
Ikaw? Wala kang nararamdaman.

600
01:16:31,750 --> 01:16:33,708
Tanging paraan iyon para mabuhay.

601
01:16:38,958 --> 01:16:39,875
Nine o'clock.

602
01:16:43,000 --> 01:16:43,833
Ten o'clock.

603
01:16:45,708 --> 01:16:46,583
Eleven o'clock.

604
01:16:49,166 --> 01:16:50,333
Twelve o'clock.

605
01:17:10,208 --> 01:17:11,833
Nami-miss mo ba si William?

606
01:17:12,333 --> 01:17:13,791
Si Agent Cruise?

607
01:17:16,791 --> 01:17:17,666
Oo.

608
01:17:20,916 --> 01:17:22,500
Minahal mo siya?

609
01:17:26,125 --> 01:17:29,291
- Di ako nagkatsansang malaman.
- Pero baka siguro?

610
01:17:32,541 --> 01:17:33,458
Maari.

611
01:17:33,458 --> 01:17:34,708
Puwede na 'yon.

612
01:17:37,541 --> 01:17:38,875
Sobra na iyon sa akin.

613
01:17:46,291 --> 01:17:47,791
Kailangan kang mag-ingat.

614
01:17:49,208 --> 01:17:53,208
Naiintindihan mo?
Tandaan mo kung nasaan sila.

615
01:18:07,750 --> 01:18:08,833
Ano'ng nangyari?

616
01:18:09,875 --> 01:18:10,750
Sugatan siya.

617
01:18:11,875 --> 01:18:13,166
Tulungan natin siya.

618
01:18:13,166 --> 01:18:16,083
Ganiyan ang kalikasan. Di mo mababago.

619
01:18:18,250 --> 01:18:21,041
Pero bata pa ang anak niya para mangaso.

620
01:18:21,875 --> 01:18:24,541
Pag namatay siya, kailangan nilang matuto.

621
01:18:26,500 --> 01:18:27,666
O hindi.

622
01:18:28,833 --> 01:18:30,458
Hindi mo ito mababago.

623
01:20:01,083 --> 01:20:01,916
Zoe?

624
01:20:09,208 --> 01:20:10,125
Zoe?

625
01:20:12,916 --> 01:20:13,833
Zoe!

626
01:20:20,083 --> 01:20:21,041
Zoe!

627
01:20:30,375 --> 01:20:31,291
Zoe!

628
01:20:36,583 --> 01:20:40,875
Ulitin mo. Magaling! Ang galing mo naman.

629
01:20:42,291 --> 01:20:45,625
Uy. Heto. Gusto n'yo ng pagkain?

630
01:20:45,625 --> 01:20:48,750
Gusto n'yo ng pagkain? Heto ang pagkain.

631
01:20:48,750 --> 01:20:51,375
Heto. Halikayo.

632
01:20:52,708 --> 01:20:54,125
Ingat!

633
01:21:02,375 --> 01:21:03,500
Patingin.

634
01:21:04,708 --> 01:21:07,291
Okay.

635
01:21:16,375 --> 01:21:17,833
Patingin.

636
01:21:17,833 --> 01:21:20,666
Oo. Kailangang matahi.

637
01:21:20,666 --> 01:21:22,583
Halika na. Ikaw ang nanay?

638
01:21:22,583 --> 01:21:25,916
May mga susulatan sa counter. Halika, iha.

639
01:21:35,416 --> 01:21:39,375
KUNG MENOR DE EDAD ANG PASYENTE
PANGALAN NG MAGULANG O TAGAPANGALAGA

640
01:21:46,541 --> 01:21:49,250
Di malala. Walo lang ang tahi.

641
01:21:50,833 --> 01:21:53,625
Ang nars ang magsasabi
ng igagamot pagkatapos.

642
01:21:53,625 --> 01:21:55,125
Matapang si Zoe.

643
01:22:01,625 --> 01:22:02,875
Isuot mo ang coat mo.

644
01:22:04,666 --> 01:22:08,041
Di ko alam na di ko dapat sabihin
ang totoo kong pangalan.

645
01:22:08,041 --> 01:22:09,666
Dapat binalaan kita.

646
01:22:23,708 --> 01:22:25,791
Sinabi niya ang pangalan niya.
Nasa computer.

647
01:22:30,916 --> 01:22:34,250
Di ko ipakikipagsapalaran ito.
Kailangan mo siyang kunin.

648
01:22:48,250 --> 01:22:50,250
Ibigay mo sa kaniya pag tapos na.

649
01:23:05,250 --> 01:23:06,500
Galit ako sa 'yo!

650
01:23:31,208 --> 01:23:33,083
<i>- Gaano karami?</i>
- Isang pulutong.

651
01:23:36,708 --> 01:23:40,875
<i>Di siya ligtas hanggang mawala sila.
Kita mo ba siya?</i>

652
01:23:40,875 --> 01:23:44,416
Di ako sigurado. Aalis na kami ni Zoe.

653
01:23:44,416 --> 01:23:48,833
Pakisabing patawad na nagsinungaling ako
tungkol sa ating dalawa.

654
01:23:48,833 --> 01:23:49,750
<i>Tungkol saan?</i>

655
01:23:51,041 --> 01:23:51,958
<i>Malalaman niya.</i>

656
01:23:53,416 --> 01:23:54,583
Saan ako pupunta?

657
01:23:57,041 --> 01:23:59,708
Bibiyahe tayo sa lower 48.

658
01:23:59,708 --> 01:24:01,625
'Wag mo akong gamitan ng code.

659
01:24:04,208 --> 01:24:05,208
Oo nga naman.

660
01:24:06,583 --> 01:24:09,500
Hindi ko alam. At iyon ang totoo.

661
01:24:10,250 --> 01:24:12,333
Tatakbo tayo hangga't sabihan tayo.

662
01:24:14,000 --> 01:24:15,083
Kaano-ano mo siya?

663
01:24:17,583 --> 01:24:20,791
Magkatrabaho kami sa militar dati.

664
01:24:22,458 --> 01:24:24,708
Pero di na ako magaling sa labanan.

665
01:24:26,083 --> 01:24:29,166
At kahit magaling pa ako,
mas nais niyang narito ako,

666
01:24:29,166 --> 01:24:31,208
para masigurong ligtas ka.

667
01:24:33,000 --> 01:24:35,541
Di nga niya inaaming nanay ko siya.

668
01:24:37,541 --> 01:24:38,833
Ang ganoong babae,

669
01:24:39,916 --> 01:24:43,916
dapat kilos niya ang binabantayan mo,
hindi ang sinasabi niya.

670
01:24:43,916 --> 01:24:46,625
Nabubuhay lang siya para sa 'yo.

671
01:25:53,208 --> 01:25:54,208
<i>Mahal kong Zoe.</i>

672
01:25:55,541 --> 01:26:00,958
<i>Noong iwan kita sa ospital,
di roon nagtapos ang pagmamahal ko sa 'yo.</i>

673
01:26:04,333 --> 01:26:07,208
<i>Bawat desisyon ko ay para sa 'yo.</i>

674
01:26:09,750 --> 01:26:14,208
<i>Ang tanging nagbigay ng kapayapaan sa akin
ay ang kaalamang ligtas ka.</i>

675
01:26:17,833 --> 01:26:20,666
<i>Mamamatay-tao ako. Alam mo na iyon.</i>

676
01:26:22,958 --> 01:26:28,166
<i>Pero isa rin akong ina, at handa akong
mamatay sa pagprotekta sa 'yo.</i>

677
01:26:29,458 --> 01:26:31,125
<i>Sa lahat ng pagkakamali ko,</i>

678
01:26:31,875 --> 01:26:36,625
<i>ikaw ang nag-iisang
magandang nagawa ko sa buhay ko.</i>

679
01:26:38,833 --> 01:26:40,125
<i>Isa kang milagro.</i>

680
01:26:41,416 --> 01:26:44,125
<i>May nagtangkang pumatay sa 'yo
bago ka isilang,</i>

681
01:26:44,625 --> 01:26:48,083
<i>at di ka lang nabuhay, yumabong ka pa.</i>

682
01:26:49,750 --> 01:26:54,333
<i>Pag nananalamin ka,
alalahanin mong tanda iyong nabuhay ka.</i>

683
01:26:55,291 --> 01:26:58,750
<i>Na di mo hahayaang may magbura sa 'yo.</i>

684
01:27:01,000 --> 01:27:05,708
<i>Ipinakita ko sa 'yo ang pagmamahal ko
sa tanging paraang alam ko.</i>

685
01:27:07,791 --> 01:27:11,125
<i>Pag dumating ang panahong
kailanganin mo ang itinuro ko,</i>

686
01:27:11,791 --> 01:27:14,625
<i>'wag kang mag-alinlangang
lumugar sa mundo.</i>

687
01:27:17,083 --> 01:27:20,291
<i>Laging nagmamahal, ang iyong ina.</i>

688
01:27:21,083 --> 01:27:23,666
LAGING NAGMAMAHAL,
ANG IYONG INA

689
01:27:39,250 --> 01:27:41,541
Zoe. Kailangan na nating umalis.

690
01:28:52,625 --> 01:28:53,750
Ito ang kill zone.

691
01:28:55,291 --> 01:28:57,625
Ituring n'yo 'tong parang Basra, Brega,

692
01:28:58,958 --> 01:29:00,166
o Damascus.

693
01:29:01,833 --> 01:29:04,416
Ituring n'yo siya
tulad sa isandaang sniper.

694
01:29:06,416 --> 01:29:08,000
Ako ang papatay sa kaniya.

695
01:29:10,666 --> 01:29:11,958
Nang malapitan.

696
01:29:40,291 --> 01:29:42,000
Nilagyan niya ng bomba rito.

697
01:29:46,958 --> 01:29:51,750
<i>Mag-ingat kayo.
Inuulit ko, mag-ingat kayo.</i>

698
01:30:12,041 --> 01:30:16,083
Oras na para padalhan siya ng mensahe.

699
01:30:44,708 --> 01:30:46,375
Hanapin ang bangkay ng bata.

700
01:31:03,125 --> 01:31:06,000
<i>May bata na nagmamaneho ng truck sa timog.</i>

701
01:31:06,000 --> 01:31:08,125
Magkita tayo roon. Kunin siya.

702
01:32:21,875 --> 01:32:23,041
Zoe!

703
01:32:24,916 --> 01:32:25,791
Talon!

704
01:32:40,083 --> 01:32:42,000
Heto. Isuot mo 'to.

705
01:33:19,625 --> 01:33:20,458
Parating sila.

706
01:33:21,708 --> 01:33:22,791
- Hindi.
- Kaya ko.

707
01:33:22,791 --> 01:33:25,041
Ikaw ang maghanap. Ako ang babaril.

708
01:33:41,083 --> 01:33:44,083
May nakita akong isa. Naglalakad siya.

709
01:33:45,500 --> 01:33:48,333
Range 658.

710
01:33:51,833 --> 01:33:53,250
Sa kaliwa ng ulo niya.

711
01:33:54,000 --> 01:33:55,208
Ngayon na.

712
01:33:58,500 --> 01:34:00,125
<i>Mahusay ang anak natin.</i>

713
01:34:03,625 --> 01:34:04,958
<i>Katulad na katulad mo.</i>

714
01:34:07,916 --> 01:34:10,583
<i>Magkita tayo dalawang kilometro
sa kaliwa n'yo</i>

715
01:34:12,166 --> 01:34:14,375
<i>o sisirain ko ang husay na iyon.</i>

716
01:34:16,166 --> 01:34:17,291
Hindi! Sandali!

717
01:34:18,208 --> 01:34:20,041
Dalawang minuto papunta doon.

718
01:34:20,833 --> 01:34:22,625
Lilituhin ko siya, tumakbo ka.

719
01:34:23,166 --> 01:34:25,333
Kahit anong mangyari. Kuha mo?

720
01:34:25,333 --> 01:34:27,541
- Poprotektahan kita. Kaya ko.
- Hindi.

721
01:34:31,333 --> 01:34:33,333
Ito ang pinakamasasayang buwan ko.

722
01:34:38,916 --> 01:34:42,041
Kahit anong mangyari, tumakbo ka.

723
01:34:56,708 --> 01:34:58,625
Itapon mo ang mga armas mo dito.

724
01:35:07,375 --> 01:35:08,916
At 'yong isa pa.

725
01:35:14,000 --> 01:35:16,833
Pati ang camouflage. Lahat.

726
01:35:37,333 --> 01:35:38,708
Heto na ako, putok na!

727
01:35:46,541 --> 01:35:47,750
Dahan-dahan lang.

728
01:35:54,750 --> 01:35:57,750
Sinunog mo ang mundo natin...

729
01:35:59,791 --> 01:36:01,041
para sa kaniya.

730
01:36:02,958 --> 01:36:03,791
Oo.

731
01:36:15,166 --> 01:36:16,375
Halika.

732
01:37:06,916 --> 01:37:08,208
Kita mo iyan?

733
01:37:09,166 --> 01:37:10,791
Nariyan lang siya, di ba?

734
01:37:12,291 --> 01:37:13,166
Nanonood.

735
01:37:14,250 --> 01:37:16,000
Nakaasinta siya. Ano?

736
01:37:16,000 --> 01:37:18,500
Isang tira sa ulo, tapos tayo pareho.

737
01:37:21,791 --> 01:37:23,791
Tinuruan mo siyang maging malupit?

738
01:37:24,416 --> 01:37:26,958
Mapipigilan ba niya ang puso niya gaya mo?

739
01:37:28,583 --> 01:37:31,750
Mamamatay tayo at mabubuhay siya.

740
01:37:32,875 --> 01:37:34,250
Kung iyon ang gusto mo,

741
01:37:35,625 --> 01:37:38,958
huminga ka at sabihin iyon sa kaniya.

742
01:37:41,083 --> 01:37:41,958
Sabihin mo.

743
01:37:44,000 --> 01:37:45,208
Tumira ka na!

744
01:38:15,083 --> 01:38:17,375
Hindi, pakiusap. Pakiusap.

745
01:38:19,541 --> 01:38:21,958
Pakiusap...

746
01:38:23,125 --> 01:38:26,500
- Ayos lang.
- Pakiusap!

747
01:38:27,250 --> 01:38:31,833
Pakiusap!

748
01:39:38,666 --> 01:39:39,500
Asin.

749
01:40:18,041 --> 01:40:19,375
Lintik.

750
01:41:14,416 --> 01:41:16,625
Hindi!

751
01:43:11,000 --> 01:43:12,541
Puntahan mo ang nanay mo.

752
01:43:22,458 --> 01:43:23,375
Mahal kita.

753
01:43:26,333 --> 01:43:27,583
Mahal din kita.

754
01:43:33,208 --> 01:43:34,083
Sige na.

755
01:43:43,875 --> 01:43:44,708
Zoe!

756
01:43:52,541 --> 01:43:53,916
Tingnan mo!

757
01:43:54,583 --> 01:43:56,083
Mahal na mahal kita.

758
01:44:08,166 --> 01:44:09,958
Hala, tumangkad ka ba?

759
01:44:56,791 --> 01:45:00,375
MAMA

760
01:45:02,083 --> 01:45:03,125
Nahuli mo ako.

761
01:55:36,333 --> 01:55:41,333
Tagapagsalin ng subtitle: Jessica Ignacio



