1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:25,500 --> 00:00:27,333
Isang ibon na hindi pa nakikita.

4
00:00:28,625 --> 00:00:30,208
Isang bulaklak na hindi pa nakikita.

5
00:00:31,583 --> 00:00:33,458
Isang hangin na hindi pa nakikita.

6
00:00:34,708 --> 00:00:36,666
Isang gabing hindi pa nakikita.

7
00:00:38,750 --> 00:00:42,000
Nakakita ka na ba
ng mga bagay na kay ganda?

8
00:00:55,833 --> 00:00:57,583
Ako si Rudger.

9
00:00:58,166 --> 00:01:01,875
Tatlong buwan, tatlong linggo,
at tatlong araw ang gulang ko.

10
00:01:14,375 --> 00:01:16,083
Dito ako ipinanganak.

11
00:01:18,750 --> 00:01:21,791
Sa mundong kinatha ni Amanda.

12
00:02:02,000 --> 00:02:05,875
Tunay na nakamamangha
ang mga mundo na inilikha ni Amanda.

13
00:02:09,583 --> 00:02:11,416
May masigasig na higante,

14
00:02:14,291 --> 00:02:16,041
madaldal na squirrel,

15
00:02:17,166 --> 00:02:18,916
at may balyena ng karagatan.

16
00:02:20,333 --> 00:02:24,083
Minsan nakakaisip din siya
ng mga nakakatakot na mundo.

17
00:02:29,916 --> 00:02:31,750
Rudger!

18
00:02:33,833 --> 00:02:35,750
Siya si Amanda.

19
00:02:35,833 --> 00:02:38,666
Si Amanda ang kumatha sa 'kin,
kaya ako isinilang.

20
00:03:16,416 --> 00:03:18,666
Nangako kami ni Amanda sa isa't isa.

21
00:03:21,916 --> 00:03:23,416
Na anuman ang mangyari,

22
00:03:24,000 --> 00:03:25,625
walang maglalaho,

23
00:03:26,833 --> 00:03:28,333
walang iwanan,

24
00:03:31,041 --> 00:03:32,333
at walang iiyak.

25
00:03:39,333 --> 00:03:40,500
Ikaw ba?

26
00:03:41,375 --> 00:03:43,166
May kaibigan ka bang tulad ko

27
00:03:43,666 --> 00:03:44,958
na walang sinumang nakakakita?

28
00:03:49,583 --> 00:03:53,583
Ayon sa mga matatanda,
na dating mga bata, kami raw ay…

29
00:03:55,583 --> 00:03:57,083
"Mga Katha".

30
00:04:29,291 --> 00:04:32,666
Minsan, gusto kong tumira
sa lugar na laging maaraw.

31
00:04:32,750 --> 00:04:35,166
Julia, baka may bahaghari
pagkatapos ng ulan.

32
00:04:35,666 --> 00:04:36,875
Isang bahaghari ng pangako.

33
00:04:36,958 --> 00:04:39,375
Pangako? Ano'ng sinasabi mo?

34
00:04:39,458 --> 00:04:42,375
Sabi nila, pag nakakita ka ng bahaghari
pagkatapos ng ulan,

35
00:04:42,458 --> 00:04:45,375
pinapaalalahanan ka nito
ng isang mahalagang pangako.

36
00:04:46,000 --> 00:04:46,833
Julia!

37
00:04:47,416 --> 00:04:49,208
Mama ko 'yon. Hi, Mama!

38
00:04:52,708 --> 00:04:56,125
Mas gusto yata ng mga magulang ko
ang mga awrora kaysa mga bahaghari.

39
00:04:56,208 --> 00:04:58,208
Lalong-lalo na si Papa.

40
00:04:58,291 --> 00:05:00,750
Magba-ballet ka pa rin sa bakasyon?

41
00:05:00,833 --> 00:05:02,416
Oo. At heto pa.

42
00:05:02,500 --> 00:05:05,250
Alam mo naman
na makakalimutin si Papa, di ba?

43
00:05:05,333 --> 00:05:07,875
Noong isang araw,
ang unang-unang sinabi niya…

44
00:05:07,958 --> 00:05:11,875
"May nakalimutan ba ako?
Alam kong may mahalagang okasyon ngayon."

45
00:05:11,958 --> 00:05:14,375
"Oo nga pala, ballet recital mo ngayon."

46
00:05:14,458 --> 00:05:15,458
Pero hindi.

47
00:05:15,541 --> 00:05:18,125
Amanda, nakalimutan niya ang kaarawan ko!

48
00:05:18,208 --> 00:05:19,541
Akalain mo 'yon?

49
00:05:20,708 --> 00:05:24,791
Bakit kaya nalilimutan ng mga matatanda
ang mahahalagang mga bagay?

50
00:05:24,875 --> 00:05:26,625
Julia! Tara na!

51
00:05:26,708 --> 00:05:28,625
O siya, kita-kits na lang!

52
00:05:28,708 --> 00:05:30,125
Kita-kits, Julia!

53
00:05:31,250 --> 00:05:32,916
Bilis, magsisimula na ang klase mo.

54
00:05:33,000 --> 00:05:34,750
-Hintayin n'yo ako!
-Di mo gugustuhing mahuli.

55
00:05:34,833 --> 00:05:36,166
Oo, anak. Tara na.

56
00:05:36,250 --> 00:05:38,041
Alam ko. Pupunta sana ako.

57
00:05:38,125 --> 00:05:39,125
Hello!

58
00:05:40,000 --> 00:05:41,000
Oo, alam ko.

59
00:05:41,083 --> 00:05:42,500
John, doon ka maupo.

60
00:05:44,916 --> 00:05:47,125
Uunahan na kita. Walang anuman.

61
00:05:49,791 --> 00:05:50,625
Salamat.

62
00:05:56,208 --> 00:05:58,125
MABABANGIS NA HALIMAW
BISWAL NA DIKSIYONARYO

63
00:05:58,208 --> 00:05:59,208
Maglaban tayo.

64
00:06:02,083 --> 00:06:04,625
May mabangis na halimaw kahit saan.

65
00:06:53,083 --> 00:06:54,541
SALAMAT!!
CLOSING SALE 50% OFF

66
00:06:54,625 --> 00:06:57,583
Talaga? Ngayon? Ayos!

67
00:06:58,166 --> 00:07:00,416
-Oo, alas-singko.
-Nakauwi ka na, Prinsesa Amanda.

68
00:07:00,500 --> 00:07:01,625
-Hello!
-Oo naman.

69
00:07:01,708 --> 00:07:02,958
Aasahan ko 'yan.

70
00:07:04,166 --> 00:07:05,291
Ayos!

71
00:07:05,375 --> 00:07:07,250
Goldie, inaprubahan na nila
ang aplikasyon ko.

72
00:07:07,333 --> 00:07:09,333
Pinapupunta nila ako para sa interbiyu.

73
00:07:09,416 --> 00:07:10,416
Congrats!

74
00:07:10,500 --> 00:07:13,083
Hayan na ang bagong yugto sa buhay mo.

75
00:07:13,666 --> 00:07:15,166
Sana makuha ako.

76
00:07:15,250 --> 00:07:18,125
Alam mo namang mula nang kinasal ako,
dito lang ako sa bookshop nagtrabaho.

77
00:07:18,208 --> 00:07:19,083
'Wag kang mag-alala.

78
00:07:19,166 --> 00:07:22,458
Tandaan mo, ikaw ang sikat
na may-ari ng Shuffleup Book Shop.

79
00:07:22,541 --> 00:07:24,708
-Kaya mo 'yan.
-Sana nga.

80
00:07:26,750 --> 00:07:28,291
Di na ako makakaatras.

81
00:07:28,375 --> 00:07:29,208
Lizzie.

82
00:07:29,291 --> 00:07:32,000
Alam kong naging mahirap sa 'yo
na gawin ito nang mag-isa,

83
00:07:32,083 --> 00:07:33,416
pero kayang-kaya mo 'to.

84
00:07:33,916 --> 00:07:35,250
Salamat, Goldie.

85
00:07:36,416 --> 00:07:38,166
Ay, siya nga pala…

86
00:07:38,666 --> 00:07:40,250
puwede bang humingi ng pabor?

87
00:07:40,333 --> 00:07:42,666
Bantayan si Amanda?
Sige, ako na'ng bahala.

88
00:07:43,166 --> 00:07:44,333
Maaasahan talaga kita.

89
00:07:50,833 --> 00:07:53,583
Amanda, puwede na ba akong magsalita?

90
00:07:54,208 --> 00:07:55,166
Sige.

91
00:07:57,916 --> 00:08:00,916
Testing, testing. Isa, dalawa, tatlo.

92
00:08:01,000 --> 00:08:03,083
Houston, naririnig mo ba ako?

93
00:08:04,625 --> 00:08:07,458
Bakit ba di tayo puwedeng mag-usap
sa paaralan?

94
00:08:07,541 --> 00:08:11,125
Rudger, sinama lang kita sa paaralan
dahil nagpupumilit ka.

95
00:08:13,041 --> 00:08:14,541
Ako lang ang nakakakita sa 'yo.

96
00:08:14,625 --> 00:08:16,125
Hindi ba't magugulat ang lahat

97
00:08:16,208 --> 00:08:18,833
kapag nakipag-usap ako
sa di naman nila nakikita?

98
00:08:19,541 --> 00:08:23,541
Gagandahan ko ang pagpapakilala ko
kung nakikita ako ng mga tao.

99
00:08:24,125 --> 00:08:27,291
"Uy, yo, kumusta? Ako si Rudger."

100
00:08:27,375 --> 00:08:29,833
Ano? Di na tuloy ang date natin?

101
00:08:29,916 --> 00:08:31,916
Kailangan ni Lizzie ng tulong.

102
00:08:32,500 --> 00:08:35,166
Alam mong mag-isa lang siya
sa pagpapalaki kay Amanda.

103
00:08:50,500 --> 00:08:53,541
Rudger, nakaisip ako ng magandang gawin.

104
00:08:55,583 --> 00:08:58,208
Papanoorin ba natin ang mga bulalakaw
mahulog mula sa langit?

105
00:08:58,291 --> 00:08:59,125
Hindi.

106
00:08:59,208 --> 00:09:02,041
'Wag mo sabihing susugurin natin
si Tandang Leeks?

107
00:09:02,125 --> 00:09:03,708
May kulang ang isang 'yon.

108
00:09:04,208 --> 00:09:05,666
Oo nga,

109
00:09:05,750 --> 00:09:08,333
at di ako nag-enjoy sa loob ng palayok
kasama ang mga sausage.

110
00:09:08,416 --> 00:09:10,083
Sobrang init kaya sa loob.

111
00:09:11,083 --> 00:09:13,666
Naiintindihan mo naman, di ba?
Kahit na imahinasyon mo lang ito…

112
00:09:13,750 --> 00:09:15,708
Oo na. Ayaw mo maging sabaw.

113
00:09:15,791 --> 00:09:17,750
Sige. Naiintindihan kita.

114
00:09:25,791 --> 00:09:27,458
Mukhang masaya ang gagawin natin, a!

115
00:09:27,541 --> 00:09:30,000
Rudger, oras na para sabihin
ang ating sagradong sumpaan!

116
00:09:31,083 --> 00:09:33,708
-Walang maglalaho, walang iwanan…
-Walang maglalaho, walang iwanan,

117
00:09:33,791 --> 00:09:35,750
-at walang iiyak.
-…at walang iiyak.

118
00:09:36,708 --> 00:09:38,250
Tara na, Rudger.

119
00:09:47,833 --> 00:09:49,083
Bilis, Bessie!

120
00:09:50,875 --> 00:09:52,708
Teka! Sandali, tigil!

121
00:09:59,041 --> 00:10:00,833
Bakit "Bessie" ang tawag mo sa kaniya?

122
00:10:00,916 --> 00:10:02,000
Baka 'yon, di ba?

123
00:10:02,083 --> 00:10:04,333
Ha? Isa siyang musk-ox.

124
00:10:04,416 --> 00:10:05,833
Wala ka namang imahinasyon.

125
00:10:07,833 --> 00:10:10,375
Nagbibiro lang ako! Di ko sinasadya!

126
00:10:10,458 --> 00:10:13,666
Sige, ano na ang ipapangalan
ni Prinsesa Amanda sa kaniya?

127
00:10:16,666 --> 00:10:19,000
Bilisan mo, Green Lager!

128
00:10:19,750 --> 00:10:22,041
Green Lager? 'Yon ang beer ni Mama, di ba?

129
00:10:30,625 --> 00:10:31,666
Amanda?

130
00:10:40,416 --> 00:10:41,250
Hay, naku…

131
00:10:56,458 --> 00:10:57,666
Uy, Amanda.

132
00:10:59,541 --> 00:11:03,708
Puwede mo ba isipin na nakakatagos ako
sa mga pader at pinto?

133
00:11:03,791 --> 00:11:06,166
Ano ka, multo? Ayoko nga.

134
00:11:06,875 --> 00:11:10,208
Pero no'ng isang araw,
sinarahan mo ako nang pinto,

135
00:11:10,291 --> 00:11:12,708
kaya nakulong ako sa kabinet
nang dalawang oras!

136
00:11:12,791 --> 00:11:13,666
Ano ngayon?

137
00:11:14,333 --> 00:11:17,000
Rudger, kuwarto mo na rin 'yon.

138
00:11:17,083 --> 00:11:18,958
At malaya ka pagkauwi ko.

139
00:11:19,458 --> 00:11:21,958
Masaya naman kapag nandiyan ka, Amanda.

140
00:11:22,041 --> 00:11:25,000
Pero minsan, gusto ko rin makipaglaro
sa ibang mga bata.

141
00:11:25,083 --> 00:11:28,666
Kaso di nila ako nakikita,
kaya di ko kayang makipaglaro sa kanila…

142
00:11:28,750 --> 00:11:31,208
Pero masaya pa rin
silang panooring maglaro.

143
00:11:31,291 --> 00:11:32,125
Aray!

144
00:11:34,083 --> 00:11:35,291
Ang lamig n'on.

145
00:11:44,166 --> 00:11:46,208
Rudger! Tingnan mo 'yon!

146
00:11:51,416 --> 00:11:52,291
Isang…

147
00:11:52,375 --> 00:11:54,208
Christmas tree!

148
00:12:04,875 --> 00:12:05,958
Amanda! Tigil!

149
00:12:16,541 --> 00:12:17,375
Rudger!

150
00:12:17,458 --> 00:12:19,666
Amanda!

151
00:12:20,208 --> 00:12:23,000
Rudger!

152
00:12:23,083 --> 00:12:24,375
Pakawalan mo ako!

153
00:12:30,708 --> 00:12:32,333
Ms. Amanda Shuffleup!

154
00:12:33,583 --> 00:12:34,458
Ano 'yan?

155
00:12:35,708 --> 00:12:36,833
Hello, Mama.

156
00:12:37,416 --> 00:12:39,416
Tinatanong kita, ano 'yan?

157
00:12:44,958 --> 00:12:47,083
Hindi po maganda 'yan, Mama.

158
00:12:47,708 --> 00:12:50,416
Hindi po "ano", kundi "sino".

159
00:12:55,458 --> 00:12:57,708
Amanda, ilang beses ko bang dapat sabihin

160
00:12:57,791 --> 00:13:00,208
na ilagay ang payong sa lagayan
sa ibaba ng hagdan?

161
00:13:00,958 --> 00:13:03,916
'Yong sahig, pati mga damit mo,
basang-basa na lahat.

162
00:13:04,708 --> 00:13:06,791
Baka si Rudger po 'yon.

163
00:13:08,291 --> 00:13:09,291
Sandali lang!

164
00:13:10,041 --> 00:13:11,250
-Amanda.
-Po?

165
00:13:11,333 --> 00:13:13,958
-Anak, kailan ka ba matututo?
-Ano ba'ng sinasabi mo?

166
00:13:14,041 --> 00:13:16,583
Mama, sa paaralan po ako natututo.

167
00:13:16,666 --> 00:13:19,458
Alam mong di 'yan ang ibig kong sabihin.

168
00:13:26,291 --> 00:13:28,833
Mama, binabasa n'yo po ang sahig.

169
00:13:32,625 --> 00:13:35,583
Minsan, di talaga ako makapaniwala sa 'yo.

170
00:13:40,166 --> 00:13:43,000
Bumaba ka na.
Igagawa kita ng mainit na tsokolate.

171
00:13:43,083 --> 00:13:44,583
Pati po si Rudger!

172
00:13:44,666 --> 00:13:45,791
Oo na.

173
00:13:54,916 --> 00:13:57,250
Pasensiya na, sir. Sarado na po kami.

174
00:13:57,333 --> 00:13:59,875
Nagsu-survey ako dito sa lugar n'yo.

175
00:14:01,125 --> 00:14:04,625
Ms. Shuffleup?

176
00:14:04,708 --> 00:14:07,875
Survey? Survey tungkol saan?

177
00:14:07,958 --> 00:14:10,083
Isa itong survey tungkol sa mundo natin,

178
00:14:10,166 --> 00:14:13,708
at tungkol sa mga bata
at kung paano sila kumilos sa kasalukuyan.

179
00:14:14,208 --> 00:14:17,125
Kung ayos lang sa 'yo,
may pagkakakilanlan ka ba?

180
00:14:17,208 --> 00:14:18,625
Pagkakakilanlan?

181
00:14:18,708 --> 00:14:21,375
Oo. Isang bagay na naglalaman
ng iyong pangalan.

182
00:14:21,958 --> 00:14:25,625
Ako si Bunting. Mr. Bunting.

183
00:14:26,208 --> 00:14:28,125
Katulad ng ibon, kita mo?

184
00:14:29,208 --> 00:14:32,208
'Yong Corn Bunting,
nakikita mo sila banda rito…

185
00:14:32,291 --> 00:14:34,375
Mga cute na ibon talaga sila.

186
00:14:44,916 --> 00:14:46,833
Alam kong umuulan sa labas,

187
00:14:46,916 --> 00:14:48,750
pero sarado na talaga kami ngayon.

188
00:14:48,833 --> 00:14:51,750
Gusto n'yo bang iwan na lang sa 'kin
ang survey na 'yan?

189
00:14:52,833 --> 00:14:56,250
Hindi, hindi na kailangan.
Tapos na ang survey.

190
00:14:56,958 --> 00:14:58,041
Ano ho?

191
00:14:58,583 --> 00:14:59,458
Oo.

192
00:15:00,166 --> 00:15:04,125
"Namamatay na ang dating mundo
at nahihirapan na ang kasalukuyang mundo."

193
00:15:04,208 --> 00:15:06,958
"Sa puwang sa pagitan
ng liwanag at kadiliman…"

194
00:15:08,250 --> 00:15:10,250
Ano ang isinilang?

195
00:15:12,000 --> 00:15:13,375
Pasensiya na.

196
00:15:13,458 --> 00:15:15,750
Asawa ko ang pumili
ng lahat ng mga libro, kaya…

197
00:15:16,666 --> 00:15:18,708
Di kailangang humingi ng tawad.

198
00:15:18,791 --> 00:15:20,083
Siya nga pala…

199
00:15:22,166 --> 00:15:26,041
kanais-nais ang amoy ng bookshop na 'to.

200
00:15:32,750 --> 00:15:34,250
Kakaiba 'yon, a.

201
00:15:34,333 --> 00:15:35,833
Survey tungkol sa mga bata?

202
00:15:36,416 --> 00:15:38,416
Kakaiba rin 'yong batang babae.

203
00:15:39,416 --> 00:15:40,250
Ano'ng batang babae?

204
00:15:40,333 --> 00:15:41,833
'Yong babaeng nakatayo sa tabi niya.

205
00:15:41,916 --> 00:15:43,500
Sino'ng tinutukoy mo?

206
00:15:44,583 --> 00:15:47,333
Rudger, naiisip mo ba ang naiisip ko?

207
00:15:47,916 --> 00:15:51,250
Na hindi lang ako
ang imbisibleng kaibigan dito?

208
00:16:02,541 --> 00:16:04,333
Patapusin mo muna ako sa interbiyu.

209
00:16:05,083 --> 00:16:06,333
Alam ko.

210
00:16:06,416 --> 00:16:08,791
'Wag lang sana umulan nang malakas.

211
00:16:10,166 --> 00:16:11,000
Si Amanda?

212
00:16:13,500 --> 00:16:14,416
Ayos lang siya.

213
00:16:14,500 --> 00:16:16,541
Nakikipaglaro siya kay Rudger.

214
00:16:16,625 --> 00:16:19,541
Hindi "Roger". "Rudger".

215
00:16:19,625 --> 00:16:22,041
R-U-D-G-E-R.

216
00:16:22,125 --> 00:16:25,041
Siguro ganoon na kamakailan
ang mga bago niyang kaibigan.

217
00:16:27,125 --> 00:16:30,500
Ma, 'wag kang tatawa, ha?
Pero di naman talaga totoo si Rudger.

218
00:16:30,583 --> 00:16:32,041
Si Amanda lang ang nakakakita sa kaniya.

219
00:16:32,125 --> 00:16:34,916
Isang gawa-gawang kaibigan,
inimbento niya lang 'to.

220
00:16:35,000 --> 00:16:36,041
Akalain mo 'yon?

221
00:16:38,750 --> 00:16:40,291
Mama, sabi nang 'wag kayong tatawa.

222
00:16:41,250 --> 00:16:43,500
Nakikita raw siya ni Amanda.

223
00:16:43,583 --> 00:16:45,541
Pasensiya na, Lizzie.

224
00:16:45,625 --> 00:16:48,416
Pinaalala mo kasi sa akin ang nakaraan.

225
00:16:49,041 --> 00:16:49,958
Nakaraan?

226
00:16:50,541 --> 00:16:52,291
Di mo naaalala?

227
00:16:52,875 --> 00:16:54,833
Ano nga ulit ang pangalan niya?

228
00:16:55,875 --> 00:16:59,208
Tama. Refrigerator! Refrigerator!

229
00:16:59,708 --> 00:17:01,875
Oo, anak. Fridge ang tawag mo sa kaniya.

230
00:17:02,625 --> 00:17:03,875
'Yong refrigerator?

231
00:17:03,958 --> 00:17:05,625
Mama, ano'ng sinasabi n'yo?

232
00:17:05,708 --> 00:17:08,833
Sinabi mo sa akin na niligtas ka ni Fridge
mula sa isang mabangis na ahas.

233
00:17:08,916 --> 00:17:11,750
Hindi kayo mapaghiwalay, laging magkasama.

234
00:17:11,833 --> 00:17:13,541
Parang aso yata 'yon.

235
00:17:13,625 --> 00:17:14,500
Aso?

236
00:17:14,583 --> 00:17:17,750
Oo. Tanungin mo ang kuya mo sa susunod.

237
00:17:18,250 --> 00:17:20,041
Parati kaya siyang ginugulo ni Fridge.

238
00:17:20,125 --> 00:17:22,250
Ma! Ginagawa na naman ni Oven!

239
00:17:25,208 --> 00:17:26,833
Bumalik ka rito, Oven!

240
00:17:27,333 --> 00:17:30,333
Amanda, siguraduhin mo
na di makakain ni Oven 'yang holen!

241
00:17:30,916 --> 00:17:32,333
Opo, alam ko!

242
00:17:34,416 --> 00:17:35,500
Fridge?

243
00:17:37,833 --> 00:17:39,791
-Di ako nakabili ng itlog.
-Lizzie?

244
00:17:39,875 --> 00:17:42,750
Bakit? Nandiyan ka pa? Hello?

245
00:17:42,833 --> 00:17:44,000
Salamat, Goldie!

246
00:17:44,083 --> 00:17:45,583
Pagbutihin mo sa interbiyu!

247
00:17:52,333 --> 00:17:55,125
…labinsiyam, dalawampu. Handa ka na?

248
00:17:55,208 --> 00:17:57,250
Hindi, hindi pa, Goldie!

249
00:18:01,708 --> 00:18:05,583
Magtatago ako sa ilalim ng mesa.
Ikaw naman, Mr. Rudger, doon ka magtago.

250
00:18:06,083 --> 00:18:07,250
Punong Sarhento,

251
00:18:07,333 --> 00:18:10,000
tiwala naman akong di niya ako mahahanap.

252
00:18:10,083 --> 00:18:12,000
Mr. Rudger,
kailangan nating magtago pareho!

253
00:18:12,583 --> 00:18:13,500
Masusunod!

254
00:18:13,583 --> 00:18:16,666
Punong Sarhento, dapat makatagal tayo
hanggang makabalik si Mama.

255
00:18:17,833 --> 00:18:19,541
Heto na ako!

256
00:18:19,625 --> 00:18:21,250
'Wag, 'wag muna!

257
00:18:41,041 --> 00:18:42,916
Amanda? Amanda!

258
00:18:43,666 --> 00:18:45,291
Ano'ng iniisip mo?

259
00:18:46,208 --> 00:18:47,583
Pasensiya na, wala.

260
00:18:48,083 --> 00:18:50,250
Bilis! Makikita ka niya!

261
00:18:51,375 --> 00:18:54,583
Sige na nga. Doon na lang ako magtatago.

262
00:18:54,666 --> 00:18:55,666
Sige.

263
00:19:00,916 --> 00:19:03,916
Mas maganda nga kung walang ilaw,
Punong Sarhento!

264
00:19:04,583 --> 00:19:06,250
Rudger, hindi ako 'yon.

265
00:19:06,750 --> 00:19:07,708
Ha?

266
00:19:25,208 --> 00:19:26,500
Amanda!

267
00:19:27,583 --> 00:19:28,916
Rudger!

268
00:19:42,875 --> 00:19:44,708
Huli ka, Prinsesa Amanda.

269
00:19:44,791 --> 00:19:46,958
Uy, 'wag kang matakot.

270
00:19:51,958 --> 00:19:54,333
Mabuti na lang,
walang problema sa circuit breaker.

271
00:19:54,833 --> 00:19:58,208
Mahihirapan tayo
pag pinaayos ang mga kable.

272
00:19:58,291 --> 00:20:00,541
Pero matanda na rin kasi itong lugar.

273
00:20:01,041 --> 00:20:02,375
Hindi na siguro 'to maiiwasan.

274
00:20:02,458 --> 00:20:03,791
Kasalanan 'to n'ong bata!

275
00:20:03,875 --> 00:20:04,708
Anong bata?

276
00:20:06,291 --> 00:20:10,208
Dumilim tapos kumulog,
tapos nagpakita 'yong babae.

277
00:20:10,291 --> 00:20:11,750
Nawalan kasi ng kuryente…

278
00:20:11,833 --> 00:20:13,208
Nandito siya!

279
00:20:13,291 --> 00:20:15,666
'Yong babaeng mahaba ang buhok
na bumisita kanina,

280
00:20:15,750 --> 00:20:17,208
na may nakakatakot na mukha.

281
00:20:17,291 --> 00:20:20,291
Hinablot niya si Rudger
at tinangka siyang kunin.

282
00:20:23,541 --> 00:20:25,500
Nandoon talaga siya.

283
00:20:25,583 --> 00:20:27,791
Amanda… Amanda, anak…

284
00:20:27,875 --> 00:20:31,625
Minsan, nasosobrahan na
ang pambihirang kaisipan mong 'yan.

285
00:20:31,708 --> 00:20:33,208
Ayos lang ang lahat.

286
00:20:33,291 --> 00:20:36,125
Hindi! Hindi ko 'yon inimbento.

287
00:20:36,208 --> 00:20:37,458
Nandito talaga siya.

288
00:20:38,333 --> 00:20:41,083
Mahilig talaga si Amanda
mag-imbento ng mga kaibigan.

289
00:20:41,166 --> 00:20:42,208
Ayos lang siya.

290
00:20:42,791 --> 00:20:43,791
Pero, Mama…

291
00:20:44,291 --> 00:20:46,166
Goldie, puwede ka nang umuwi.

292
00:20:46,250 --> 00:20:47,291
At salamat din.

293
00:20:47,791 --> 00:20:48,833
Salamat din.

294
00:20:49,416 --> 00:20:50,250
Sige.

295
00:20:51,666 --> 00:20:54,083
Bukas na lang ulit, Prinsesa Amanda.

296
00:20:54,166 --> 00:20:56,875
Mama, maniwala po kayo. Totoo lahat 'yon.

297
00:20:56,958 --> 00:20:58,708
'Yong babae at si Rudger…

298
00:20:58,791 --> 00:21:01,625
Amanda, tama na. Walang ganoong bata.

299
00:21:03,625 --> 00:21:07,291
Ikaw talaga, 'wag ka mag-tantrum
sa isang taong di naman totoo.

300
00:21:09,833 --> 00:21:11,083
Anak, pagod ako.

301
00:21:11,166 --> 00:21:12,958
Di naging madali ang araw na 'to.

302
00:21:13,041 --> 00:21:15,041
Pumalpak ako sa interbiyu.

303
00:21:16,250 --> 00:21:17,458
Kung nandito lang si Papa…

304
00:21:17,541 --> 00:21:20,958
Oo nga. Kung nandito lang
ang papa mo, naipasa niya 'yon.

305
00:21:22,083 --> 00:21:24,041
Hindi, Mama. Paniniwalaan ako ni Papa.

306
00:21:36,958 --> 00:21:40,083
Grabe naman! Di ko maintindihan
kung bakit ayaw ka niyang paniwalaan!

307
00:21:40,166 --> 00:21:42,125
Sobra kaya akong natakot kanina.

308
00:21:42,208 --> 00:21:46,125
Napakabaho ng babae,
at parang yelo siya sa lamig.

309
00:21:46,208 --> 00:21:49,291
Alam kong pagod si Mama ngayon,

310
00:21:49,375 --> 00:21:52,208
-pero paano naman tayong dalawa?
-Tumahimik ka, Rudger.

311
00:21:52,291 --> 00:21:54,708
May kaniya-kaniya tayong mga problema!

312
00:21:55,250 --> 00:21:57,291
Oo, paniniwalaan ka ni Papa.

313
00:21:57,375 --> 00:22:00,875
Tama ka nga. At kung nandito siya,
hindi natin kailangang…

314
00:22:00,958 --> 00:22:04,458
Tumahimik ka! Wala kang alam.

315
00:22:05,666 --> 00:22:06,916
Amanda…

316
00:22:07,000 --> 00:22:08,125
Totoo 'yon.

317
00:22:08,208 --> 00:22:09,958
Isang araw, pati ikaw mawawala rin.

318
00:22:10,041 --> 00:22:11,458
Mangyayari 'yon.

319
00:22:12,458 --> 00:22:16,375
Dahil kapag huminto na akong isipin ka,
habambuhay ka nang mawawala.

320
00:22:16,458 --> 00:22:17,375
Ano?

321
00:22:17,458 --> 00:22:19,375
Ano'ng sinasabi mo?

322
00:22:19,458 --> 00:22:21,041
Iwan mo ako!

323
00:22:21,125 --> 00:22:23,208
Amanda, di ka ba nag-aalala?

324
00:22:23,291 --> 00:22:26,083
Inatake ako n'ong babaeng multo!

325
00:22:26,166 --> 00:22:28,333
Baka dukutin pa nga ako.

326
00:22:28,416 --> 00:22:29,625
Nakikinig ka ba?

327
00:23:37,791 --> 00:23:39,041
Ano ba'ng ginagawa ko?

328
00:23:48,291 --> 00:23:49,625
Bakit siya galit na galit?

329
00:23:50,791 --> 00:23:53,375
Muntik na akong madukot

330
00:23:53,458 --> 00:23:56,666
n'ong nakakatakot na babae
na may maitim ang buhok.

331
00:24:02,958 --> 00:24:03,791
Ano 'yon?

332
00:24:22,500 --> 00:24:23,791
Excuse me.

333
00:24:25,833 --> 00:24:27,333
Nakikita mo ako?

334
00:24:29,458 --> 00:24:30,291
Oo…

335
00:24:31,083 --> 00:24:32,291
pero di gaano.

336
00:24:32,375 --> 00:24:34,500
May kaibigan ka ba rito?

337
00:24:36,041 --> 00:24:37,375
Inimbento ka rin ba niya?

338
00:24:37,875 --> 00:24:39,791
Nitong kamakailan lang, oo.

339
00:24:40,875 --> 00:24:42,291
E, bakit ka malungkot?

340
00:24:42,375 --> 00:24:45,791
Kasi, mukhang di na ako nakikita
ng kaibigan ko.

341
00:24:47,375 --> 00:24:50,166
Hindi na ako kailangan ng kaibigan ko.

342
00:24:53,875 --> 00:24:56,291
Naglalaho ka na ba?

343
00:24:56,375 --> 00:24:57,333
Oo.

344
00:24:57,833 --> 00:24:59,291
Ano na'ng susunod na mangyayari?

345
00:24:59,875 --> 00:25:00,791
Hindi ko alam.

346
00:25:02,375 --> 00:25:03,333
Masakit ba?

347
00:25:03,833 --> 00:25:05,791
Natatakot ka ba?

348
00:25:12,458 --> 00:25:14,666
Hindi pa ako naglalaho, pero…

349
00:25:15,166 --> 00:25:16,916
kinatatakutan ko 'yon.

350
00:25:33,958 --> 00:25:34,875
Amanda.

351
00:25:35,458 --> 00:25:38,250
Pasensiya na kung nasigawan kita kahapon.

352
00:25:39,458 --> 00:25:40,666
Ayos lang po.

353
00:25:40,750 --> 00:25:42,958
Bukas, baka puwede tayong mag-swimming.

354
00:25:43,041 --> 00:25:43,875
Gusto mo ba 'yon?

355
00:25:47,000 --> 00:25:49,291
O gusto mo bisitahin natin
si Lola Downbeat.

356
00:25:49,375 --> 00:25:51,958
Puwede kayong maghurno ng biskuwit,
mag-asikaso ng hardin,

357
00:25:52,041 --> 00:25:54,458
at siyempre, isasama natin si Rudger.

358
00:25:56,416 --> 00:25:57,291
Sige po.

359
00:26:15,458 --> 00:26:18,083
Anak, dito ka lang.
Babayaran ko ang parking.

360
00:26:19,791 --> 00:26:21,625
Hindi ka ba hihingi ng tawad?

361
00:26:22,375 --> 00:26:23,625
Para saan?

362
00:26:24,541 --> 00:26:26,375
Hindi ako maglalaho.

363
00:26:26,958 --> 00:26:28,500
Bakit ka ba nagagalit?

364
00:26:28,583 --> 00:26:31,833
Walang maglalaho, walang iwanan,
at walang iiyak.

365
00:26:31,916 --> 00:26:33,875
Ang pangako ay pangako, di ba?

366
00:26:33,958 --> 00:26:36,666
Rudger, nasa paradahan tayo.
Wala tayo sa attic.

367
00:26:39,083 --> 00:26:40,708
Uy, ano'ng ginagawa mo?

368
00:26:44,125 --> 00:26:46,375
Kita mo? Di ako naglalaho!

369
00:26:46,958 --> 00:26:49,166
Rudger, halika nga. Delikado 'yan.

370
00:26:49,750 --> 00:26:51,666
Magkalayo tayo, pero di ako naglaho.

371
00:26:52,250 --> 00:26:53,583
May bago ka nang natuklasan!

372
00:26:53,666 --> 00:26:57,333
Kahit di mo ako nakikita,
di ako maglalaho.

373
00:26:57,416 --> 00:27:00,083
Oo, naiintindihan ko na!
Bumalik ka na rito!

374
00:27:00,166 --> 00:27:02,583
Nagkamali ako, Rudger. Pasensiya na.

375
00:27:04,833 --> 00:27:05,708
Rudger!

376
00:27:12,166 --> 00:27:14,166
Hello, iha.

377
00:27:14,958 --> 00:27:18,208
Pasensiya na kung nagulat kita.

378
00:27:18,750 --> 00:27:22,083
'Wag kang mag-alala,
hindi ikaw ang pakay ko, iha.

379
00:27:22,166 --> 00:27:25,291
Narito ako para kausapin sandali
ang kaibigan mo.

380
00:27:26,083 --> 00:27:27,125
Sa kasamaang-palad,

381
00:27:27,208 --> 00:27:29,833
mahaba-haba ang pila sa pay station.

382
00:27:29,916 --> 00:27:33,208
Mukhang maghihintay ka nang matagal.

383
00:27:42,958 --> 00:27:44,458
Amanda, takbo!

384
00:27:50,083 --> 00:27:51,250
Rudger!

385
00:27:51,875 --> 00:27:55,875
May kalidad ang Katha na ito…
Kay tagal na rin.

386
00:27:57,250 --> 00:27:59,625
Ang bango mo…

387
00:28:46,541 --> 00:28:48,708
Oo, may emergency rito.

388
00:28:51,041 --> 00:28:53,125
-Magpadala agad kayo ng tulong.
-Amanda!

389
00:28:53,833 --> 00:28:55,000
Ayos lang ba siya?

390
00:28:58,541 --> 00:28:59,583
Amanda?

391
00:29:01,000 --> 00:29:01,958
Amanda!

392
00:29:06,291 --> 00:29:09,958
AMBULANSIYA

393
00:30:10,791 --> 00:30:12,083
Nakikita kita.

394
00:30:14,875 --> 00:30:18,291
Alam ko kung ano ka,
at marami akong kilalang kauri mo.

395
00:30:21,875 --> 00:30:24,791
Naiintindihan ko rin ang pinagdadaanan mo.

396
00:30:28,041 --> 00:30:31,291
Totoong mahirap ang makalimutan.

397
00:30:33,166 --> 00:30:36,458
Pero isa 'yong bagay
na mangyayari din sa 'ting lahat kalaunan.

398
00:30:37,875 --> 00:30:40,125
Hindi, hindi ako nakalimutan.

399
00:30:40,208 --> 00:30:41,666
Nagkaroon ng aksidente.

400
00:30:41,750 --> 00:30:44,291
Nabangga si Amanda ng kotse, tapos…

401
00:30:44,375 --> 00:30:45,916
Ganoon din 'yon.

402
00:30:48,000 --> 00:30:50,916
Nangangamba akong
nagsisimula ka nang maglaho.

403
00:30:52,583 --> 00:30:53,916
Ano…

404
00:30:54,500 --> 00:30:57,416
Kaunting panahon na lang
ang nalalabi sa 'yo.

405
00:30:59,166 --> 00:31:00,583
Sumama ka sa akin, iho.

406
00:31:01,125 --> 00:31:02,000
Si Amanda…

407
00:31:03,000 --> 00:31:06,541
Patay na si Amanda, hindi ba?
Kaya nandito ka.

408
00:31:10,125 --> 00:31:13,250
Ikaw si Kamatayan.

409
00:31:13,750 --> 00:31:17,041
Hindi ako si Kamatayan. Ako si Zinzan.

410
00:31:17,125 --> 00:31:20,791
Uulitin ko,
kaunting panahon na lang ang mayro'n ka.

411
00:31:20,875 --> 00:31:23,250
Puwede kang manatili rito at maglaho…

412
00:31:23,333 --> 00:31:25,041
o sumama ka sa akin.

413
00:31:25,833 --> 00:31:28,625
Hindi puwede.
Kailangan kong puntahan si Amanda.

414
00:31:29,625 --> 00:31:31,291
Ikaw ang bahala, iho.

415
00:31:34,041 --> 00:31:35,041
Pero…

416
00:31:35,958 --> 00:31:38,083
ayaw kong maglaho.

417
00:31:41,875 --> 00:31:44,041
Kaya mo bang bilisan?

418
00:31:46,916 --> 00:31:48,041
Saan tayo pupunta?

419
00:31:48,125 --> 00:31:51,041
Kung saan ligtas ka. Huwag kang mag-alala.

420
00:31:51,541 --> 00:31:54,166
Saan nga 'yon?

421
00:31:54,250 --> 00:31:55,833
Dadalhin tayo ng paglalakbay na ito

422
00:31:55,916 --> 00:31:57,791
papunta sa tamang lagusan,
sa tamang lugar.

423
00:31:58,500 --> 00:31:59,791
Ano'ng ibig sabihin n'on?

424
00:31:59,875 --> 00:32:03,791
Magtiwala ka lang, iho.
Masyado kang maraming tanong.

425
00:32:03,875 --> 00:32:07,250
Pasensiya na, parati akong
may maraming tanong kay Amanda.

426
00:32:07,333 --> 00:32:10,791
At lagi bang may sagot 'yang si Amanda
sa mga katanungan mo?

427
00:32:11,583 --> 00:32:12,791
Hindi sa lahat ng pagkakataon.

428
00:32:12,875 --> 00:32:15,541
Ano'ng ginagawa niya
kapag hindi niya alam ang sagot?

429
00:32:15,625 --> 00:32:18,291
Madalas, mag-iimbento na lang si Amanda.

430
00:32:19,958 --> 00:32:23,291
'Yan siguro ang dahilan
kaya ka niya naisip, iho.

431
00:32:24,041 --> 00:32:25,791
Dahil ikaw ang kasagutan.

432
00:32:26,916 --> 00:32:28,083
Kasagutan?

433
00:32:28,833 --> 00:32:30,791
Sa tingin mo, ako ang kasagutan ni Amanda?

434
00:32:30,875 --> 00:32:34,500
Tama. Tinupad mo ang papel mo
bilang isang Katha.

435
00:32:36,625 --> 00:32:40,041
Ituon mo lang ang pansin mo
sa kung ano'ng nasa harapan mo.

436
00:32:43,000 --> 00:32:44,041
Isang saradong daan?

437
00:32:44,125 --> 00:32:45,041
Tingnan mong maigi.

438
00:32:45,625 --> 00:32:48,166
Dadalhin ka ng lagusang ito
sa isang bagong buhay.

439
00:32:54,041 --> 00:32:56,708
'Wag ka nang mag-isip. Tumuloy ka lang.

440
00:33:01,125 --> 00:33:04,166
Oras nang kalimutan
ang mga nakalimot sa 'yo.

441
00:33:06,000 --> 00:33:07,166
Zinzan…

442
00:33:07,750 --> 00:33:10,166
Marami pa akong matutuklasan sa 'yo.

443
00:33:11,333 --> 00:33:15,041
Sana masiyahan ka sa bago mong buhay.
Diyan ka nabibilang.

444
00:33:44,125 --> 00:33:45,708
Excuse me po.

445
00:33:45,791 --> 00:33:48,250
Dinala ako rito ni Zinzan at tingin ko…

446
00:33:53,625 --> 00:33:56,541
Pasensiya na sa istorbo,
pero bakit mo siya kinakausap?

447
00:33:58,625 --> 00:34:02,208
Totoong tao siya.
Hindi ka niya nakikita o naririnig.

448
00:34:02,750 --> 00:34:04,833
Oo nga pala.

449
00:34:06,458 --> 00:34:07,875
Tumabi ka muna, ha?

450
00:34:10,625 --> 00:34:12,500
Magsisimula na ang concert!

451
00:34:14,833 --> 00:34:15,666
Sandali!

452
00:34:35,250 --> 00:34:39,166
MGA PAUNAWA

453
00:34:58,041 --> 00:35:02,416
-Emily!
-Emily!

454
00:35:03,250 --> 00:35:04,166
Hello!

455
00:35:09,250 --> 00:35:10,583
Kayong lahat!

456
00:35:10,666 --> 00:35:12,958
Masaya ba kayo?

457
00:35:13,041 --> 00:35:16,083
-Oo!
-Oo!

458
00:35:18,333 --> 00:35:20,583
At kumusta naman kayong mga tao?

459
00:35:25,666 --> 00:35:29,083
Kayong lahat! Anong araw bukas?

460
00:35:29,166 --> 00:35:31,083
-Sabado!
-Sabado!

461
00:35:31,166 --> 00:35:33,250
E, ang araw pagkatapos n'on?

462
00:35:33,333 --> 00:35:36,083
-Linggo!
-Linggo!

463
00:35:36,166 --> 00:35:38,833
At anong uri ng araw ang mga 'yon?

464
00:35:38,916 --> 00:35:41,833
-Ang paborito nating mga araw!
-Ang paborito nating mga araw!

465
00:35:41,916 --> 00:35:44,416
At bakit sila espesyal?

466
00:35:44,500 --> 00:35:46,916
-Araw natin 'yon sa trabaho!
-Araw natin 'yon sa trabaho!

467
00:35:47,000 --> 00:35:49,333
Nagsusumikap tayong lahat sa paglalaro!

468
00:35:49,416 --> 00:35:52,833
At pagkatapos, ibinabahagi natin
ang mayro'n tayo!

469
00:36:27,458 --> 00:36:28,583
Sino ka?

470
00:36:32,583 --> 00:36:33,750
Bago ka rito.

471
00:36:34,750 --> 00:36:35,583
Tama.

472
00:36:35,666 --> 00:36:37,416
At paano mo nalaman ang lugar na 'to?

473
00:36:37,500 --> 00:36:38,708
Kay Zinzan.

474
00:36:39,625 --> 00:36:40,666
Pangalan mo?

475
00:36:40,750 --> 00:36:41,958
Rudger.

476
00:36:42,958 --> 00:36:44,875
Rudge. Ano'ng kulay n'ong mga mata?

477
00:36:44,958 --> 00:36:45,875
Rudge?

478
00:36:45,958 --> 00:36:47,166
Ano'ng kulay nila?

479
00:36:49,458 --> 00:36:50,375
Hindi ng mata mo.

480
00:36:50,458 --> 00:36:52,750
Ano'ng kulay ng mga mata ni Zinzan?

481
00:36:54,458 --> 00:36:55,375
Ano…

482
00:36:55,458 --> 00:36:59,416
Asul ang kanan at pula naman ang kaliwa!

483
00:37:06,791 --> 00:37:08,000
Tanggap ka na.

484
00:37:08,583 --> 00:37:11,375
Ako, alam ko rin ang kulay!

485
00:37:12,083 --> 00:37:14,083
Alam ko! Totoo!

486
00:37:20,583 --> 00:37:22,500
Rudge, mukha kang tao.

487
00:37:23,125 --> 00:37:24,333
Gaya ni Emily.

488
00:37:24,416 --> 00:37:26,000
Crunch, crunch!

489
00:37:26,875 --> 00:37:29,250
Okay, Rudge, siya si Snowflake.

490
00:37:29,333 --> 00:37:31,958
Kung nagtataka ka, isa akong hippopotamus.

491
00:37:33,541 --> 00:37:35,791
Ito namang maliit
ay si Cruncher, ang Kalansay.

492
00:37:35,875 --> 00:37:37,166
Hello daw, sabi niya.

493
00:37:40,916 --> 00:37:41,833
Masaya akong makilala ka.

494
00:37:43,375 --> 00:37:46,333
Kinatha rin ba ang mga narito?

495
00:37:46,916 --> 00:37:49,916
Oo, Katha ang lahat ng nandito.

496
00:37:51,208 --> 00:37:52,333
Katha?

497
00:37:52,416 --> 00:37:55,583
'Yon na ang tawag sa 'tin
ng mga matatanda noon pa man.

498
00:37:59,833 --> 00:38:02,958
Wala ka bang kaalam-alam
sa lugar na 'to, Rudge?

499
00:38:04,708 --> 00:38:08,791
Rudge, tayo ay kinatha ng mga bata
na may mga pambihirang kaisipan,

500
00:38:08,875 --> 00:38:10,958
tapos tayo ang nagiging matalik
nilang mga kaibigan,

501
00:38:11,041 --> 00:38:13,666
at sumasaya tayo kapag kasama sila, di ba?

502
00:38:13,750 --> 00:38:17,791
Pero tumatanda sila at mawawalan
ng interes sa 'tin, kaya tayo nalilimutan.

503
00:38:17,875 --> 00:38:20,916
At kadalasan, 'yon na ang katapusan natin.

504
00:38:22,666 --> 00:38:23,875
Pero may maganda akong balita!

505
00:38:23,958 --> 00:38:25,458
-Babaligtarin natin…
-Uy!

506
00:38:25,541 --> 00:38:27,000
-ang busangot mo.
-Hi.

507
00:38:29,041 --> 00:38:30,333
Dahil bago pa 'yon mangyari,

508
00:38:30,416 --> 00:38:33,125
dinadala ni Zinzan ang mga kagaya mo
dito sa Aklatan.

509
00:38:33,208 --> 00:38:35,625
Karamihan sa mga libro ay kinatha, di ba?

510
00:38:37,541 --> 00:38:40,791
Rudge, ang kathang-isip
ang bumubuhay sa ating mga Katha,

511
00:38:40,875 --> 00:38:42,708
gaya ng hangin sa mga tao…

512
00:38:46,791 --> 00:38:49,041
At punong-puno nito ang Aklatan.

513
00:38:50,666 --> 00:38:52,208
Uy, tingnan mo!

514
00:38:52,916 --> 00:38:56,791
'Yan si Binibining Cubie.
Katha siya ng isang sikat na pintor.

515
00:38:56,875 --> 00:39:01,375
Tama! Sinabi sa akin ni munting Picasso
na iguguhit niya ako balang-araw.

516
00:39:01,458 --> 00:39:03,208
Gustong-gusto ko talaga siya.

517
00:39:03,791 --> 00:39:05,791
Siya naman si Baron Metronome.

518
00:39:05,875 --> 00:39:08,375
Siya at ang kaniyang binging kaibigan,
na isang sikat na komposer,

519
00:39:08,458 --> 00:39:11,291
ay nakagawa ng maraming
magagandang komposisyon.

520
00:39:15,916 --> 00:39:18,333
Itinadhana silang dalawa sa isa't isa.

521
00:39:18,875 --> 00:39:20,958
Maalamat naman
ang nangangatog na matandang 'yon.

522
00:39:21,041 --> 00:39:22,541
Fie, fie, fie…

523
00:39:22,625 --> 00:39:27,291
Isa siya sa mga nakakahanga
at respetadong Katha sa kasaysayan.

524
00:39:27,375 --> 00:39:28,458
Fie…

525
00:39:29,041 --> 00:39:33,583
Ang mabuhay, o ang mamatay.
Iyon ang palaisipan.

526
00:39:34,916 --> 00:39:37,708
Nabuo tayo mula sa mga kathang-isip
ng mga bata,

527
00:39:37,791 --> 00:39:39,833
at tayo ang matalik nilang mga kaibigan.

528
00:39:39,916 --> 00:39:43,125
Pinagaganda natin ang mga tao
at ang kanilang mundo.

529
00:39:44,791 --> 00:39:46,333
Ang galing, di ba?

530
00:39:51,916 --> 00:39:53,833
Umalis na ang huling tao.

531
00:39:54,666 --> 00:39:56,958
Solo na natin ngayon ang lugar.

532
00:39:59,208 --> 00:40:01,458
Rudge, ngayon pa lang magsisimula
ang kasiyahan.

533
00:40:01,541 --> 00:40:05,041
Ngayong alam mo na
kung gaano kahusay ang mga Katha,

534
00:40:05,125 --> 00:40:06,541
hindi ba dapat lang

535
00:40:06,625 --> 00:40:10,708
na manatili tayo sa lugar
na maganda, magara at kahanga-hanga?

536
00:40:54,708 --> 00:40:56,291
Opisyal kitang tinatanggap

537
00:40:56,375 --> 00:40:58,875
sa Bayan ng mga Katha.

538
00:41:10,416 --> 00:41:11,791
Di ko na siya maamoy.

539
00:41:12,541 --> 00:41:15,750
Kapag namatay ang totoong tao,
maglalaho ang Katha nila.

540
00:41:15,833 --> 00:41:19,083
Pambihira. Minsan lang ako makahanap
ng isang kagaya niya.

541
00:41:19,166 --> 00:41:22,666
Heto na ho ang matcha latte
at ang basong hiningi ninyo.

542
00:41:25,250 --> 00:41:26,916
Kailangan nating kumain pareho.

543
00:41:27,541 --> 00:41:30,916
Dapat lang kumain tayo ng masarap,

544
00:41:31,000 --> 00:41:34,166
at dapat sariwa rin.

545
00:41:35,333 --> 00:41:36,166
'Wag kang mag-alala.

546
00:41:36,250 --> 00:41:39,041
Mahahanap 'yon ng matalas kong pang-amoy.

547
00:41:57,166 --> 00:41:59,208
-Heto.
-Salamat.

548
00:42:24,208 --> 00:42:27,625
Emily, pasensiya na sa istorbo,
pero puwede ba akong magtanong?

549
00:42:29,625 --> 00:42:30,458
Salamat.

550
00:42:31,875 --> 00:42:35,875
Ang saganang bayan na ito
ay kinatha ng mga libro.

551
00:42:35,958 --> 00:42:39,375
Ibang bayan na naman ito bukas,
at sa susunod na araw.

552
00:42:39,458 --> 00:42:41,083
Nag-iiba ito araw-araw.

553
00:42:41,166 --> 00:42:42,791
Kahapon, nasa Machu Picchu kami.

554
00:42:42,875 --> 00:42:45,708
At bago pa 'yon, nagpunta kami
sa Lupain ng Whangdoodles.

555
00:42:46,208 --> 00:42:47,375
Ito na ang tahanan namin.

556
00:42:48,083 --> 00:42:50,083
Hinahayaan tayo ng aklatan
na makapunta kahit saan,

557
00:42:50,166 --> 00:42:51,791
at puwede tayong makabalik anumang oras.

558
00:42:59,083 --> 00:43:00,166
Alam mo, Rudge,

559
00:43:00,250 --> 00:43:03,375
hindi naman natin nililikhang mag-isa
ang mga lugar na 'to.

560
00:43:04,125 --> 00:43:07,416
Ang mga totoong tao ang lumilikha
gamit ang kanilang mga kathang-isip.

561
00:43:09,458 --> 00:43:10,458
Hindi natin kaya 'yon.

562
00:43:11,958 --> 00:43:15,083
Pero may mga trabaho
na tayo lang ang makakagawa.

563
00:43:15,958 --> 00:43:17,125
Ang sarap!

564
00:43:17,791 --> 00:43:18,916
Trabaho?

565
00:43:19,000 --> 00:43:19,833
Oo!

566
00:43:19,916 --> 00:43:22,458
Dinadayo rin namin
ang mga kathang-isip ng mga bata,

567
00:43:22,541 --> 00:43:23,666
at doon kami naglalaro.

568
00:43:23,750 --> 00:43:25,375
'Yang masarap na tinapay na kinakain mo

569
00:43:25,458 --> 00:43:27,291
at 'yong mga marshmallow
na pinaghati-hatian natin,

570
00:43:27,375 --> 00:43:30,208
nanggaling ang mga 'yan
sa kathang-isip ng mga bata.

571
00:43:33,375 --> 00:43:37,000
At bukas na bukas,
magtatrabaho ka na rin, Rudge.

572
00:43:37,083 --> 00:43:38,125
Oo, pero…

573
00:43:38,208 --> 00:43:41,500
Emily, kailangan ko na talagang umalis.

574
00:43:45,458 --> 00:43:46,750
Ngayong araw, ang kaibigan ko…

575
00:43:46,833 --> 00:43:48,250
Kasi itong si Bunting…

576
00:43:48,833 --> 00:43:50,000
Si Bunting?

577
00:43:56,125 --> 00:43:57,458
Aray!

578
00:44:00,166 --> 00:44:03,583
Rudge, nabanggit mo ba si Bunting?

579
00:44:03,666 --> 00:44:04,625
Oo, siya nga.

580
00:44:05,625 --> 00:44:07,291
Ano'ng alam mo tungkol sa kaniya?

581
00:44:07,875 --> 00:44:09,041
Inatake niya kami.

582
00:44:09,958 --> 00:44:13,125
Kasama naming mamalengke si Mama,
tapos inatake niya kami.

583
00:44:13,208 --> 00:44:15,541
Nasagasaan ng kotse ang kaibigan ko
dahil sa kaniya.

584
00:44:16,166 --> 00:44:18,666
Si Bunting… Mr. Bunting.

585
00:44:20,375 --> 00:44:22,166
Napakasalbahe niya.

586
00:44:22,250 --> 00:44:24,291
Kinakain niya tayo para mabuhay siya.

587
00:44:24,375 --> 00:44:28,166
Daan-daan na ang nakain sa 'min
para lang mabuhay siya ng daan-daang taon.

588
00:44:28,250 --> 00:44:30,375
Sa kasamaang-palad, balang-araw,

589
00:44:30,458 --> 00:44:33,458
mamamaalam rin tayo
sa mga kaibigan nating tao.

590
00:44:33,958 --> 00:44:38,083
Maliban kay Mr. Bunting,
na ayaw magpaalam sa Katha niya.

591
00:44:38,583 --> 00:44:42,458
Kahit sa pagtanda, gusto pa rin niya
ang kapangyarihan ng kathang-isip.

592
00:44:42,541 --> 00:44:46,375
Kaya isang araw,
kinain niya ang Katha ng iba.

593
00:44:46,875 --> 00:44:49,333
Lumilitaw si Mr. Bunting kahit saan.

594
00:44:49,833 --> 00:44:53,666
Naaamoy niya ang halimuyak natin,
at nahahanap niya tayo!

595
00:44:58,916 --> 00:45:01,541
Tapos kinakain niya tayo
at nabubuhay siya nang matagal na panahon.

596
00:45:02,666 --> 00:45:05,541
Sa ganitong paraan, hindi mawawala
ang kakayahan niyang lumikha.

597
00:45:05,625 --> 00:45:08,250
Nandiyan pa rin siya hanggang ngayon.

598
00:45:08,333 --> 00:45:09,583
Kumalma kayong lahat.

599
00:45:09,666 --> 00:45:12,458
Ayos lang 'yan. Ito ang Aklatan.

600
00:45:12,541 --> 00:45:14,500
Ligtas tayo rito sa Bayan ng mga Katha.

601
00:45:14,583 --> 00:45:15,583
'Wag na kayong matakot.

602
00:45:20,166 --> 00:45:21,833
Pasensiya na sa sasabihin ko, Rudge.

603
00:45:21,916 --> 00:45:24,541
Kilala lahat ng nandito si Mr. Bunting.

604
00:45:25,041 --> 00:45:27,583
Pero isa lang siyang alamat,
isang kuwento lamang.

605
00:45:28,208 --> 00:45:31,083
Hindi mo kailangang magsinungaling
at sabihing nakita mo na siya.

606
00:45:31,166 --> 00:45:35,083
Hindi siya totoo.
Wala pang nakakakita kay Mr. Bunting.

607
00:45:40,500 --> 00:45:41,833
Pero nakita namin siya.

608
00:45:41,916 --> 00:45:44,333
Inatake niya si Amanda,
at sinubukan niya akong kainin.

609
00:45:44,916 --> 00:45:47,458
Rudge, pasensiya ka na,
pero kailangan ko 'tong sabihin.

610
00:45:47,541 --> 00:45:48,833
Hindi totoo si Bunting.

611
00:45:48,916 --> 00:45:50,625
Nagsasabi ako ng totoo, Emily.

612
00:45:50,708 --> 00:45:52,083
Inatake siya ni Bunting.

613
00:45:52,166 --> 00:45:54,625
Makinig ka, Rudge.
Di ko alam ang nangyari pero nakukuha ko.

614
00:45:54,708 --> 00:45:56,916
Naiintindihan ko
na nag-aalala ka sa kaibigan mo.

615
00:45:57,000 --> 00:45:59,041
Nakakalungkot 'yon,
at alam kong mahirap 'yon para sa 'yo.

616
00:45:59,125 --> 00:46:00,333
Pero hindi ibig sabihin…

617
00:46:02,166 --> 00:46:04,583
Bumalik ka rito, Rudge. Saan ka pupunta?

618
00:46:04,666 --> 00:46:06,125
Hahanapin ko si Amanda.

619
00:46:06,208 --> 00:46:08,500
Hindi mo siya mahahanap.

620
00:46:09,166 --> 00:46:11,000
Kakasabi ko lang kanina, di ba?

621
00:46:11,083 --> 00:46:14,083
Maglalaho ka pag umalis ka sa Aklatan.

622
00:46:14,166 --> 00:46:15,291
Makinig ka, Rudge.

623
00:46:17,541 --> 00:46:19,166
Hayaan mong ipaliwanag ko sa 'yo.

624
00:46:20,166 --> 00:46:22,291
Hindi mo na ulit makikita ang batang 'yon.

625
00:46:23,166 --> 00:46:25,000
Hindi ganiyan ang mga bagay rito.

626
00:46:25,083 --> 00:46:27,166
Hindi ako ang may gawa,
pero may ilang mga patakaran

627
00:46:27,250 --> 00:46:29,166
na kailangan nating sundin sa mundo natin.

628
00:46:29,666 --> 00:46:33,500
Nakalimutan ka na niya, Rudge.
At di na 'yon mababago.

629
00:46:34,166 --> 00:46:36,958
Nagkakamali ka.
Hindi ako makakalimutan ni Amanda.

630
00:46:37,041 --> 00:46:38,916
Kung sigurado kang naalala ka
ng kaibigan mo,

631
00:46:39,000 --> 00:46:40,833
bakit hindi ka pa niya tinatawag?

632
00:46:40,916 --> 00:46:43,083
Bakit nandito ka pa? Sagutin mo 'ko.

633
00:46:45,500 --> 00:46:46,583
Hindi, hindi 'yon.

634
00:46:49,333 --> 00:46:51,208
Namatay ang kaibigan ni Rudger.

635
00:46:53,291 --> 00:46:56,041
Makinig ka, Rudge.
Napagbaligtad mo ang mga kulay.

636
00:46:56,125 --> 00:46:59,208
Pula ang kanang mata ni Zinzan
at asul naman ang kaliwa.

637
00:46:59,875 --> 00:47:02,791
Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo.

638
00:47:04,916 --> 00:47:06,791
O siya, mga kasama!

639
00:47:08,291 --> 00:47:09,458
Gabing-gabi na!

640
00:47:09,541 --> 00:47:11,291
Magligpit na tayo't matulog!

641
00:47:17,875 --> 00:47:18,708
Emily, sandali!

642
00:47:42,833 --> 00:47:45,125
Hindi ka ba makatulog, iho?

643
00:47:45,666 --> 00:47:46,583
Zinzan?

644
00:47:51,166 --> 00:47:53,041
Napakaganda rito.

645
00:47:53,125 --> 00:47:55,583
Hindi ka magugutom
hangga't nagtatrabaho ka.

646
00:47:57,875 --> 00:48:01,000
Sabi mo, ako ang kasagutan ni Amanda.

647
00:48:02,166 --> 00:48:04,916
Pero anuman ang gawin ko,
hindi ko siya makita.

648
00:48:06,500 --> 00:48:10,041
Ito ba ang sagot?
Ito ba ang sagot ni Amanda?

649
00:48:11,458 --> 00:48:14,041
Ang pamamaalam ay isang bagay
na nararanasan nating lahat.

650
00:48:15,500 --> 00:48:17,583
Mabuting partner ang kaibigan ko.

651
00:48:18,125 --> 00:48:19,333
Pero sa kasamaang-palad,

652
00:48:19,416 --> 00:48:22,541
nakatira ang kaibigan kong 'yon
sa isang masalimuot na tahanan.

653
00:48:23,750 --> 00:48:25,083
Sa pagtatapos ng bawat araw,

654
00:48:25,166 --> 00:48:27,541
nakikiusap siya sa akin
na manatiling gising,

655
00:48:27,625 --> 00:48:29,375
na 'wag lumayo, at lagi siyang bantayan.

656
00:48:30,125 --> 00:48:31,166
Kaya, ginawa ko.

657
00:48:32,458 --> 00:48:35,583
Lagi ko siyang binantayan, araw at gabi…

658
00:48:35,666 --> 00:48:38,875
hanggang sa makalimutan niya na ako.

659
00:48:39,500 --> 00:48:41,291
Kaya hindi ako natutulog.

660
00:48:42,041 --> 00:48:43,750
Kahit hindi ako ganoon kinatha.

661
00:48:44,958 --> 00:48:47,416
May dahilan kung bakit isinilang
tayong mga Katha.

662
00:48:50,250 --> 00:48:52,416
At tinitiyak ko sa 'yo, iho.

663
00:48:52,500 --> 00:48:54,125
Babantayan kita.

664
00:48:54,208 --> 00:48:55,208
Zinzan.

665
00:48:56,291 --> 00:48:57,666
Hindi ako umiiyak, kahit kailan.

666
00:48:58,416 --> 00:49:01,208
Dahil ganoon ako kinatha ni Amanda.

667
00:49:17,291 --> 00:49:19,458
Rudge. Rudge, gising.

668
00:49:21,833 --> 00:49:23,708
Umaga na. Oras na para bumangon.

669
00:49:26,125 --> 00:49:27,958
Tara na. Naghihintay si Emily.

670
00:49:33,875 --> 00:49:34,750
Emily!

671
00:49:35,791 --> 00:49:37,875
Sa wakas. Huli ka na.

672
00:49:37,958 --> 00:49:40,791
Pag nahuli ka, maaagawan ka
ng magagandang trabaho. Tara na!

673
00:49:40,875 --> 00:49:42,291
Magandang umaga, Emily.

674
00:49:44,333 --> 00:49:45,500
Magandang umaga, Rudge.

675
00:49:45,583 --> 00:49:47,708
O siya, halika na. Magsimula na tayo!

676
00:49:47,791 --> 00:49:52,208
MGA KUWENTO PARA SA MGA BABY
CRAFT EVENT

677
00:49:52,291 --> 00:49:55,291
Ang una mong dapat gawin
ay magpokus sa bulletin board.

678
00:49:55,791 --> 00:49:58,833
NAWAWALANG PUSA, NAWAWALANG ASO
LAUNCH PARTY, SALI NA SA BOOK CLUB

679
00:49:58,916 --> 00:50:02,541
Ganiyan. Ngayon, lilitaw rin kalaunan
ang trabahong bagay sa 'yo.

680
00:50:02,625 --> 00:50:03,708
Ito ang trabaho natin?

681
00:50:03,791 --> 00:50:06,708
Rudge, tingnan mo. Tingnan mong maigi.

682
00:50:11,875 --> 00:50:13,208
MGA PAUNAWA

683
00:50:15,083 --> 00:50:19,791
ANG AHENSIYA

684
00:50:19,875 --> 00:50:21,041
Mga litrato…

685
00:50:22,208 --> 00:50:24,541
Emily, nakikita ko ang mga litrato.

686
00:50:25,083 --> 00:50:25,916
Tama.

687
00:50:26,000 --> 00:50:29,041
Ito ang mga bata
na gustong-gustong makipaglaro sa 'tin.

688
00:50:29,125 --> 00:50:31,875
Ang kailangan mo lang gawin,
mamili ng larawan ng isa sa mga bata

689
00:50:31,958 --> 00:50:33,791
na sa pakiramdam mo ay para sa 'yo.

690
00:50:33,875 --> 00:50:36,208
Napakaimportante
ang pagpili ng kaibigan mo.

691
00:50:36,291 --> 00:50:38,291
Laging nakakaisip ng masasarap
na pagkain ang batang 'to.

692
00:50:38,375 --> 00:50:39,708
Gusto kong kumain ng ice cream.

693
00:50:39,791 --> 00:50:42,375
-Baka 'yan na ang para sa akin?
-Bruskong makipaglaro!

694
00:50:44,375 --> 00:50:47,375
Rudge, 'wag kang mag-isip.
Pakiramdaman mo.

695
00:50:48,416 --> 00:50:49,250
"John"!

696
00:50:49,333 --> 00:50:51,791
KAPITAN JOHN

697
00:50:53,125 --> 00:50:54,291
Si John.

698
00:51:07,666 --> 00:51:11,625
-Sige, Rudge! Kunin mo, Rudge!
-Hablutin mo, Rudge! Ayos!

699
00:51:11,708 --> 00:51:14,166
Rudge, ang litrato
ay parang tiket sa tren.

700
00:51:14,250 --> 00:51:17,125
-Pag nakuha mo na, di mo dapat mawala.
-Kaya mo 'yan, Rudge!

701
00:51:17,208 --> 00:51:19,125
Nakuha ko!

702
00:51:28,791 --> 00:51:29,708
Makinig kayo, mga kasama!

703
00:51:29,791 --> 00:51:33,583
Tapos na ang training natin.
Kapit lang para sa hyperspeed!

704
00:51:45,416 --> 00:51:46,791
Nalikom mo na ba ang bato ng buwan?

705
00:51:47,750 --> 00:51:49,041
Bato ng buwan?

706
00:51:49,125 --> 00:51:52,083
Misyon nating makalikom
ng mga pambihirang bato.

707
00:51:52,583 --> 00:51:54,375
Dapat dala mo 'yon pagbalik mo.

708
00:52:05,000 --> 00:52:07,958
Bumalik ka na! Papalapit na ang kalaban!

709
00:52:20,166 --> 00:52:23,083
Rudge! Dali, bumalik ka na rito!

710
00:52:31,083 --> 00:52:34,083
Mga kasama! Balik sa estasyon!
Maghandang umatake!

711
00:52:34,708 --> 00:52:35,958
Masusunod, kapitan!

712
00:52:37,708 --> 00:52:40,000
Rudge, oras ito ng trabaho, hindi ng laro!

713
00:52:40,083 --> 00:52:41,750
Nagtatrabaho tayo at naglalaro.

714
00:52:41,833 --> 00:52:44,125
Rudge, naglalaro lang ang batang 'to
sa kathang-isip niya,

715
00:52:44,208 --> 00:52:46,500
pero manganganib ang buhay natin
pag di tayo nag-iingat.

716
00:52:47,250 --> 00:52:50,000
Kapag namatay tayo sa mundong ito,
maglalaho tayo.

717
00:52:50,083 --> 00:52:51,541
Teka nga, sandali lang.

718
00:52:51,625 --> 00:52:53,500
Nakita n'yo ba si Cruncher, ang Kalansay?

719
00:52:54,083 --> 00:52:55,833
Hindi. Hindi ko siya kasama.

720
00:52:55,916 --> 00:52:57,750
Saan naman kaya siya nagpunta?

721
00:53:07,041 --> 00:53:09,416
Baka hindi ka magaling pumili ng kaibigan.

722
00:53:11,000 --> 00:53:13,041
Kung nandito lang siya…

723
00:53:13,583 --> 00:53:15,916
Ang bayani ng kalawakan na si Wobbles!

724
00:53:35,541 --> 00:53:36,416
Cruncher?

725
00:53:36,916 --> 00:53:38,791
-Si Cruncher nga!
-Si Cruncher nga!

726
00:53:44,875 --> 00:53:46,625
Sige, Wobbles!

727
00:53:59,083 --> 00:54:01,000
-Natalo niya sila!
-Ayos, Wobbles!

728
00:54:17,500 --> 00:54:22,416
Salamat, Wobbles.

729
00:54:25,875 --> 00:54:27,416
Nagsasara na ang kathang-isip niya.

730
00:54:31,458 --> 00:54:33,791
May mabangis na halimaw kahit saan.

731
00:54:40,333 --> 00:54:42,250
Rudge, ang litrato!

732
00:54:53,791 --> 00:54:55,458
Hindi ito ang Aklatan.

733
00:54:55,541 --> 00:54:57,833
Kakasabi ko lang sa 'yo
na ang litrato ang tiket natin pauwi.

734
00:54:57,916 --> 00:55:00,041
Di dapat tayo lumalagpas ng isang araw.

735
00:55:01,041 --> 00:55:04,083
Pag tapos na ang trabaho natin,
dapat tayong bumalik sa Aklatan.

736
00:55:04,583 --> 00:55:06,750
Naku po. Sarado na!

737
00:55:09,041 --> 00:55:11,958
Tingnan mo, Emily, bukas ang bintana.

738
00:55:13,708 --> 00:55:15,625
Kahit ako, magkakasya.

739
00:55:18,291 --> 00:55:20,041
Rudge, kung nakulong tayo rito,

740
00:55:20,125 --> 00:55:22,458
maglalaho tayo paglubog ng araw.

741
00:55:23,041 --> 00:55:24,750
Pasensiya na kayo.

742
00:55:24,833 --> 00:55:27,458
'Wag mo nang alalahanin 'yon.
Bago ka pa lang, Rudge.

743
00:55:27,541 --> 00:55:28,750
Tama si Snowflake.

744
00:55:28,833 --> 00:55:31,083
O siya, tama na yan.

745
00:55:31,666 --> 00:55:35,208
Tara na. Bumalik na tayo
bago pa tayo maglahong lahat.

746
00:55:38,708 --> 00:55:42,958
Crunch, crunch…

747
00:55:51,250 --> 00:55:52,416
Di nga?

748
00:55:53,041 --> 00:55:54,666
Seryoso ba 'to?

749
00:55:54,750 --> 00:55:55,791
Ano 'yon?

750
00:55:56,708 --> 00:56:00,666
Wobbles, maglaro ulit tayo bukas…

751
00:56:07,208 --> 00:56:10,125
Tingnan n'yo, o. Siya na si Wobbles.

752
00:56:10,958 --> 00:56:13,875
Wobble, wobble, wobble!

753
00:56:13,958 --> 00:56:15,416
Ayos!

754
00:56:17,125 --> 00:56:18,666
Masaya ako para sa 'yo.

755
00:56:22,708 --> 00:56:26,125
-Ang saya-saya ko! Ang galing!
-Ang daming nangyari.

756
00:56:29,291 --> 00:56:32,416
Mukhang makakatagal na
ang kaibigan nating kalansay rito.

757
00:56:32,500 --> 00:56:34,458
Dito na siya araw-araw.

758
00:56:34,958 --> 00:56:37,958
Totoong espesyal ito,
pero madalang mangyari.

759
00:56:38,541 --> 00:56:40,750
Kailangan natin ipagdiwang
ang araw na 'to.

760
00:56:40,833 --> 00:56:43,083
Kaya naghanda ako ng pagkain
na mula pa sa kalawakan.

761
00:56:43,166 --> 00:56:44,458
Gusto ko nang kainin.

762
00:56:46,541 --> 00:56:48,125
Puwede ba akong magtanong?

763
00:56:48,833 --> 00:56:50,291
'Yong kaibigan mo ba…

764
00:56:51,458 --> 00:56:53,541
Sabihin mo nga sa 'kin, Emily.
'Yong kaibigan mo ba…

765
00:56:53,625 --> 00:56:54,958
Kinalimutan ba nila ako?

766
00:56:55,916 --> 00:56:57,750
Oo, parang ganoon na nga.

767
00:56:57,833 --> 00:57:01,583
At nagawa mo ba silang kalimutan?

768
00:57:02,875 --> 00:57:07,166
Ako? Siguro. Matagal-tagal na rin kasi.

769
00:57:08,708 --> 00:57:12,666
Alam mo, gustong-gusto ko
ang kathang-isip ni Amanda.

770
00:57:13,666 --> 00:57:15,958
Di mo makakalimutan ang isang kagaya niya.

771
00:57:17,458 --> 00:57:20,125
Nagkakaroon lahat ng buhay
sa tuwing pumapasok siya.

772
00:57:20,625 --> 00:57:23,916
Ang lampara, nagiging punong pantropiko.

773
00:57:25,625 --> 00:57:28,541
Napupuno ang baul ng kayamanan
na mula sa mga pirata.

774
00:57:28,625 --> 00:57:31,458
Ang natutulog na pusa,
nagiging bombang naghihintay sumabog.

775
00:57:31,541 --> 00:57:33,916
Palagi siyang nakakaisip
ng mga makikinang na mundo.

776
00:57:34,000 --> 00:57:35,750
At kapag kasama ko siya,

777
00:57:36,333 --> 00:57:38,333
kumikinang din ako.

778
00:57:39,375 --> 00:57:42,333
Sana talaga buhay pa siya.

779
00:57:42,958 --> 00:57:46,250
Kahit di ko na siya makita,
basta buhay siya.

780
00:57:54,750 --> 00:57:56,791
Makakahanap ka rin ng kaibigan
na kasinghusay ni Amanda

781
00:57:56,875 --> 00:57:58,666
Sigurado ako ro'n.
'Wag ka mag-alala, Rudge.

782
00:57:58,750 --> 00:58:00,250
Hindi! Si Snowflake muna!

783
00:58:00,333 --> 00:58:02,416
Si Snowflake muna
ang makakahanap ng kaibigan!

784
00:58:03,375 --> 00:58:05,666
Oo, ikaw muna, Snowflake.

785
00:58:05,750 --> 00:58:07,416
Si Snowflake muna.

786
00:58:08,375 --> 00:58:10,416
Matagal ko ring di nakita
ang totoong langit.

787
00:58:10,500 --> 00:58:12,458
Kaya salamat sa 'yo, Rudge.

788
00:58:19,375 --> 00:58:21,375
O siya, umalis na tayo rito.

789
00:58:23,583 --> 00:58:25,500
Ang tamang lagusan sa tamang lugar!

790
00:58:25,583 --> 00:58:30,875
-Ang tamang lagusan sa tamang lugar.
-Ang tamang lagusan sa tamang lugar.

791
00:58:40,750 --> 00:58:42,625
Ayos ka lang ba? May problema ba?

792
00:58:50,083 --> 00:58:51,083
Bumalik na tayo!

793
00:58:51,166 --> 00:58:52,166
Wobble!

794
00:58:55,416 --> 00:58:57,041
Emily. Sandali lang.

795
00:58:57,125 --> 00:59:00,416
Ano'ng mangyayari kung di tayo
nakalimutan,

796
00:59:00,500 --> 00:59:02,000
pero nakain pa rin tayo?

797
00:59:02,583 --> 00:59:03,791
'Yan na naman?

798
00:59:04,625 --> 00:59:05,500
Sinabi ko na sa 'yo.

799
00:59:05,583 --> 00:59:07,625
Makinig ka. Kapag nakain tayo,

800
00:59:07,708 --> 00:59:09,750
ano na'ng mangyayari
sa mga kaibigan nating tao?

801
00:59:10,791 --> 00:59:13,125
Ewan ko. Baka mamamatay ang espiritu nila

802
00:59:13,208 --> 00:59:15,208
dahil may maiiwang
malaking puwang sa puso nila.

803
00:59:16,375 --> 00:59:18,416
Emily, magtiwala ka sa akin.

804
00:59:18,500 --> 00:59:20,416
Teka, Rudge, sabihin mo sa akin
ang nangyayari.

805
00:59:20,500 --> 00:59:22,916
-Pangako, babalik ako.
-Emily, ang bus.

806
00:59:23,000 --> 00:59:24,666
Emily, nandito na ang bus!

807
00:59:28,875 --> 00:59:30,041
Hay, Rudge.

808
00:59:33,375 --> 00:59:34,583
Bunting!

809
00:59:34,666 --> 00:59:38,166
Oo. Ito na nga. Naamoy ko na siya.

810
00:59:39,833 --> 00:59:42,125
Napakabango mo talaga.

811
00:59:42,208 --> 00:59:44,125
Hindi ka naglaho.

812
00:59:44,625 --> 00:59:47,291
Puwede ko bang malaman
kung paano ka nakaligtas?

813
00:59:47,375 --> 00:59:50,291
Ibig ba sabihin nito,
nakaligtas rin 'yong bata?

814
00:59:52,708 --> 00:59:56,416
Hindi, nagkamali ako.
Iba na ang amoy mo, Roger.

815
00:59:56,500 --> 00:59:59,416
Tumahimik ka, Bunting.
Kasalanan mo 'tong lahat!

816
00:59:59,500 --> 01:00:01,416
Wala naman akong ginawa.

817
01:00:01,500 --> 01:00:04,416
Ikaw ang may kasalanan.
Naaksidente 'yong batang paslit

818
01:00:04,500 --> 01:00:06,958
kasi natakot ka at tumakas.

819
01:00:07,041 --> 01:00:07,916
Tama ako, di ba?

820
01:00:09,416 --> 01:00:10,416
Nagsisinungaling ka.

821
01:00:10,500 --> 01:00:12,083
Hindi 'yon kasinungalingan.

822
01:00:12,750 --> 01:00:18,416
Depende kung saan mo titingnan,
sa pananaw ko o sa pananaw ko.

823
01:00:19,125 --> 01:00:22,208
Nakikita lang ng lahat
ang gusto nilang makita, hindi ba?

824
01:00:22,291 --> 01:00:25,916
Pag di nila makita,
ayaw talaga nila itong makita.

825
01:00:26,500 --> 01:00:28,041
Naiintindihan mo?

826
01:00:30,125 --> 01:00:33,000
Kaya, Roger, malas mo.

827
01:00:33,083 --> 01:00:35,916
Walang nakakakita at nakakarinig sa 'yo

828
01:00:36,000 --> 01:00:40,000
dahil walang may gustong makita ka
at walang may gustong marinig ka.

829
01:00:40,083 --> 01:00:42,166
Gusto mo pa rin bang manatili rito,

830
01:00:42,250 --> 01:00:44,958
dito sa mundong
walang sinumang makakakita ng luha mo

831
01:00:45,041 --> 01:00:46,791
o ang makakarinig ng iyak mo?

832
01:00:47,916 --> 01:00:49,791
Nagkakamali ka, Bunting.

833
01:00:54,333 --> 01:00:57,000
Makinig ka. Hindi ako umiiyak.

834
01:01:00,041 --> 01:01:01,333
-Rudge?
-Rudge?

835
01:01:01,833 --> 01:01:02,750
Ang bus ulit?

836
01:01:03,416 --> 01:01:04,500
Sino 'yon?

837
01:01:27,208 --> 01:01:28,083
Salamat, Goldie.

838
01:01:28,166 --> 01:01:29,791
Tawagan mo lang ako.

839
01:01:29,875 --> 01:01:30,958
Ayos ka lang ba?

840
01:01:31,958 --> 01:01:33,041
Umuwi na tayo.

841
01:01:41,375 --> 01:01:42,291
Ingat.

842
01:01:42,375 --> 01:01:43,250
Good night.

843
01:02:04,166 --> 01:02:05,166
Mama, sandali.

844
01:02:11,583 --> 01:02:14,166
Lizzie, anak, bakit di ka muna magpahinga?

845
01:02:14,250 --> 01:02:15,375
Ayos lang ho ako.

846
01:02:18,083 --> 01:02:22,000
Hindi mo ba puwedeng samahan
si Amanda sa ospital?

847
01:02:22,666 --> 01:02:23,958
Mukhang hindi ho.

848
01:02:26,333 --> 01:02:29,916
Tiyakin mong pauulanan mo siya
ng yakap pagkagising niya.

849
01:02:30,416 --> 01:02:33,791
'Wag kayong mag-alala.
Matatag ang batang 'yon.

850
01:02:33,875 --> 01:02:35,375
Magigising din siya.

851
01:02:36,083 --> 01:02:39,541
Si Amanda, patakbo siyang lumapit sa akin.

852
01:02:40,041 --> 01:02:40,875
Nang makita niya ako,

853
01:02:42,000 --> 01:02:44,416
para may gusto siyang sabihin sa akin.

854
01:02:45,291 --> 01:02:48,541
Naku naman.
Di mo dapat sinisisi ang sarili mo.

855
01:02:50,000 --> 01:02:51,875
Lizzie, ayos ka lang ba?

856
01:02:51,958 --> 01:02:53,833
Pasensiya na ho, Mama.

857
01:02:53,916 --> 01:02:57,125
Aayusin ko na
ang mga dapat dalhin bukas sa ospital.

858
01:02:57,625 --> 01:02:59,250
Oo, mabuti pa nga.

859
01:03:34,708 --> 01:03:39,375
PARA KAY RUDGER, 'WAG ITONG BUBUKSAN
GALING KAY AMANDA

860
01:03:39,458 --> 01:03:41,875
Buweno, hindi naman ako si Rudger.

861
01:04:20,791 --> 01:04:21,916
Tama.

862
01:04:22,000 --> 01:04:25,708
Binilhan ka nito ng papa mo
na mahal na mahal ka.

863
01:04:37,416 --> 01:04:39,333
'WAG KALIMUTAN SI PAPA
'WAG IIWAN SI MAMA, 'WAG IIYAK

864
01:04:57,250 --> 01:05:00,333
Kumusta po riyan? Nasanay na po ba kayo?

865
01:05:00,416 --> 01:05:02,625
Papa, magtatayo po kayo ng bookshop?

866
01:05:02,708 --> 01:05:04,208
Maganda nga 'yon.

867
01:05:04,291 --> 01:05:08,208
Ayos lang 'yong mga seryosong libro,
pero dapat may nakakawiling libro din po.

868
01:05:08,291 --> 01:05:11,208
Pag ginawa n'yo 'yon,
sisikat po ang tindahan n'yo.

869
01:05:11,708 --> 01:05:15,500
Si Mama? Gabing-gabi na siyang umiinom
ng beer at saka umiiyak.

870
01:05:15,583 --> 01:05:19,333
Opo, Green Lager.
Pero 'wag n'yo siyang alalahanin.

871
01:05:19,416 --> 01:05:20,916
Di ko po siya iiwanan.

872
01:05:21,541 --> 01:05:25,375
Ako? Malungkot ako, pero di ako iiyak.

873
01:05:25,875 --> 01:05:29,708
Kung iiyak ako, mag-aalala kayo, di ba?

874
01:05:29,791 --> 01:05:30,666
Papa…

875
01:05:31,666 --> 01:05:33,583
Sana magkaroon kayo ng maraming kaibigan.

876
01:05:34,250 --> 01:05:37,166
At kahit paminsan-minsan sana,

877
01:05:37,250 --> 01:05:41,250
padalhan n'yo ako ng sulat…

878
01:05:50,250 --> 01:05:52,458
Bakit kailangan n'yo pang mamatay, Pa?

879
01:06:18,458 --> 01:06:20,166
'Wag kalilimutan si Papa…

880
01:06:28,250 --> 01:06:29,458
'wag iiwan si Mama…

881
01:06:36,291 --> 01:06:37,333
at…

882
01:06:41,583 --> 01:06:43,458
'wag iiyak.

883
01:06:49,916 --> 01:06:51,083
Rudger.

884
01:06:57,625 --> 01:06:59,291
Iyon ang araw na isinilang ako.

885
01:07:05,000 --> 01:07:05,875
Mahal…

886
01:07:14,125 --> 01:07:15,833
Mahal, sige na…

887
01:07:17,916 --> 01:07:18,833
Pakiusap…

888
01:07:20,333 --> 01:07:21,208
Mama…

889
01:07:21,291 --> 01:07:23,125
'Wag mong iiwanan…

890
01:07:25,083 --> 01:07:26,583
si Amanda.

891
01:07:50,583 --> 01:07:52,916
Alam ko na ngayon kung bakit ka espesyal.

892
01:07:55,000 --> 01:07:57,625
Mayro'n kang matinding samyo
ng kalungkutan.

893
01:07:57,708 --> 01:08:00,166
Isa ngang napakatinding samyo.

894
01:08:00,875 --> 01:08:04,666
Ipinapakita lang nito lalo
na karapat-dapat kang makain ko.

895
01:08:05,250 --> 01:08:06,916
At kung maglaho ka man,

896
01:08:07,000 --> 01:08:10,166
hindi ba't maglalaho rin
ang kalungkutan niya?

897
01:08:10,916 --> 01:08:13,166
Pag-isipan mo, Roger.

898
01:08:35,000 --> 01:08:36,875
Laging naglalaho ang mga kauri mo.

899
01:08:37,666 --> 01:08:41,333
Wala rin 'yong pinagkaiba
sa pagkain ko sa 'yo, ano?

900
01:08:50,583 --> 01:08:51,500
Emily…

901
01:08:53,208 --> 01:08:54,291
Bumalik ka!

902
01:08:54,375 --> 01:08:56,708
Emily, 'yan si Bunting.

903
01:08:56,791 --> 01:08:57,791
Alam ko!

904
01:09:10,166 --> 01:09:11,291
Emily!

905
01:09:11,958 --> 01:09:13,041
Buhay siya!

906
01:09:13,541 --> 01:09:14,791
Ano'ng sabi mo?

907
01:09:14,875 --> 01:09:16,791
Si Amanda… Buhay siya!

908
01:09:17,875 --> 01:09:19,333
Buhay si Amanda!

909
01:09:19,416 --> 01:09:21,291
Buhay siya sa ospital!

910
01:09:22,291 --> 01:09:23,875
Umalis muna tayo rito!

911
01:09:27,166 --> 01:09:29,541
Dumeretso kayong umuwi
pagkatapos sa trabaho!

912
01:09:29,625 --> 01:09:30,541
Zinzan.

913
01:09:30,625 --> 01:09:32,166
Nasaan si Snowflake?

914
01:09:32,250 --> 01:09:34,041
Nasa Aklatan, nag-aalala.

915
01:09:34,125 --> 01:09:36,541
Emily, gusto ka nang umuwi ni Snowflake.

916
01:09:37,375 --> 01:09:39,666
Uuwi ako, kasama ninyo!

917
01:09:46,541 --> 01:09:48,541
Zinzan, ito na ba 'yon?

918
01:09:49,125 --> 01:09:49,958
Ito na dapat.

919
01:09:50,458 --> 01:09:52,416
Nasaan na? Nasaan ang lagusan?

920
01:09:56,750 --> 01:09:58,750
Bakit dumilim ang paligid?

921
01:09:59,916 --> 01:10:00,958
Dumilim ba?

922
01:10:02,875 --> 01:10:06,541
"Mula sa kinatatayuan ko,
nagliliwanag ang araw sa buong lugar."

923
01:10:14,125 --> 01:10:15,458
Si Bunting.

924
01:10:15,958 --> 01:10:17,541
Zinzan, kailangan nating bilisan.

925
01:10:17,625 --> 01:10:20,041
Diyan lang kayo. Parang may mali.

926
01:10:20,833 --> 01:10:24,041
Wala akong interes
sa batang babae o sa pusa.

927
01:10:24,791 --> 01:10:28,083
Ang sabi nga nila,
mga sariwa lang ang kinakain ko.

928
01:10:29,125 --> 01:10:30,125
Zinzan!

929
01:10:33,458 --> 01:10:37,041
Lalong bumabango ang mga Katha
na malapit nang maglaho.

930
01:10:40,125 --> 01:10:41,291
Mr. Roger.

931
01:10:41,958 --> 01:10:44,500
Pakiusap, hayaan mong turuan kita
ng isang napakahalagang bagay

932
01:10:44,583 --> 01:10:46,041
bago kita kainin.

933
01:10:46,666 --> 01:10:48,375
Magkaiba tayo.

934
01:10:48,916 --> 01:10:50,916
Kinatha lang kayo.

935
01:10:51,625 --> 01:10:54,541
Samantalang ako ang kabaligtaran.

936
01:10:55,750 --> 01:10:58,041
Naiintindihan mo naman, di ba?

937
01:10:58,125 --> 01:11:00,750
Ako ang kumakatha.

938
01:11:06,541 --> 01:11:07,375
Makinig ka.

939
01:11:07,875 --> 01:11:11,333
Nakasaksi na ako ng mga lugar
at panahon na hindi mo pa nalalaman,

940
01:11:11,416 --> 01:11:15,583
marami na rin akong mga natuklasan,
gayundin sa mga katha

941
01:11:16,083 --> 01:11:17,791
sa bawat sulok ng mundo.

942
01:11:18,416 --> 01:11:22,375
Habang kinakain ko
ang mga imbisibleng nilalang kalaunan.

943
01:11:22,458 --> 01:11:26,000
Hindi mo ako matatakasan.
Kaya, sumuko ka na.

944
01:11:27,625 --> 01:11:30,875
Makinig ka, Rudge,
may sasabihin ako sa 'yo.

945
01:11:34,291 --> 01:11:36,208
Sumuko ka na lang kaya?

946
01:11:40,041 --> 01:11:42,250
May sakit ang kaibigan ko
at nasa ospital na siya

947
01:11:42,333 --> 01:11:43,791
mula nang ipanganak siya.

948
01:11:43,875 --> 01:11:45,833
Hindi naman talaga ako kinalimutan, Rudge.

949
01:11:45,916 --> 01:11:46,750
Ang totoo niyan,

950
01:11:46,833 --> 01:11:48,833
namatay ang kaibigan ko
bago pa man siya magkaroon

951
01:11:48,916 --> 01:11:49,916
ng pagkakataong tumanda.

952
01:11:55,916 --> 01:11:58,791
Magkaiba ang paglimot sa pagkuha!

953
01:12:04,750 --> 01:12:07,208
Rudge, puwede mo pang makita si Amanda.

954
01:12:10,583 --> 01:12:12,291
Iho, dapat mong mahanap ang lagusan.

955
01:12:12,875 --> 01:12:15,166
Ang lagusan… Pero, nasaan?

956
01:12:16,375 --> 01:12:18,708
Magpokus ka.
Tingnan mo ang bawat sulok. Dali!

957
01:12:19,291 --> 01:12:20,291
Sige.

958
01:12:54,625 --> 01:12:57,208
Iho, di ka na makakatakas.

959
01:12:58,583 --> 01:13:00,833
Balewala na ang umasa.

960
01:13:00,916 --> 01:13:05,875
Maglalaho rin kayong lahat
sa bandang huli, nang mag-isa.

961
01:13:20,791 --> 01:13:22,458
Emily! Zinzan!

962
01:13:22,541 --> 01:13:24,083
Magaling, iho.

963
01:13:25,875 --> 01:13:27,583
Hindi n'yo pa rin ba maintindihan?

964
01:13:32,000 --> 01:13:33,708
Nakakaawa naman.

965
01:13:35,958 --> 01:13:38,666
Maging ito ay ikinatha lamang.

966
01:13:40,083 --> 01:13:40,916
Bang.

967
01:13:48,208 --> 01:13:49,041
Emily!

968
01:13:49,125 --> 01:13:52,791
Hindi na kayo natuto.
Wala kayong kayang baguhin.

969
01:13:52,875 --> 01:13:54,666
Bilis. Ipasok mo siya sa loob.

970
01:13:54,750 --> 01:13:55,875
'Wag mo kaming iwan, Emily!

971
01:13:55,958 --> 01:13:56,875
Rudge…

972
01:13:57,958 --> 01:13:59,666
'Yang goggles na binigay ko…

973
01:13:59,750 --> 01:14:01,708
Kinatha 'yan ng…

974
01:14:02,583 --> 01:14:04,125
tunay kong kaibigan.

975
01:14:07,625 --> 01:14:08,916
Emily, gising.

976
01:14:10,791 --> 01:14:11,708
Rudge…

977
01:14:11,791 --> 01:14:12,750
Bakit?

978
01:14:12,833 --> 01:14:16,375
Pakisabi na lang kay Amanda, hello…

979
01:14:16,458 --> 01:14:18,083
Sasabihin ko.

980
01:14:19,125 --> 01:14:22,458
May isang bagay na hindi matatalo
ng kathang-isip.

981
01:14:22,541 --> 01:14:23,708
At 'yon ay…

982
01:14:23,791 --> 01:14:25,458
-Emily.
-…ang katotohanan.

983
01:14:26,125 --> 01:14:28,583
Emily!

984
01:14:41,458 --> 01:14:42,291
Sino 'yan?

985
01:14:43,791 --> 01:14:46,291
Sina Rudge at Zinzan!

986
01:14:46,375 --> 01:14:47,583
Maligayang pagbabalik!

987
01:14:48,916 --> 01:14:53,208
Saan kayo nanggaling?
Nasa Dejima ng Nagasaki tayo ngayon.

988
01:14:53,291 --> 01:14:56,375
Snowflake, wala na si Emily.
Naglaho na siya.

989
01:14:56,458 --> 01:14:59,458
Dahil sa akin. Naglaho siya dahil sa akin.

990
01:14:59,958 --> 01:15:00,958
Rudge?

991
01:15:01,666 --> 01:15:02,791
Dahil sa kaniya,

992
01:15:02,875 --> 01:15:04,583
naglaho siya.

993
01:15:07,583 --> 01:15:11,375
Teka. Emily? Sino 'yon?

994
01:15:13,875 --> 01:15:16,041
Si Emily siguro
ang bagong kaibigan ni Rudge!

995
01:15:16,125 --> 01:15:18,708
Magiging kaibigan din kaya siya
ni Snowflake?

996
01:15:20,500 --> 01:15:23,125
Sino 'yong tinutukoy mo, iho?

997
01:15:23,625 --> 01:15:25,125
Si Emily…

998
01:15:25,708 --> 01:15:28,250
May isa ba sa 'ting kinain ni Bunting?

999
01:15:28,333 --> 01:15:32,541
Zinzan, naglaho siya sa harapan natin.

1000
01:15:33,375 --> 01:15:34,833
Sinasabi mo ba…

1001
01:15:35,333 --> 01:15:38,041
na kaibigan natin ang Emily na 'yon?

1002
01:15:38,125 --> 01:15:39,833
At maglalaro tayo.

1003
01:15:41,416 --> 01:15:43,708
Masaya 'yon!

1004
01:15:45,166 --> 01:15:46,125
Ano 'yon?

1005
01:15:46,625 --> 01:15:48,458
Ayos ka lang ba, iho?

1006
01:15:52,458 --> 01:15:53,750
Ano'ng problema?

1007
01:16:00,708 --> 01:16:03,833
Wala, wala akong kilalang babae
na may gano'ng pangalan.

1008
01:16:03,916 --> 01:16:04,750
Ako rin.

1009
01:16:04,833 --> 01:16:06,000
Wala rito.

1010
01:16:07,125 --> 01:16:09,041
Pasensiya na, di ko pa siya nakikita.

1011
01:16:16,916 --> 01:16:18,708
Mabait siyang bata.

1012
01:16:19,333 --> 01:16:23,291
Masayahin at tapat,
na may magandang ngiti.

1013
01:16:24,375 --> 01:16:26,250
Naaalala mo ba siya?

1014
01:16:27,125 --> 01:16:28,708
Paano ko makakalimutan?

1015
01:16:28,791 --> 01:16:32,250
Siyempre, naaalala ko.
Alam mo ba ang nangyari sa kaniya?

1016
01:16:33,083 --> 01:16:35,750
Naglaho siya dahil kay Bunting.

1017
01:16:36,375 --> 01:16:38,750
Ano'ng sinasabi mong "naglaho"?

1018
01:16:38,833 --> 01:16:40,541
Hindi maaari 'yon.

1019
01:16:40,625 --> 01:16:44,250
Ang dinig ko, mga Katha lang
ang inaatake ni Bunting.

1020
01:16:44,833 --> 01:16:47,083
Hindi niya sasaktan ang Lizzie ko.

1021
01:16:47,166 --> 01:16:50,250
Teka. Hindi ako sigurado
kung sino'ng tinutukoy mo.

1022
01:16:50,333 --> 01:16:55,250
Si Elizabeth Downbeat.
Kaibigan ko siya, ang Lizzie ko.

1023
01:16:55,958 --> 01:16:56,833
Lizzie?

1024
01:16:57,333 --> 01:17:00,958
Si Lizzie ang mama ng kaibigan ko,
ang nanay ni Amanda.

1025
01:17:02,750 --> 01:17:04,250
Oo, naiintindihan ko na.

1026
01:17:05,458 --> 01:17:07,458
Ano, masaya ba siya?

1027
01:17:07,958 --> 01:17:11,000
Malaki na ba siya ngayon
at masaya sa buhay niya?

1028
01:17:11,083 --> 01:17:12,500
Sa palagay ko.

1029
01:17:14,583 --> 01:17:16,500
Mukhang masaya naman siya.

1030
01:17:16,583 --> 01:17:20,291
Masipag siya sa trabaho.
Pero naglilibang din siya pagkatapos.

1031
01:17:20,375 --> 01:17:22,708
Dinadala niya kami sa parke at sa pool.

1032
01:17:22,791 --> 01:17:25,583
At masarap ang gawa niyang biskuwit.

1033
01:17:29,333 --> 01:17:30,208
Matanong ko lang…

1034
01:17:30,291 --> 01:17:34,541
Nabanggit ba ako ni Lizzie sa 'yo?

1035
01:17:35,041 --> 01:17:36,250
Ikaw?

1036
01:17:36,333 --> 01:17:37,916
Oo. Ako.

1037
01:17:38,791 --> 01:17:42,250
Fridge ang pangalan ko.
"Fridge" ang ipinangalan niya sa akin.

1038
01:17:43,500 --> 01:17:46,666
May malaking kahon ang mama
ni Amanda sa may kusina.

1039
01:17:46,750 --> 01:17:48,916
Ipinangalan niya 'yon sa 'yo.

1040
01:17:49,000 --> 01:17:50,750
Araw-araw niyang binabanggit
ang pangalan mo.

1041
01:17:50,833 --> 01:17:54,750
Talaga? Naaalala nga niya ako.

1042
01:17:55,333 --> 01:17:56,916
Ang pinakamamahal kong kaibigan.

1043
01:17:59,000 --> 01:18:01,916
Pasensiya na. Sa tingin ko…

1044
01:18:02,000 --> 01:18:04,958
Masarap pa rin ang mga biskuwit niya, ano?

1045
01:18:06,958 --> 01:18:11,458
Alam mo, minsan,
hindi na mahalaga kung totoo o hindi.

1046
01:18:11,541 --> 01:18:16,750
Sa buhay, dapat paniwalaan ng sinuman
ang gusto nilang paniwalaan, Rudge.

1047
01:18:18,583 --> 01:18:19,750
Ang mahalaga

1048
01:18:19,833 --> 01:18:22,625
ay ang kuwentong paniniwalaan mo.

1049
01:18:26,750 --> 01:18:28,500
Tama, 'yon ang mahalaga.

1050
01:18:29,458 --> 01:18:31,666
Salamat. Salamat, Fridge.

1051
01:18:38,083 --> 01:18:41,750
ANG AHENSIYA

1052
01:18:45,583 --> 01:18:47,291
Magandang umaga, Rudge!

1053
01:18:48,000 --> 01:18:50,500
Iho, ano ang hinahanap mo?

1054
01:18:50,583 --> 01:18:52,458
Pupunta ako sa ospital
kung nasaan si Amanda.

1055
01:18:52,541 --> 01:18:55,000
Hahanap ako ng kaibigang tao
na magdadala sa akin doon.

1056
01:18:55,083 --> 01:18:57,625
Pero hindi mo alam
kung saang ospital siya naroroon, di ba?

1057
01:18:58,708 --> 01:19:01,041
Maaamoy ka ni Bunting
at mahahanap ka niya.

1058
01:19:01,125 --> 01:19:03,625
Makakain ka na niya
bago ka pa makarating doon.

1059
01:19:05,291 --> 01:19:07,000
Kahit na buhay pa siya,

1060
01:19:07,708 --> 01:19:09,791
hindi ka na niya naaalala.

1061
01:19:11,208 --> 01:19:13,958
At 'yon ang dahilan
kaya ka nagsimulang maglaho.

1062
01:19:14,041 --> 01:19:16,500
Kahit pa mahanap mo siya,
hindi 'yon makakatulong.

1063
01:19:16,583 --> 01:19:18,625
Ganiyan talaga ang mga bagay.

1064
01:19:19,458 --> 01:19:23,791
Kinalilimutan tayo ng mga tao.
Ganoon talaga ang mga bagay.

1065
01:19:23,875 --> 01:19:26,500
Dahil mga Katha tayo.

1066
01:19:26,583 --> 01:19:28,041
Pero hindi pa ba sapat 'yon?

1067
01:19:28,583 --> 01:19:30,625
Hindi ba sapat ang maging isang
"gawa-gawang kaibigan"?

1068
01:19:30,708 --> 01:19:33,375
Iho, dapat mong maunawaan.

1069
01:19:33,458 --> 01:19:36,375
Zinzan, takot akong maglaho

1070
01:19:36,458 --> 01:19:38,541
o makain ni Bunting.

1071
01:19:39,541 --> 01:19:40,666
Pero pupunta ako.

1072
01:19:40,750 --> 01:19:44,041
Maaaring maglaho ako
at wala nang makakita sa akin.

1073
01:19:44,125 --> 01:19:46,625
Pero totoo ang pinagsamahan namin
ni Amanda.

1074
01:19:47,208 --> 01:19:49,750
Kahit di naniniwala ang buong mundo
na totoo 'yon,

1075
01:19:50,458 --> 01:19:51,666
naniniwala pa rin ako.

1076
01:19:51,750 --> 01:19:53,958
Masaya ako na naging kaibigan ako
ni Amanda.

1077
01:19:56,208 --> 01:19:57,208
Rudge.

1078
01:19:58,291 --> 01:20:00,625
Zinzan, gusto kong makita si Amanda.

1079
01:20:00,708 --> 01:20:03,625
Gusto kong sabihin sa kaniya
na gumising at lumaban.

1080
01:20:03,708 --> 01:20:06,541
Gusto kong sabihin sa kaniya
na kahit ano'ng mangyari,

1081
01:20:06,625 --> 01:20:09,125
hindi ko siya iiwan.

1082
01:20:09,708 --> 01:20:12,041
Kailangan kong gawin 'to
bago pa ako maglaho.

1083
01:20:16,708 --> 01:20:17,625
Julia.

1084
01:20:18,250 --> 01:20:19,875
'Yan ang kaibigan ni Amanda.

1085
01:20:22,708 --> 01:20:25,125
Ito ang aking… Mali, ang atin.

1086
01:20:25,208 --> 01:20:28,125
Ito ang ating pasanin sa mga di nakikita.

1087
01:20:28,958 --> 01:20:31,583
Zinzan, ito ang sagot ko.

1088
01:20:35,708 --> 01:20:36,833
Iho!

1089
01:20:47,708 --> 01:20:50,666
Hindi. Ano'ng problema mo?

1090
01:20:51,458 --> 01:20:53,916
Ano ba? Hindi mo nakukuha.

1091
01:20:54,000 --> 01:20:57,375
Ngayon na ang recital at ikaw ang bida,
ang prima ballerina.

1092
01:20:57,458 --> 01:20:58,958
Ikaw si Prinsesa Aurora!

1093
01:21:01,500 --> 01:21:03,916
Ako si Rudger, kaibigan ni Amanda.

1094
01:21:04,500 --> 01:21:05,416
Roger?

1095
01:21:05,500 --> 01:21:08,791
Hindi, ako si Rudger. Kaibigan ni Amanda.

1096
01:21:08,875 --> 01:21:12,625
Sige na, Julia. Kailangan mo akong dalhin
sa ospital ni Amanda ngayon din.

1097
01:21:12,708 --> 01:21:15,291
Kaibigan ka ni Amanda?
Ano'ng sinasabi mo riyan?

1098
01:21:15,375 --> 01:21:16,916
Ikaw ang Aurora ko.

1099
01:21:17,000 --> 01:21:18,458
Makinig ka sa akin.

1100
01:21:18,541 --> 01:21:22,500
Pabibilibin mo ang bawat manonood
ngayong araw.

1101
01:21:23,000 --> 01:21:24,916
Julia, pakiusap. Nagmamakaawa ako.

1102
01:21:25,583 --> 01:21:28,666
Wala na akong oras. Importante talaga ito.

1103
01:21:28,750 --> 01:21:30,416
May pabor akong hihilingin sa 'yo.

1104
01:21:30,500 --> 01:21:34,166
Ang… Hindi, ako… Sa ospital…

1105
01:21:34,958 --> 01:21:36,083
Ano'ng nangyayari?

1106
01:21:36,166 --> 01:21:40,166
Pinili ni Julia si Rudge
bilang kaniyang tunay na Katha.

1107
01:21:40,250 --> 01:21:42,458
Ano na'ng gagawin natin?

1108
01:21:42,541 --> 01:21:43,750
Nasa alanganin tayo.

1109
01:21:45,958 --> 01:21:48,250
Tumahimik ka na. Ang susunod, Aurora,

1110
01:21:48,333 --> 01:21:51,375
ay ang "Awakening Pas de Deux".

1111
01:21:53,583 --> 01:21:55,666
Julia, mahuhuli na tayo!

1112
01:21:57,833 --> 01:21:58,958
Sige po.

1113
01:22:02,791 --> 01:22:03,625
Hindi!

1114
01:22:03,708 --> 01:22:05,875
Iho! Bitawan mo ang litrato!

1115
01:22:13,458 --> 01:22:15,250
Iho, gumising ka.

1116
01:22:15,333 --> 01:22:17,125
Rudge, pupunta ka, di ba?

1117
01:22:17,708 --> 01:22:19,958
Pupuntahan mo si Amanda, di ba?

1118
01:22:20,583 --> 01:22:21,625
Amanda?

1119
01:22:22,208 --> 01:22:24,291
Sino si Amanda? Hindi ko siya kilala.

1120
01:22:25,208 --> 01:22:26,875
Siya ang kaibigan mong tao.

1121
01:22:29,125 --> 01:22:30,166
Amanda?

1122
01:22:31,791 --> 01:22:32,791
Amanda…

1123
01:22:34,333 --> 01:22:35,500
Nakalimutan mo na ba?

1124
01:22:36,875 --> 01:22:38,625
Tara na, Julia.

1125
01:22:39,791 --> 01:22:41,541
Susunod na lang ang papa mo mamaya.

1126
01:22:42,166 --> 01:22:43,208
Di ko maintindihan.

1127
01:22:43,291 --> 01:22:46,625
Nakakalimutan niya ang kaarawan ko
pero naaalala niya ang ballet recital ko?

1128
01:22:50,666 --> 01:22:51,583
Dito.

1129
01:22:56,333 --> 01:22:58,500
Julia, sandali!

1130
01:23:00,666 --> 01:23:02,041
Bilis, Rudge, bilis!

1131
01:23:02,750 --> 01:23:03,916
Bilis, iho.

1132
01:23:05,500 --> 01:23:07,083
Dali, bilisan mo.

1133
01:23:09,375 --> 01:23:10,916
May tiwala ako sa 'yo, Snowflake.

1134
01:23:11,000 --> 01:23:12,416
Ako na'ng bahala.

1135
01:23:23,541 --> 01:23:24,500
Tara na, iho.

1136
01:23:29,125 --> 01:23:31,500
Bilisan mo.
Gusto mong makita si Amanda, di ba?

1137
01:23:31,583 --> 01:23:32,625
Amanda…

1138
01:23:32,708 --> 01:23:34,041
Ang ospital…

1139
01:23:34,833 --> 01:23:35,875
Julia!

1140
01:23:38,125 --> 01:23:39,083
Teka!

1141
01:23:39,166 --> 01:23:40,208
Dito, iho.

1142
01:23:41,500 --> 01:23:43,416
Sige, Rudge. Alam kong kaya mo 'yan.

1143
01:24:03,250 --> 01:24:04,083
Zinzan!

1144
01:24:04,166 --> 01:24:05,708
-Matapang ka ba?
-Manood ka.

1145
01:24:12,833 --> 01:24:15,250
Mama, narinig n'yo ba 'yong ingay?

1146
01:24:16,375 --> 01:24:18,458
Ingay? Anong ingay, anak?

1147
01:24:19,666 --> 01:24:20,916
Julia!

1148
01:24:21,541 --> 01:24:24,666
Sa ospital.
Kailangan nating pumunta sa ospital.

1149
01:24:36,541 --> 01:24:39,666
Julia, di mo dapat ako
ginugulat nang gano'n.

1150
01:24:41,708 --> 01:24:43,750
Julia! Dalhin mo ako kay Amanda.

1151
01:24:44,458 --> 01:24:47,458
Sige na, dalhin mo ako kay Amanda.

1152
01:24:52,750 --> 01:24:54,666
Ambulansiya… Ospital.

1153
01:24:59,583 --> 01:25:00,958
Magaling ang ginawa mo, iho.

1154
01:25:01,041 --> 01:25:01,958
Mag-iingat ka.

1155
01:25:04,333 --> 01:25:05,666
Amanda!

1156
01:25:21,458 --> 01:25:25,375
Bunting ang pangalan ko.
Ako si Mr. Bunting.

1157
01:25:29,666 --> 01:25:32,791
Hinahanap ko ang batang babae
na nagngangalang Amanda Shuffleup.

1158
01:25:32,875 --> 01:25:34,875
Balita ko,
pasyente siya sa ospital na 'to.

1159
01:25:34,958 --> 01:25:36,291
-Mr. Bunting.
-Ano 'yon?

1160
01:25:36,375 --> 01:25:38,875
Tinatanong ko
ang relasyon n'yo sa pasyente.

1161
01:25:45,791 --> 01:25:47,583
SILID NG MGA BATA

1162
01:26:00,708 --> 01:26:01,541
Doon.

1163
01:26:01,625 --> 01:26:02,625
-Nandoon siya.
-Nandoon siya.

1164
01:26:03,666 --> 01:26:05,833
-Doon! Doon!
-Salamat.

1165
01:26:06,541 --> 01:26:09,166
Masyadong malaki si Snowflake
para makalabas.

1166
01:26:10,875 --> 01:26:13,000
Bumalik ka na sa Aklatan, Zinzan.

1167
01:26:14,916 --> 01:26:17,875
Nakita na kaya ni Rudge si Amanda?

1168
01:26:17,958 --> 01:26:19,541
Sigurado ako ro'n.

1169
01:26:19,625 --> 01:26:21,708
Alam kong magagawa niya.

1170
01:26:21,791 --> 01:26:25,458
'Wag kang mag-alala, Snowflake.
Babantayan kita.

1171
01:26:26,666 --> 01:26:28,458
Julia! Mahal!

1172
01:26:29,166 --> 01:26:31,541
Naalala ko na! Ngayong araw nga 'yon!

1173
01:26:31,625 --> 01:26:33,833
May ballet concert tayo ngayon!

1174
01:26:34,875 --> 01:26:36,291
Mabuti na lang.

1175
01:26:39,166 --> 01:26:40,375
Ms. Shuffleup.

1176
01:26:42,208 --> 01:26:43,791
Maayos na ang lagay niya.

1177
01:26:44,500 --> 01:26:45,833
Maraming salamat.

1178
01:26:47,416 --> 01:26:48,500
Mama.

1179
01:27:01,166 --> 01:27:02,541
Bibili lang ako ng tsokolate.

1180
01:27:17,708 --> 01:27:18,708
Amanda!

1181
01:27:28,166 --> 01:27:29,000
Amanda…

1182
01:27:29,958 --> 01:27:32,583
Kasalanan ko 'to. Patawarin mo ako.

1183
01:27:36,458 --> 01:27:37,500
Nararamdaman ko.

1184
01:27:38,708 --> 01:27:39,875
Alam kong buhay ka.

1185
01:27:41,208 --> 01:27:44,333
Sigurdong buhay pa ang kathang-isip mo.

1186
01:27:47,333 --> 01:27:48,500
At nandito ako.

1187
01:27:50,833 --> 01:27:53,708
Nakabalik na ako, Amanda.
Nakabalik na ako.

1188
01:27:55,791 --> 01:27:57,291
Oras na para gumising.

1189
01:27:58,750 --> 01:28:00,208
Pakiusap, gumising ka na.

1190
01:28:13,208 --> 01:28:14,750
Walang maglalaho,

1191
01:28:14,833 --> 01:28:16,416
walang iwanan,

1192
01:28:16,500 --> 01:28:18,875
at walang iiyak.

1193
01:28:19,500 --> 01:28:20,958
Hindi na ako tatakas.

1194
01:28:27,291 --> 01:28:30,083
Amanda, kailangan mong gumising!

1195
01:28:31,041 --> 01:28:32,958
Ano'ng mayro'n dito?

1196
01:28:35,291 --> 01:28:37,708
Sandali nga. Roger, ikaw ba 'yan?

1197
01:28:39,083 --> 01:28:43,208
Alam kong babalik ka rito, Roger.
Masaya akong makita kang muli.

1198
01:28:43,291 --> 01:28:45,583
Amanda…

1199
01:28:56,291 --> 01:28:57,375
Nasaan ako?

1200
01:29:03,791 --> 01:29:05,541
Naku, nagising ka na.

1201
01:29:06,875 --> 01:29:09,208
Kayo… kayo ba ang doktor ko?

1202
01:29:11,666 --> 01:29:13,708
Puwede bang kumalma ka muna riyan?

1203
01:29:14,833 --> 01:29:17,291
Lahat ng bagay ay may katapusan.

1204
01:29:17,791 --> 01:29:21,208
At ngayong araw ang katapusan mo, Roger.

1205
01:29:21,291 --> 01:29:23,708
Hindi ako maloloko ng bestida na 'yan.

1206
01:29:26,208 --> 01:29:27,708
Sino'ng kausap n'yo?

1207
01:29:29,291 --> 01:29:33,208
Narinig mo ba 'yon?
Hindi ka na nakikita ni Amanda.

1208
01:29:34,125 --> 01:29:36,416
Hindi ka na niya naaalala.

1209
01:29:36,500 --> 01:29:40,000
Naku po. Nakalulungkot naman.

1210
01:29:40,083 --> 01:29:42,583
Hindi ba, Roger?

1211
01:29:50,833 --> 01:29:51,833
Roger?

1212
01:29:59,916 --> 01:30:01,791
Sino… sino kayo?

1213
01:30:02,333 --> 01:30:04,833
At bakit… Bakit kayo nag-aaway?

1214
01:30:09,416 --> 01:30:12,875
Gutom na ako, gutom na gutom.

1215
01:30:12,958 --> 01:30:16,750
Kakainin ko na ang lahat
ng binigay niya sa 'yo,

1216
01:30:16,833 --> 01:30:19,833
pati na ang lungkot at ang sakit.

1217
01:30:25,041 --> 01:30:25,958
Amanda!

1218
01:30:28,208 --> 01:30:29,291
Roger?

1219
01:30:30,125 --> 01:30:30,958
Hindi.

1220
01:30:35,583 --> 01:30:37,958
Tama na. Hindi Roger ang pangalan niya.

1221
01:30:38,041 --> 01:30:39,958
Tama 'yan! Ako 'to!

1222
01:30:40,041 --> 01:30:42,458
Rudger ang pangalan niya! Rudger!

1223
01:30:59,291 --> 01:31:01,208
Rudger! Halika!

1224
01:31:01,791 --> 01:31:02,666
Amanda!

1225
01:31:13,291 --> 01:31:15,500
Magaling, bata!

1226
01:31:18,583 --> 01:31:23,083
Gaya ng inakala ko, di ako nadismaya
sa paghahanap sa Roger mo.

1227
01:31:27,583 --> 01:31:29,083
Handa ka na ba, Rudger?

1228
01:31:29,625 --> 01:31:30,500
Handa na.

1229
01:31:33,375 --> 01:31:34,791
Kumapit ka nang mahigpit!

1230
01:31:34,875 --> 01:31:37,666
Nakakapit na. Di ako bibitaw.

1231
01:31:48,875 --> 01:31:51,375
Kawili-wiling pagbabago ito.

1232
01:32:16,708 --> 01:32:18,958
Daan-daang taon na akong mangangatha.

1233
01:32:19,041 --> 01:32:20,625
Mas matagal pa kaysa sa 'yo, bata.

1234
01:32:21,291 --> 01:32:24,416
Amanda, itong sasakyan…
Makakalipad kaya ito?

1235
01:32:24,500 --> 01:32:27,208
Ang totoo niyan, hindi!

1236
01:32:27,833 --> 01:32:29,333
Pero 'wag ka mag-alala.

1237
01:33:03,666 --> 01:33:05,583
-Rudger!
-Amanda!

1238
01:33:07,041 --> 01:33:08,166
Amanda…

1239
01:33:22,166 --> 01:33:23,041
Amanda.

1240
01:33:25,166 --> 01:33:26,250
Amanda!

1241
01:33:28,583 --> 01:33:31,666
Doktor ka, di ba? Gumawa ka ng paraan!

1242
01:33:32,250 --> 01:33:33,500
Pasensiya na, Ms. Shuffleup.

1243
01:33:33,583 --> 01:33:36,416
Nagsu-survey ako ng mga bata rito ngayon.

1244
01:33:36,500 --> 01:33:38,666
Isa itong napakahalagang survey.

1245
01:33:39,250 --> 01:33:41,500
Di 'to magtatagal, sinisiguro ko.

1246
01:33:41,583 --> 01:33:44,166
Ikaw 'yong lalaking nagpunta
sa bookshop no'ng isang araw.

1247
01:33:44,250 --> 01:33:48,166
Naaalala mo ako.
Isang karangalan, Ms. Shuffleup.

1248
01:33:49,083 --> 01:33:50,541
Umalis ka na ngayon din!

1249
01:33:50,625 --> 01:33:53,416
Hindi mo ba nakikitang
nahihirapan ang anak ko?

1250
01:33:53,500 --> 01:33:54,666
Ma.

1251
01:33:54,750 --> 01:33:58,000
-Amanda, mabuti at gising ka.
-'Wag n'yo siyang paniwalaan.

1252
01:33:58,083 --> 01:34:00,875
-Di n'yo siya dapat paniwalaan.
-Tatawag ako ng doktor agad-agad.

1253
01:34:06,375 --> 01:34:07,583
Mama.

1254
01:34:07,666 --> 01:34:10,791
Ang lalaking 'yan…
Sinusubukan niyang kainin si Rudger.

1255
01:34:13,375 --> 01:34:16,791
Bata, hindi ko naman siya kakainin.

1256
01:34:17,541 --> 01:34:19,583
Dadalhin ko lang siya sa kawalan,

1257
01:34:19,666 --> 01:34:21,875
pabalik sa realidad.

1258
01:34:21,958 --> 01:34:23,291
Ikaw? Sino ka ba?

1259
01:34:24,583 --> 01:34:27,583
Hindi kayo masasaktan ng bata
maliban kung makikialam kayo.

1260
01:34:27,666 --> 01:34:28,583
Makialam?

1261
01:34:29,958 --> 01:34:31,000
Anak!

1262
01:34:31,875 --> 01:34:34,916
Amanda, pakiusap, paniniwalaan ka ni Mama.

1263
01:34:35,000 --> 01:34:36,791
Matutulungan ka niya.

1264
01:34:37,500 --> 01:34:40,291
Amanda, banggitin mo sa kaniya si Fridge.

1265
01:34:40,375 --> 01:34:43,291
Darating siya.
Pag tinawag siya ni Mama, darating siya.

1266
01:34:43,875 --> 01:34:45,791
-Mama, sabi ni Rudger…
-Amanda.

1267
01:34:45,875 --> 01:34:47,333
Anak, sige lang.

1268
01:34:48,875 --> 01:34:51,791
Sabi ni Rudger, tawagin n'yo si Fridge.

1269
01:34:53,208 --> 01:34:54,541
"Fridge" ba 'ka mo?

1270
01:34:55,875 --> 01:34:58,500
Isang aso. At ang pangalan niya ay Fridge.

1271
01:34:58,583 --> 01:35:00,291
Sabi ni Rudger, nagkita sila ni Fridge.

1272
01:35:00,875 --> 01:35:01,750
Rudger?

1273
01:35:03,375 --> 01:35:04,708
Tawagin n'yo si Fridge.

1274
01:35:04,791 --> 01:35:07,291
Ma, kailangan n'yo pong tawagin si Fridge.

1275
01:35:07,375 --> 01:35:08,500
Mama…

1276
01:35:14,166 --> 01:35:15,541
Ahas?

1277
01:35:21,541 --> 01:35:24,458
Maligayang pagbabalik, Ms. Shuffleup.

1278
01:35:25,041 --> 01:35:30,041
Maligayang pagbabalik
sa mundo ng mga Katha.

1279
01:35:31,541 --> 01:35:33,958
Mama, naririnig n'yo ba ako?

1280
01:35:34,041 --> 01:35:35,125
Amanda!

1281
01:35:37,083 --> 01:35:38,458
Lalabanan ko 'to para sa 'yo!

1282
01:35:49,291 --> 01:35:50,208
Mama!

1283
01:36:10,833 --> 01:36:11,958
Rudger!

1284
01:36:12,541 --> 01:36:14,541
Ma, iligtas n'yo siya!

1285
01:36:51,166 --> 01:36:55,000
Pakawalan mo siya!
Sabi nang pakawalan mo siya!

1286
01:36:55,083 --> 01:36:57,833
Pakawalan mo siya ngayon din!

1287
01:36:59,333 --> 01:37:01,708
Hoy, kasama namin siya!
Lubayan mo na siya!

1288
01:37:02,291 --> 01:37:03,791
Kaibigan namin siya.

1289
01:37:04,375 --> 01:37:07,291
Di namin ibibigay sa 'yo
ang kaibigan namin!

1290
01:37:44,583 --> 01:37:46,291
Bilis, Fridge!

1291
01:38:01,458 --> 01:38:03,041
-Mama!
-Amanda!

1292
01:38:07,958 --> 01:38:11,250
Ba't di n'yo na lang asikasuhin
ang sarili n'yong buhay?

1293
01:38:11,333 --> 01:38:14,041
Isang Katha lang naman 'to.

1294
01:38:15,916 --> 01:38:18,166
Ipakain n'yo na lang kasi sa 'kin 'to!

1295
01:38:26,791 --> 01:38:28,041
Rudger!

1296
01:38:28,541 --> 01:38:32,875
Amanda, mabuhay ka kasama ni Mama.

1297
01:38:32,958 --> 01:38:35,500
Rudger!

1298
01:39:05,416 --> 01:39:07,416
Hindi ko masabi ang lasa.

1299
01:39:07,500 --> 01:39:09,958
Tunay na higit pa sa kathang-isip.

1300
01:39:10,583 --> 01:39:12,541
Kung ilalarawan ko,

1301
01:39:12,625 --> 01:39:14,666
parang hindi na siya sariwa,

1302
01:39:17,541 --> 01:39:18,958
malapit na itong mapanis.

1303
01:39:20,041 --> 01:39:24,791
Pero nagawa ko na rin sa wakas.
Nakakain ako ng isang pambihirang Katha!

1304
01:39:24,875 --> 01:39:26,875
Tama, ito nga ang inaasam ko.

1305
01:39:37,041 --> 01:39:41,625
Realidad…

1306
01:40:10,458 --> 01:40:11,750
Ayos lang po ba kayo?

1307
01:40:11,833 --> 01:40:14,875
Ayos lang ako. Ayos lang ako.

1308
01:40:18,666 --> 01:40:21,208
Maligayang pagbabalik, mahal kong anak.

1309
01:40:22,666 --> 01:40:24,125
Nakabalik na ako, Mama.

1310
01:40:24,958 --> 01:40:27,708
Kita mo nga naman. Rudge, tama ka nga.

1311
01:40:28,791 --> 01:40:30,750
Ang saya niya, napakasaya.

1312
01:40:30,833 --> 01:40:32,458
Ang laki-laki na niya.

1313
01:40:33,083 --> 01:40:35,125
Oo, gayundin ang Amanda ko.

1314
01:40:35,708 --> 01:40:37,083
Napakasaya niya rin.

1315
01:40:48,208 --> 01:40:49,916
Ayos lang ba ang lahat?

1316
01:40:50,541 --> 01:40:51,375
Oo.

1317
01:40:51,458 --> 01:40:53,125
Naku, gising na siya.

1318
01:40:53,208 --> 01:40:54,125
Oo.

1319
01:40:54,208 --> 01:40:56,791
Mabuti naman. Sasabihan ko ang doktor.

1320
01:40:56,875 --> 01:40:57,875
Sige.

1321
01:41:04,583 --> 01:41:08,875
Salamat, Rudger. Salamat.
At salamat din sa'yo, mahal kong Fridge.

1322
01:41:28,625 --> 01:41:31,666
Rudger, salamat dahil bumalik ka.

1323
01:41:32,666 --> 01:41:33,916
Hindi ako mag-isa.

1324
01:41:34,625 --> 01:41:36,333
Tinulungan ako ng mga kaibigan sa Aklatan.

1325
01:41:36,833 --> 01:41:38,333
Sina Zinzan at Snowflake…

1326
01:41:39,416 --> 01:41:40,875
Pati rin si Emily.

1327
01:41:43,458 --> 01:41:45,875
Amanda, sasaya ka,

1328
01:41:45,958 --> 01:41:48,833
malulungkot, at mauulit 'yon nang mauulit.

1329
01:41:48,916 --> 01:41:50,875
At tatanda ka rin.

1330
01:41:51,833 --> 01:41:52,875
Rudger.

1331
01:41:52,958 --> 01:41:55,666
Amanda, kahit kailan,

1332
01:41:56,250 --> 01:41:57,541
anuman ang mangyari,

1333
01:41:58,250 --> 01:42:01,458
mananatili ako riyan sa puso mo.

1334
01:42:05,916 --> 01:42:07,875
Salamat at dumating ka sa buhay ko,

1335
01:42:08,708 --> 01:42:11,958
tatlong buwan, tatlong linggo
at tatlong araw ang nakararaan.

1336
01:42:13,083 --> 01:42:13,958
Amanda…

1337
01:42:19,250 --> 01:42:20,750
Walang maglalaho,

1338
01:42:21,791 --> 01:42:23,208
walang iwanan,

1339
01:42:24,416 --> 01:42:25,375
at walang…

1340
01:42:26,083 --> 01:42:27,041
At walang…

1341
01:42:27,958 --> 01:42:29,250
iiyak kahit kailan.

1342
01:42:37,208 --> 01:42:38,041
Handa ka na ba?

1343
01:42:38,125 --> 01:42:40,583
Halika na, Rudger!
Sa huli nating paglalakbay!

1344
01:42:40,666 --> 01:42:41,708
Sige!

1345
01:42:57,291 --> 01:42:59,041
Isang ibon na hindi pa nakikita.

1346
01:43:00,166 --> 01:43:02,583
Isang bulaklak na hindi pa nakikita.

1347
01:43:03,541 --> 01:43:05,708
Isang hangin na hindi pa nakikita.

1348
01:43:07,041 --> 01:43:09,875
Isang gabing hindi pa nakikita.

1349
01:43:10,791 --> 01:43:14,416
Nakakita ka na ba
ng mga bagay na kay ganda?

1350
01:43:16,666 --> 01:43:17,708
Ako, oo.

1351
01:43:50,625 --> 01:43:55,291
HANGO SA NOBELANG "THE IMAGINARY"
NI A.F. HARROLD

1352
01:47:42,791 --> 01:47:45,083
Tagapagsalin ng subtitle:
Lady Diane Bonifacio



