1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:11,200 --> 00:00:15,920
ISANG COMEDY SPECIAL MULA SA NETFLIX

4
00:00:46,080 --> 00:00:50,800
Salubungin po natin ng masigabong
palakpakan si Udom Taephanich!

5
00:01:30,280 --> 00:01:31,760
Napansin ko lang ang mga karatulang neon.

6
00:01:31,840 --> 00:01:33,320
NOTE ANG KYUT MO

7
00:01:33,400 --> 00:01:34,920
Maraming salamat po.

8
00:01:47,720 --> 00:01:52,120
<i>Kung ikaw ay masaya Pumalakpak ka</i>

9
00:01:57,680 --> 00:02:03,000
Na-miss ko talagang
magtanghal sa entablado.

10
00:02:03,080 --> 00:02:05,000
Na-miss ka rin namin.

11
00:02:05,760 --> 00:02:07,360
Ang saya-saya ko.

12
00:02:08,040 --> 00:02:09,920
Puwede bang…

13
00:02:10,000 --> 00:02:12,360
Puwede bang mas maraming ilaw
ang itutok sa akin?

14
00:02:17,160 --> 00:02:18,960
Kinsasabikan ko ito.

15
00:02:27,400 --> 00:02:30,240
Nauunawaan ko na
ang nadarama ni Srisuwan Janya.

16
00:02:34,280 --> 00:02:36,800
Unang-una, gusto kong humingi ng paumanhin

17
00:02:36,880 --> 00:02:41,920
sa lahat ng kailangan ninyong gawin
para makapasok kayo rito.

18
00:02:42,000 --> 00:02:44,840
Kailangan nating sundin
ang mga panuntunan ng pamahalaan.

19
00:02:44,920 --> 00:02:47,080
Medyo nakakaiinis man iyon.

20
00:02:47,160 --> 00:02:48,520
Ang sikip ng trapik.

21
00:02:48,600 --> 00:02:50,320
May protesta

22
00:02:50,960 --> 00:02:52,960
laban sa gusto nating paalisin.

23
00:02:53,760 --> 00:02:55,200
Bueno…

24
00:02:58,960 --> 00:03:02,560
siguro pagpasensyahan nalang ang mga
protestante, para sa'tin ang ginagawa nila

25
00:03:02,640 --> 00:03:07,200
habang narito tayong nagpapaginhawa.

26
00:03:07,280 --> 00:03:12,360
Pangako kong unti-unti kong pagagandahin
ang pakiramdam ninyo.

27
00:03:12,440 --> 00:03:17,520
Kaso, kung di tayo susunod sa patakaran,
kailangang ipagpaliban ulit ang palabas.

28
00:03:18,640 --> 00:03:23,720
Nagmakaawa sa akin ang grupo ko na umalis
sa templo para gawin ang palabas na ito.

29
00:03:24,320 --> 00:03:26,160
Naroon ang buong kumpanya.

30
00:03:26,680 --> 00:03:30,440
Nakaupo roon ang buong kumpanya,
nagmamakaawa sa akin,

31
00:03:30,520 --> 00:03:32,280
"Panahon nang alisin mo ang abito mo."

32
00:03:32,360 --> 00:03:37,920
"Kung hindi, wala ka nang panahong
maghanda para sa palabas."

33
00:03:38,800 --> 00:03:41,840
Kung aalisin ko ang abito ko,
at maaantala na naman ang palabas,

34
00:03:41,920 --> 00:03:44,800
sa palagay ko ay hindi na ako
aalis ng monasteryo.

35
00:03:46,480 --> 00:03:52,200
Noong monghe pa ako,
napakarami kong natutunan.

36
00:03:52,960 --> 00:03:55,920
Isa iyon sa pinakamagandang desisyong
ginawa ko sa buhay ko.

37
00:03:56,560 --> 00:03:58,160
Napakaraming hindi malilimutang kuwento.

38
00:03:58,240 --> 00:04:03,320
Pero ang pinaka hindi malilimutan
ay ang tungkol sa

39
00:04:03,400 --> 00:04:05,320
ang pagninilay ukol sa kamatayan.

40
00:04:05,400 --> 00:04:08,720
Laging sinasabi ng mga guro,

41
00:04:08,800 --> 00:04:12,120
"Hindi magtatagal ay mamamatay tayo."

42
00:04:13,160 --> 00:04:17,320
Kapag lagi mong sinasabi iyon bawat araw,
nasasaloob mo na ito.

43
00:04:17,400 --> 00:04:19,960
Tapos ay napagtanto ko.

44
00:04:20,040 --> 00:04:23,360
"Grabe. Sandali na lang
ay mamamatay na ako."

45
00:04:23,440 --> 00:04:26,640
Isinilang ako. Ngayon ay tumatanda na ako.

46
00:04:27,240 --> 00:04:28,360
Sakit.

47
00:04:28,440 --> 00:04:31,040
Ngayon ay nasa yugto na ako ng mga sakit.

48
00:04:31,120 --> 00:04:34,000
Yung mga nasa edad 50 pataas
ay maiintindihan ito.

49
00:04:34,080 --> 00:04:36,520
Nakakaranas na tayo ng mga tulad ng

50
00:04:36,600 --> 00:04:40,760
sakit sa tuhod, sa binti, sa gulugod,

51
00:04:40,840 --> 00:04:43,920
hindi matunawan, acid reflux.

52
00:04:44,000 --> 00:04:46,760
Nagpapatingin na tayo, ginagawa mga bagay
na hindi natin inakalang kailangang gawin,

53
00:04:46,840 --> 00:04:50,960
tulad ng pagpapabakuna sa tetano,
sa bulutong-tubig,

54
00:04:51,040 --> 00:04:53,680
magpapa-colonoscopy, yung isang tubo

55
00:04:53,760 --> 00:04:56,040
pinapasok sa bibig mo,
yung isa sa puwit mo.

56
00:04:56,120 --> 00:04:58,040
Magtatagpo sila sa gitna.

57
00:04:58,120 --> 00:05:00,400
Kung tatanungin mo ako, ayokong gawin ito.

58
00:05:00,480 --> 00:05:02,720
Pero kapag dumating ang oras,
kailangan nating gawin ito.

59
00:05:02,800 --> 00:05:04,240
Sa totoo lang, ang sama nito.

60
00:05:04,320 --> 00:05:06,840
Nagpatingin ako ng prosteyt ko.

61
00:05:08,000 --> 00:05:10,520
Kayong mga bata pa,
hindi ninyo mauunawaan.

62
00:05:10,600 --> 00:05:14,360
Noong kaedad ninyo ako,
wala akong kaalam-alam kung ano iyon.

63
00:05:14,440 --> 00:05:16,600
Pero kapag umabot ka na ng 50,
kailangan na iyon.

64
00:05:17,600 --> 00:05:21,400
Lagi kong inaakala
na ang pagsusuri ng prosteyt

65
00:05:21,480 --> 00:05:24,800
ay ginagawa ng doktor
gamit ang stethoscope…

66
00:05:28,240 --> 00:05:29,720
para kapain ang itlog mo

67
00:05:31,040 --> 00:05:33,280
at tingnan kung tumitibok ito

68
00:05:34,240 --> 00:05:37,000
nang tama, o kung may kanser.

69
00:05:37,080 --> 00:05:38,920
Pero hindi pala ganoon.

70
00:05:39,000 --> 00:05:42,320
Ang gagawin nila
ay magpapasok sila ng daliri

71
00:05:42,400 --> 00:05:44,160
sa puwitan mo.

72
00:05:44,800 --> 00:05:47,440
Noong nalaman ko, naisip ko agad,
"Ay, peste."

73
00:05:48,320 --> 00:05:49,640
"Ayoko."

74
00:05:49,720 --> 00:05:51,080
Kita ninyo?

75
00:05:51,160 --> 00:05:53,920
Kailangan kong agad na makahanap
ng lalaking doktor.

76
00:05:54,000 --> 00:05:57,440
Hindi puwedeng isang
magandang babaeng doktor…

77
00:05:59,920 --> 00:06:01,360
ang gagawa nito, ano.

78
00:06:02,040 --> 00:06:04,960
Tingin ko ay alam ninyong
mga babae ang pakiramdam.

79
00:06:05,040 --> 00:06:07,640
Kapag nagpapa-pap smear kayo at nakahiga,

80
00:06:07,720 --> 00:06:10,160
ayaw ninyong lalaking doktor
ang gagawa noon.

81
00:06:10,240 --> 00:06:12,240
Mas nakakahiya pa kung guwapo sila.

82
00:06:12,320 --> 00:06:15,520
Ni hindi mo sila karelasyon. Hindi mo nga
alam kung bakit ka nag-aalala.

83
00:06:16,120 --> 00:06:17,480
Ganoon din sa amin.

84
00:06:17,560 --> 00:06:20,440
Kaya naghanap ako sa Internet
para sa lalaking doktor.

85
00:06:20,520 --> 00:06:22,160
Nahanap ko si Dr. Arkanay.

86
00:06:23,760 --> 00:06:25,960
Tumawag ako, binigay ko ang pangalan ko,
at sinabi kong pupunta ako.

87
00:06:26,040 --> 00:06:28,200
Nakita niya ang pangalang
"Udom Taephanich."

88
00:06:28,280 --> 00:06:29,800
Kaya sinabi niya, "G. Note,

89
00:06:31,160 --> 00:06:34,240
kapag nagpunta kayo, puwede po bang
magdala rin kayo ng mga merch ninyo?"

90
00:06:34,320 --> 00:06:36,080
"Parang yung mga gift set?"

91
00:06:36,160 --> 00:06:39,640
"Yung mga kumot, manika, tasa,
kung puwede po magdala kayo."

92
00:06:39,720 --> 00:06:42,600
At ang sabi ko,
"Ah, tagahanga kayo? Mabuti naman."

93
00:06:42,680 --> 00:06:46,240
"Hindi po, yung nars, ang katuwang ko."

94
00:06:46,320 --> 00:06:48,680
"Gustong-gusto niya kayo.
Malaking tagahanga siya."

95
00:06:48,760 --> 00:06:50,400
"Isa siyang tagahanga,
tagahanga mong talaga."

96
00:06:50,480 --> 00:06:54,400
"Dadalhin niya ang mga aklat mo,
mga dati mong CD para papirmahan sa iyo."

97
00:06:54,480 --> 00:06:55,880
"Dalhin po ninyo ang mga merch ninyo."

98
00:06:55,960 --> 00:06:57,160
Kaya dinala ko.

99
00:06:58,080 --> 00:07:01,520
Noong dumating ako, nandoon siya
sa paradahan para salubungin ako.

100
00:07:01,600 --> 00:07:05,720
Alam ninyo yung tagahangang nakausap
ang hinahangaan niyang artista?

101
00:07:05,800 --> 00:07:08,360
Hindi siya mapakali.
Sumigaw siya ng, "Note!"

102
00:07:09,040 --> 00:07:11,080
Sumigaw siya ng "Note"
sa napakatinis na boses.

103
00:07:11,160 --> 00:07:14,360
Kaya nagkuhanan kami ng litrato.
Binigay ko sa kaniya ang merch,

104
00:07:14,440 --> 00:07:16,920
yung pirma ko at lahat.

105
00:07:17,000 --> 00:07:19,560
Lahat ng gusto ng tagahanga.
Ang saya-saya niya.

106
00:07:19,640 --> 00:07:22,120
Pagkatapos ay dinala niya ako
sa silid para masuri.

107
00:07:22,800 --> 00:07:24,000
Hindi iyon kalakihan.

108
00:07:24,080 --> 00:07:27,080
Parang silid na inaasahan natin.

109
00:07:28,160 --> 00:07:30,400
Pagkatapos ay pinahubad sa akin
ang pantalon ko.

110
00:07:31,080 --> 00:07:33,640
Kay hinubad ko ang pantalon ko
habang suot ko pa ang pang-itaas ko.

111
00:07:33,720 --> 00:07:35,720
Pinahiga ako

112
00:07:36,560 --> 00:07:38,760
na yung braso ko ay nakayakap
sa tuhod ko, kuha ninyo?

113
00:07:40,080 --> 00:07:43,000
Wow. Ang daming partisipasyon sa silid.

114
00:07:43,800 --> 00:07:45,520
Sasabihin ko ito sa inyo.

115
00:07:45,600 --> 00:07:47,880
Gusto kong makisimpatiya kayo
sa akin dito.

116
00:07:48,720 --> 00:07:52,640
Ang pagtatanghal sa panahong ito
ay isang bagong karanasan para sa akin.

117
00:07:52,720 --> 00:07:56,640
Karaniwan, kapag nasa entablado ako,
nakikita kong tumatawa ang mga manonood

118
00:07:57,320 --> 00:08:01,240
o nakikita ang mga mukha nila, sa ganoon
nalalaman ko kung kuha nila ang biro ko.

119
00:08:01,320 --> 00:08:02,920
Ilagay ninyo ang sarili ninyo sa lugar ko.

120
00:08:04,000 --> 00:08:08,640
Kapag nakatingin ako mula rito,
puro kalungkutan lahat.

121
00:08:08,720 --> 00:08:10,560
Puro mata lang ang nakikita ko.

122
00:08:10,640 --> 00:08:12,280
At ang ginagawa lang nila

123
00:08:12,360 --> 00:08:15,200
ay sundan ako mula kaliwa pakanan,
kanan pakaliwa.

124
00:08:15,280 --> 00:08:18,720
Hindi luluwa ang mata ninyo
at ipapaalam na nakuha ninyo ang biro.

125
00:08:21,040 --> 00:08:24,720
Mahirap na trabaho na ang magpatawa.

126
00:08:24,800 --> 00:08:28,640
Pero mas mahirap kapag natatawa
ang mga tao at tinatago nila.

127
00:08:29,440 --> 00:08:32,440
Tipo bang, "Hindi ko ipapaalam
sa iyo. Bahala ka."

128
00:08:32,520 --> 00:08:35,280
Sa ngayon, ang nakikita ko…
Tulad ng babaeng ito rito.

129
00:08:35,360 --> 00:08:37,039
Ang nakikita ko lang ay mga mata at…

130
00:08:41,039 --> 00:08:42,919
Para siyang, "Bahala ka."

131
00:08:44,280 --> 00:08:45,720
Nakakatakot.

132
00:08:45,799 --> 00:08:49,280
Kaya kung puwede, kapag
may tinanong ako, sumagot po kayo.

133
00:08:49,360 --> 00:08:50,640
Kahit kaunti lang.

134
00:08:50,720 --> 00:08:54,280
Pagbigyan na ninyo ako.
Para lang alam kong kuha ninyo ang biro.

135
00:08:54,360 --> 00:08:56,800
Iyan ang sinasabi ko.

136
00:08:57,800 --> 00:09:00,360
Napakabait ninyo. Maraming salamat.

137
00:09:00,440 --> 00:09:01,760
Ayan, mas okay na.

138
00:09:04,800 --> 00:09:08,760
Ayun nga, sinabi ng doktor sa aking mahiga
na nakayakap ang braso ko sa tuhod ko.

139
00:09:13,440 --> 00:09:18,040
Isipin ninyong wala akong suot.
Tapos eto ang butas ng puwit ko, diyan.

140
00:09:18,120 --> 00:09:20,720
Ganyan ang higa ko.

141
00:09:20,800 --> 00:09:24,920
Kinakabahan akong
may ipapasok sa puwit ko.

142
00:09:25,000 --> 00:09:28,000
Pagkatapos ay narinig ko ang tunog
ng gomang guwantes,

143
00:09:28,080 --> 00:09:30,120
"Plak, plak, plak."

144
00:09:30,200 --> 00:09:31,760
Sa puntong iyon,

145
00:09:31,840 --> 00:09:33,640
akala ko yung doktor

146
00:09:33,720 --> 00:09:35,880
ay may nilagay nang Vaseline.

147
00:09:35,960 --> 00:09:37,320
Ngayon,

148
00:09:37,400 --> 00:09:39,520
napansin ko…

149
00:09:39,600 --> 00:09:40,920
Tahimik yung silid.

150
00:09:41,000 --> 00:09:44,760
Pero natanto ko na hindi lang pala kami
ng doktor ang nasa silid na iyon.

151
00:09:44,840 --> 00:09:46,560
Nadarama ko na

152
00:09:47,360 --> 00:09:49,320
parang may enerhiya,

153
00:09:49,400 --> 00:09:51,320
napakalakas na enerhiya.

154
00:09:52,000 --> 00:09:54,880
Ako ito, nadarama kong hindi lang
ang doktor ang nandoon.

155
00:09:54,960 --> 00:09:57,520
Mayroon ditong nagbubuga
ng napakalakas na enerhiya.

156
00:09:57,600 --> 00:09:59,080
Kaya lumingon ako.

157
00:10:00,000 --> 00:10:01,840
Ayon siya: ang tagahanga ko.

158
00:10:05,800 --> 00:10:08,560
Nakatayo doon ang taghanga ko
malapit sa puwit ko.

159
00:10:08,640 --> 00:10:09,880
Abot-kamay lang.

160
00:10:10,560 --> 00:10:14,040
Nakita ko ang mukha niya,
at tuwang-tuwa siya!

161
00:10:14,120 --> 00:10:15,360
Isipin ninyo iyon?

162
00:10:18,320 --> 00:10:20,160
Hindi dapat nangyayari ito.

163
00:10:20,240 --> 00:10:21,880
Kaya tinakpan ko ang puwit ko.

164
00:10:21,960 --> 00:10:23,400
"Dok, sandali lang."

165
00:10:23,480 --> 00:10:24,720
"Ano iyon?"

166
00:10:24,800 --> 00:10:28,120
Sabi ko, "Hindi yata wasto ito."

167
00:10:28,760 --> 00:10:30,200
"Ang alin?"

168
00:10:30,280 --> 00:10:31,680
"Yung nars doon."

169
00:10:31,760 --> 00:10:34,680
Sabi niya, "Hayaan mo na.
Tagahanga siya. Hayaan mo siyang manood."

170
00:10:36,800 --> 00:10:39,520
Hindi dapat makita ng tagahanga
ang ganitong bagay, hindi ba?

171
00:10:40,040 --> 00:10:41,400
Parang,

172
00:10:41,480 --> 00:10:44,120
kung mata ang puwit ko,

173
00:10:44,200 --> 00:10:46,840
mata sa mata na kaming nagkakatinginan.

174
00:10:48,680 --> 00:10:51,360
Hindi dapat nakikita iyon
ng isang tagahanga.

175
00:10:51,440 --> 00:10:54,360
Hindi ko alam kung ano
ang tingin niya sa akin bago iyon.

176
00:10:54,440 --> 00:10:56,040
Kung saan niya ako naaalala.

177
00:10:56,120 --> 00:11:00,080
Pero alam ninyo, kapag nakikita
ng tagahanga ang butas ng puwit mo,

178
00:11:00,160 --> 00:11:02,160
ang mabuhok mong butas ng puwit…

179
00:11:04,440 --> 00:11:06,040
Isipin ninyo ito.

180
00:11:06,120 --> 00:11:09,760
Sabihin nating tagahanga ka
ni Nont Tanont,

181
00:11:09,840 --> 00:11:11,880
Tik Jetsadaporn,

182
00:11:11,960 --> 00:11:13,520
o kahit ni Nadech.

183
00:11:15,200 --> 00:11:16,280
At ikaw,

184
00:11:16,960 --> 00:11:18,240
isa kang nars,

185
00:11:18,920 --> 00:11:21,240
at heto ang butas ng puwit ni Nont Tanont.

186
00:11:22,960 --> 00:11:25,000
Ang ganyang tanawin, oras na makita,

187
00:11:25,080 --> 00:11:27,640
nakatatak na iyan sa cerebrum.

188
00:11:27,720 --> 00:11:30,560
At sa susunod na pupunta ka
sa konsiyerto niya

189
00:11:31,440 --> 00:11:33,600
o makasalubong siya sa department store,

190
00:11:33,680 --> 00:11:36,160
hindi lang si Nont Tanont ang makikita mo,

191
00:11:36,240 --> 00:11:37,840
pero makikita mo si Nont Tanont

192
00:11:37,920 --> 00:11:40,120
at ang mabuhok na butas ng puwit niya.

193
00:11:41,320 --> 00:11:43,480
Hindi na ganoon ang dinig mo
sa mga kanta niya.

194
00:11:44,680 --> 00:11:47,160
Sabi ko sa doktor,
"Doktor, huwag. Hindi ito puwede."

195
00:11:47,240 --> 00:11:49,560
"Maaari ba ninyo siyang paalisin?"

196
00:11:49,640 --> 00:11:52,960
"Paano natin ito gagawin?
Kailangang may humawak ng Vaseline."

197
00:11:53,040 --> 00:11:55,040
Sabi ko, "Kaya natin, tayong dalawa."

198
00:11:56,040 --> 00:11:58,120
"Heto. Ipasok mo ang kamay mo rito. Heto."

199
00:11:58,200 --> 00:12:00,080
Humahagikgik yung nars

200
00:12:01,840 --> 00:12:03,480
habang papalabas siya.

201
00:12:03,560 --> 00:12:05,760
Hindi ko alam kung kinunan niya
ang buong pangyayari.

202
00:12:09,720 --> 00:12:11,640
Pagkatapos kumuha ng ointment,

203
00:12:12,360 --> 00:12:13,760
Si Dr. Arkanay

204
00:12:14,520 --> 00:12:17,120
ay isinaksak ang daliri niya
sa butas ng puwit ko.

205
00:12:17,200 --> 00:12:18,960
Ay, Diyos ko.

206
00:12:19,040 --> 00:12:22,200
Alam natin na ang butas na ito
ay labasan lagi.

207
00:12:22,280 --> 00:12:24,280
Parang siyang daan
na isang direksyon lang.

208
00:12:24,360 --> 00:12:26,480
Walang dumaraan sa kabilang direksyon.

209
00:12:26,560 --> 00:12:30,320
Grabe. Nang ipinasok na niya daliri niya,
napasigaw ako ng, "Aray!"

210
00:12:30,400 --> 00:12:32,320
Hindi iyon maganda sa pakiramdam.

211
00:12:32,400 --> 00:12:33,840
Hindi siya madali, hindi talaga.

212
00:12:33,920 --> 00:12:35,880
Nang pumasok na ito,

213
00:12:35,960 --> 00:12:37,800
sabi niya, "Kumalma ka lang."

214
00:12:39,720 --> 00:12:43,560
"Huminga ka nang malalim.
Pinakamahirap lagi ang unang beses."

215
00:12:44,240 --> 00:12:46,720
Tapos pinasok niya iyon nang ganito,
buong-buo.

216
00:12:46,800 --> 00:12:49,400
Ay, naku! Lumuluha na ang mga mata ko.

217
00:12:49,480 --> 00:12:50,880
Ipinasok niya.

218
00:12:50,960 --> 00:12:53,360
Hindi lang iyon. Pinaikot-ikot
pa niya ang daliri niya.

219
00:12:53,440 --> 00:12:56,280
Ang prosteyt ay parang

220
00:12:56,360 --> 00:12:58,080
isang buto ng kasuy.

221
00:12:58,160 --> 00:13:00,360
May dalawa nito.

222
00:13:00,440 --> 00:13:03,320
Kinapa ng doktor kung may mga bukol.

223
00:13:03,400 --> 00:13:06,920
Kung may mga bukol, posibleng may kanser.

224
00:13:07,000 --> 00:13:08,840
Baka mangailangan ka ng operasyon.

225
00:13:08,920 --> 00:13:12,800
Inikot pa ng doktor ang daliri niya.
Hindi iyon komportable at ang sakit.

226
00:13:13,440 --> 00:13:16,200
Ngunit lalo na, sensitibo iyon.

227
00:13:19,120 --> 00:13:21,720
Tumulo ang luha ko,
pero masayang luha ang mga iyon.

228
00:13:25,720 --> 00:13:28,480
Aaminin ko, nabuhay ang kabaklaan ko.

229
00:13:29,640 --> 00:13:33,000
Pakiramdam ko ay gusto kong ituloy niya
ang pagkapa ng prosteyt ko.

230
00:13:33,080 --> 00:13:34,520
Totoo ang sinasabi ko rito.

231
00:13:34,600 --> 00:13:36,440
Tuloy pa rin ang doktor
sa paggalaw ng daliri niya

232
00:13:36,520 --> 00:13:40,320
at may mga sinabi siyang salitang Ingles,
pinapaliwanag ito at iyan.

233
00:13:40,400 --> 00:13:43,160
Ayoko na iyong matapos.

234
00:13:43,240 --> 00:13:44,640
Hindi ko na namamalayan.

235
00:13:44,720 --> 00:13:47,120
Nang sinimulan na niyang bunutin
ang daliri niya, hindi ako nag-iisip,

236
00:13:47,200 --> 00:13:49,080
hinawakan ko ang pulso niya
para pigilan siya.

237
00:13:52,640 --> 00:13:54,520
Naririnig ko ang kantang iyon sa TikTok.

238
00:14:04,480 --> 00:14:06,680
Okay. Napag-usapan na natin ang sakit.

239
00:14:06,760 --> 00:14:09,960
Ang susunod naman ay kamatayan.
Panahon na.

240
00:14:10,040 --> 00:14:12,120
Tinanong ko ang sarili ko,

241
00:14:12,200 --> 00:14:16,400
"Gaano katagal kang mabubuhay para
talagang makuntento ka sa buhay mo

242
00:14:16,480 --> 00:14:18,080
bago ka mamatay?"

243
00:14:18,720 --> 00:14:21,360
Pinagnilayan ko ito.
Nagsulat ako sa papel.

244
00:14:21,440 --> 00:14:24,040
Okay, ayos na sa akin ang 65.

245
00:14:24,800 --> 00:14:26,880
Pakiramdam ko ang edad na 65 ay

246
00:14:26,960 --> 00:14:29,360
maayos ka nang mamamatay.

247
00:14:29,440 --> 00:14:32,400
Nakakalakad ka pa,
maganda pa ang memorya mo.

248
00:14:32,480 --> 00:14:36,240
Hindi mo pa kailangang may pumihit sa iyo,
paliguan ka, pakainin ka.

249
00:14:36,320 --> 00:14:38,800
Walang mga tubo
at kung anong nakakabit sa iyo.

250
00:14:38,880 --> 00:14:43,000
Para sa akin, wala talaga akong pakialam
kung gaano katagal akong mabubuhay.

251
00:14:43,080 --> 00:14:46,040
Sabihin nating makatanggap ako
ng plake dahil umabot ako ng 130.

252
00:14:46,120 --> 00:14:49,160
Sa edad na iyon,
hindi ko alam kung ano gagawin ko roon.

253
00:14:49,240 --> 00:14:50,920
Wala akong paki
kung gaano katagal akong mabubuhay.

254
00:14:51,000 --> 00:14:55,000
Pero may paki ako sa klase
ng buhay ko habang buhay pa ako.

255
00:14:55,520 --> 00:14:57,560
Ayokong maging yung matanda

256
00:14:57,640 --> 00:14:59,880
na nabuhay hanggang halos 80 na siya.

257
00:14:59,960 --> 00:15:02,720
Alam ninyo iyon? Kapag lumabas ka
at hindi ka makalakad mag-isa,

258
00:15:02,800 --> 00:15:05,760
kailangang may aalalay sa iyo
sa magkabilang gilid.

259
00:15:05,840 --> 00:15:07,720
Kapag nagpunta kayo sa botohan,

260
00:15:07,800 --> 00:15:09,240
hindi ka na halos makalakad.

261
00:15:09,320 --> 00:15:11,400
Natitisod ka lagi.

262
00:15:18,600 --> 00:15:20,360
O kapag pinamumunuan mo ang isang pulong,

263
00:15:20,440 --> 00:15:22,800
bigla kang makakatulog tuwing mauupo ka.

264
00:15:28,720 --> 00:15:31,160
Kapag may debate sa parlyamentaryo,

265
00:15:31,240 --> 00:15:33,400
gustong marinig ng mga tao
ang paliwanag mo

266
00:15:33,480 --> 00:15:35,720
sa mga pagsang-ayon mo sa budget.

267
00:15:35,800 --> 00:15:38,200
Mula pagsikat ng araw hanggang
paglubog ng araw ang mga debate.

268
00:15:38,960 --> 00:15:41,320
Kapag pagkakataon mo nang
magbigay ng mga sagot,

269
00:15:42,000 --> 00:15:43,920
may kakalabit sa iyo. Sasabihin mo…

270
00:15:48,640 --> 00:15:50,520
"Hindi iyan totoo."

271
00:15:51,040 --> 00:15:52,800
At aalis ka ng entablado.

272
00:15:57,560 --> 00:15:58,800
Talaga ba?

273
00:15:59,520 --> 00:16:02,320
Nangyayari ba ito
sa ibang bahagi ng mundo?

274
00:16:02,400 --> 00:16:05,440
Nagdedebate ang mga tao
para makahanap ng sagot.

275
00:16:05,520 --> 00:16:08,160
At ang sasabihin mo lang ay,
"Hindi iyan totoo"?

276
00:16:08,240 --> 00:16:11,120
Kung ganito lang ang pagiging matanda,
huwag na lang.

277
00:16:18,680 --> 00:16:22,440
Kaya sa tingin ko ay kung mamamatay ako
ng 65, ayos lang sa akin.

278
00:16:22,520 --> 00:16:26,200
Ibig sabihin ay 11 taon na lang
ang natitira sa akin.

279
00:16:26,280 --> 00:16:27,960
Ngayon ay 54 taon na ako.

280
00:16:28,040 --> 00:16:31,280
Labing-isang taon na lang ang itatagal ko
sa planetang ito.

281
00:16:32,120 --> 00:16:34,560
Mula doon sa 11 taon, alisin na natin
ang isa sa simula pa lang.

282
00:16:34,640 --> 00:16:37,760
Ang isang taon na ito,
ituring na lang nating…

283
00:16:37,840 --> 00:16:39,200
nasayang.

284
00:16:39,280 --> 00:16:42,040
Sa tingin ko ay lahat ay ginagawa iyon:

285
00:16:42,120 --> 00:16:45,560
nag-uubos ng oras
sa walang kuwentang bagay.

286
00:16:46,160 --> 00:16:47,480
Halimbawa,

287
00:16:47,560 --> 00:16:50,040
ang oras na inuubos
sa paghahanap sa Netflix.

288
00:16:56,040 --> 00:16:58,680
Mga 9:00 p.m., bago matulog,
sasabihin natin sa sarili natin,

289
00:16:58,760 --> 00:17:00,440
"Manood tayo ng pelikula."

290
00:17:00,520 --> 00:17:02,760
"Isa lang, kung hindi
mahuhuli tayo sa trabaho."

291
00:17:05,520 --> 00:17:07,280
Ang una nating makikita ay "Top Ten."

292
00:17:07,360 --> 00:17:09,640
"Napanood ko nang lahat ito."

293
00:17:09,720 --> 00:17:11,319
<i>"Gangubai,</i> okay."

294
00:17:11,400 --> 00:17:14,440
"Napanood ko na ito." Hanap pa rin tayo.

295
00:17:14,520 --> 00:17:16,680
Hindi pa rin makakita. Okay.

296
00:17:17,400 --> 00:17:20,000
"Popular." Ano bang popular ngayon?
Tingnan natin.

297
00:17:20,079 --> 00:17:21,720
Hindi ito para sa akin.

298
00:17:21,800 --> 00:17:24,280
Masyadong nakakasabik ito.
Baka hindi ako makatulog.

299
00:17:24,359 --> 00:17:26,839
Ayoko ng nakakatakot.
Ayoko sa artistang ito.

300
00:17:26,920 --> 00:17:29,680
Kaya patuloy tayo sa paghahanap.

301
00:17:29,760 --> 00:17:31,560
Ngayon, ang seksyon para sa Oscars.

302
00:17:31,640 --> 00:17:35,520
Puro lumang pelikula ito. Mga pelikulang
nanalo ng Oscars sa nakalipas na taon.

303
00:17:35,600 --> 00:17:37,400
Kaya tuloy ang paghahanap natin.

304
00:17:37,480 --> 00:17:39,280
Wala pa tayong isang napipili.

305
00:17:39,360 --> 00:17:41,240
Tingnan natin ang mga K-drama.

306
00:17:41,320 --> 00:17:44,440
Kyut ang mga pangunahing artista.
Okay, "K-drama."

307
00:17:44,520 --> 00:17:47,560
Mukhang maganda ito, pero sobrang haba.

308
00:17:47,640 --> 00:17:49,440
Halos lahat sila ay mga serye.

309
00:17:49,520 --> 00:17:52,360
Kapag nanood ako at natuwa,

310
00:17:53,000 --> 00:17:55,680
patay tayo diyan.

311
00:17:55,760 --> 00:17:58,120
Baka tanghali na tayo
dumating sa trabaho bukas.

312
00:17:58,200 --> 00:18:00,200
Itabi ang mga ito para sa mga
mahahabang weekend lang.

313
00:18:00,280 --> 00:18:02,480
Kaya tuloy tayo sa paghahanap.
Hindi pa rin tayo makapamili.

314
00:18:02,560 --> 00:18:04,600
Tapos nariyan ang huling takbuhan natin,

315
00:18:04,680 --> 00:18:06,000
"Listahan Ko."

316
00:18:07,240 --> 00:18:10,080
Titingnan natin ito.
Grabe. Ang dami ko palang na-save.

317
00:18:10,160 --> 00:18:12,080
Tingnan natin kung ano ang mayroon.

318
00:18:12,160 --> 00:18:14,280
Papanoorin ko ba ito?

319
00:18:14,360 --> 00:18:15,480
Hindi pa rin makapamili.

320
00:18:15,560 --> 00:18:18,320
Pagtagal, sasabihin natin, siya.

321
00:18:18,400 --> 00:18:20,000
Tayo'y "Magpatuloy Manood,"

322
00:18:21,080 --> 00:18:22,680
itutuloy natin kung saan tayo huminto.

323
00:18:22,760 --> 00:18:25,080
Ngayong nakapamili na tayo,

324
00:18:25,160 --> 00:18:27,680
pipindutin natin ang play
at magsisimulang manood.

325
00:18:27,760 --> 00:18:29,640
Walang ideya sa kung ano ang nangyayari.

326
00:18:29,720 --> 00:18:32,920
Hindi natin alam kung saan tayo huminto
mismo. Napakarami na ng pinanood natin.

327
00:18:33,000 --> 00:18:35,880
Hindi natin maalala kung ano
ang nangyari bago ang eksenang ito.

328
00:18:35,960 --> 00:18:38,120
O siya. Balik tayo sa umpisa.

329
00:18:38,200 --> 00:18:39,920
Babalik tayo sa unang bahagi.

330
00:18:40,000 --> 00:18:41,680
Ngayong manonood na tayo…

331
00:18:44,000 --> 00:18:45,720
Nakatulog tayo,
nasa kamay pa natin ang remote.

332
00:18:45,800 --> 00:18:48,400
Ito ang pagsasayang ng oras.

333
00:18:49,640 --> 00:18:53,000
Mas nasasayang ang oras
kapag gumugol ka ng panahon

334
00:18:53,080 --> 00:18:56,120
sa pag-scroll ng cell phone mo,
nakiki-tsismis.

335
00:18:57,280 --> 00:18:58,760
Aba, aba.

336
00:19:00,600 --> 00:19:03,600
Napakaraming oras niyan.
Maraming oras iyan sa bawat araw.

337
00:19:03,680 --> 00:19:05,920
Kalimutan mo na ang TikTok
at iba pang bagay.

338
00:19:06,000 --> 00:19:08,680
Gugulin mo na lang ang oras mo
sa panonood ng Engfa…

339
00:19:10,720 --> 00:19:12,440
At marami pang ibang
ginagawa ang sayaw na ito.

340
00:19:12,520 --> 00:19:14,440
Hindi mo mapigilang manood.

341
00:19:14,520 --> 00:19:16,440
Lalo na sa Instagram.

342
00:19:16,520 --> 00:19:18,720
Sa Instagram, makikita mo

343
00:19:18,800 --> 00:19:21,200
ang mga artistang lumilitaw

344
00:19:21,280 --> 00:19:23,840
para piliin mo kung kaninong buhay
ang gusto mong ma-usyoso ngayon.

345
00:19:23,920 --> 00:19:26,000
Okay, itong isa. Ano?

346
00:19:26,080 --> 00:19:28,520
Buntis siya? Sino ang ama?

347
00:19:28,600 --> 00:19:30,840
Ah, ikakasal na pala sila rito.

348
00:19:30,920 --> 00:19:33,800
Grabe, ang yaman ng asawa niya.
Sino siya? Tingnan ko nga.

349
00:19:33,880 --> 00:19:35,200
Ah, ang lalaking ito pala.

350
00:19:35,280 --> 00:19:37,760
Okay, balik tayo.
Kailan sila nagkasundong magpakasal?

351
00:19:37,840 --> 00:19:40,520
Wow, nagpunta sila sa resort na ito
para sa pulot-gata nila.

352
00:19:40,600 --> 00:19:42,760
I-save natin ito para
makapunta ako roon minsan.

353
00:19:42,840 --> 00:19:45,400
Bumili sila ng cake mula rito. Ang sosyal.

354
00:19:45,480 --> 00:19:48,080
Ano bang suot niya?
Bili nga rin ako ng damit na ito.

355
00:19:48,160 --> 00:19:50,280
Yung mga sapatos kaya? Amina Muaddi.

356
00:19:50,360 --> 00:19:52,920
Amina Muaddi? Ano'ng tatak iyon?

357
00:19:53,760 --> 00:19:55,560
Parang, alam mo,

358
00:19:55,640 --> 00:19:57,880
nagtitinda ng chicken biryani.

359
00:19:58,520 --> 00:20:01,000
Amina Muaddi? Tatak ba iyon?

360
00:20:01,080 --> 00:20:03,800
Kaya nag-google ka, at nakita mo:

361
00:20:03,880 --> 00:20:05,360
Amina Muaddi.

362
00:20:05,440 --> 00:20:08,520
Kapag nag-google ka,
may makikita ka ring patalastas.

363
00:20:09,840 --> 00:20:13,400
Ito'y 1,850 baht sa Lazada.

364
00:20:13,480 --> 00:20:16,800
Shopee, 815 baht. Hindi na masama.

365
00:20:17,440 --> 00:20:20,640
Tuloy tayo.
Binuksan mo ang Shopee, at ayun na nga.

366
00:20:20,720 --> 00:20:22,920
Lumabas ang Amina Muaddi.

367
00:20:23,000 --> 00:20:25,880
Pero sa ilalim ng sapatos ay makikita mo
ang "Mga Bagay na may Kaugnayan."

368
00:20:27,080 --> 00:20:29,320
Hindi ka na nagsayang ng panahon.
Tiningnan mo ang mga mungkahi

369
00:20:29,400 --> 00:20:30,800
at nakakita ng pamatay ng lamok.

370
00:20:32,160 --> 00:20:33,400
Paano naging magkaugnay ang mga iyon?

371
00:20:33,480 --> 00:20:35,440
Tapos naalala mo

372
00:20:35,520 --> 00:20:38,440
tumitingin ka para bumili
ng pamatay ng lamok noong isang linggo.

373
00:20:38,520 --> 00:20:40,240
Tinitingnan mo lang iyon.

374
00:20:40,320 --> 00:20:43,280
Pero ngayon, grabe, 199 baht na lang.

375
00:20:43,360 --> 00:20:46,640
At isang bagong modelo iyon na puwede
mong ilagay sa charging stand niya,

376
00:20:47,720 --> 00:20:49,640
at sisindi ang lilang ilaw niya.

377
00:20:50,320 --> 00:20:53,560
Ibig sabihin ay habang nagkakarga ito,
umaakit na rin ito ng mga lamok.

378
00:20:54,160 --> 00:20:57,640
Kapag kargado na, kukunin mo ito
at iwawasiwas. Patay ang lahat.

379
00:20:57,720 --> 00:20:59,080
Kailangan ito.

380
00:21:00,080 --> 00:21:01,760
Kaya ilalagay mo iyon sa cart.

381
00:21:02,480 --> 00:21:06,120
Ngayon masaya ka na. Tapos sasabihin,
"Bili ng dalawa, may 15% na diskuwento."

382
00:21:09,480 --> 00:21:11,040
Hindi puwedeng hindi ito pansinin.

383
00:21:11,120 --> 00:21:12,720
May diskuwento diyan.

384
00:21:12,800 --> 00:21:14,600
Okay, tingnan ko nga.

385
00:21:15,200 --> 00:21:18,080
Parehong tindahan. Patingin.
"Parehong Bagay." Oh.

386
00:21:18,160 --> 00:21:19,600
Madikit na pamatay ng langaw.

387
00:21:19,680 --> 00:21:21,280
Madikit na pamatay ng langaw

388
00:21:21,360 --> 00:21:23,400
na 100 piraso para sa 150 baht.

389
00:21:23,480 --> 00:21:25,640
Lampas 1 baht lang iyon kada piraso.

390
00:21:25,720 --> 00:21:28,120
Bakit ko pa hihintayin
ang promo ng 11.11.11?

391
00:21:28,200 --> 00:21:30,200
Puwede ko nang bilhin iyon ngayon
at makuha ang diskuwento.

392
00:21:30,280 --> 00:21:32,880
Isasama mo iyon sa cart.
Ngayon ay may dalawang bagay ka na.

393
00:21:33,600 --> 00:21:36,400
Pagkatapos sasabihin,
"Bili ng tatlo, libreng hatid."

394
00:21:38,840 --> 00:21:41,680
Muli, ano pang hinihintay natin?
Patuloy ka sa pamimili.

395
00:21:41,760 --> 00:21:45,320
Nagyon, ang susunod
ay bagay na hindi mo gusto.

396
00:21:45,400 --> 00:21:48,480
Magsisilbi lang ito para punan
ang kahungkagan sa iyo.

397
00:21:48,560 --> 00:21:49,760
Tuloy ang pag-scroll mo.

398
00:21:49,840 --> 00:21:52,760
May nakita kang pantanggal ng blackhead.
Pantanggal ng blackhead.

399
00:21:52,840 --> 00:21:56,120
Naloloko ka na ba?
May kasama rin itong charging cable

400
00:21:56,200 --> 00:21:57,640
na may halagang 99 baht.

401
00:21:57,720 --> 00:22:01,160
Hindi nga. Karaniwan ay isang libo ito.
O hindi bababa sa 500 o 300.

402
00:22:01,240 --> 00:22:04,040
99 baht lang. Bigla na lang,
naramdaman mong lumalabas blackhead mo.

403
00:22:04,880 --> 00:22:08,200
Isasama mo iyon sa cart.
Ayan, tatlong bagay. Masaya ka na ngayon.

404
00:22:08,280 --> 00:22:11,480
Buhay ng babae ito.
Ngayon ay makakatulog ka na ng mahimbing.

405
00:22:12,640 --> 00:22:14,280
Nakuha mo na ba iyong sapatos?

406
00:22:14,960 --> 00:22:18,600
Ang problema kasi sa mga babae
ay 'pag may gusto sila at 'di nila makuha,

407
00:22:19,320 --> 00:22:21,200
nag-iiwan ito ng matinding kalungkutan.

408
00:22:21,280 --> 00:22:24,760
Pakiramdam nila ay may nawawala
mula sa paa nila.

409
00:22:24,840 --> 00:22:27,840
Sa trabaho, pakiramdam nila ay may kulang,
pero hindi nila alam kung ano.

410
00:22:27,920 --> 00:22:29,960
May pangalang lilitaw.
Magtatanong sila sa kaibigan,

411
00:22:30,040 --> 00:22:33,840
"May kilala ka bang Amina? May kilala ka?"

412
00:22:33,920 --> 00:22:36,440
Sagot ng kaibigan, "Sino'ng hindi?"

413
00:22:36,520 --> 00:22:38,960
"Heto, tingnan mo. Ito si Mo Amena."

414
00:22:39,680 --> 00:22:42,240
"Sobrang sikat siya.
Dalawang beses siyang ikinasal:

415
00:22:42,320 --> 00:22:44,320
una sa lalaki, tapos sa butch."

416
00:22:44,400 --> 00:22:47,280
"Sabi niya na mas okay ang butch."
"Paano? Alamin nga natin."

417
00:22:49,120 --> 00:22:50,960
At magpapatuloy ito.

418
00:22:51,040 --> 00:22:52,360
Eh yung sapatos?

419
00:22:52,440 --> 00:22:54,720
Ito ay pagsasayang ng oras.

420
00:22:55,760 --> 00:22:59,560
Ang pinakapagsasayang ng oras,
ang numero uno para sa akin,

421
00:23:01,480 --> 00:23:03,040
ay mga video ng pagtitiris ng taghiyawat.

422
00:23:13,000 --> 00:23:15,040
"Mga Paborito Ko."

423
00:23:16,080 --> 00:23:18,600
Huwag ninyong subukan. Maniwala kayo.

424
00:23:18,680 --> 00:23:20,200
Walang balikan iyon.

425
00:23:21,320 --> 00:23:23,600
Para sa mga hindi nakakaalam,
iyon ay mga maiikling video

426
00:23:23,680 --> 00:23:28,040
na may kuwadradong rosas.

427
00:23:28,760 --> 00:23:31,520
Bakit rosas? Para siguro pababain
ang tindi ng karahasan ng laman,

428
00:23:31,600 --> 00:23:33,200
para pahinain ang pagka-agresibo.

429
00:23:33,280 --> 00:23:34,880
May mga video ng mga tao

430
00:23:34,960 --> 00:23:38,200
na talagang hayagan at walang pakundangang
nagtitiris ng taghiyawat.

431
00:23:38,280 --> 00:23:41,760
Ang malapitang kuha ng tiris ng taghiyawat
sa mukha, sa ilong, sa baba.

432
00:23:41,840 --> 00:23:43,840
Lalapitan mo ang kuha sa taghiyawat.

433
00:23:46,840 --> 00:23:48,560
Isang view na may tatlong dimensyon.

434
00:23:48,640 --> 00:23:51,440
At napakaraming klase ng taghiyawat.

435
00:23:52,960 --> 00:23:56,040
Maging blackhead…
Hindi karaniwang blackhead, alam ninyo.

436
00:23:56,120 --> 00:23:57,360
Maiitim talaga.

437
00:23:57,440 --> 00:24:01,520
Isipin mo yung balat ng sobrang hinog na
langka, nagkukumpol na yung itim na tusok.

438
00:24:01,600 --> 00:24:05,200
Iisipin mo, "Hindi ito totoo.
Hindi, hindi ito totoo."

439
00:24:05,280 --> 00:24:09,160
Gagamit sila ng karayon
para tusukin ang ulo ng taghiyawat.

440
00:24:09,240 --> 00:24:11,920
Tapos titirisin nila ito
gamit ang kamay nila o bagay.

441
00:24:12,000 --> 00:24:13,680
Habang tinitiris nila ito,

442
00:24:14,400 --> 00:24:17,840
makikita mong lumalabas ang taghiyawat
na parang isang tumpok ng bulate.

443
00:24:21,600 --> 00:24:23,640
May mga malalaki rin.

444
00:24:23,720 --> 00:24:26,120
Hindi yung normal na malaki.

445
00:24:26,960 --> 00:24:28,120
Grabe.

446
00:24:29,280 --> 00:24:33,360
Kasinglaki sila ng bukong-bukong mo.
Ganoon sila kalaki.

447
00:24:33,440 --> 00:24:36,000
Gagamit sila ng scalpel
para hiwain ang balat at pipigain ito.

448
00:24:36,080 --> 00:24:38,480
Tapos ay sasabog ito
na parang pinakuluang itlog.

449
00:24:38,560 --> 00:24:42,360
Kapag nakita mo itong dahan-dahang
tumutulo, gusto mong masuka. Hindi ba?

450
00:24:43,440 --> 00:24:46,120
Pinapanood ng mga tauhan ko ang mga iyon,
at binansagan ko silang adik.

451
00:24:46,960 --> 00:24:48,960
"Adik kayo. Adik kayong lahat."

452
00:24:49,040 --> 00:24:52,640
Habang pinapagalitan sila, nagsaliksik ako
para malaman kung bakit pinapanood ng tao.

453
00:24:52,720 --> 00:24:54,000
Paano ito nagsimula.

454
00:24:54,080 --> 00:24:55,880
Hindi ko sila puwedeng pagalitan lang.

455
00:24:56,560 --> 00:24:59,760
Nalaman kong nagsimula iyon
sa babaeng doktor

456
00:24:59,840 --> 00:25:03,080
sa US na nagtatanggal ng mga pigsa.

457
00:25:03,160 --> 00:25:07,280
Sa ibang bansa, ang mga
prosesong ito ng pagpapaganda

458
00:25:07,360 --> 00:25:10,600
ay hindi bayad ng kanilang
universal health care.

459
00:25:10,680 --> 00:25:11,920
Alam ninyo iyon?

460
00:25:12,000 --> 00:25:14,960
Ang mga walang matirhan
o taong mababa ang suweldo

461
00:25:15,040 --> 00:25:17,400
ay walang pambayad
sa mga ganitong serbisyo.

462
00:25:17,480 --> 00:25:19,680
Kaya nagbibigay
ng libreng gamutan ang doktor.

463
00:25:19,760 --> 00:25:22,440
Bilang kapalit, kukunan niya ito
at ipapalabas sa Internet.

464
00:25:22,520 --> 00:25:23,880
Ano ang nakukuha ng doktor?

465
00:25:23,960 --> 00:25:25,520
Nakakakuha siya ng mga view.

466
00:25:25,600 --> 00:25:27,160
Binanggit niya sa isang panayam

467
00:25:27,240 --> 00:25:30,160
na oras na mai-post ang clip,
nakakakuha iyon ng higit sa 100,000 view.

468
00:25:30,240 --> 00:25:32,120
Matapos ang ilang araw,
umaabot iyon sa isang milyon.

469
00:25:32,200 --> 00:25:35,120
Mayroon siyang mga lima
o anim na milyong follower.

470
00:25:35,200 --> 00:25:39,000
Siguro ibig sabihin noon
ay hindi lamang tayo ang mga adik dito.

471
00:25:40,240 --> 00:25:42,800
Pagkatapos ay tinanong ko ang sarili ko,

472
00:25:42,880 --> 00:25:46,040
ano ba ang nararamdaman ko
habang pinanonood ito?

473
00:25:46,120 --> 00:25:47,920
Bakit ko ba ito pinapanood?

474
00:25:48,000 --> 00:25:51,160
Siguro ito rin yung parehong pakiramdam ko
sa pagkain ng inihaw na susong Babylon.

475
00:25:51,240 --> 00:25:55,120
Sa susong Babylon,
kukuha tayo ng toothpick,

476
00:25:55,200 --> 00:25:56,560
ipapasok sa kabibi,

477
00:25:56,640 --> 00:26:01,480
at susubukan nating
dukutin nang buo yung laman.

478
00:26:02,240 --> 00:26:04,800
Lahat. Kasama na yung itim na tae sa dulo.

479
00:26:04,880 --> 00:26:06,840
Kahit na hindi mo kinakain ang tae nito,

480
00:26:06,920 --> 00:26:09,760
kailangan mong makuha yung buo
nang maayos.

481
00:26:09,840 --> 00:26:14,080
Parang pag tinitiris nila ang taghiyawat,
at kalahati lang nito ang nakalitaw.

482
00:26:15,600 --> 00:26:18,240
"Kailangang galingan mo sa susunod."

483
00:26:23,000 --> 00:26:26,120
Ginagawa ka nitong hindi ka mapakali,

484
00:26:26,200 --> 00:26:27,760
at hindi ka makahinto.

485
00:26:27,840 --> 00:26:30,800
Malalaman mo na lang, isang oras na pala.

486
00:26:31,600 --> 00:26:35,320
Tinodo ko na
at hinanap ko yung matitindi talaga,

487
00:26:35,400 --> 00:26:37,160
tulad ng mga nagtatanggal
ng ingrown na kuko ng paa.

488
00:26:42,400 --> 00:26:46,640
Para sa mga hindi pa nakakapanood noon,
sasabihin ninyo siguro, "Ew."

489
00:26:46,720 --> 00:26:49,880
Pero magtiwala kayo sa akin. Kapag umalis
kayo rito at bumalik kayo sa phone ninyo,

490
00:26:49,960 --> 00:26:51,240
wala na.

491
00:26:53,440 --> 00:26:55,680
Ito ay oras na nasasayang.

492
00:26:55,760 --> 00:26:59,920
Inalis ko ang isang taon,
kaya may sampung taon na lang ako.

493
00:27:00,000 --> 00:27:02,120
Kapag gagawin itong araw ito ay…

494
00:27:03,160 --> 00:27:04,960
3,650 araw.

495
00:27:06,080 --> 00:27:09,280
Sabihin natin ay ginugol natin
ang 30% panahong iyon sa pagtulog.

496
00:27:09,360 --> 00:27:14,480
Ngayon ay may natitira na lang 2,555 araw.

497
00:27:15,280 --> 00:27:18,000
Tinamaan talaga ako noong natanto ko

498
00:27:18,080 --> 00:27:20,960
na kaunti na lang pala
ang panahon ko sa Mundo.

499
00:27:21,040 --> 00:27:24,000
Paano ko ito gugulin?

500
00:27:24,080 --> 00:27:27,440
Nagsimula akong gumawa ng listahan
ng mga bagay na gusto kong gawin.

501
00:27:28,640 --> 00:27:29,760
Sa isang banda iyon.

502
00:27:29,840 --> 00:27:32,880
At ang mga bagay na ayokong gawin
at madama ay aksaya lang sa oras.

503
00:27:32,960 --> 00:27:35,560
Ang mga bagay na ayoko nang gawin.
Ano ba ang mga iyon?

504
00:27:36,520 --> 00:27:38,760
Hindi na ako pumupunta sa mga handaan.

505
00:27:38,840 --> 00:27:41,040
Sawang-sawa na ako sa mga iyon.

506
00:27:41,120 --> 00:27:44,080
54 taon na mula nang isinilang ako.

507
00:27:44,160 --> 00:27:47,640
Mula nang bata ako, hindi pa ako naging
punong abala sa kaarawan ko. Kahit minsan.

508
00:27:47,720 --> 00:27:50,360
Noong bata ako,
siguro kasi mahirap lang kami.

509
00:27:50,440 --> 00:27:53,800
Noong nagkakaedad na ako, ibang tao
ang magdaraos ng handaan para sa akin.

510
00:27:54,480 --> 00:27:56,080
Hindi talaga ako natutuwa

511
00:27:56,160 --> 00:27:59,240
kapag inilalabas nila ang cake
at sinasabing humiling ako.

512
00:27:59,320 --> 00:28:02,800
Bawat pagkakataon, hihilingin kong
tigilan nila ang sorpresang handaan.

513
00:28:03,520 --> 00:28:05,160
Kasi wala nang makakagulat pa sa akin.

514
00:28:05,240 --> 00:28:06,840
Paano ako magugulat

515
00:28:06,920 --> 00:28:09,240
kung bawat taon,
sa pagsapit ng kaarawan ko,

516
00:28:09,320 --> 00:28:11,080
may magyayaya sa aking maghapunan.

517
00:28:12,040 --> 00:28:15,240
Sobrang laki ng mesa.
Mas marami pang tao ang darating.

518
00:28:15,320 --> 00:28:17,480
At habang kumakain kami,
mamamatay ang ilaw.

519
00:28:18,480 --> 00:28:21,760
Ilalabas nila ang cake at aawit ng
<i>Maligayang bati…</i>

520
00:28:22,920 --> 00:28:24,080
Hindi siya magandang pakinggan.

521
00:28:24,160 --> 00:28:26,480
Hindi magkakasing-tono.
Hindi magandang pakinggan.

522
00:28:26,560 --> 00:28:27,600
Ang lasing naman…

523
00:28:30,000 --> 00:28:31,160
Napakaingay.

524
00:28:31,240 --> 00:28:34,080
Kapag inilagay nila
ang cake sa harap ko, ayan na.

525
00:28:34,680 --> 00:28:36,080
Nagbubuga ng hangin ang bentilador.

526
00:28:37,920 --> 00:28:39,360
Mamamatay ang sindi ng kandila.

527
00:28:39,440 --> 00:28:43,840
Kapag sisindihan nilang muli ang kandila,
nakatayo lang akong nakaabang sa sorpresa.

528
00:28:45,280 --> 00:28:47,800
Sasabihin nila,
"Sino'ng may lighter? Halika."

529
00:28:47,880 --> 00:28:50,400
Habang sinisindihan nila ito,
mamamatay naman itong isa.

530
00:28:51,240 --> 00:28:52,560
Nakakainis talaga.

531
00:28:52,640 --> 00:28:54,760
Pagkatapos ay hihipan ko ang kandila.

532
00:28:55,520 --> 00:28:57,160
Hindi akong nakikitang nakakasabik doon.

533
00:28:57,240 --> 00:29:01,000
At mas malala pa kung nandoon ka
sa isa sa malalaking restoran,

534
00:29:01,080 --> 00:29:02,520
at nagsasalo sa iisang kaarawan
ang mga tao.

535
00:29:02,600 --> 00:29:05,760
Nakakahiya. Aawit
ang nasa mesa ng, <i>Maligayang bati</i>

536
00:29:05,840 --> 00:29:08,760
at dapat tugtugin ng banda
ang awiting "Maligayang bati".

537
00:29:08,840 --> 00:29:11,560
Hindi nagtagal, yung mesang ito ay umawit
ng <i>Maligayang bati…</i>

538
00:29:11,640 --> 00:29:14,040
Tapos may isa pang aawit ng,
<i>Maligayang bati…</i>

539
00:29:14,120 --> 00:29:16,680
Limang mesa para sa kaarawan.
Hindi ko maintindihan iyon.

540
00:29:16,760 --> 00:29:18,440
Hindi ba kayo naaawa sa banda

541
00:29:18,520 --> 00:29:21,160
na panay ang tugtog nila sa kantang iyon?

542
00:29:21,240 --> 00:29:24,360
Hindi ba sa tingin ninyo ay sawa na sila?
At bakit kayo hihingi ng isang beses pa?

543
00:29:24,440 --> 00:29:26,720
Hindi pa ba sapat
ang unang beses, mga hangal?

544
00:29:32,760 --> 00:29:34,400
Tama na ang mga kaarawan.

545
00:29:34,480 --> 00:29:36,440
Ngayon ay pag-usapan
naman natin ang mga kasal.

546
00:29:36,520 --> 00:29:38,400
Hindi na rin ako dadalo sa mga iyon.

547
00:29:38,480 --> 00:29:41,800
Huwag na ninyo akong
padalhan ng imbitasyon.

548
00:29:41,880 --> 00:29:45,240
Alam na alam na ng mga tauhan ko
na hindi ako dadalo sa mga kasal nila.

549
00:29:45,320 --> 00:29:46,800
Pero sa halip,

550
00:29:47,480 --> 00:29:49,640
papadalhan ko sila ng regalong pera.

551
00:29:50,400 --> 00:29:53,360
Sa totoo lang kasi,

552
00:29:54,760 --> 00:29:56,200
aaminin ko.

553
00:29:56,280 --> 00:29:58,920
Hindi ako masaya para sa mga bagong kasal.

554
00:30:00,720 --> 00:30:02,880
Naiinggit ako sa kanila.

555
00:30:04,480 --> 00:30:06,000
Kasi naman,

556
00:30:06,080 --> 00:30:07,840
nakuha ninyo ang gusto ninyo.

557
00:30:07,920 --> 00:30:09,520
Masaya kayo sa buhay.

558
00:30:09,600 --> 00:30:11,600
Natagpuan ninyo ang nakatakda sa inyo.

559
00:30:11,680 --> 00:30:13,520
Paano naman ako?

560
00:30:14,560 --> 00:30:17,680
Dadalo ako sa kasal mo,
ibibigay ko sa iyo ang pera ko,

561
00:30:17,760 --> 00:30:19,960
para sumama pakiramdam ko sa sarili ko

562
00:30:21,680 --> 00:30:23,760
sa handaan ng kasal mo.

563
00:30:23,840 --> 00:30:27,760
Hindi ko maintindihan. Kailangan kong
panoorin ang pagtatanghal sa kasal ninyo,

564
00:30:27,840 --> 00:30:31,680
nagsasaad ng kuwento kung paano kayo
nagkakilala, nagkagustuhan, lahat.

565
00:30:31,760 --> 00:30:34,880
Tapos sa harap ng Eiffel Tower
ay itinakda kayong ikasal.

566
00:30:34,960 --> 00:30:37,800
Sa mga video,
walang alam ang babae sa nangyayari.

567
00:30:37,880 --> 00:30:41,080
Walang alam ka riyan. Ano iyang
damit na iyan na may mahabang buntot?

568
00:30:41,840 --> 00:30:43,000
Kuha ninyo ako?

569
00:30:46,040 --> 00:30:47,360
Sawang-sawa na ako.

570
00:30:49,040 --> 00:30:54,560
Ang huling kasal na pinuntahan ko,
na siguro ang huling pupuntahan ko,

571
00:30:54,640 --> 00:30:57,080
ay ang kasal nina Toon at Koi.

572
00:30:57,160 --> 00:31:00,440
Nagpunta ako kasi mahal ko sila.

573
00:31:00,520 --> 00:31:03,200
Walang kapantay
ang pagmamahal ko sa kanila.

574
00:31:03,280 --> 00:31:05,240
Itinalaga ako

575
00:31:05,320 --> 00:31:09,160
na pangasiwaan ang entablado
at mga ganoong bagay,

576
00:31:09,240 --> 00:31:12,240
at nagsilbi rin bilang punong-abala.

577
00:31:12,320 --> 00:31:13,840
Kaya,

578
00:31:13,920 --> 00:31:15,400
noong hapon,

579
00:31:15,480 --> 00:31:20,400
may seremonya ng pagbuhos ng tubig
para basbasan ang ikakasal.

580
00:31:20,480 --> 00:31:22,360
Maraming bisita noon…

581
00:31:22,440 --> 00:31:24,320
mga iginagalang na tao
at malalapit na kaibigan.

582
00:31:24,400 --> 00:31:26,440
Mga ganito karami ang mga tao noon.

583
00:31:26,520 --> 00:31:29,000
Mga ganito karami tulad dito.

584
00:31:29,080 --> 00:31:30,960
Nakaupo sila na parang ganito.

585
00:31:31,040 --> 00:31:33,720
Tinatawag ang mga pangalan,
at mga kilalang tao sila.

586
00:31:33,800 --> 00:31:36,600
Ang mga nasa industriya ng musika,

587
00:31:36,680 --> 00:31:39,400
mga pulitiko,
o maski mga kilalang artista.

588
00:31:39,480 --> 00:31:41,800
"G. Aed Carabao, mangyaring
pumunta kayo ng entablado

589
00:31:42,840 --> 00:31:46,560
para magbuhos ng tubig
at magbigay ng payo sa bagong kasal."

590
00:31:46,640 --> 00:31:50,040
Alam ninyo?
Hindi ko inakalang tatawagin nila ako,

591
00:31:50,720 --> 00:31:53,640
dahil wala naman ako sa listahan.

592
00:31:53,720 --> 00:31:56,760
Nakatayo lang ako sa entablado,
ginagawa ang ginagawa ko.

593
00:31:56,840 --> 00:32:00,880
"Udom Taephanich, punta po kayo
ng entablado para sa tubig at payo."

594
00:32:00,960 --> 00:32:02,360
Sabi ko, "Ayoko."

595
00:32:02,960 --> 00:32:04,800
"Hindi, okay lang. Ayos lang."

596
00:32:05,680 --> 00:32:09,640
Malakas ang paniniwala ko
na hindi ka dapat magbigay ng wala ka.

597
00:32:10,520 --> 00:32:13,360
Anong payo ang maibibigay ko?
Wala.

598
00:32:13,440 --> 00:32:15,520
Kaya sabi ko, "Hindi, huwag na."

599
00:32:15,600 --> 00:32:17,960
"G. Udom Taephanich,
pumunta po kayo ng entablado."

600
00:32:19,000 --> 00:32:21,600
Tapos ay tumahimik na sa seremonya.

601
00:32:22,600 --> 00:32:24,480
"Punta naman tayo sa ibang tao."

602
00:32:24,560 --> 00:32:26,360
Kunwari walang nangyari.

603
00:32:26,440 --> 00:32:28,840
"G. Udom Taephanich,
pumunta po kayo sa entablado."

604
00:32:32,720 --> 00:32:35,720
Narito sina Toon at Koi.

605
00:32:35,800 --> 00:32:37,960
Heto yung mga unan
na suporta sa mga braso nila.

606
00:32:38,040 --> 00:32:40,000
Tapos ay nilagay nila rito
ang mga kamay nila

607
00:32:40,080 --> 00:32:42,360
para mabuhusan ng mga tao ng tubig.

608
00:32:42,440 --> 00:32:45,320
Maputla ang mga kamay nila,
halos matanggal na ang mga kuko nila.

609
00:32:46,840 --> 00:32:49,480
Sabi ko, "Peste." Kaya lumapit ako.

610
00:32:49,560 --> 00:32:52,440
Nanonood ang mga tao, tulad ng
kung paano ninyo ako pinapanood ngayon.

611
00:32:52,520 --> 00:32:53,520
Sabi ko,

612
00:32:55,000 --> 00:32:56,000
"Toon."

613
00:32:57,360 --> 00:33:00,360
Naghihintay si Toon para sa payo ko.
Pareho sila.

614
00:33:00,440 --> 00:33:03,560
Sabi ko sa kaniya, "Toon.
Wala akong maipapayo sa iyo."

615
00:33:04,520 --> 00:33:05,560
"Pero,

616
00:33:06,400 --> 00:33:09,440
gusto kong hilingin na sana
maging masaya ka,

617
00:33:09,520 --> 00:33:12,160
pero masaya na kayo."

618
00:33:12,240 --> 00:33:13,720
"Para talaga kayo sa isa't isa."

619
00:33:13,800 --> 00:33:16,400
"May mabait at magandang asawa ka."

620
00:33:16,480 --> 00:33:18,040
"Bagay kayo."

621
00:33:18,120 --> 00:33:21,960
"Pareho kayong may estado, kasikatan,
reputasyon, karunungan."

622
00:33:22,040 --> 00:33:23,480
"Kapwa kayo natutuwang
makasama ang bawat isa."

623
00:33:23,560 --> 00:33:26,840
"Kapwa kayo maganda at guwapo.
Bagay talaga kayo."

624
00:33:26,920 --> 00:33:29,240
"At ako? Tingnan mo ako."

625
00:33:32,320 --> 00:33:36,200
"Toon, naniniwala ako na hindi tayo dapat
magbigay ng wala tayo."

626
00:33:36,280 --> 00:33:39,480
"Kung hindi, para lang itong matabang tao
na sumusubok magturo

627
00:33:39,560 --> 00:33:41,200
kung paano magpapayat, hindi ba?"

628
00:33:41,960 --> 00:33:43,520
"Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"

629
00:33:43,600 --> 00:33:45,120
Sabi ni Toon,

630
00:33:45,200 --> 00:33:48,960
"Ano na ang gagawin natin ngayon?"

631
00:33:49,800 --> 00:33:51,800
Kaya sabi ko, "Sige, alam ko na."

632
00:33:51,880 --> 00:33:54,240
"Paano kung kayo
ang magbigay ng payo sa akin?"

633
00:34:08,040 --> 00:34:10,840
Nagawang kunan ng potograpo ang nangyari.

634
00:34:10,920 --> 00:34:14,800
Hindi namin ito planado.
Nangyari talaga ito.

635
00:34:15,360 --> 00:34:18,840
Medyo alangan si Toon noong una,
pero ginawa rin niya, sabi niya,

636
00:34:19,760 --> 00:34:22,920
"Note, umaasa ako

637
00:34:23,520 --> 00:34:26,760
na balang araw ay matagpuan mo
ang taong para sa iyo."

638
00:34:28,400 --> 00:34:30,080
Nalito kaming lahat.

639
00:34:44,840 --> 00:34:45,880
Kita niyo.

640
00:34:47,560 --> 00:34:50,800
Kahit na umiinom ka lang ng tubig,
panay tingin pa rin ng tao sa iyo.

641
00:34:53,920 --> 00:34:56,760
Sinusulit niyo ang bawat sentimo, ano?

642
00:35:01,440 --> 00:35:03,160
Binili mo ba iyang manika?

643
00:35:03,240 --> 00:35:04,840
Ang kyut naman. Puwedeng makita?

644
00:35:07,480 --> 00:35:09,120
Ang kyut. Tingnan ninyo.

645
00:35:10,560 --> 00:35:12,120
Para sa akin ba ito? Salamat.

646
00:35:13,000 --> 00:35:14,120
Gusto ko rin ng isa.

647
00:35:21,040 --> 00:35:23,640
Ngayon lang, habang nagsasalita ako…

648
00:35:23,720 --> 00:35:26,960
Kapag nasa entablado ako
at nakakita ako ng kakilala ko,

649
00:35:27,040 --> 00:35:28,760
nagugulo ako,

650
00:35:28,840 --> 00:35:32,440
nawawala sa tutok,
at nakakalimutan ang sasabihin ko.

651
00:35:32,520 --> 00:35:35,640
Ngayon lang, nakita ko
si Tony Jaa banda rito.

652
00:35:35,720 --> 00:35:38,760
Dito, tama? Nasaan si Tony Jaa?

653
00:35:38,840 --> 00:35:41,760
Ayun siya. Si Tony Jaa. Hi. Na-miss kita.

654
00:35:41,840 --> 00:35:45,240
Salamat sa pagpunta.
Palakpakan natin ang kaibigan ko.

655
00:35:46,440 --> 00:35:47,520
Astig siya.

656
00:35:53,480 --> 00:35:55,760
Binisita ko si Tony Jaa sa bahay niya.

657
00:35:56,720 --> 00:36:00,000
Gaano na ba katagal
noong nagpunta ako roon?

658
00:36:00,080 --> 00:36:01,960
Ah, magiging mahabang kuwento ito.

659
00:36:02,040 --> 00:36:03,840
Lahat kayo gagabihin ng uwi.

660
00:36:04,800 --> 00:36:07,080
Isang bagay iyon
na hindi ko makakalimutan.

661
00:36:07,640 --> 00:36:10,480
-Pero…
-Ikuwento mo na.

662
00:36:12,840 --> 00:36:16,120
Hindi naman siya masyadong nakakatawa.
Medyo personal iyon.

663
00:36:16,200 --> 00:36:18,520
Sige. Ikukuwento ko nang sandali lang.

664
00:36:18,600 --> 00:36:21,680
Niyaya ako ni Tony Jaa na maghapunan,

665
00:36:21,760 --> 00:36:23,520
at gusto kong makita ang bahay niya.

666
00:36:23,600 --> 00:36:27,240
Gusto kong makita itsura ng bahay niya.
Kaya pinag-usapan namin ang hapunan.

667
00:36:27,320 --> 00:36:30,000
Inimbitahan namin sina Singto Numchok
at Kong Huayrai.

668
00:36:30,080 --> 00:36:32,240
Kakain kami ng hapunan kay Tony Jaa.

669
00:36:32,320 --> 00:36:34,080
Nasasabik kami.

670
00:36:34,160 --> 00:36:37,280
Sa panahong iyon ng buhay ko,

671
00:36:37,360 --> 00:36:39,920
gusto ko talagang magkaroon ng nobya.

672
00:36:40,000 --> 00:36:41,320
Alam ninyo iyon?

673
00:36:41,400 --> 00:36:44,760
Sa sobrang kagustuhan kong magkanobya,
nagpulong ang mga tauhan ko

674
00:36:45,600 --> 00:36:47,920
para malaman kung paano gagawin iyon.

675
00:36:48,000 --> 00:36:50,840
May 15 sa kanila sa pulong na iyon.

676
00:36:50,920 --> 00:36:53,480
"Kailangan mong mag-Tinder."

677
00:36:53,560 --> 00:36:56,400
"Swipe ka ng kaliwa at kanan."
Tinuruan pa nila ako paano gawin iyon.

678
00:36:56,480 --> 00:36:59,760
"Halika, gagawan kita ng account.
Mag-premium ka."

679
00:36:59,840 --> 00:37:03,360
Hindi ko ginagamit ang mga app na ito,
ni wala nga akong TikTok.

680
00:37:03,440 --> 00:37:05,840
Ginawa ng mga tauhan ko ang mga account
na mayroon ako ngayon.

681
00:37:05,920 --> 00:37:08,520
Sabi nila,
"Sige lang, gawa ka ng profile mo."

682
00:37:08,600 --> 00:37:10,160
"Ano ang ia-upload ko?" tanong ko.

683
00:37:10,240 --> 00:37:13,040
"Tatlong litrato.
Pipiliin namin ang okay para sa iyo."

684
00:37:13,120 --> 00:37:15,280
Pinili nila ang ilang ayos na litrato
na kinuha ko.

685
00:37:15,360 --> 00:37:16,640
"Okay, sige."

686
00:37:16,720 --> 00:37:19,920
Tapos sabi nila,
"May iba-ibang layo ng edad."

687
00:37:20,000 --> 00:37:22,240
Sabi ko,
"Tingnan ko nga kung saang edad ako."

688
00:37:22,320 --> 00:37:26,320
Kaya pinakita nila.
"Nabibilang ka sa mga edad 50."

689
00:37:27,440 --> 00:37:30,000
Nag-swipe ako sa mga profile at napasabi,
"Ay wow."

690
00:37:31,160 --> 00:37:34,520
Sa puntong ito, mapapares ako
sa mga taong nasa home for the aged.

691
00:37:38,400 --> 00:37:41,600
Ang sama. Kaya sabi ko sa kanila,
"Hindi ito uubra."

692
00:37:41,680 --> 00:37:43,800
"Mukhang okay ito," sabi nila.

693
00:37:43,880 --> 00:37:46,440
-"Mukhang okay" ibig sabihin ay ano?
-Hindi siya okay.

694
00:37:46,520 --> 00:37:49,000
Kung isa akong matandang babaeng
maputi na ang buhok, baka okay iyon.

695
00:37:49,080 --> 00:37:52,960
Sabi ko, "Paano ako makakahanap
ng kapares dito?"

696
00:37:53,040 --> 00:37:57,360
Sabi nila, "Kuha tayo ng premium upgrade
para makita muna natin ang profile nila.

697
00:37:57,440 --> 00:38:00,000
Tapos malalaman mo kung gusto mo sila.

698
00:38:00,080 --> 00:38:03,120
Kung gusto mo siya,
swipe ka lang tapos match na."

699
00:38:03,200 --> 00:38:06,160
Noong nagsisimula na ako,
may tumutol na tauhan ko, sabi niya,

700
00:38:06,240 --> 00:38:09,520
"Huwag. Huwag ninyong hayaang
gawin iyan ni boss."

701
00:38:09,600 --> 00:38:13,360
"Paano natin malalaman
kung okay talaga ang babaeng iyon?"

702
00:38:13,440 --> 00:38:16,640
"Puwedeng mukha siyang bata pa…

703
00:38:16,720 --> 00:38:19,240
sabihin nating lampas 30 lang."

704
00:38:19,320 --> 00:38:22,960
"Pero kapag nag-usap kayo,
ano ang gagawin mo kapag,

705
00:38:23,040 --> 00:38:25,880
una, hindi siya naniwalang ikaw iyan?"

706
00:38:26,880 --> 00:38:28,120
"Tama."

707
00:38:28,200 --> 00:38:30,040
Isipin natin na kunwari ikaw ito.

708
00:38:30,960 --> 00:38:34,560
Nag-swipe ka, at nakita mo
si Note Udom na ang ganda ng tiyan.

709
00:38:38,360 --> 00:38:41,040
Sabihin nating nag-match ka kay Note Udom,

710
00:38:41,120 --> 00:38:42,880
at nagsimula siya ng usapan.

711
00:38:42,960 --> 00:38:44,720
"Hello." "Sino ito?"

712
00:38:44,800 --> 00:38:46,800
"Ako si Note Udom." "Gago."

713
00:38:48,600 --> 00:38:52,240
"Huwag mo nga akong lokohin.
Hindi gagawa ng ganito si Note."

714
00:38:53,520 --> 00:38:55,200
"Isa ka ba sa mga scammer?"

715
00:38:56,960 --> 00:38:59,000
Alam ninyo sinasabi ko? Parang ganoon.

716
00:38:59,080 --> 00:39:03,400
Kaya sabi ko, "Puwede kaming
mag-video call para makita nila ako."

717
00:39:03,480 --> 00:39:05,920
"Tawagan na lang natin sila
kung ayaw nilang maniwala."

718
00:39:06,000 --> 00:39:09,640
Sabi ng tauhan, "Hindi natin alam na sila…
Paano kung may sinabi ka…"

719
00:39:09,720 --> 00:39:12,080
"Paano kung i-rekord nila ang tawag

720
00:39:12,160 --> 00:39:16,200
at i-post iyon sa Internet
o gamitin iyon para i-blackmail ka?"

721
00:39:16,280 --> 00:39:19,040
"Hindi ako natatakot."
Sabi nila, "Malay natin?"

722
00:39:19,120 --> 00:39:21,920
"Paano kung aksidente mo silang padalhan
ng litrato ng ari mo?"

723
00:39:23,880 --> 00:39:25,240
Sino, ako?

724
00:39:26,160 --> 00:39:27,480
Inaasahan na iyon.

725
00:39:31,200 --> 00:39:33,840
Totoo. Iyon ang bentahe ko.

726
00:39:38,440 --> 00:39:41,320
Nagpumilit ang tauhan ko,
"Hindi, hindi mo puwedeng gawin iyan."

727
00:39:41,400 --> 00:39:43,960
"Hindi ka puwedeng gumamit ng mga app.
Sumubok tayo ng mas malumanay."

728
00:39:44,040 --> 00:39:45,840
Pagkatapos ay pinakita nila itong page,

729
00:39:46,800 --> 00:39:47,800
"PlayQpid."

730
00:39:48,560 --> 00:39:50,200
Narinig na ninyo siguro ito.

731
00:39:50,280 --> 00:39:52,440
Tahimik lang na website para magpares

732
00:39:52,520 --> 00:39:55,120
ng mga taong naghahanap ng pag-ibig.

733
00:39:55,200 --> 00:39:57,240
May post para sa bawat tao,

734
00:39:57,920 --> 00:40:01,800
nagdedetalye ng kanilang kiling,
kung ano ang gusto nila at mga ganoon.

735
00:40:01,880 --> 00:40:03,480
Kaya ginalugad iyon ng tauhan ko.

736
00:40:03,560 --> 00:40:05,720
"Tingnan mo, ito. Lampas lang ng 30."

737
00:40:05,800 --> 00:40:07,120
"Itong isa."

738
00:40:07,200 --> 00:40:09,080
"Mukhang ayos siya, boss."

739
00:40:09,160 --> 00:40:11,640
"Gusto niya ng taong marunong tumawa."

740
00:40:11,720 --> 00:40:13,960
Alam ninyo? "Mature at mapag-alaga."

741
00:40:14,040 --> 00:40:15,680
Mukhang ako nga iyon.

742
00:40:17,720 --> 00:40:21,600
Sabi rin nito, "Mas gusto niya
ang taong mas matangkad sa 5'8."

743
00:40:26,200 --> 00:40:28,480
Hayaan mo na. Puwede nating subukan.

744
00:40:28,560 --> 00:40:32,640
Puwede akong maglagay sa sapatos
o tumingkayad tulad nito.

745
00:40:32,720 --> 00:40:34,320
Kaya sabi ko sa tauhan ko,

746
00:40:34,400 --> 00:40:37,520
"Sige lang. Padalhan mo siya ng text."

747
00:40:38,480 --> 00:40:40,760
Ang tauhan kong si Nell
ay nag-text sa kaniya.

748
00:40:40,840 --> 00:40:43,000
"Hello. Nabasa ko ang post mo."

749
00:40:43,080 --> 00:40:44,440
At ganoon lang.

750
00:40:44,520 --> 00:40:47,320
"Nabasa ko na may hinahanap ka.
May kilala ako."

751
00:40:47,400 --> 00:40:49,280
"Para ko na siyang kapatid."

752
00:40:49,360 --> 00:40:52,280
"Gusto ka niyang makilala,

753
00:40:52,360 --> 00:40:54,640
at sa tingin niya
ay ikaw ang hinahanap niya."

754
00:40:54,720 --> 00:40:56,720
"Magiging interesado ka ba?"

755
00:40:56,800 --> 00:40:58,640
Mga bagay na ganoon.

756
00:40:58,720 --> 00:41:00,920
Sumagot siya at tinanong kung sino ako.

757
00:41:01,000 --> 00:41:03,920
Kaya sinabi na lang ni Nell
na si Note iyon, Udom Taephanich.

758
00:41:05,240 --> 00:41:06,760
Hindi siya naniniwala.

759
00:41:06,840 --> 00:41:09,840
Sabi niya, "Huwag mo akong lokohin."

760
00:41:09,920 --> 00:41:11,280
Kaya sabi ni Nell,

761
00:41:11,800 --> 00:41:14,360
"Boss, mag-video-call tayo sa kaniya."

762
00:41:15,720 --> 00:41:16,880
Sumagot siya

763
00:41:17,760 --> 00:41:19,600
at nakita ang mukha ko sa screen.

764
00:41:19,680 --> 00:41:21,320
Sana nakita ninyo ang reaksyon niya.

765
00:41:25,600 --> 00:41:27,520
Sabi niya, "Ano pong maitutulong ko?"

766
00:41:29,920 --> 00:41:33,840
Sabi ko, "Wala, gusto lang kitang
makilala. Nakita ko ang post mo."

767
00:41:33,920 --> 00:41:34,920
"Ganoon,

768
00:41:36,280 --> 00:41:37,680
bakit?"

769
00:41:40,240 --> 00:41:44,440
Hindi ko puwede sabihing gusto kong
maging nobyo niya. Masyadong mabilis iyon.

770
00:41:44,520 --> 00:41:47,560
Kaya sabi ko, "Puwede tayong magkakilala
bilang magkaibigan."

771
00:41:47,640 --> 00:41:49,440
Sabi niya, "Okay."

772
00:41:50,280 --> 00:41:52,560
Hindi siya makakibo, at siya ay…

773
00:41:52,640 --> 00:41:53,920
nauutal.

774
00:41:54,000 --> 00:41:55,440
Sabi ko sa kaniya,

775
00:41:56,720 --> 00:41:59,560
"Kung libre ka, gusto ko sanang
lumabas tayo para maghapunan."

776
00:41:59,640 --> 00:42:02,480
"Para lang magkakilala tayo.
Kailan ka libre?"

777
00:42:02,560 --> 00:42:05,960
Hinayaan ko siyang mamili.

778
00:42:06,040 --> 00:42:09,440
Baka gulat pa rin siya, kasi sabi niya,

779
00:42:09,520 --> 00:42:11,160
"Libre ako ngayong gabi."

780
00:42:13,720 --> 00:42:16,080
Ang galing. Ayos sa kaniya.

781
00:42:16,160 --> 00:42:19,840
Hindi ako puwedeng tumanggi o magpakipot.

782
00:42:19,920 --> 00:42:23,000
Kaya sabi ko, "Ayos. Magkita tayo
ngayong gabi. Libre ako."

783
00:42:24,320 --> 00:42:27,640
"Gusto mo bang sunduin kita o…"

784
00:42:27,720 --> 00:42:29,840
"Kaya kong pumuntang mag-isa," sabi niya.

785
00:42:29,920 --> 00:42:33,080
Napakaraming pag-aalangan sa usapang iyon.

786
00:42:34,000 --> 00:42:35,040
Pero okay lang.

787
00:42:35,120 --> 00:42:38,360
Nagkasundo kaming magkita
sa harap ng opisina ko.

788
00:42:38,920 --> 00:42:41,080
Nang pumayag akong magkita kami,

789
00:42:42,040 --> 00:42:43,960
Nakalimutan ko talagang

790
00:42:44,040 --> 00:42:45,480
may iba pala akong kausap

791
00:42:45,560 --> 00:42:47,680
noong gabing iyon,

792
00:42:47,760 --> 00:42:49,520
na yun mismong hapunan

793
00:42:49,600 --> 00:42:50,880
kasama si Tony Jaa.

794
00:42:52,640 --> 00:42:53,880
Alam ninyo iyon?

795
00:42:53,960 --> 00:42:56,800
Napakahirap makatiyempo
ng hapunan kasama si Tony Jaa.

796
00:42:56,880 --> 00:43:00,240
Abala kaming lahat,
at laging nasa ibang bansa si Tony Jaa.

797
00:43:00,320 --> 00:43:03,040
Nagkita na kami dati nang ilang beses.
Pero ang gabing iyon,

798
00:43:03,120 --> 00:43:06,400
ang asawa at biyenan niya gustong ipagluto
kami ng pagkaing hilagang-silangan.

799
00:43:06,480 --> 00:43:10,120
Alam nilang tubong Surin ako.
Pareho kaming mula sa iisang lalawigan.

800
00:43:11,240 --> 00:43:13,640
Nang maalala ko iyon,

801
00:43:13,720 --> 00:43:17,520
tinanong ko siya bago kami nagbaba,
"May tanong lang ako."

802
00:43:17,600 --> 00:43:19,640
"Ayos lang ba sa iyo kung ngayon,

803
00:43:19,720 --> 00:43:22,120
sa hapunan ngayong gabi,

804
00:43:22,960 --> 00:43:26,000
naroon din ang mga kaibigan ko?"

805
00:43:27,200 --> 00:43:30,360
"Hindi naman seryoso ito.
Kuwentuhan lang tayong lahat."

806
00:43:30,440 --> 00:43:32,960
Akala ko ayos iyon.
Hindi masyadong romantiko.

807
00:43:33,040 --> 00:43:34,800
Puwede niyang makilala
ang mga kaibigan ko.

808
00:43:34,880 --> 00:43:36,520
Ayos sa kaniya iyon.

809
00:43:36,600 --> 00:43:38,920
Sabi niya, "Sige. Ayos lang iyon."

810
00:43:40,560 --> 00:43:42,120
Pero hindi niya alam kung sinong kaibigan.

811
00:43:44,200 --> 00:43:46,880
Magkikita kami sa harap ng opisina ko.
Tinawagan ko siya.

812
00:43:46,960 --> 00:43:49,920
"Puwede kang pumarada sa ilalim ng puno."
Tumawid ako palapit sa kaniya.

813
00:43:50,000 --> 00:43:52,320
Habang binubuksan ko ang pinto
para sa kaniya,

814
00:43:52,400 --> 00:43:54,160
bumaba siya tapos ang itsura niya…

815
00:43:57,400 --> 00:43:58,400
"Ah,

816
00:44:00,080 --> 00:44:01,760
nasaan ang mga kamera?"

817
00:44:05,480 --> 00:44:08,360
"Walang kamera.
Wala talaga. Magtiwala ka sa akin.

818
00:44:08,440 --> 00:44:10,560
Totoo. Gusto kitang makilala talaga."

819
00:44:10,640 --> 00:44:12,800
Sabi niya, "Ah, okay.

820
00:44:13,360 --> 00:44:15,160
Hindi ka gagawa ng prank sa akin?

821
00:44:17,960 --> 00:44:19,760
Talaga?"

822
00:44:19,840 --> 00:44:23,040
Pagkatapos ay sinara niya ang kotse
at tumawid

823
00:44:23,120 --> 00:44:24,640
papunta sa harap ng opisina ko.

824
00:44:24,720 --> 00:44:26,640
Sabi ko, "Dito ako nakatira.
May tatlong palapag dito."

825
00:44:26,720 --> 00:44:28,560
"Sa pinakataas ako nakatira.
Ang opisina, sa ikalawa."

826
00:44:28,640 --> 00:44:31,400
"Ang silid para sa pulong ay sa baba.
Dito rin nakatira ang nanay ko."

827
00:44:31,480 --> 00:44:32,880
"Heto ang bahay ng nanay ko."

828
00:44:32,960 --> 00:44:34,960
Gusto ko siyang maging komportable.

829
00:44:35,040 --> 00:44:37,400
Pagkatapos ay sinabi ko,
"Hintayin natin ang mga kaibigan ko."

830
00:44:37,480 --> 00:44:39,360
"Kasama natin sila."

831
00:44:39,440 --> 00:44:42,560
Pareho kaming nakatayo doon, naaasiwa.

832
00:44:42,640 --> 00:44:45,120
Nakikipagkuwentuhan ako,
tinatanong siya tungkol sa kung ano.

833
00:44:45,200 --> 00:44:50,600
Habang nagsasalita ako, hindi pa siya
talagang nakakawala sa gulat.

834
00:44:50,680 --> 00:44:52,440
Tapos dumating si Kong Huayrai.

835
00:44:52,520 --> 00:44:53,880
Umibis siya ng kotse niya.

836
00:44:54,760 --> 00:44:56,200
"Oy, pare."

837
00:44:57,240 --> 00:44:59,000
"Oy, Note. Sino siya?"

838
00:44:59,080 --> 00:45:00,920
"Ah, nagpapa-kyut ka sa kaniya."

839
00:45:05,920 --> 00:45:07,360
"Ayos."

840
00:45:08,120 --> 00:45:09,440
"Ang galing."

841
00:45:10,520 --> 00:45:12,480
"Ikaw ang pangarap niyang babae."

842
00:45:12,560 --> 00:45:14,200
At lalo nang gumulo lahat.

843
00:45:15,080 --> 00:45:18,120
Para bang kulang pa
na makilala niya si Kong Huayrai,

844
00:45:18,200 --> 00:45:20,840
dumating naman si Singto Numchok.

845
00:45:20,920 --> 00:45:23,840
"Oy, Note. Wow."

846
00:45:26,520 --> 00:45:29,760
"Okay, wala akong sasabihin.
May magandang asal ako."

847
00:45:35,680 --> 00:45:38,480
Isipin mo na kung ikaw ang babaeng iyon.
Ano ang mararamdaman mo?

848
00:45:38,560 --> 00:45:41,120
Ano'ng nangyayari?
Nalilito na siguro siya.

849
00:45:41,200 --> 00:45:45,200
Kaya ang sabi ko, "Pupunta tayo
sa bahay ng isa pang kaibigan,

850
00:45:45,280 --> 00:45:47,120
na medyo malayo rito."

851
00:45:47,200 --> 00:45:51,240
"Medyo mahirap pumunta roon,
kaya sasakay tayong lahat sa van."

852
00:45:51,840 --> 00:45:55,040
Nakaupo ako rito. Nakaupo siya riyan.

853
00:45:55,120 --> 00:45:57,920
Sa likod sina Singto at Kong.

854
00:45:58,000 --> 00:46:01,960
May isa pang nakakaalam ng daan
ang nagmamaneho.

855
00:46:02,040 --> 00:46:05,160
Noong papunta na kami,
kinakabahan yung babae.

856
00:46:05,240 --> 00:46:06,880
Siya ay…

857
00:46:06,960 --> 00:46:08,640
Isipin ninyo kung nasa lugar niya kayo.

858
00:46:08,720 --> 00:46:12,000
Kami, hindi namin naisip na kami ay…

859
00:46:13,520 --> 00:46:15,080
Tao kaming lahat.

860
00:46:15,160 --> 00:46:17,560
Gusto ko siyang makilala.
Hindi ko iniisip na espesyal ako.

861
00:46:17,640 --> 00:46:20,160
Habang papunta,
sinubukan kong makipag-usap.

862
00:46:20,240 --> 00:46:23,640
Kapag may tinatanong ako,
maikling sagot lang ang ibibigay niya.

863
00:46:23,720 --> 00:46:25,800
Napakalayo ng bahay ni Tony Jaa.

864
00:46:25,880 --> 00:46:28,120
Para kaming luluwas papunta kung saan.

865
00:46:28,200 --> 00:46:32,240
Mula sa pangunahing kalsada, ang kipot
ng daan papunta sa bahay niya.

866
00:46:32,320 --> 00:46:35,200
Dinaanan namin ang mga abandonadong gusali
at taniman ng saging.

867
00:46:36,240 --> 00:46:39,600
Hula ko ay iniisip niya siguro,

868
00:46:39,680 --> 00:46:41,760
"Ang tatlong hayop na DTK

869
00:46:42,920 --> 00:46:45,440
ay magkakasamang nanggahasa
sa may taniman ng saging."

870
00:46:47,360 --> 00:46:49,440
Pero sinubukan naming
gawin siyang komportable.

871
00:46:49,520 --> 00:46:50,800
Nagpapatawa kami.

872
00:46:50,880 --> 00:46:53,720
Inaawit ni Kong ang single
na hindi pa naipapalabas.

873
00:46:53,800 --> 00:46:56,960
Humuhuni si Singto. Tuwang-tuwa kami.

874
00:46:57,040 --> 00:46:59,360
Pero yung babae,
hindi talaga siya kumikibo.

875
00:46:59,440 --> 00:47:02,640
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Siguro ganoon nga talaga iyon.

876
00:47:02,720 --> 00:47:05,760
Bale papunta na kami roon.
Tinawagan ko si Tony.

877
00:47:05,840 --> 00:47:09,320
Tinanong niya, "Nasaan na kayo?
Nasaan na kayo ngayon?"

878
00:47:09,400 --> 00:47:11,800
Sabi niya ay mahirap pumunta
sa bahay niya.

879
00:47:11,880 --> 00:47:15,320
Kailangan naming lamapasan
ang mga palumpong na ito.

880
00:47:15,400 --> 00:47:19,560
Kaya pumarada kami kung saan niya
sinabing naroon ang bahay niya.

881
00:47:20,320 --> 00:47:21,880
Isipin ninyo ito.

882
00:47:21,960 --> 00:47:24,560
Hindi bahay ang bahay ni Tony Jaa.

883
00:47:24,640 --> 00:47:27,800
Bumili siya ng isang gusali
na pang-apartment.

884
00:47:28,560 --> 00:47:30,160
Yung buong gusali.

885
00:47:30,240 --> 00:47:34,040
Hindi ko alam kung ilang silid ang naroon.
Isang buong gusali iyon.

886
00:47:34,120 --> 00:47:36,360
Para siyang apartment,

887
00:47:36,440 --> 00:47:38,960
isang lumang dormitoryo,
napipilas na ang pintura sa mga pader.

888
00:47:39,880 --> 00:47:41,680
Katulad noong sa <i>Buppah Rahtree</i>.

889
00:47:42,680 --> 00:47:44,880
Mahilig si Tony Jaa sa mga ganoon.

890
00:47:44,960 --> 00:47:46,520
Binili niya iyon.

891
00:47:46,600 --> 00:47:49,520
Pagtagal, tinanong ko siya
kung bakit niya binili iyon.

892
00:47:49,600 --> 00:47:52,160
Sabi niya ay malapit sa lawa ang gusali.

893
00:47:52,240 --> 00:47:54,880
Gustong gusto niyang tingnan
ang tanawin ng lawa.

894
00:47:54,960 --> 00:47:56,440
At gusto niyang mabuhay

895
00:47:57,720 --> 00:47:59,880
nang misteryoso,
parang totoong manlalaban.

896
00:48:00,840 --> 00:48:04,560
Hindi siya bahay.
Ginawa niya itong kanlungan.

897
00:48:05,480 --> 00:48:08,360
Para siyang lihim na lugar
para sa pagtitipon

898
00:48:08,440 --> 00:48:10,160
kapag nagkikita-kita ang mga bayani,

899
00:48:10,240 --> 00:48:13,960
kung saan ninyo makikita
mga ahente ng CIA, si James Bond.

900
00:48:14,040 --> 00:48:16,960
Dati siyang dormitoryo.
Napakaraming kuwarto roon.

901
00:48:17,040 --> 00:48:20,080
Ang ginawa niya, giniba niya
yung lahat ng mga dingding.

902
00:48:20,160 --> 00:48:23,040
Kaya makakakita ka ng poste
sa buong bahay niya.

903
00:48:23,120 --> 00:48:25,720
Isipin ninyo ang kantina sa paaralan

904
00:48:25,800 --> 00:48:28,080
noong bata pa kayo

905
00:48:28,160 --> 00:48:32,200
na may malalaking poste
sa napakaluwag na lugar.

906
00:48:32,280 --> 00:48:34,840
Para sa mga kuwarto,
hinayaan lang niya yung mga dingding.

907
00:48:34,920 --> 00:48:37,800
Giniba niya yung ibang mga kuwarto,
maliban sa mga banyo.

908
00:48:37,880 --> 00:48:40,720
Kaya ang labas niya ay isang kuwarto,
malaking espasyo, kuwarto, at espasyo pa.

909
00:48:40,800 --> 00:48:44,920
Buong buhay ko, wala pa akong
nakikitang bahay tulad noon.

910
00:48:45,600 --> 00:48:47,920
Pagparada namin, hindi alam
ng babae kung ano iyon.

911
00:48:48,000 --> 00:48:50,760
Pumarada kami. Hindi pa rin siya
makapaniwalang nakilala niya kaming tatlo.

912
00:48:50,840 --> 00:48:52,880
Pagbukas ng pinto, bam!

913
00:48:52,960 --> 00:48:54,680
Nakatayo doon si Tony Jaa at nagsasalita…

914
00:49:00,040 --> 00:49:01,680
Yung babae…

915
00:49:01,760 --> 00:49:04,520
Iniisip niya siguro,
"Ano'ng klaseng kalokohan ito?"

916
00:49:10,680 --> 00:49:13,280
Hindi mo basta makakausap si Tony Jaa.

917
00:49:13,360 --> 00:49:15,360
Nakita ng babae si Tony at sinabing,
"Ano iyan?"

918
00:49:15,440 --> 00:49:17,360
Tapos yung ginagawa ni Tony Jaa…

919
00:49:19,600 --> 00:49:22,840
Nakipagkuwentuhan siya kay Singto.
Sanay sila ng Cambodian. Nagbibiruan sila.

920
00:49:22,920 --> 00:49:25,520
Walang elevator,
kaya gumamit kami ng hagdan,

921
00:49:25,600 --> 00:49:27,720
parang yung mga nasa dormitoryo.

922
00:49:27,800 --> 00:49:29,480
Medyo luma na yung gusali.

923
00:49:30,960 --> 00:49:32,800
Nang nakarating kami sa ikalawang palapag,

924
00:49:33,560 --> 00:49:36,480
puno siya ng poste
na maraming maaliwalas ang lugar.

925
00:49:36,560 --> 00:49:38,360
At may gym

926
00:49:38,440 --> 00:49:41,000
na may mga almuwadon para sa pagtambling.

927
00:49:41,080 --> 00:49:43,120
May mga salamin, gamit sa laban,

928
00:49:43,200 --> 00:49:45,480
mga espada at lance.

929
00:49:46,160 --> 00:49:49,600
Hindi siya bahay. Hindi talaga.
Para siyang gym.

930
00:49:49,680 --> 00:49:53,200
Sa tabi ng gym ay silid para magdasal.

931
00:49:53,280 --> 00:49:54,920
Sa loob noon ay…

932
00:49:55,000 --> 00:49:57,240
isang altar na 15 metro ang haba.

933
00:49:57,320 --> 00:49:58,880
Para siyang dalawang kuwartong pinagsama.

934
00:49:58,960 --> 00:50:02,600
Sa altar, naroon ang mga estatwa
ng Banal na Ermitantyo, Panginoong Naga,

935
00:50:02,680 --> 00:50:04,800
lahat ng klase ng estatwang Buddhist,
pero walang <i>Ong-Bak</i>.

936
00:50:04,880 --> 00:50:07,480
Magkakatabi ang mga estatwa.

937
00:50:08,080 --> 00:50:09,760
Napakaraming usok ng insenso.

938
00:50:09,840 --> 00:50:13,240
Para magamit ang banyo, kailangan mong
pumunta sa likod, sa kabilang dulo.

939
00:50:13,320 --> 00:50:15,680
Magkakalayo ang bawat bahagi ng bahay.

940
00:50:15,760 --> 00:50:18,760
Sa disenyo ng loob ng bahay,
siguro ay tumira si Tony Jaa

941
00:50:19,480 --> 00:50:21,440
sa napakaraming bansa,

942
00:50:21,520 --> 00:50:23,440
kaya binili lang niya
kung anuman ang gusto niya.

943
00:50:24,480 --> 00:50:26,640
Bale may loft na may Tsino,

944
00:50:26,720 --> 00:50:28,520
Europeo at Cambodian na impluwensya.

945
00:50:28,600 --> 00:50:30,080
Angkor Wat, Angkor Thom.

946
00:50:32,160 --> 00:50:33,240
May bahid din na Pranses.

947
00:50:34,280 --> 00:50:36,160
Ang gulo.

948
00:50:36,240 --> 00:50:38,360
Pero sino ang magsasalita laban doon?
Si Tony Jaa ang pinag-uusapan natin.

949
00:50:40,560 --> 00:50:41,800
Pagkatapos noon,

950
00:50:43,040 --> 00:50:45,800
sabi namin sa babae
na maging komportable lang siya,

951
00:50:45,880 --> 00:50:48,120
na imposibleng gawin.

952
00:50:48,200 --> 00:50:50,320
Nakaupo siya
na tuwid na tuwid ang likod niya.

953
00:50:51,040 --> 00:50:54,160
Ganoon din ako.
Pero hindi ko naisip iyon noon.

954
00:50:55,960 --> 00:50:59,680
Inihain na ng asawa ni Tony ang pagkain.
Sinamahan din kami ng biyenan niya.

955
00:50:59,760 --> 00:51:03,480
Tapos ay inilabas ni Tony Jaa ang karaoke.

956
00:51:03,560 --> 00:51:06,560
May TV, kaya nagsimula na
kaming magkantahan.

957
00:51:06,640 --> 00:51:09,480
Kapag kasama natin ang mga kaibigan natin,
normal lang tayo.

958
00:51:09,560 --> 00:51:13,480
Bara-bara lang kaming kumakanta.
Halos lasing na si Kong.

959
00:51:13,560 --> 00:51:15,760
Ganoon din si Singto.

960
00:51:15,840 --> 00:51:18,680
Nagsimulang umawit at mag-rap
sa wikang Cambodian si Tony Jaa.

961
00:51:21,080 --> 00:51:25,160
At magaling siyang sumayaw
na parang si Michael Jackson.

962
00:51:25,240 --> 00:51:28,440
Magugulat siguro kayo.
Pero nag-moonwalk siya sa buong bahay.

963
00:51:32,040 --> 00:51:35,320
Ang galing talaga.
Tapos parang estatwa lang yung babae.

964
00:51:36,800 --> 00:51:38,400
Gulat na gulat siguro siya.

965
00:51:39,280 --> 00:51:41,520
Iniisip kung ano ang ginagawa niya roon.

966
00:51:44,600 --> 00:51:47,120
Hindi ko iniisip
na malalasing siya sa unang date,

967
00:51:47,200 --> 00:51:49,280
pero wala siyang tigil sa pag-inom.

968
00:51:49,360 --> 00:51:51,640
Tipong,
"Nananaginip ba ako? Totoo ba ito?"

969
00:51:52,240 --> 00:51:54,840
"Niyaya ako ni Note Udom na maghapunan.

970
00:51:54,920 --> 00:51:56,480
"Tapos ay nakilala ko
sina Singto at Kong."

971
00:51:56,560 --> 00:51:58,560
Umaawit kami,

972
00:51:58,640 --> 00:52:01,320
at kapag umaawit kami, nagkakasiyahan,
may usapan kami:

973
00:52:01,400 --> 00:52:03,480
Anuman ang sasabihin namin,
dapat mag-rap kami.

974
00:52:04,160 --> 00:52:09,240
Magpapatugtog kami ng beat sa YouTube,
yung mga libre.

975
00:52:13,280 --> 00:52:16,120
<i>Ang babaeng ito, ano ginagawa niya rito?</i>

976
00:52:16,200 --> 00:52:18,600
<i>Nakaupo lang at walang kinakasuap</i>

977
00:52:18,680 --> 00:52:21,440
<i>Kaya ipinasa ko ang mikropono</i>
<i>kina Singto at Kong.</i>

978
00:52:21,520 --> 00:52:25,240
Lasing siya. Sinusubukan niyang tumakas
sa anuman ang nangyayari.

979
00:52:27,360 --> 00:52:30,720
Ang ganda niya pagpunta niya sa date.
Ngayon magulo buhok, malagkit mukha niya,

980
00:52:30,800 --> 00:52:35,280
parang nakaupo siya sa kariton ng pagkain
na iniisip, "Hanep, totoong buhay ba ito?"

981
00:52:37,920 --> 00:52:39,960
Pero sinisiguro namin lagi
na inaasikaso siya.

982
00:52:40,680 --> 00:52:42,720
Nakikipagkuwentuhan ako.

983
00:52:42,800 --> 00:52:47,520
Pero siguro ay sobrang nakakalula
ang gabing iyon para sa unang date.

984
00:52:48,800 --> 00:52:52,520
Sobra kaming nagkakatuwaan.
Tony, ang saya ng gabing iyon.

985
00:52:52,600 --> 00:52:55,000
Naroon kami hanggang
ewan ko kung anong oras.

986
00:52:55,080 --> 00:52:56,440
Tapos ay umalis na kami.

987
00:52:56,520 --> 00:52:59,600
Hinatid namin yung babae
sa parehong babaan.

988
00:53:00,400 --> 00:53:02,680
Umalis na sina Singto at Kong.

989
00:53:02,760 --> 00:53:05,840
Inihatid ko siya sa kotse niya.

990
00:53:05,920 --> 00:53:09,320
Noong sinasara ko ang pinto, sabi ko,
"Salamat sa pagpunta ngayong gabi."

991
00:53:09,400 --> 00:53:10,720
"Ang saya-saya."

992
00:53:12,800 --> 00:53:14,440
Ang itsura ng mukha niya.

993
00:53:17,280 --> 00:53:19,920
Parang sinasabi niyang,
"Iyan ba yung kasiyahan?"

994
00:53:20,840 --> 00:53:23,760
Pag-alis niya, nag-text ako sa kaniya
tulad ng isang maginoo,

995
00:53:23,840 --> 00:53:25,360
sabi ko, "Ingat pag-uwi."

996
00:53:25,440 --> 00:53:27,360
Nakatira siya sa bandang Rama II.
Umalis na siya.

997
00:53:27,440 --> 00:53:29,600
Nag-text uli ako,

998
00:53:29,680 --> 00:53:32,680
"Ingat sa pagmamaneho.
Mabigat ba ang trapik sa Rama II?"

999
00:53:32,760 --> 00:53:34,600
Parang ganoon.

1000
00:53:34,680 --> 00:53:36,520
Nakauwi siya noong gabing iyon.

1001
00:53:36,600 --> 00:53:40,680
Mula 10:00, 11:00… Hatinggabi siguro.
Bago ako natulog, nag-text uli ako.

1002
00:53:40,760 --> 00:53:42,160
Hindi siya sumagot.

1003
00:53:42,880 --> 00:53:44,120
Baka pagod na siya.

1004
00:53:44,200 --> 00:53:46,160
Kinabukasan, gumising ako ng mga 8:00 a.m.

1005
00:53:46,240 --> 00:53:49,760
"Magandang umaga." Pinadalhan ko siya
ng mga kyut na sticker at ilang biro.

1006
00:53:49,840 --> 00:53:50,880
Wala pa rin.

1007
00:53:50,960 --> 00:53:53,600
Tapos, nagtext uli ako,
noong tanghali saka noong gabi.

1008
00:53:53,680 --> 00:53:55,200
Tapos naka-block na ako.

1009
00:54:06,040 --> 00:54:07,520
Hindi nakakatulong ang maging kilala.

1010
00:54:10,080 --> 00:54:11,600
Ang gulo talaga.

1011
00:54:13,400 --> 00:54:16,320
Pagkatapos ng nangyari,
nagpulong kami sa kumpanya.

1012
00:54:16,400 --> 00:54:19,200
"Tingnan ninyo. Ano ang ibig sabihin nito?
Sabihin ninyo."

1013
00:54:19,280 --> 00:54:21,720
"Ano ang nangyari?" tanong ko.
At ang lahat ay,

1014
00:54:21,800 --> 00:54:22,920
"Boss."

1015
00:54:24,560 --> 00:54:26,760
"Baka nakita niya…"

1016
00:54:26,840 --> 00:54:30,280
"Baka hindi niya inakalang ganoon kayo

1017
00:54:30,360 --> 00:54:31,920
aasta ng mga kaibigan mo."

1018
00:54:34,120 --> 00:54:38,160
"Baka sobrang nabigla.
Sobrang bilis. Sobrang inagad."

1019
00:54:38,240 --> 00:54:40,120
"Baka sobrang nagulat siya." Ah…

1020
00:54:40,200 --> 00:54:43,200
Isang linggo na. Hindi pa rin siya
nakakabawi sa pagkagulat?

1021
00:54:44,120 --> 00:54:47,320
"O baka hindi ka niya tipo,

1022
00:54:47,400 --> 00:54:49,000
pero ayaw lang niyang sabihin."

1023
00:54:49,080 --> 00:54:52,720
Baka noong nakilala niya ako, mas matanda
ang itsura ko sa inaasahan niya.

1024
00:54:52,800 --> 00:54:55,040
O baka hindi ako ganoon kaguwapo.

1025
00:54:56,120 --> 00:54:58,600
Sabihin na lang nating hindi siya umubra.

1026
00:54:58,680 --> 00:55:01,040
Hindi nakatulong ang kasikatan.

1027
00:55:01,120 --> 00:55:04,400
At ang mga pagpapala mula kay Toon
ay hindi ako iniligtas sa kalokohang iyon.

1028
00:55:12,320 --> 00:55:14,680
Kaya sabi ko, tama na
ang mga kasal para sa akin.

1029
00:55:15,600 --> 00:55:19,440
Ngayon, mga burol, hindi rin ako pupunta
sa mga iyon. Sasabihin ko rito.

1030
00:55:19,520 --> 00:55:21,600
Sawa na ako sa mga burol.
Hindi na ako pupunta.

1031
00:55:21,680 --> 00:55:26,800
Minsan ay iniisip ko para sa sarili kong
libing, baka hindi rin ako pumunta.

1032
00:55:29,520 --> 00:55:32,080
Abala ang pagpunta sa mga burol.

1033
00:55:33,200 --> 00:55:36,200
Nakakaabalang maghanap ng paparadahan,

1034
00:55:36,840 --> 00:55:39,800
lalo na sa Wat That Thong, alam ninyo?

1035
00:55:40,400 --> 00:55:43,400
Mas mahirap maghanap ng lugar doon
kaysa sa Siam Paragon.

1036
00:55:43,480 --> 00:55:47,000
Paikot-ikot lang ako
hanggang sa makahanap ako ng lugar.

1037
00:55:47,080 --> 00:55:49,760
Pumarada na lang tayo sa tabi
ng isa sa mga bahay ng monghe.

1038
00:55:49,840 --> 00:55:52,960
Sumingit ako. Tapos ay kailangan kong
hanapin yung bandila.

1039
00:55:54,440 --> 00:55:57,040
Alin doon? Ay, patay. Naka-amerikana ako.

1040
00:55:58,000 --> 00:56:00,560
Kailangan kong maging magalang.

1041
00:56:01,280 --> 00:56:02,840
Bilang artista, kailangan.

1042
00:56:03,360 --> 00:56:05,840
Mas gugustuhin ko pang magsuot ng sando.

1043
00:56:05,920 --> 00:56:08,040
Kaya suot ang amerikana ko,
kailangan kong hanapin ang pavillon.

1044
00:56:08,120 --> 00:56:11,200
Pinapawisan na ako.
Basang-basa na ang kili-kili ko.

1045
00:56:11,280 --> 00:56:13,640
At iba-iba ang mga pavillon.

1046
00:56:13,720 --> 00:56:15,760
Magkakaiba ng laki,
walang pagkakasunod-sunod.

1047
00:56:15,840 --> 00:56:21,360
Narito ang Pavilion One, doon ang Four,
ang Eight naman ay doon sa malayo.

1048
00:56:21,440 --> 00:56:24,440
Hindi sila sabay-sabay na itinayo.
Hindi ko mahanap yung tama.

1049
00:56:24,520 --> 00:56:28,040
Sa harap ng mga pavillon,
walang karatulang LED

1050
00:56:28,120 --> 00:56:30,200
o litrato ng mga namatay, alam ninyo?

1051
00:56:30,880 --> 00:56:32,280
Tipong, "Heto ako."

1052
00:56:34,000 --> 00:56:35,960
Hindi ko alam kung nasaan
ang mga karatula.

1053
00:56:36,040 --> 00:56:37,560
Pagpasok ko,

1054
00:56:37,640 --> 00:56:39,600
nakikilala ako ng mga tao.

1055
00:56:39,680 --> 00:56:42,920
Pagpasok ko, lalapit sila para batiin ako,

1056
00:56:43,000 --> 00:56:46,120
"G. Note, salamat po sa pagpunta.
Dito po."

1057
00:56:46,200 --> 00:56:48,520
Papaupuin nila ako,
at makikita ko ang litrato.

1058
00:56:48,600 --> 00:56:50,520
Peste. Maling patay.

1059
00:56:54,280 --> 00:56:56,400
Paano ako tatakas nito?

1060
00:56:56,480 --> 00:56:58,720
Pauupuin nila ako sa pinakaharap.

1061
00:56:58,800 --> 00:57:01,480
Nakita na ako ng lahat.
Alam nilang ako yung nakaupo doon.

1062
00:57:01,560 --> 00:57:03,320
Peste. Kailangan kong umalis.

1063
00:57:03,400 --> 00:57:07,760
Tapos ay binigyan nila ako
ng tubig at makakain.

1064
00:57:07,840 --> 00:57:10,040
Peste. Paano ko sasabihin sa kanila?

1065
00:57:10,120 --> 00:57:12,000
At nakatingin sa akin yung pamilya,

1066
00:57:13,080 --> 00:57:15,920
"Kailan pa natin siya nakilala?"

1067
00:57:16,680 --> 00:57:17,800
Kaya sabi ko,

1068
00:57:18,560 --> 00:57:20,320
"Ay, may tawag ako."

1069
00:57:20,400 --> 00:57:22,320
Tapos ay lumabas ako at umalis.

1070
00:57:24,480 --> 00:57:25,920
Sa isang burol…

1071
00:57:29,120 --> 00:57:32,360
Habang tumatanda ka, papaupuin ka nila

1072
00:57:32,440 --> 00:57:33,960
sa pinakaharap.

1073
00:57:34,040 --> 00:57:37,480
Para sa mga may edad nang bisita,
may mga silya na may binting parang leon

1074
00:57:38,640 --> 00:57:42,200
o ilang sopa sa harapan.

1075
00:57:42,280 --> 00:57:44,720
Sabihin nating bisita ka sa burol.

1076
00:57:44,800 --> 00:57:48,000
Kapag hinihila ako, sabi ko, "Ayos lang."
"Sige na po," sabi nila. "Sige na nga."

1077
00:57:48,080 --> 00:57:49,120
Kaya uupo ako.

1078
00:57:50,880 --> 00:57:53,640
Kapag nasa harap ka, hindi ka makakatayo.

1079
00:57:54,720 --> 00:57:57,360
Kapag may kausap ka sa telepono,
hindi magandang tingnan.

1080
00:57:57,440 --> 00:57:59,520
Hindi mo maintindihan
ang mga awit ng monghe.

1081
00:58:03,600 --> 00:58:06,480
Ano bang sinasabi nila? Wala kang ideya.

1082
00:58:06,560 --> 00:58:08,640
Bakit ba hindi sila makapagsabi
ng simpleng mensahe?

1083
00:58:08,720 --> 00:58:10,800
Kaya nakaupo ka doon,
walang laman ang utak.

1084
00:58:10,880 --> 00:58:12,200
Nakakabato naman.

1085
00:58:12,280 --> 00:58:15,680
Gusto mong ilabas ang cell phone mo at
manood ng pagtitiris ng taghiyawat.

1086
00:58:18,280 --> 00:58:20,520
Ganoon din kalungkot, alam mo?

1087
00:58:20,600 --> 00:58:23,160
Pero, hindi, hindi puwede.
Ano nang gagawin ngayon?

1088
00:58:23,240 --> 00:58:25,440
Sa isa pang burol,

1089
00:58:25,520 --> 00:58:28,240
sasabihin nila, "Maari bang
lumapit si G. Note Udom

1090
00:58:28,320 --> 00:58:31,720
para sindihan ang kandila
bilang pagpupugay sa Tatlong Hiyas?"

1091
00:58:32,760 --> 00:58:34,000
Ako?

1092
00:58:35,480 --> 00:58:36,800
Talaga?

1093
00:58:36,880 --> 00:58:38,960
Hindi puwedeng ako ang
punong panauhin sa isang burol.

1094
00:58:39,040 --> 00:58:41,600
Kung sinabi nila ito,
hindi na ako nagpunta.

1095
00:58:42,840 --> 00:58:44,240
Isipin ninyo ito.

1096
00:58:44,320 --> 00:58:45,920
Nasa burol ka.

1097
00:58:46,000 --> 00:58:47,440
Sasabihin nila,

1098
00:58:47,520 --> 00:58:49,240
"Maari bang lumapit si G. Note Udom

1099
00:58:49,320 --> 00:58:50,880
sa entablado

1100
00:58:50,960 --> 00:58:53,400
para sindihan ang kandila
bilang pagpupugay sa Tatlong Hiyas?"

1101
00:58:53,480 --> 00:58:54,960
Lalapit ako.

1102
00:58:57,160 --> 00:59:00,680
Sa burol, alam ko namang magpakatino.

1103
00:59:00,760 --> 00:59:02,160
Talagang <i>Men in Black</i> ako.

1104
00:59:02,240 --> 00:59:04,880
Alam kong malungkot na okasyon iyon.

1105
00:59:06,320 --> 00:59:07,480
Kaya naglakad ako.

1106
00:59:12,760 --> 00:59:14,920
Natatawa sila,
tulad ng ginagawa ninyo ngayon.

1107
00:59:17,360 --> 00:59:19,200
Hindi ko alam kung ano
ang mali sa ginawa ko.

1108
00:59:19,920 --> 00:59:22,920
Sarado naman ang zipper ko.
Mahinhin ang pananamit ko.

1109
00:59:23,880 --> 00:59:26,400
Misteryo talaga.

1110
00:59:26,480 --> 00:59:29,960
Asiwa akong nakatayo sa harap
ng imahe ng Pangunahing Buddha.

1111
00:59:30,920 --> 00:59:33,600
Yung tagapangisawa na naka-kayumanggi
ay sinabi sa mikropono,

1112
00:59:33,680 --> 00:59:36,360
"G. Note Udom,
maari na ninyong sindihan ang kandila."

1113
00:59:36,440 --> 00:59:39,880
Binulong ko sa kaniya,
"Nasaan ang kandila?"

1114
00:59:39,960 --> 00:59:41,240
"Nasaan iyon?"

1115
00:59:43,240 --> 00:59:46,040
Sinabi niya sa mikropono mismo,
"Pindutan ng ilaw iyon."

1116
00:59:48,920 --> 00:59:51,600
May itinuro siyang pindutan.

1117
00:59:51,680 --> 00:59:54,960
Ito yung tipong nakikita mo
sa harap ng mga banyo. Pinindot ko.

1118
00:59:55,040 --> 00:59:58,040
Puro sila de-kuryente…
yung insenso, yung kandila.

1119
00:59:58,120 --> 00:59:59,800
Sumindi sila.

1120
00:59:59,880 --> 01:00:01,040
Lahat sabay-sabay.

1121
01:00:01,120 --> 01:00:02,880
Kailangan bang ako?

1122
01:00:02,960 --> 01:00:04,800
Abot lang ng kamay mo, tanga.

1123
01:00:09,560 --> 01:00:12,440
Nakakahiya ba? Sobra.
Habang nandoon ako sa taas,

1124
01:00:12,520 --> 01:00:15,440
nang hindi ko mahanap ang kandila,
nakarinig ako ng mga taong tumatawa.

1125
01:00:15,520 --> 01:00:17,760
Kahit yung mga monghe,
pinipilit nilang huwag tumawa,

1126
01:00:18,560 --> 01:00:20,800
tinatakpan nila ang mga mukha nila
ng mga pamaypay na talipot.

1127
01:00:20,880 --> 01:00:23,880
Hindi ako nararapat sa mga
malulungkot na pagtitipong ganoon.

1128
01:00:26,880 --> 01:00:29,000
Heto ang isang hindi ko maintindihan:

1129
01:00:29,080 --> 01:00:32,160
Sa burol, hinihiling nila sa iyong
silipin mo ang bangkay.

1130
01:00:33,280 --> 01:00:36,680
"Halika po. Dito po kayo.
Ipapakita ko sa inyo ang bangkay."

1131
01:00:38,480 --> 01:00:39,480
Para saan pa?

1132
01:00:40,360 --> 01:00:41,960
"Walang ibang makakakita nito."

1133
01:00:42,840 --> 01:00:44,560
Bakit kailangan ko pang tingnan?

1134
01:00:52,360 --> 01:00:55,280
Pinalapit ako ng nanay ni Pop Areeya,
"Halika tingnan mo."

1135
01:00:55,360 --> 01:00:59,000
"Tingnan mo mukha ng nanay ko.
Kulay rosas pa rin."

1136
01:00:59,080 --> 01:01:00,960
Binuksan niya ang ataul.
Ako naman, "Ayoko."

1137
01:01:02,320 --> 01:01:04,600
Gusto ko silang maalala

1138
01:01:04,680 --> 01:01:07,760
tulad noong mga buhay pa sila.

1139
01:01:07,840 --> 01:01:10,960
Hindi bilang bangkay na tatakutin ako
pag-uwi ko sa gabi.

1140
01:01:11,040 --> 01:01:12,520
Hindi ko lang makuha ang punto.

1141
01:01:12,600 --> 01:01:14,400
Ano bang nakakatuwa rito?

1142
01:01:14,480 --> 01:01:16,080
Isang bangkay na may bulak…

1143
01:01:18,200 --> 01:01:19,400
at makeup na parang…

1144
01:01:20,320 --> 01:01:24,000
Lalo na yung may sugat. Iilan lang
nakakakuha ng tamang kulay ng foundation.

1145
01:01:24,720 --> 01:01:26,440
Ibig kong sabihin, ang patay,

1146
01:01:26,520 --> 01:01:28,480
wala silang masasabi ukol dito.

1147
01:01:28,560 --> 01:01:30,800
Kaya nagtanong ako sa eksperto,

1148
01:01:30,880 --> 01:01:33,760
"Ano ba ang punto?
Kailan ba ito nagsimula?"

1149
01:01:33,840 --> 01:01:37,680
"Mahabang tradisyon ito. Ito ay para
mapagnilayan ng tao ang kamatayan."

1150
01:01:37,760 --> 01:01:40,160
"Nakikita nila kung ano ang kamatayan."

1151
01:01:40,240 --> 01:01:42,200
Nauunawaan ko ang pagninilay ng kamatayan,

1152
01:01:42,280 --> 01:01:45,560
pero naitanong na ba ninyo ang namatay

1153
01:01:45,640 --> 01:01:48,320
kung gusto nilang makita sila
ng ibang tao na ganoon?

1154
01:01:49,120 --> 01:01:51,400
Isipin ninyo.
Hindi ninyo kailangang maging patay.

1155
01:01:52,200 --> 01:01:54,080
Bawat babae sa bulwagang ito,

1156
01:01:54,160 --> 01:01:57,440
isipin ninyong natutulog kayong
wala kayong makeup.

1157
01:01:59,640 --> 01:02:02,120
Pagsapit ng 5:30 a.m.,
nasa bahay mo na ang mga tao.

1158
01:02:02,200 --> 01:02:04,120
May kumot na nakatalukbong sa iyo.

1159
01:02:04,200 --> 01:02:06,400
Papasok ang mga tao.
Aalisin ang talukbong…

1160
01:02:06,480 --> 01:02:08,120
"Hayaan ninyo akong
pagnilayan ang kamatayan."

1161
01:02:12,920 --> 01:02:14,760
Magugustuhan ba ninyo iyon?

1162
01:02:14,840 --> 01:02:16,800
Kung hindi, huwag ninyong
gawin iyon sa ibang tao.

1163
01:02:21,320 --> 01:02:25,760
Puno ng asiwang pagkakataon ang mga burol.

1164
01:02:25,840 --> 01:02:29,640
Minsan, nasa burol ako
ng tatay ni Toni Rakkaen.

1165
01:02:30,440 --> 01:02:34,520
Naroon din si Kandy Rakkaen.

1166
01:02:34,600 --> 01:02:35,600
Magkakilala kami.

1167
01:02:35,680 --> 01:02:39,400
Napakataas ng respeto ko sa nanay nila,
pambansa alagad ng sining, Banyen Rakkaen.

1168
01:02:40,120 --> 01:02:41,800
Sa Wat That Thong ang burol.

1169
01:02:41,880 --> 01:02:44,240
Pagdating ko roon,

1170
01:02:44,320 --> 01:02:45,920
alam ko kung paano kumilos.

1171
01:02:47,240 --> 01:02:49,080
Dumating ako roon at binati sila.

1172
01:02:50,360 --> 01:02:52,200
Tapos ay lumapit ako sa seremonya.

1173
01:02:52,280 --> 01:02:54,040
May mga tao na roon.

1174
01:03:08,360 --> 01:03:10,760
Ngayon, kinukunan nila ako,

1175
01:03:11,760 --> 01:03:13,720
pinopost nila ako sa TikTok
at kung saan pa.

1176
01:03:14,400 --> 01:03:16,080
Tapos ay may matapang na babaeng lumapit…

1177
01:03:17,240 --> 01:03:18,920
"Note, puwedeng humingi ng selfie sa iyo?"

1178
01:03:20,320 --> 01:03:22,600
Burol iyon. Okay. Sige.

1179
01:03:22,680 --> 01:03:24,520
Sinusubukan kong maging kalmado.

1180
01:03:24,600 --> 01:03:27,160
Kaya nagpakuha kami ng selfie.
Tapos may isa pang lumapit.

1181
01:03:27,240 --> 01:03:30,880
Klik. Tapos may isa pang lumapit.
"Puwede po ba ninyong hawakan ang kamera?"

1182
01:03:30,960 --> 01:03:32,400
"Ang laki ng braso ko," sasabihin nila.

1183
01:03:32,480 --> 01:03:35,120
Tapos ay mas maraming tao ang dumating.
Lumaki ang pulutong ng tao.

1184
01:03:35,200 --> 01:03:37,880
Sabi ko sa sarili ko,
"Huwag ngingiti. Burol ito."

1185
01:03:37,960 --> 01:03:40,240
Parang mas nagustuhan pa nila.
Mas marami pang dumating.

1186
01:03:40,320 --> 01:03:42,320
Gusto nila ang litrato ko
na hindi ngumingiti.

1187
01:03:42,400 --> 01:03:45,880
Tapos ay may nagsabi,
"Lipat tayo doon. Napakasikip na rito."

1188
01:03:45,960 --> 01:03:49,600
"Lipat tayo rito. Maluwag na espasyo iyon.
Mas komportable rito."

1189
01:03:49,680 --> 01:03:52,440
Saan iyong doon? Sa harap ng ataul.

1190
01:03:53,800 --> 01:03:56,440
Naroroon ang ataul
kasama ang mga bulaklak na iyon.

1191
01:03:56,520 --> 01:03:59,120
Ang larawan ng tatay niya
na namatay ay naroroon.

1192
01:03:59,200 --> 01:04:01,080
Gusto nilang magpakuha roon.

1193
01:04:03,120 --> 01:04:06,080
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Hindi talaga.

1194
01:04:06,160 --> 01:04:08,040
"Halika rito, halika."

1195
01:04:08,120 --> 01:04:10,200
Tinatawagan nila ang pamilya nila
mula sa malayo.

1196
01:04:10,280 --> 01:04:13,800
"Bilisan ninyo. Nandito si Note.
Bihira natin siyang makikita."

1197
01:04:17,720 --> 01:04:20,360
Apat o limang tao ang nagtipon.

1198
01:04:20,440 --> 01:04:21,680
"Hey."

1199
01:04:22,360 --> 01:04:25,600
"Kandy, lapit ka. Toni, halika.
Hintayin natin si Toni."

1200
01:04:25,680 --> 01:04:28,080
"Kunin mo rin ang kamera na ito.
At ito rin."

1201
01:04:28,160 --> 01:04:31,000
Ang daming kamera na hawak ng tao.

1202
01:04:31,080 --> 01:04:32,880
Wala ba silang group chat?

1203
01:04:32,960 --> 01:04:34,480
Parehong litrato rin naman iyon,
alam ninyo?

1204
01:04:34,560 --> 01:04:36,120
"Okay. Handa na?"

1205
01:04:36,200 --> 01:04:37,960
Isa, dalawa, maliit na puso.

1206
01:04:38,040 --> 01:04:39,320
Maliit na puso?

1207
01:04:43,280 --> 01:04:45,880
Mas magalang pa ako sa tatay ninyo
kaysa sa inyong lahat.

1208
01:04:48,800 --> 01:04:50,640
Gaano ba dapat kalaki
ang maliit kong puso?

1209
01:04:52,640 --> 01:04:54,560
Gaano ba kalaki dapat sa burol?

1210
01:04:57,080 --> 01:04:58,400
Nababaliw ka na ba?

1211
01:04:58,480 --> 01:05:00,080
Hindi iyon para sa akin.

1212
01:05:00,160 --> 01:05:01,400
Hindi para sa akin.

1213
01:05:01,480 --> 01:05:03,360
Hindi para sa akin ang mga burol.

1214
01:05:03,440 --> 01:05:07,800
At yung mga burol na iyon na may maraming
korona ng patay, tingin ko ay mali iyon.

1215
01:05:07,880 --> 01:05:10,160
Napakamahal ng mga korona ng patay.

1216
01:05:10,240 --> 01:05:14,080
Yung mga binibili ko para sa mga
iginagalang na tao o sa kapwa artista

1217
01:05:14,160 --> 01:05:16,120
ay babayaran ko ng 10,000 baht.

1218
01:05:16,200 --> 01:05:18,120
Sampung libo
para sa mga may sariwang bulaklak.

1219
01:05:18,200 --> 01:05:20,520
Bibilhin ko iyon mula sa Napasorn
sa Pak Khlong Talat.

1220
01:05:20,600 --> 01:05:24,040
Hindi ako makabili ng mas mura. Bakit?
Dahil nakalagay doon ang pangalan ko.

1221
01:05:25,160 --> 01:05:26,880
Nakakahiya.

1222
01:05:26,960 --> 01:05:29,920
Kung aalisin ko ang pangalan ko,
bibili ako ng korona na halaga ay 380 baht

1223
01:05:31,200 --> 01:05:34,520
na may sedang nakatupi
na parang tangang paboreal.

1224
01:05:39,880 --> 01:05:41,440
Dahil naroon ang pangalan ko.

1225
01:05:41,520 --> 01:05:43,840
Tipong, kung kaya ko,

1226
01:05:43,920 --> 01:05:47,000
papatutukan ko sa kanila ng ilaw
at isasama ang presyo.

1227
01:05:48,040 --> 01:05:49,680
Sampung libo, pare.

1228
01:05:50,520 --> 01:05:52,960
Nagpunta ako sa burol
ng isang kilalang kaibigan.

1229
01:05:53,040 --> 01:05:54,440
Kilala niyo sila.

1230
01:05:55,040 --> 01:05:56,680
Mga korona ng bulaklak? Napakarami.

1231
01:05:56,760 --> 01:05:59,360
Kulang ang espasyo.
Mula kisame hanggang sahig.

1232
01:05:59,440 --> 01:06:03,240
Kailangan nilang umupa ng isa pang tolda
para isabit lahat ng korona.

1233
01:06:03,320 --> 01:06:07,320
Kulang pa. Kailangan nilang umupa ng apat.
Apat na tolda. Napaisip ako…

1234
01:06:07,400 --> 01:06:11,040
At pagkakita ko ng mga pangalan,
puro mga kilalang tao.

1235
01:06:11,120 --> 01:06:13,640
Noong araw na iyon, nanatili ako
hanggang matapos ang seremonya.

1236
01:06:13,720 --> 01:06:17,600
Gusto kong malaman kung ano
ang gagawin nila sa mga koronang iyon.

1237
01:06:19,040 --> 01:06:22,000
Kumukuha ako ng video,
pero hindi para gumawa ng dokumentaryo.

1238
01:06:22,080 --> 01:06:24,680
Gusto ko lang talagang malaman.
Kaya naghintay ako.

1239
01:06:24,760 --> 01:06:27,800
Sa dulo, nang nakaalis na ang lahat,
dumating na ang mga bantay ng templo

1240
01:06:27,880 --> 01:06:29,520
dala ang tatlo o apat na traysikel.

1241
01:06:29,600 --> 01:06:31,560
Yung iba ay malalaki na may motor.

1242
01:06:32,200 --> 01:06:34,760
Ibinaba yung mga korona
at inihagis sa mga traysikel.

1243
01:06:34,840 --> 01:06:36,680
Kinunan ko ang pangalan
ng ilan sa mga artistang iyon.

1244
01:06:36,760 --> 01:06:39,520
Nang nakuha na nila lahat ng korona,

1245
01:06:40,400 --> 01:06:43,320
itinapon nila mga iyon
sa mga BMA na basurahan, yung mabibigat.

1246
01:06:43,400 --> 01:06:46,280
At ganito nila tinatapon ang mga iyon.

1247
01:06:47,440 --> 01:06:49,200
Nagkuwenta ako.

1248
01:06:49,280 --> 01:06:51,920
Natapon lang ang
10,000, 20,000, 30,000, 40,000.

1249
01:06:52,000 --> 01:06:54,120
Nagkakahalaga ng apat na milyong baht
lahat ng korona ng patay.

1250
01:06:55,600 --> 01:06:57,200
Nasayang lang lahat.

1251
01:06:58,120 --> 01:07:00,880
Gusto ko ang ginagawa nila
sa Wat Cholpratarn Rangsarit.

1252
01:07:00,960 --> 01:07:02,800
Hindi sila tumatanggap
ng mga korona ng patay.

1253
01:07:02,880 --> 01:07:04,640
Tumatanggap lang sila ng pamaypay.

1254
01:07:04,720 --> 01:07:05,840
Naroroon ako.

1255
01:07:07,280 --> 01:07:10,880
Nagkalat sa buong pavillon
ang mga tagahanga.

1256
01:07:10,960 --> 01:07:12,800
Baka mas matindi pa kaysa roon
sa mga nasa tindahan ng pamaypay.

1257
01:07:12,880 --> 01:07:15,880
Kung lahat sila ay bubuksan,
lilipad ang peluka mo.

1258
01:07:22,560 --> 01:07:24,000
Tama na sa mga burol.

1259
01:07:24,960 --> 01:07:27,400
Araw ng Paglilinis ng Puntod.
Hindi rin ako pupunta sa mga ganoon.

1260
01:07:27,480 --> 01:07:30,040
Sinabi ko sa nanay ko na ang dating burol

1261
01:07:30,120 --> 01:07:33,960
ang huli para kay Udom Taephanich.

1262
01:07:34,040 --> 01:07:36,240
Para sa akin,
ang Araw ng Paglilinis ng Puntod

1263
01:07:37,320 --> 01:07:40,480
ay kapag ang mga magkakamag-anak
na ayaw makita ang bawat isa

1264
01:07:41,480 --> 01:07:42,880
ay napipilitang magsama

1265
01:07:44,000 --> 01:07:46,160
sa isang kakila-kilabot na lugar,

1266
01:07:46,920 --> 01:07:48,920
sa napakatinding init,

1267
01:07:49,000 --> 01:07:50,960
kumakain ng nakakadiring pagkain.

1268
01:07:59,720 --> 01:08:02,640
Masama na yung pupunta ka ng puntod.

1269
01:08:02,720 --> 01:08:05,560
Ang tatay ko, pumanaw siya
noong anim na taon ako.

1270
01:08:05,640 --> 01:08:08,040
Para makarating sa puntod niya,
kailangan naming dumaan sa tubohan.

1271
01:08:08,120 --> 01:08:10,120
Hindi siya magarang puntod.

1272
01:08:10,200 --> 01:08:12,120
Hindi ganoon karami ang pera namin.

1273
01:08:12,200 --> 01:08:15,880
Kaya nasa likod ng tubohan ang puntod niya
sa Ban Bueng, Chonburi.

1274
01:08:15,960 --> 01:08:18,360
Nakakapagod pumunta doon.
Ang sama ng trapik palabas ng Bangkok.

1275
01:08:18,440 --> 01:08:21,600
Pagkatapos ay maglalakbay kami
sa mga tubohan. Sobrang maalikabok.

1276
01:08:21,680 --> 01:08:25,600
Yung mga mayayaman ay tinatayo
ang mga puntod nila sa magagandang lugar…

1277
01:08:26,640 --> 01:08:29,319
malapit sa tubig, malapit sa mga bundok,
yung mga malalaking puntod sa mga burol.

1278
01:08:29,399 --> 01:08:32,120
Yung iba ay kasinglaki ng entabladong ito.

1279
01:08:32,200 --> 01:08:34,200
Yung sa tatay ko ay ganito lang kaliit.

1280
01:08:34,279 --> 01:08:36,399
Napakamaalikabok ng daan.

1281
01:08:36,479 --> 01:08:39,080
Mahirap ding pumarada.
Baka pumarada ka sa puntod ng iba.

1282
01:08:39,160 --> 01:08:41,200
Masyadong magkakalapit silang lahat,

1283
01:08:41,279 --> 01:08:44,600
kaya dapat pumarada sa gilid ng bangketa
at tiisin ang init ng araw papunta roon.

1284
01:08:44,680 --> 01:08:46,840
Walang lilim.

1285
01:08:47,720 --> 01:08:51,200
Wala ni isang puno. Masusunog ka roon.
Kailangan naming makahanap ng tolda.

1286
01:08:51,279 --> 01:08:55,000
Kaya nagtayo kami ng toldang
inarkila namin para bigyan kami ng lilim.

1287
01:08:55,080 --> 01:08:58,160
At hindi pwedeng sobrang laki ang tolda,

1288
01:08:58,240 --> 01:09:00,680
kung hindi ay malililiman nito
ang ibang puntod.

1289
01:09:00,760 --> 01:09:02,399
Baka magalit sila.

1290
01:09:02,479 --> 01:09:05,279
Kaya siksikan ang buong pamilya

1291
01:09:05,359 --> 01:09:08,319
sa ilalim ng maliit na toldang iyon
sa gitna ng init.

1292
01:09:09,279 --> 01:09:12,200
At naroon ang puntod na inayos
para magmukhang

1293
01:09:12,279 --> 01:09:14,000
inaalagaan namin iyon.

1294
01:09:14,680 --> 01:09:17,399
Ilang araw lang ang nakakaraan,
nakakamanghang tumubo ang mga damo.

1295
01:09:17,479 --> 01:09:19,319
Ang totoo, ilalagay lang namin
ang damo doon.

1296
01:09:19,399 --> 01:09:20,680
Kamakailan lang.

1297
01:09:20,760 --> 01:09:23,319
Kailan lang din ay pininturahan namin
ang puntod para magmuka itong

1298
01:09:23,399 --> 01:09:25,240
inaalagaan namin.

1299
01:09:25,319 --> 01:09:27,720
Eh, kung tutuusin,
sa natitirang bahagi ng taon,

1300
01:09:27,800 --> 01:09:30,479
iniiwan lang siyang nakabilad sa araw.

1301
01:09:30,560 --> 01:09:32,960
Baka maitim na nga siya ngayon.

1302
01:09:33,040 --> 01:09:35,399
Walang damo roon,

1303
01:09:35,479 --> 01:09:36,960
wala ni isang kabibe.

1304
01:09:37,040 --> 01:09:39,760
Tradisyon na ikalat ang mga kabibe
sa mga puntod. Mga bagay na ganoon.

1305
01:09:39,840 --> 01:09:42,520
Kaya ang nangyari,
napakainit na araw noon.

1306
01:09:42,600 --> 01:09:45,319
Sobrang init. Ano bang ginagawa ko rito?

1307
01:09:45,399 --> 01:09:48,840
Lahat ng taong galit sa bawat isa
ay hindi naman talaga nakakapag-usap.

1308
01:09:48,920 --> 01:09:52,040
Kailangan nilang maghati-hati sa tolda
sa init na iyon

1309
01:09:52,120 --> 01:09:54,240
na may tugtog
ng mga paputok na pumuputok…

1310
01:09:58,479 --> 01:10:02,680
Ang magkakamag-anak na galit sa bawat isa
ay nagsimulang mag-usap na may tono,

1311
01:10:02,760 --> 01:10:05,960
parang may tonong galit na hindi galit…

1312
01:10:07,320 --> 01:10:09,360
"Wala pang trabaho ang anak mo?"

1313
01:10:09,440 --> 01:10:11,280
"Maayos sa ibang bansa ang anak ko."

1314
01:10:11,360 --> 01:10:14,200
"Magkano ang suweldo mo?"
"Ano'ng kotse minamaneho mo?"

1315
01:10:14,280 --> 01:10:17,280
"Kotseng galing Japan? Galing Europa ang
kotse ko. May kabigatan ang mga pinto."

1316
01:10:18,400 --> 01:10:21,760
Nagsisimula nang mag-init
ang usapan at sasabog na.

1317
01:10:22,920 --> 01:10:24,560
Kapag nasa iisang tolda ka

1318
01:10:24,640 --> 01:10:27,280
kasama ang taong kinamumuhian mo
sa Araw ng Paglilinis ng Puntod,

1319
01:10:28,040 --> 01:10:30,120
Hindi iyon komportable.
Ano ang gagawin mo?

1320
01:10:30,200 --> 01:10:32,000
Magsisindi ka ng mga paputok.

1321
01:10:32,080 --> 01:10:35,280
Sa Araw ng Paglilinis ng Puntod,
magsisindi ka ng mga paputok.

1322
01:10:35,360 --> 01:10:37,840
Ang pagsisindi ng mga paputok
ay isang gawain na…

1323
01:10:37,920 --> 01:10:42,000
Wala pa akong nakikitang taong kalmado
habang nagsisindi ng paputok.

1324
01:10:42,600 --> 01:10:43,760
Hindi siya parang…

1325
01:10:49,160 --> 01:10:52,240
Sinuman ang gumagawa nito ay parang…

1326
01:10:56,800 --> 01:10:58,360
"Hindi, ikaw na ang gumawa."

1327
01:10:58,440 --> 01:11:01,200
Walang may gusto noon.

1328
01:11:01,280 --> 01:11:04,760
At kapag nasindihan ito,
kailangan mong tumakbo

1329
01:11:04,840 --> 01:11:06,120
at takpan ang tainga mo.

1330
01:11:07,040 --> 01:11:10,240
Gusto mo iyong maging maingay,
pero tatakpan mo ang tainga mo.

1331
01:11:10,960 --> 01:11:13,320
Puno ang hangin ng asupre
at mga piraso ng papel.

1332
01:11:13,400 --> 01:11:17,200
Naiirita ang ilong ng lahat.
Ano ba naman ito? Ano ba ang silbi?

1333
01:11:17,280 --> 01:11:18,880
Ganoon talaga iyon.

1334
01:11:18,960 --> 01:11:20,840
Mga tagagawa ng paputok,
hindi ba kayo puwede

1335
01:11:21,600 --> 01:11:23,160
na gumawa na lang ng mga taga-kontrol?

1336
01:11:23,800 --> 01:11:25,720
Magiging mas ligtas na lugar ang mundo.

1337
01:11:29,640 --> 01:11:31,920
At bakit ba natin kailangang gumamit
ng malalaking rolyo?

1338
01:11:32,000 --> 01:11:35,200
Sinasabi ko sa tao, "Dapat tayong kumuha
ng maliit lang. Isang rolyo ng 100."

1339
01:11:36,480 --> 01:11:37,600
Tapos na.

1340
01:11:37,680 --> 01:11:40,800
Sasabihin nila, "Hindi ka nila bibigyan
ng mga suwerteng numero."

1341
01:11:45,600 --> 01:11:50,160
"Kailangan nating bumili ng higit sa 500
para makuha suwerteng numero sa lotto."

1342
01:11:50,240 --> 01:11:53,120
Hindi na gumagamit
ng karaniwang insenso ang nanay ko.

1343
01:11:53,200 --> 01:11:55,640
Ginagamit na niya yung mga uri
na kapag sinindihan mo,

1344
01:11:56,480 --> 01:11:57,880
lilitaw ang mga suwerteng numero.

1345
01:11:57,960 --> 01:11:59,840
Ginagamit niya ang mga iyon
para bumili ng tiket ng lotto.

1346
01:12:01,320 --> 01:12:03,600
Tinanong ko,
"Ano ba ang punto ng mga paputok?"

1347
01:12:03,680 --> 01:12:05,920
Sabi niya,
"Para alam ng tatay mo na narito tayo."

1348
01:12:07,320 --> 01:12:09,200
"Pero multo si Tatay."

1349
01:12:09,280 --> 01:12:12,800
"Paano niya hindi malalaman na
nagpunta tayo? Ama at anak pa ba kami?"

1350
01:12:12,880 --> 01:12:15,000
"Huwag mong sabihin iyan."

1351
01:12:15,080 --> 01:12:17,640
"Ang punto ay, ang pagsisindi
ng paputok ay parang

1352
01:12:17,720 --> 01:12:20,080
tinatawag natin siya

1353
01:12:20,160 --> 01:12:22,240
para kainin ang pagkain dito."

1354
01:12:23,120 --> 01:12:25,040
"Paano mo nalalamang kumakain si Tatay?"

1355
01:12:25,840 --> 01:12:28,560
"Nakikita mo lahat ng puntod
na hindi binibisita ninuman?"

1356
01:12:29,360 --> 01:12:31,160
"Paano kung pumunta sila
para kainin ang pagkain natin?"

1357
01:12:33,840 --> 01:12:36,040
"At mahilig si Tatay
sa magarang pagkain at alak."

1358
01:12:36,120 --> 01:12:40,040
"Baka nga kumakain siya
sa malaking puntod doon."

1359
01:12:40,800 --> 01:12:42,480
"Maganda ang panlasa niya."

1360
01:12:43,240 --> 01:12:46,640
"Hindi siya mag-iiskuwater dito,
kinakain ang tuyot na manok na ito."

1361
01:12:50,640 --> 01:12:52,560
"Bakit ba kailangang narito ako?"

1362
01:12:52,640 --> 01:12:55,400
"Dahil may dugong Tsino ka.
Ang pangalan mo, Taephanich."

1363
01:12:55,480 --> 01:12:58,000
"Lahat ng Taephanich
ay may pangalang Tsino."

1364
01:12:58,080 --> 01:13:00,120
"Ang pangalan ng tatay mo ay Toh Kim."

1365
01:13:00,200 --> 01:13:02,200
"Ang sa tiyo mo naman ay Toh Kai."

1366
01:13:02,280 --> 01:13:07,320
"At nariyan sina Toh Leng, Toh Song,
Toh kung ano, sabihin mo lang."

1367
01:13:07,400 --> 01:13:09,320
Kaya tinanong ko, "Paano ako?"

1368
01:13:11,200 --> 01:13:13,400
Sabi niya, "Ikaw si Toh Tuek Tuek."

1369
01:13:20,600 --> 01:13:21,680
Kaya ayoko na sa mga burol.

1370
01:13:23,240 --> 01:13:24,640
Tapos na ako
sa Araw ng Paglilinis ng Puntod.

1371
01:13:24,720 --> 01:13:26,440
Ngayon ang mga mesa ng chef,

1372
01:13:26,520 --> 01:13:27,920
hindi ko rin gagawin ang mga iyon.

1373
01:13:28,920 --> 01:13:31,600
Ang mesa ng chef ay parang <i>omakase</i>.

1374
01:13:31,680 --> 01:13:33,760
Ang ibig sabihin ng <i>omakase</i> ay

1375
01:13:33,840 --> 01:13:37,160
ang tiwalang binibigay mo sa chef.

1376
01:13:37,240 --> 01:13:38,600
Kaya sila ang bahala sa lahat.

1377
01:13:38,680 --> 01:13:40,720
Sa <i>omakase</i>,
hahayaan mo silang piliin ang pagkain,

1378
01:13:40,800 --> 01:13:42,360
dahil ayaw mo.

1379
01:13:43,480 --> 01:13:45,720
Ang piliin kung ano ang kakainin
ay puwedeng pagsimulan ng away

1380
01:13:46,520 --> 01:13:47,680
ninyo ng asawa mo.

1381
01:13:47,760 --> 01:13:49,520
Yung mga may asawa ay alam ito.

1382
01:13:51,080 --> 01:13:52,760
"Ano'ng kakainin natin?"

1383
01:13:52,840 --> 01:13:54,920
Sasabihin ng babae, "Kahit ano."

1384
01:13:55,680 --> 01:14:00,600
Nasabi ko na ito noon. Ang katagang ito,
"kahit ano," ay puwedeng simula ng giyera.

1385
01:14:01,440 --> 01:14:04,000
Kaya sa <i>omakase</i>,
hindi mo kailangang mamili.

1386
01:14:04,080 --> 01:14:05,440
Hayaang ang chef ang mamili.

1387
01:14:05,520 --> 01:14:07,120
Minsan ay may ideya ako

1388
01:14:07,880 --> 01:14:11,520
kung paano lutasin
ang problemang ito ng "kahit ano".

1389
01:14:11,600 --> 01:14:14,240
Mainam kung ang 7-Eleven
ay may pagkaing kakainin na lang

1390
01:14:15,760 --> 01:14:17,240
na walang etiketa sa mga iyon.

1391
01:14:17,320 --> 01:14:19,480
Hindi mo alam kung ano ang laman nila.

1392
01:14:19,560 --> 01:14:22,000
Mga mystery box meal.

1393
01:14:22,600 --> 01:14:24,080
Hindi mo makita ang nasa loob.

1394
01:14:24,680 --> 01:14:27,800
Kapag sinabi ng asawa mo na, "Kahit ano,"
kukuha ka na lang ng kahon,

1395
01:14:27,880 --> 01:14:29,800
at kailangan nilang kainin iyon.

1396
01:14:36,600 --> 01:14:40,040
Okay, sa <i>omakase</i>, hahayaan mong
chef ang pipili ng pagkain para sa iyo.

1397
01:14:40,120 --> 01:14:44,280
Kaso, ang mga chef ngayon,
ayaw na nilang magluto.

1398
01:14:44,360 --> 01:14:46,120
Gusto rin nilang mag-Ted Talks.

1399
01:14:46,920 --> 01:14:48,320
Mahilig silang magkuwento.

1400
01:14:48,400 --> 01:14:49,920
Napakaraming kuwento.

1401
01:14:50,000 --> 01:14:51,840
Napakarami nilang ibabahagi.

1402
01:14:51,920 --> 01:14:56,000
Kapag kumakain ako sa labas,
gusto kong kumain at tapusin na iyon.

1403
01:14:57,000 --> 01:14:59,680
Pero kapag nagpunta ako sa <i>omakase</i>,
kailangan kong maghintay nang matagal.

1404
01:14:59,760 --> 01:15:01,800
Alam ninyo?
Nagpapaliwanag sila ng mga bagay.

1405
01:15:01,880 --> 01:15:04,560
Napakaraming mesa,
pero nakatutok lang sila sa akin.

1406
01:15:04,640 --> 01:15:05,520
Sabi ng chef,

1407
01:15:05,600 --> 01:15:07,200
"G. Note,

1408
01:15:07,280 --> 01:15:10,040
ito ay baboy na Ibérico."

1409
01:15:10,840 --> 01:15:12,800
Pakiramadam ko ay tanga ako.
Kailangan ko pang saliksikin ito.

1410
01:15:13,640 --> 01:15:15,960
Ano ba ang baboy na Ibérico?

1411
01:15:16,040 --> 01:15:18,360
Nanggaling ba iyon sa mga Aborigines?

1412
01:15:18,440 --> 01:15:20,520
Wala silang ugnayan.
Mahal na baboy lang siya.

1413
01:15:20,600 --> 01:15:24,320
"Napakahirap magpalaki
ng mga baboy na Ibérico, napakamahal."

1414
01:15:24,400 --> 01:15:28,240
"Mahigit isang taon ang kinailangan namin
para patuyuin itong pata na ito."

1415
01:15:28,320 --> 01:15:30,920
"G. Note, namnamin po ninyo."

1416
01:15:31,000 --> 01:15:33,840
"Hindi ninyo kailangang
alalahanin ang taba

1417
01:15:33,920 --> 01:15:37,280
dahil ang baboy ay mula
sa aming sariling babuyan

1418
01:15:37,360 --> 01:15:40,880
sa kabukiran ng Inglatera."

1419
01:15:40,960 --> 01:15:43,040
"Pinakakain ang aming mga baboy
ng mataas na kalidad ng darak ng trigo."

1420
01:15:43,120 --> 01:15:47,480
"Mas mahalaga, hinahaluan namin ito
ng asin. Asin na Himalayan."

1421
01:15:47,560 --> 01:15:50,640
"Napakataas na kalidad. Hinahalo namin ito
at pinapakain sa mga baboy."

1422
01:15:50,720 --> 01:15:52,520
"Bakit mo kailangang lagyan ng asin iyon?"

1423
01:15:53,560 --> 01:15:55,840
"Natitikman ng mga baboy ang asin."

1424
01:15:55,920 --> 01:15:58,680
"Kapag kinain ng mga baboy ang pagkain,
mauuhaw sila."

1425
01:15:59,640 --> 01:16:00,720
"Tapos?"

1426
01:16:01,520 --> 01:16:03,760
"May lawa kami sa burol."

1427
01:16:04,440 --> 01:16:07,080
"Kailangan mong akyatin
mula sa baba ng burol

1428
01:16:07,160 --> 01:16:09,200
mga isang kilometro ang layo."

1429
01:16:10,080 --> 01:16:12,640
"Kaya tinuturuan namin ang mga baboy,
pagkakain nila,

1430
01:16:12,720 --> 01:16:14,560
na umakyat ng burol

1431
01:16:15,280 --> 01:16:16,640
para uminom sa lawa."

1432
01:16:17,240 --> 01:16:18,520
"Tapos?"

1433
01:16:18,600 --> 01:16:20,440
"Pagkainom nila, magugutom sila

1434
01:16:20,520 --> 01:16:23,840
at kailangang bumaba
ng isa pang kilometro para kumain."

1435
01:16:24,760 --> 01:16:28,400
"Tapos aakyat uli sila,
maglalakad ng isa pang kilometro."

1436
01:16:29,240 --> 01:16:32,240
"Kaya ang mga baboy namin, tulad nito,

1437
01:16:32,320 --> 01:16:35,320
ay walang taba kasi palagiang
may ehersisyo ang mga baboy namin."

1438
01:16:37,800 --> 01:16:40,440
Bakit niya ito sasabihin sa akin?

1439
01:16:40,520 --> 01:16:43,560
Sa tingin mo ba ay mas nanamnamin ko ito?

1440
01:16:43,640 --> 01:16:45,760
Gumagawa ka ng kasalanan, tanga ka.

1441
01:16:50,600 --> 01:16:52,520
Sisingilin ka ng karma.

1442
01:16:53,240 --> 01:16:56,600
Sa susunod na magbabawas ka
sa gasolinahan ng PTT,

1443
01:16:56,680 --> 01:17:00,360
ang bidet, pambuhos na tubig, toilet paper
ay lahat nasa gasolinahan sa Bangchak.

1444
01:17:10,240 --> 01:17:13,280
Sa isa pang mesa ng chef, tanyag ang chef.

1445
01:17:13,360 --> 01:17:15,000
Nagtatrabaho siya sa Workpoint.

1446
01:17:15,080 --> 01:17:19,440
"G. Note, ito po ay isang
matang-pusa mula sa bulkan."

1447
01:17:19,520 --> 01:17:24,360
"At ako lang ang tanging kinatawan
ng Thailand para sa isdang ito."

1448
01:17:24,440 --> 01:17:26,120
"Kailangan kong sabihin sa inyo na

1449
01:17:26,200 --> 01:17:28,600
mula ito sa aming palaisdaang
mataas ang kalidad."

1450
01:17:28,680 --> 01:17:30,640
Ayan na naman sila
sa sarili naming palaisdaan.

1451
01:17:30,720 --> 01:17:34,680
"Pinapalaki namin ito
sa bunganga ng bulkan sa Indonesia."

1452
01:17:34,760 --> 01:17:37,600
Hindi ko siya niloloko nang tinanong ko,

1453
01:17:38,760 --> 01:17:40,160
"Bakit ganoon kalayo?"

1454
01:17:40,240 --> 01:17:45,320
"Ah, G. Note, hindi naman ito delikado
dahil isa na itong patay na bulkan."

1455
01:17:45,400 --> 01:17:48,480
"May lawa sa bunganga
ng bulkan dulot ng ulan."

1456
01:17:48,560 --> 01:17:51,440
"Maraming mineral sa paligid ng bulkan,

1457
01:17:51,520 --> 01:17:53,360
kaya ang aming matang pusa ay pinalaki

1458
01:17:53,440 --> 01:17:55,600
sa kuhanan ng tubig na puno ng mineral."

1459
01:17:55,680 --> 01:17:57,320
"Ano ang pinapakain niyo sa kanila?"

1460
01:17:57,400 --> 01:17:59,960
"Pinapakain sila ng namatay
nang matang-pusa na mula sa bulkan

1461
01:18:00,040 --> 01:18:02,720
na pinatuyo
at giniling para maging pulbos."

1462
01:18:02,800 --> 01:18:06,520
"Kaya ang ecosystem doon
ay puno ng mineral."

1463
01:18:06,600 --> 01:18:08,600
"Puno ng mineral ang isda."

1464
01:18:08,680 --> 01:18:10,600
"Sana'y masarapan kayo. Wala iyang taba."

1465
01:18:11,280 --> 01:18:14,920
Habang kumakain ako,
si Jo, si Thana Thienachariya, ay nagtext.

1466
01:18:16,080 --> 01:18:20,040
Sabi niya,
"Anong balita? Gusto mong kumain?"

1467
01:18:20,120 --> 01:18:23,840
Kaya nagpadala ako ng litrato,
sabi ko ay nasa mesa ako ng chef,

1468
01:18:23,920 --> 01:18:26,800
ang tanging lugar kung saan makakahanap
ng matang-pusa mula sa bulkan sa Thailand.

1469
01:18:26,880 --> 01:18:30,360
"Gusto mo akong samahan?
Ano'ng kakainin mo ngayon?"

1470
01:18:30,440 --> 01:18:34,280
Sabi niya ay nasa Lhao Lhao siya,
at nagpadala ng litrato ng pagkain niya.

1471
01:18:34,360 --> 01:18:36,400
Matang-pusa na mula sa bulkan.

1472
01:18:43,560 --> 01:18:46,560
May isa pang chef na may isang bituin
na Michelin mula sa New York.

1473
01:18:46,640 --> 01:18:49,440
"Ngayong nakabalik na ako sa Thailand,
magpapakitang-gilas ako

1474
01:18:49,520 --> 01:18:51,720
sa industriya ng pagkain
para mamangha ang mga Thai."

1475
01:18:51,800 --> 01:18:53,800
"Gagawa ako ng inihaw na manok
at piniritong manok."

1476
01:18:53,880 --> 01:18:56,560
"Paano naging bago iyon?
Mayroon din kami niyan dito."

1477
01:18:56,640 --> 01:19:00,240
"Napaka-espesyal ng manok ko.
May sarili akong manukan."

1478
01:19:00,960 --> 01:19:02,240
Na naman?

1479
01:19:02,320 --> 01:19:06,240
"Pinalaki sa isang bukal sa may Chiang Rai
ang mga manok ko."

1480
01:19:06,320 --> 01:19:09,800
"Umiinom sila sa may bukal,
na napakalinis."

1481
01:19:09,880 --> 01:19:13,360
"Pinalaki sila sa taniman ng longan.
Sa sarili kong taniman ng longan."

1482
01:19:13,440 --> 01:19:17,080
"Bale longan ang kinakain ng mga manok.
Mas malambot ang mga karne nila."

1483
01:19:17,160 --> 01:19:20,000
"At alam ba ninyo na mainam
sa tuhod ang mga longan?"

1484
01:19:20,080 --> 01:19:24,280
"Gumagamit sila ng katas ng longan
para gumawa ng langis sa tuhod."

1485
01:19:24,840 --> 01:19:27,440
"Ito ang bentahe namin."

1486
01:19:27,520 --> 01:19:29,920
Naisip ko, may gout ako.

1487
01:19:31,120 --> 01:19:32,800
Ibon ang mga manok.

1488
01:19:32,880 --> 01:19:34,920
Anuman ang ipakain mo sa kanila,

1489
01:19:36,600 --> 01:19:38,560
susumpungin pa rin ako ng gout.

1490
01:19:40,640 --> 01:19:44,720
Kamakailan lang, may pinuntahan
akong lugar sa Ratchaphruek.

1491
01:19:44,800 --> 01:19:47,720
Ang Ratchaphruek compound.
Isa siyang magarang <i>omakase</i>.

1492
01:19:47,800 --> 01:19:49,480
Nagpunta ako kasama sina Reed ng Aroi Lert

1493
01:19:49,560 --> 01:19:51,240
at Sorayuth.

1494
01:19:51,320 --> 01:19:54,880
Napakamamahaling kainan noon.
Pero naasiwa ba ako?

1495
01:19:54,960 --> 01:19:56,840
Hindi, kasi sila ang magbabayad.

1496
01:19:57,880 --> 01:20:01,560
Ibang klaseng mamahaling
kainang Hapones iyon.

1497
01:20:01,640 --> 01:20:06,200
Yung chef ay hindi lamang naka puting
uniporme na may puting sumbrero ang suot.

1498
01:20:06,280 --> 01:20:09,520
May malaking tabla na ganito
sa harap ng mesa.

1499
01:20:09,600 --> 01:20:13,400
At ang uniporme ng chef ay parang sa…

1500
01:20:13,480 --> 01:20:16,120
isang mandirigmang Hapones,
may tali at lahat.

1501
01:20:16,200 --> 01:20:19,240
Pero alam ninyo, sa uniporme pa lang niya
sulit na ang pagpunta roon.

1502
01:20:19,320 --> 01:20:22,480
Kinatay niya ang isda
at inihain iyon sa akin.

1503
01:20:26,880 --> 01:20:30,520
Tunog Hapones siya, pero yung mukha niya
ay nagsasbing hilagang-silangang Thailand.

1504
01:20:34,280 --> 01:20:35,760
"G. Note,

1505
01:20:35,840 --> 01:20:38,240
bibihira ang isda rito."

1506
01:20:38,320 --> 01:20:41,480
"May panahon lamang siya
at napakahirap hanapin."

1507
01:20:41,560 --> 01:20:44,120
"Ito ang pinakahuli sa kargamento nito."

1508
01:20:44,200 --> 01:20:45,560
"Tinatawag itong…"

1509
01:20:45,640 --> 01:20:48,080
Tapos ay sinabi niya ang pangalan ng isda.
Hindi ko matandaan kung ano iyon.

1510
01:20:48,160 --> 01:20:51,240
Tawagin natin iyong
Shogi Mitsu Monogatari.

1511
01:20:52,320 --> 01:20:56,120
"Para makahuli ng Shogi Mitsu Monogatari,
kailangan mong gawin ito nang natural,

1512
01:20:56,200 --> 01:20:59,080
sa isang bukal sa ilalim ng talampas."

1513
01:20:59,160 --> 01:21:01,520
"Nabubuhay sila nang magkapares."

1514
01:21:01,600 --> 01:21:03,960
"Para silang mga kalaw."

1515
01:21:04,040 --> 01:21:06,080
"Iisa lang buong buhay nila
ang kapares nila."

1516
01:21:06,160 --> 01:21:08,320
"Hinuhuli namin sila tuwing
pagtulog nila sa taglamig,

1517
01:21:08,400 --> 01:21:10,400
dahil iyon ang panahon
na marami silang taba.

1518
01:21:10,480 --> 01:21:14,680
Magandang taba. Hindi namin kinukuha
ang babae dahil masyadong maraming taba."

1519
01:21:14,760 --> 01:21:16,680
"Puwede siyang maging sobrang mamantika."

1520
01:21:16,760 --> 01:21:18,960
"Yung mga lalaki ang may tamang dami
ng taba at texture."

1521
01:21:19,040 --> 01:21:21,440
"Kahit mga otoro
ay hindi makakalaban dito."

1522
01:21:21,520 --> 01:21:24,360
Tapos ay inilagay niya iyon sa harap ko.

1523
01:21:25,720 --> 01:21:27,120
Naisip ko,

1524
01:21:28,400 --> 01:21:29,840
paano ako masasarapan dito?

1525
01:21:31,040 --> 01:21:33,000
Kasasabi mo lang
na panghabambuhay silang nakikipagniig.

1526
01:21:34,080 --> 01:21:36,840
Isang kapares sa buong buhay.
At pinaghiwalay mo sila.

1527
01:21:38,000 --> 01:21:40,720
Ngayon ay may balong
Shogi Mitsu Monogatari

1528
01:21:40,800 --> 01:21:43,240
na nakatira nang mag-isa
sa ilalim ng mga talampas.

1529
01:21:43,320 --> 01:21:44,840
Paano ko ito makakain?

1530
01:21:46,280 --> 01:21:50,480
Itong mga chef…
Minsan ay gusto ko silang itali

1531
01:21:50,560 --> 01:21:52,640
at ipakain sa kanila
ang pagkaing niluto ko.

1532
01:21:53,480 --> 01:21:56,320
"Mga chef, tingnan ninyo. Ito ay hito."

1533
01:21:57,000 --> 01:21:58,520
"Ang hitong ito

1534
01:21:59,680 --> 01:22:01,360
ay pinalaki

1535
01:22:01,440 --> 01:22:04,520
sa isang kulungan ng isda
sa Wat Tha Makham,

1536
01:22:05,440 --> 01:22:06,880
na santuwaryo ng mga hayop."

1537
01:22:08,640 --> 01:22:10,760
"Pinapakain sila ng mga bulitas
na pagkain ng isda

1538
01:22:11,720 --> 01:22:14,480
na bigay ng mga matuwid
na nagpupunta sa templo."

1539
01:22:14,560 --> 01:22:16,640
"Dalawang beses sa isang araw
silang nakakapakinig ng mga sermon."

1540
01:22:18,160 --> 01:22:21,840
"Hinuli namin sila sa pinakamagandang
oras, yung hindi nakatingin ang abbot."

1541
01:22:29,160 --> 01:22:33,080
"Hindi namin sila pinupuwersa.
Kusa silang namatay."

1542
01:22:33,800 --> 01:22:36,080
"Kasi katatapos lang naming magdasal,
'Mahal na isda,

1543
01:22:37,040 --> 01:22:38,960
kung oras mo na,

1544
01:22:39,040 --> 01:22:41,720
lumutang ka na lang.'"

1545
01:22:41,800 --> 01:22:44,400
"Tapos ay maglalagay kami
ng 220 volts ng kuryente

1546
01:22:45,200 --> 01:22:46,680
sa tubig,

1547
01:22:48,000 --> 01:22:50,840
at kusa na silang lulutang sa tubig."

1548
01:22:52,360 --> 01:22:55,520
"Iniihaw namin sila
sa hindi nagbabagong temperatura

1549
01:22:55,600 --> 01:22:57,640
sa insinerator sa may templo."

1550
01:22:59,840 --> 01:23:02,720
Sa tingin ba ninyo kapag narinig ninyo ito
ay mas mapapasarap ang pagkain?

1551
01:23:03,680 --> 01:23:07,560
Sa palagay ko ay hindi mahalaga
kung galing sa buwan ang mga isda.

1552
01:23:07,640 --> 01:23:09,560
Ang mahalaga
ay kung maayos mo itong niluto.

1553
01:23:09,640 --> 01:23:12,240
Sa tingin ko, sa mesa ng chef,

1554
01:23:12,320 --> 01:23:15,640
naghahain sila ng sobrang kaunti,
sobrang tagal, at masyado silang madaldal.

1555
01:23:23,120 --> 01:23:25,440
Ang isa pang hindi ko na matiis

1556
01:23:27,080 --> 01:23:28,800
ay yung inidoro na titingkayad ka.

1557
01:23:29,720 --> 01:23:32,280
Kayong mga bata pa,

1558
01:23:32,360 --> 01:23:35,560
payat, at walang problema sa tuhod
ay hindi mauunawaan.

1559
01:23:35,640 --> 01:23:37,560
Noong kaedad ninyo ako,

1560
01:23:37,640 --> 01:23:39,960
hindi ko naisip na magiging problemang
gumamit ng banyo na nakatingkayad ka.

1561
01:23:40,040 --> 01:23:42,520
Pero habang tumatanda ka,

1562
01:23:42,600 --> 01:23:44,320
masikip na banda rito.

1563
01:23:44,400 --> 01:23:47,640
O kung mataba ka
o masakit ang tuhod o binti.

1564
01:23:47,720 --> 01:23:51,120
Sa kaso ko, mas mahirap
kasi inoperahan ako sa ACL,

1565
01:23:51,200 --> 01:23:54,680
kung saan ay pinalitan nila ang napunit
na litid ng isang bahagi ng isa pang litid

1566
01:23:54,760 --> 01:23:58,560
kinabitan ng dalawang turnilyo, para
magalaw ko hanggang dito ang tuhod ko.

1567
01:23:58,640 --> 01:24:02,320
Kapag pinilit ko pa, pakiramdam ko
ay matatanggal ang binti ko.

1568
01:24:02,400 --> 01:24:03,760
Noong monghe ako,

1569
01:24:03,840 --> 01:24:07,360
nakita kong nahihirapan ang ibang monghe
na mahirapang maupo na parang Indian.

1570
01:24:07,440 --> 01:24:10,840
Pero sa kaso ko, kailangan kong
maupo nang ganito

1571
01:24:10,920 --> 01:24:13,640
kapag nagdarasal ako
o ginagawa ang mga awit.

1572
01:24:13,720 --> 01:24:17,240
Kaya ako ang tampulan ng pansin sa templo.

1573
01:24:17,320 --> 01:24:19,640
Pero may problema kasi ako,
ang problemang ito sa pagkilos.

1574
01:24:19,720 --> 01:24:21,760
Hindi ako puwedeng tumingkayad.
Hindi ako puwedeng ibaba ang tuhod ko.

1575
01:24:21,840 --> 01:24:25,400
Kaya mahirap ang buhay kapag kailangan
kong gumamit ng inidoro na titingkayad.

1576
01:24:25,480 --> 01:24:27,360
Impiyerno talaga.

1577
01:24:27,440 --> 01:24:32,520
Sa mga gasolinahan sa Bangkok,
lahat sila ay may inidoro.

1578
01:24:34,360 --> 01:24:38,040
Pero kapag umalis ka ng Bangkok, mayroon
lang noon sa banyo ng may kapansanan.

1579
01:24:38,120 --> 01:24:39,880
Lahat ay titingkayad ka na.

1580
01:24:39,960 --> 01:24:41,600
Kailangan kong aminin

1581
01:24:41,680 --> 01:24:44,080
na patakas akong gumagamit
ng mga banyo ng may kapansanan.

1582
01:24:45,080 --> 01:24:46,520
Ang iniisip ko,

1583
01:24:46,600 --> 01:24:48,680
kung mahuli man ako,

1584
01:24:48,760 --> 01:24:51,320
sasabihin ko na lang sa kanila
na may sira ang utak ko.

1585
01:24:52,480 --> 01:24:54,480
Iyon lang ang paraan.

1586
01:24:55,400 --> 01:24:57,680
Sa ibang sitwasyon, ano ang gagawin ko?

1587
01:24:57,760 --> 01:24:59,360
Mahilig ako sa pagkaing kalye.

1588
01:24:59,440 --> 01:25:02,480
Mahilig akong pumunta sa iba-ibang lugar,
tulad ng nakita ninyo sa mga clip.

1589
01:25:02,560 --> 01:25:04,520
Pumunta ako sa Walking Street.

1590
01:25:04,600 --> 01:25:07,280
Noong minsan,
kumain ako ng inihaw na pusit.

1591
01:25:07,360 --> 01:25:10,440
Habang kumakain ako,
nararamdaman ko ang kulo ng tiyan ko.

1592
01:25:10,520 --> 01:25:13,680
Hindi ko alam ang lugar.

1593
01:25:13,760 --> 01:25:16,360
At, dahil kilala ako,

1594
01:25:16,440 --> 01:25:18,360
bilang sikat na tao,

1595
01:25:18,440 --> 01:25:21,400
kapag pakiramdam mo
ay nagloloko ang tiyan mo,

1596
01:25:21,480 --> 01:25:24,040
kailangan mong makahanap ng banyo ASAP.

1597
01:25:24,120 --> 01:25:26,720
Kung hindi, kapag nakita ka,

1598
01:25:26,800 --> 01:25:29,440
gusto ng mga tao na magpakuha ng litrato,
at hindi na iyon matatapos.

1599
01:25:29,520 --> 01:25:30,960
Patuloy na darating ang mga tao.

1600
01:25:31,040 --> 01:25:33,640
Mga selfie, litrato ng grupo,

1601
01:25:33,720 --> 01:25:35,720
uulit ng kuha, ganito at ganyan.

1602
01:25:35,800 --> 01:25:38,320
Aayusin. Ipo-post sa TikTok.

1603
01:25:39,000 --> 01:25:43,240
At hindi puwedeng tumutulo
sa binti mo ang dumi mo.

1604
01:25:43,320 --> 01:25:47,280
Kaya kailangan kong
pumunta na agad ng banyo, kahit saan.

1605
01:25:47,360 --> 01:25:50,320
Kailangan kong makahanap ng kahit anong
pampublikong banyo. Kahit ano.

1606
01:25:50,400 --> 01:25:52,600
Hindi na ako puwedeng
maging pihikan sa puntong ito.

1607
01:25:52,680 --> 01:25:54,120
Kaya pumasok ako

1608
01:25:54,960 --> 01:25:56,640
sa pampublikong banyo.

1609
01:25:56,720 --> 01:25:59,960
Ito yung klase ng banyo
na kung may kandado ang pinto,

1610
01:26:00,040 --> 01:26:01,480
ituring mong suwerte ka.

1611
01:26:01,560 --> 01:26:04,240
Karaniwan ay may mga alambreng
nakakabit para isara iyon.

1612
01:26:04,320 --> 01:26:05,880
Kaya pumasok ako.

1613
01:26:07,160 --> 01:26:08,400
Ay, peste.

1614
01:26:09,760 --> 01:26:12,600
Kailangan kong pakalmahin
ang sarili ko nang makita ko

1615
01:26:12,680 --> 01:26:14,480
ang naninilaw na inidorong titingkayad ka.

1616
01:26:14,560 --> 01:26:15,880
Isipin ninyo ito.

1617
01:26:15,960 --> 01:26:17,880
May isang maliit na timba ng tubig,

1618
01:26:17,960 --> 01:26:19,200
parisukat siya,

1619
01:26:19,280 --> 01:26:20,520
na halos walang tubig.

1620
01:26:20,600 --> 01:26:21,600
Halos wala.

1621
01:26:22,280 --> 01:26:25,240
Sa loob nito ay lumang mangkok
na may lamat

1622
01:26:25,320 --> 01:26:27,280
at kaunting kalawang.

1623
01:26:27,360 --> 01:26:29,640
Sa itaas ng timba ay tumatagas na gripo

1624
01:26:29,720 --> 01:26:32,440
na tinalian ng plastic na lubid
para kontrolin ang tagas.

1625
01:26:33,600 --> 01:26:37,080
Umaapaw sa gamit na tisyu ang basurahan.

1626
01:26:37,160 --> 01:26:39,880
Akala mo 300 tao ang pumasok doon
noong araw na iyon.

1627
01:26:40,600 --> 01:26:43,480
Yung sahig naman ay basa at maputik.

1628
01:26:43,560 --> 01:26:46,560
Hindi mo malaman kung ihi ng tao iyon.

1629
01:26:46,640 --> 01:26:48,160
Hindi pantay ang sahig.

1630
01:26:48,240 --> 01:26:50,680
May lusak ng tubig sa sahig.

1631
01:26:50,760 --> 01:26:54,240
Kaduda-duda lang talaga
ang itsura ng lugar.

1632
01:26:56,840 --> 01:27:00,640
Walang kawit sa pader
para may mapagsasabitan ka man lang.

1633
01:27:00,720 --> 01:27:02,560
Dingding lang. Peste.

1634
01:27:02,640 --> 01:27:04,440
At napakainit.

1635
01:27:04,520 --> 01:27:07,280
Pero hindi ka puwedeng umalis
para maghanap ng iba pang banyo.

1636
01:27:07,360 --> 01:27:08,360
Hindi puwede,

1637
01:27:08,440 --> 01:27:11,240
kung hindi may ibang gagamit nito.

1638
01:27:11,320 --> 01:27:13,600
Kaya kailangan mong tiisin.

1639
01:27:13,680 --> 01:27:15,000
Kaya ito ang ginawa ko.

1640
01:27:15,080 --> 01:27:17,160
Una, bumuo ako ng diskarte

1641
01:27:17,920 --> 01:27:19,840
kung paano ang gagawin ko rito.

1642
01:27:19,920 --> 01:27:22,040
O sige. Ibinaba ko ang pantalon ko.

1643
01:27:22,120 --> 01:27:26,240
Ibababa ko siya hanggang sa paanan ko.

1644
01:27:29,440 --> 01:27:30,920
Hindi puwede iyon.

1645
01:27:31,000 --> 01:27:33,000
Kasi ang tae ko

1646
01:27:34,080 --> 01:27:35,880
ay malalaglag sa pantalon ko.

1647
01:27:35,960 --> 01:27:37,560
Peste.

1648
01:27:37,640 --> 01:27:41,000
Eh paano kung hubarin ko na lang talaga?

1649
01:27:41,080 --> 01:27:44,200
Walang pagsasabitan nito.
O baka puwede kong isabit sa pinto.

1650
01:27:45,360 --> 01:27:47,240
Pero nandoon ang cell phone at wallet ko.

1651
01:27:47,320 --> 01:27:48,600
Nakita ko sa video

1652
01:27:49,400 --> 01:27:52,080
na madaling nakawin ng tao
ang pantalon mo.

1653
01:27:52,680 --> 01:27:55,680
Ang taong tulad ni Note Udom
ay hindi puwedeng naglalakad,

1654
01:27:55,760 --> 01:27:57,880
nagtatanong,
"Nakita ba ninyo ang pantalon ko?"

1655
01:27:57,960 --> 01:28:00,880
Hindi puwedeng mangyari iyon.
Ano ang gagawin ko?

1656
01:28:01,680 --> 01:28:03,560
Peste. Nararamdaman ko nang lalabas na.

1657
01:28:03,640 --> 01:28:06,000
Hindi ko na kayang pigilan.
Ano'ng gagawin ko?

1658
01:28:06,080 --> 01:28:08,200
O sige. Kalma lang.

1659
01:28:09,400 --> 01:28:12,360
Alam ko na. Huhubarin ko ito
at ibibilot sa braso ko.

1660
01:28:13,640 --> 01:28:15,160
Alam ninyo ang tinutukoy ko?

1661
01:28:16,400 --> 01:28:17,760
Hindi?

1662
01:28:49,080 --> 01:28:51,320
Ang totoo, hinubad ko rin ang panloob ko.

1663
01:28:52,440 --> 01:28:54,680
Ipapakita ko rin ba iyon?

1664
01:28:55,920 --> 01:28:57,960
Gamitin na lang ninyo
ang imahinasyon ninyo.

1665
01:28:58,040 --> 01:29:00,200
Narito ang mga panloob ko.

1666
01:29:11,760 --> 01:29:13,440
Gusto ninyo bang mag-zoom in?

1667
01:29:15,160 --> 01:29:18,720
Para sa inyo na gustong subukan ito,

1668
01:29:18,800 --> 01:29:20,040
hayaan ninyong balaan ko kayo.

1669
01:29:23,080 --> 01:29:27,400
Tiyakin ninyong ang butas ng puwit ninyo
ay di direktang tapat sa kurba ng inidoro.

1670
01:29:28,080 --> 01:29:30,200
Dahil kapag nagbawas kayo,

1671
01:29:30,280 --> 01:29:31,720
ang batas ng salpukan

1672
01:29:32,800 --> 01:29:34,520
ay magdudulot na tumilamsik ang dumi.

1673
01:29:34,600 --> 01:29:37,720
Madudumihan nito ang hita mo
at paborito mong sapatos na de goma.

1674
01:29:37,800 --> 01:29:41,040
Alam ninyo ang tinutukoy ko?

1675
01:29:42,640 --> 01:29:46,240
Ngayong maganda na ang puwesto mo,
dire-diretso na itong lalabas.

1676
01:29:46,320 --> 01:29:49,280
Tapos, titingkayad ka na.

1677
01:29:49,360 --> 01:29:51,680
Hayaan mo lang. Suwabe lang.

1678
01:29:51,760 --> 01:29:53,480
Sige lang. Tuloy lang.

1679
01:29:56,320 --> 01:29:58,720
Tuloy lang. Huwag hihinto.

1680
01:30:03,160 --> 01:30:04,520
Pero,

1681
01:30:05,280 --> 01:30:08,560
yung mga masakit ang binti o tuhod
ay hindi ito magagawa nang matagal.

1682
01:30:08,640 --> 01:30:10,760
Kasi nagagawa mong mas bumaba pa

1683
01:30:10,840 --> 01:30:13,200
habang nanatili kang nakatingkayad.

1684
01:30:13,920 --> 01:30:17,720
Bukod doon ay mabaho at mainit.
Pinalala pa ng basang sahig.

1685
01:30:17,800 --> 01:30:19,760
Noon mismo, ang kailangan ko ay…

1686
01:30:19,840 --> 01:30:22,440
patuloy akong napapadausdos pababa,
pero hindi pa ako tapos.

1687
01:30:22,520 --> 01:30:23,600
Kailangan ko lang…

1688
01:30:24,600 --> 01:30:26,640
ng isang makakapitan.

1689
01:30:26,720 --> 01:30:28,600
Ang kailangan ko noon mismo

1690
01:30:28,680 --> 01:30:31,840
ay ang lubid na ginagamit ng babae
noong araw kapag nanganganak sila.

1691
01:30:33,120 --> 01:30:36,160
Diyos na mahabagin.
Wala akong makakapitan.

1692
01:30:36,240 --> 01:30:39,480
Nagiging tapat ako rito.
Nagbabawas ako at umiiyak.

1693
01:30:40,840 --> 01:30:43,840
Dumadaloy ang luha sa mukha ko.
Nakakainis.

1694
01:30:44,760 --> 01:30:48,880
Ano bang ginawa ko
para makaranas ng ganito?

1695
01:30:49,480 --> 01:30:53,320
Sabay na tumutulo na ang luha sa mukha ko
at lumalabas ang dumi mula sa puwit ko.

1696
01:30:53,400 --> 01:30:56,200
Sa wakas, hindi na ako makapagpigil pa.

1697
01:30:56,280 --> 01:30:58,560
Sobrang basa ang sahig.

1698
01:30:58,640 --> 01:31:01,480
"Hindi. Peste, hindi.
Hindi ko na kaya. Hindi na."

1699
01:31:03,560 --> 01:31:05,000
Ibinaba ko ang mga daliri ko.

1700
01:31:16,200 --> 01:31:19,320
Hindi ko inakalang magbabawas ako
sa ganoong puwesto, parang…

1701
01:31:21,120 --> 01:31:24,840
parang Amerikanong manlalaro ng football
na tatakbo para sa touchdown.

1702
01:31:24,920 --> 01:31:27,880
Kadiri talaga.
Iniisip ko, "Ang kamay ko."

1703
01:31:27,960 --> 01:31:31,800
Pero kailangan, dahil masakit na
ang tuhod ko na parang puputok na.

1704
01:31:31,880 --> 01:31:36,000
Habang ako ay umiiyak at nagbabawas,
iniisip ko, "Peste."

1705
01:31:39,040 --> 01:31:40,200
Nagpatuloy ako.

1706
01:31:40,280 --> 01:31:42,680
At tapos ay nagapi ako ng bigat ko.

1707
01:31:42,760 --> 01:31:45,480
Nanginginig ang kamay ko
na parang pupulikatin na.

1708
01:31:45,560 --> 01:31:48,280
Hindi ako makapagpatuloy kaya buong
kamay ko na ang ginamit ko.

1709
01:31:50,800 --> 01:31:52,840
Ang puwesto ko sa pagbabawas

1710
01:31:53,920 --> 01:31:55,800
ay parang bayani sa <i>The Avengers</i>.

1711
01:32:01,280 --> 01:32:03,760
Nang natapos na ang lahat,

1712
01:32:03,840 --> 01:32:06,080
iniisip ko, "Peste."

1713
01:32:06,640 --> 01:32:08,280
Puwede ko bang putulin ang kamay ko?

1714
01:32:09,200 --> 01:32:11,720
Hindi na ito ang kamay ko.

1715
01:32:11,800 --> 01:32:13,240
Hindi na.

1716
01:32:15,000 --> 01:32:17,880
Ano'ng gagawin ko? Malay ko kung anong
kadiring bagay ang nahawakan nito?

1717
01:32:17,960 --> 01:32:19,680
Ano ang gagawin ko rito?

1718
01:32:22,440 --> 01:32:23,960
May masamang ideyang pumasok sa isip ko

1719
01:32:24,840 --> 01:32:26,360
May timba roon mismo.

1720
01:32:30,040 --> 01:32:31,760
Alam ninyo iyon?
Paano kung gawin ko kaya ito?

1721
01:32:33,560 --> 01:32:35,760
Pero sa loob-loob ko. Nahiya rin ako.

1722
01:32:35,840 --> 01:32:37,680
May budhi pa naman ako.

1723
01:32:37,760 --> 01:32:39,600
Gagamitin ito ng ibang tao.

1724
01:32:39,680 --> 01:32:41,040
Okay.

1725
01:32:41,120 --> 01:32:42,560
Ano'ng gagawin ko?

1726
01:32:42,640 --> 01:32:44,480
Alam ko na. Gawin na natin ito.

1727
01:32:46,360 --> 01:32:47,400
Nasaan ang tabo?

1728
01:32:48,880 --> 01:32:51,880
Kaya kinuha ko ang tabo
at sumalok ng tubig.

1729
01:32:51,960 --> 01:32:54,000
May mga lamat ito,
kaya tumutulo ang tubig.

1730
01:33:03,320 --> 01:33:05,360
Hinuhugasan ko ang kamay ko
nang parang ganito.

1731
01:33:05,440 --> 01:33:07,960
Panay ganito ang ginagawa ko,
unti-unti kong nililinis,

1732
01:33:08,040 --> 01:33:11,080
hanggang maging sapat na
ang linis ng kamay ko.

1733
01:33:16,480 --> 01:33:18,560
Paano na ngayon?

1734
01:33:19,160 --> 01:33:22,360
Walang tisyu. Hindi ako
nagdadala ng tisyu. Hindi ako babae.

1735
01:33:22,440 --> 01:33:24,840
Okay. Isuot na lang natin ang pantalon.

1736
01:33:24,920 --> 01:33:27,120
Lumakad palabas.
Walang kailangang makaalam.

1737
01:33:28,240 --> 01:33:32,160
Paano kung makita ako ng mga tagahanga ko,
alam ninyo iyon?

1738
01:33:32,240 --> 01:33:34,720
Isang litrato sa likod ko ang magpapakita
ng mga mantsa sa puwit ko.

1739
01:33:34,800 --> 01:33:36,360
Masisira ang reputasyon ko.

1740
01:33:36,440 --> 01:33:40,280
Paano ako ngayon maghuhugas ng puwit?
Subukan natin uli ang tabo.

1741
01:33:41,720 --> 01:33:44,160
Sumalok ako ng tubig. Tumulo ang tubig.

1742
01:33:46,760 --> 01:33:49,760
Paano na? Magiging makalat ito. Dito kaya?

1743
01:33:49,840 --> 01:33:53,160
Hindi ako si Jackie Chan. Di ko maitataas
sa pader ang binti ko at magbuhos ng tubig

1744
01:33:53,240 --> 01:33:55,160
sa buong puwit ko.

1745
01:33:55,240 --> 01:33:58,600
Peste! Paano ako lalabas dito?

1746
01:33:59,200 --> 01:34:01,080
Isip. Kailangan kong mag-isip.

1747
01:34:03,360 --> 01:34:05,000
Teka. Mayroon ako nito.

1748
01:34:20,960 --> 01:34:23,920
Gumana siya. Sasabihin ko sa inyo.

1749
01:34:31,520 --> 01:34:33,200
Madali lang.

1750
01:34:33,280 --> 01:34:34,400
Itupi nang ganito.

1751
01:34:35,520 --> 01:34:37,200
At tapos na.

1752
01:34:45,640 --> 01:34:46,680
Iyon ay…

1753
01:34:47,640 --> 01:34:49,400
para sa kasiyahan ninyo.

1754
01:34:59,800 --> 01:35:02,440
Alam ninyo, sa mga konsiyertong K-pop,

1755
01:35:02,520 --> 01:35:03,840
na may mga mang-aawit na Koreano,

1756
01:35:03,920 --> 01:35:06,280
maloloka ang mga tagahanga

1757
01:35:07,720 --> 01:35:12,160
kapag yung mang-aawit ay magpupunas
ng pawis nila gamit ang bandana o ano.

1758
01:35:12,240 --> 01:35:15,080
Mag-aaway ang mga tagahanga para roon.

1759
01:35:15,160 --> 01:35:18,520
Naghihiyawan, "Akin iyan!"

1760
01:35:18,600 --> 01:35:19,920
Huwag niyong pag-awayan ito.

1761
01:35:21,880 --> 01:35:23,240
Ibabato ko sa iyo.

1762
01:35:27,320 --> 01:35:28,680
Ayaw niyo?

1763
01:35:31,480 --> 01:35:34,920
-Gusto mo? Nagbibiro ka ba?
-Gusto ko. Pati iyong isa.

1764
01:35:41,120 --> 01:35:42,440
Mas mainam ang isa.

1765
01:35:42,520 --> 01:35:45,160
Isang pares ng medyas iyan. Alam mo iyon?

1766
01:35:45,240 --> 01:35:47,840
Mayroon kang isa, nasa akin ang isa.

1767
01:35:54,880 --> 01:35:57,160
Yung pangyayaring iyon ay ginawa akong…

1768
01:35:57,840 --> 01:36:01,080
Napagtanto ko roon
na may masamang karma ako

1769
01:36:01,160 --> 01:36:03,040
sa mga banyo.

1770
01:36:03,120 --> 01:36:07,120
Pagtapos noon, nagbigay ako ng donasyon
para magtayo ng banyo sa paaralan, templo.

1771
01:36:07,200 --> 01:36:10,000
Karaniwan kapag nag-memerito ang mga tao,
nananalangin sila para sa mga bagay

1772
01:36:10,080 --> 01:36:12,400
tulad ng mahabang buhay,
kaligayahan, kalusugan,

1773
01:36:12,480 --> 01:36:14,520
pag-akyat sa langit, mga ganoon.

1774
01:36:14,600 --> 01:36:16,280
Hindi ako. Sinabi ko,

1775
01:36:16,920 --> 01:36:18,720
"Kapag kumukulo ang tiyan ko,

1776
01:36:19,600 --> 01:36:22,200
sana ay may malapit na banyo."

1777
01:36:22,880 --> 01:36:25,520
"Sana po ay may karaniwang toilet
na may ilaw, malinis na tubig,

1778
01:36:25,600 --> 01:36:28,520
tabo, tisyu, at kandado sa pintuan."

1779
01:36:28,600 --> 01:36:31,160
"Sana ay walang ahas, walang palaka,
walang tuko, walang hayop."

1780
01:36:31,240 --> 01:36:34,080
"Sana ay laging may
maayos na banyo para sa akin."

1781
01:36:34,160 --> 01:36:36,000
"Amen."

1782
01:36:43,240 --> 01:36:45,720
Kaya iyan ang hindi ko titiisin.

1783
01:36:46,440 --> 01:36:50,120
May isa pang bagay
na hindi ko na titiisin.

1784
01:36:50,200 --> 01:36:53,680
Hindi ito bagay, hindi tao.

1785
01:36:53,760 --> 01:36:54,920
Ito ay…

1786
01:36:55,800 --> 01:36:59,120
isang multong nakatira sa bahay ko.

1787
01:36:59,200 --> 01:37:03,000
May multo na ikinuwento ko noon.

1788
01:37:03,080 --> 01:37:04,720
Naroon pa rin.

1789
01:37:04,800 --> 01:37:08,440
Hindi ko alam kung ano
ang gagawin ko roon.

1790
01:37:08,520 --> 01:37:12,080
Kaya dinala ko ang Oum Oim
mula sa <i>The Sixth Sense</i> sa bahay ko.

1791
01:37:12,160 --> 01:37:15,320
Tulad ng alam ninyo, ang bahay ko
ay gusali na may tatlong palapag.

1792
01:37:15,400 --> 01:37:16,760
Sa pinakataas na palapag ako nakatira.

1793
01:37:16,840 --> 01:37:19,400
Ang ikalawang palapag ay ang opisina.
Ang unang palapag ay para sa mga pulong.

1794
01:37:19,480 --> 01:37:21,560
Pumasok sa bahay ko si Oum Oim

1795
01:37:21,640 --> 01:37:24,920
<i>at sumakay ng elevator</i>
<i>papunta sa ikatlong palapag.</i>

1796
01:37:25,000 --> 01:37:26,800
<i>Naglakad siya papunta sa sala,</i>

1797
01:37:26,880 --> 01:37:30,640
<i>na mga bandang</i>
<i>12 hanggang 15 metro ang haba.</i>

1798
01:37:30,720 --> 01:37:32,280
<i>Malaking espasyo iyon.</i>

1799
01:37:32,360 --> 01:37:34,000
Sabihin nating narito ang elevator.

1800
01:37:34,080 --> 01:37:35,800
Ito naman dito

1801
01:37:37,360 --> 01:37:39,720
ang pader bago tayo makarating ng kuwarto.

1802
01:37:39,800 --> 01:37:42,040
Ito ang pinto ng kuwarto.

1803
01:37:42,120 --> 01:37:44,280
Ito naman ay dingding.

1804
01:37:44,360 --> 01:37:46,000
Dito ang kuwarto.

1805
01:37:46,080 --> 01:37:47,920
Umibis kami ng elevator.

1806
01:37:50,960 --> 01:37:53,440
Naglakad-lakad si Oum Oim,
gamit ang kanyang sixth sense.

1807
01:37:56,080 --> 01:37:59,920
Nasa likod niya ako.
Tinanong ko, "Narito pa ba siya?"

1808
01:38:00,600 --> 01:38:04,480
Si Som, ang unang taong dinala ko,

1809
01:38:04,560 --> 01:38:07,160
ay nagsabing nakaupo iyon dito.

1810
01:38:07,240 --> 01:38:09,040
<i>Na nakaupo iyon doon sa buong panahon.</i>

1811
01:38:10,640 --> 01:38:13,760
<i>Lumapit si Oum Oim at tumingin.</i>

1812
01:38:13,840 --> 01:38:18,120
<i>Sabi niya, "Hindi. Wala rito.</i>
<i>Puwede ba akong pumasok sa kuwarto mo?"</i>

1813
01:38:18,200 --> 01:38:19,880
<i>Kaya pumasok kami sa kuwarto.</i>

1814
01:38:26,240 --> 01:38:28,320
<i>"Doon, sa ulunan ng kama mo."</i>

1815
01:38:29,680 --> 01:38:32,760
<i>Peste. Buong panahong ito,</i>
<i>akala ko nasa labas lang iyon.</i>

1816
01:38:36,560 --> 01:38:40,280
"Paano nakarating rito? Sinundan tayo?"
"Hindi, ito ang lugar niya."

1817
01:38:40,360 --> 01:38:42,320
Ano? "Bakit iyon narito?"

1818
01:38:42,400 --> 01:38:44,400
<i>"Pinagmamasdan ka niyang</i>
<i>matulog bawat gabi."</i>

1819
01:38:44,960 --> 01:38:46,320
Peste.

1820
01:38:47,840 --> 01:38:50,680
"Paano niya ako pinapanood?
Paano, Oum Oim?"

1821
01:38:50,760 --> 01:38:53,720
"Dito. Parang ganito. Dito ka natutulog."

1822
01:38:53,800 --> 01:38:55,440
"Nakatayo siya nang ganito."

1823
01:38:57,920 --> 01:38:59,400
Ano?

1824
01:39:00,840 --> 01:39:04,000
"Kita ko ang gawi niya.
Nasa ulunan siya ng kama

1825
01:39:04,080 --> 01:39:05,920
at sa paanan ng kama."

1826
01:39:06,000 --> 01:39:09,560
"Ito ang lugar niya. Dito siya nakatira."

1827
01:39:10,520 --> 01:39:11,960
Ano?

1828
01:39:12,040 --> 01:39:14,040
"May gusto ka bang sabihin sa kaniya?"

1829
01:39:15,360 --> 01:39:18,360
Parang ganito iyon.
Nakatayo rito si Oum Oim.

1830
01:39:18,440 --> 01:39:19,760
Dito mismo.

1831
01:39:19,840 --> 01:39:22,000
Sabi niya ay narito ang multo.

1832
01:39:22,080 --> 01:39:23,520
At narito ako.

1833
01:39:24,360 --> 01:39:26,760
"May gusto ka bang sabihin sa kaniya?"

1834
01:39:28,360 --> 01:39:30,360
Ngayon ay para akong may tagapagsalin.

1835
01:39:30,440 --> 01:39:32,200
"Itanong mo sa kaniya

1836
01:39:32,280 --> 01:39:35,160
kung saan siya nagmula
at ano'ng ginagawa niya rito."

1837
01:39:36,280 --> 01:39:38,680
"Sabi niya ay isa siyang
sinaunang lalaking Thai

1838
01:39:38,760 --> 01:39:42,880
na namatay rito at nakatira na rito
nang matagal bago ka lumipat."

1839
01:39:42,960 --> 01:39:47,880
"Noong araw, isa itong ilog
para sa mga bangka ng kargamento."

1840
01:39:47,960 --> 01:39:49,240
"Dito siya namatay."

1841
01:39:50,080 --> 01:39:52,040
"Ano ang hitsura niya?"

1842
01:39:53,080 --> 01:39:55,640
"Moreno siya, matangkad at brusko."

1843
01:39:55,720 --> 01:39:58,080
<i>"Nakabahag siya."</i>

1844
01:40:01,240 --> 01:40:03,080
"Bakit siya nakatira dito?"

1845
01:40:04,320 --> 01:40:06,000
"Sabi niya ay gusto niya rito."

1846
01:40:07,160 --> 01:40:08,960
"Sa dinami-dami ng lugar?"

1847
01:40:09,040 --> 01:40:11,400
"Lumipat ka sa bahay ng iba.
Mas maganda ang sa kanila."

1848
01:40:11,480 --> 01:40:15,520
"Sabi niya maraming merito dito. Di gaano
karami ang nakukuha niya sa ibang bahay."

1849
01:40:15,600 --> 01:40:17,960
"Maraming paggawa ng merito at dasal
ang nangyayari dito."

1850
01:40:18,040 --> 01:40:19,320
"Nakakakuha siya ng merito dito."

1851
01:40:22,320 --> 01:40:24,400
Sa pagitan ng bahay
ng nanay ko at ng sa akin,

1852
01:40:24,480 --> 01:40:26,720
may puno ng sampalok na kailangan
ng dalawang tao para mayakap.

1853
01:40:27,400 --> 01:40:30,360
Napakalaking puno.
Mas mataas pa sa entabladong ito.

1854
01:40:31,200 --> 01:40:34,720
"Oum Oim, puwede mo bang sabihin sa kaniya
na lumipat na lang sa puno ng sampalok?"

1855
01:40:34,800 --> 01:40:37,240
"Nakakaabala siya rito.
Lumipat siya sa puno."

1856
01:40:38,000 --> 01:40:41,080
<i>"Sabi niya ay masikip na roon."</i>

1857
01:40:48,960 --> 01:40:52,600
"Itanong mo sa kaniya kung bakit siya
laging kumakatok sa ulunan ng kama."

1858
01:40:52,680 --> 01:40:53,760
"Naaabala ako."

1859
01:40:55,040 --> 01:40:57,760
Parang ganito ang tunog.
Parehong oras bawat gabi.

1860
01:40:58,280 --> 01:40:59,680
Buong bahay.

1861
01:41:01,280 --> 01:41:04,600
"Sabi niya kasi ay bastos ka sa kaniya."

1862
01:41:05,920 --> 01:41:07,600
Totoo iyon.

1863
01:41:07,680 --> 01:41:09,320
Sa buong mundo,

1864
01:41:09,400 --> 01:41:11,840
ako lang ang nakakaalam
na ginagawa ko iyon.

1865
01:41:13,040 --> 01:41:14,840
Mag-isa lang ako sa bahay.

1866
01:41:14,920 --> 01:41:17,680
Kapag bumukas ang elevator,
madilim na silid iyon

1867
01:41:17,760 --> 01:41:20,720
kailangan mong maglakad
bago mo marating ang silid.

1868
01:41:20,800 --> 01:41:21,800
Ah…

1869
01:41:22,680 --> 01:41:24,840
Kapag nilalampasan ko iyon,
kinikilabutan ako.

1870
01:41:25,560 --> 01:41:29,520
Kapag takot ang mga tao,
madalas ay agresibo tayong nagsasalita.

1871
01:41:29,600 --> 01:41:32,560
Ito ay para lang talagang tulungan tayong
makayanan ang takot natin.

1872
01:41:32,640 --> 01:41:35,040
Pagbukas ng elevator, tiyak na alam ko.

1873
01:41:35,120 --> 01:41:36,920
Nadarama kong nakaupo siya roon.

1874
01:41:37,560 --> 01:41:39,760
Kaya ginagaya ko si Tita Rattana.

1875
01:41:42,960 --> 01:41:44,320
"Sira ulo!"

1876
01:41:45,520 --> 01:41:48,240
"Huwag mong susubukan, sira ulo ka!"

1877
01:41:48,320 --> 01:41:49,760
"Lumayo ka."

1878
01:41:49,840 --> 01:41:53,360
"Hindi naghahalo ang mga multo at tao.
Huwag mong isiping takutin ako."

1879
01:41:53,440 --> 01:41:56,360
"Yayariin ka talaga ng karma. Sira ulo!"

1880
01:41:56,440 --> 01:41:57,960
Pagkatapos ay isasara ko ang pinto.

1881
01:41:58,040 --> 01:41:59,960
Akala ko ay mapapaalis siya noon.

1882
01:42:06,800 --> 01:42:09,160
Ngayon ay nalaman kong minamasdan niya
akong matulog bawat gabi.

1883
01:42:12,080 --> 01:42:14,000
Sabi ko sa sarili ko, "Pare!"

1884
01:42:14,080 --> 01:42:17,040
Takot na ako.
Ano'ng gusto mong sabihin ko?

1885
01:42:17,120 --> 01:42:20,480
"Oum Oim, may tanong ako. Ano'ng dapat
kong sabihin sa kaniya? Tulad ng ano?"

1886
01:42:20,560 --> 01:42:23,520
Uuwi ako mula sa trabaho.
Iibis ako ng elevator.

1887
01:42:24,640 --> 01:42:26,680
"Namiss mo ba ako?"

1888
01:42:28,160 --> 01:42:30,480
"Gusto mo ba ng merito?"

1889
01:42:30,560 --> 01:42:33,320
"Gusto mo ng merito? Bibigyan kita."

1890
01:42:33,400 --> 01:42:38,040
"Mayroon akong gatas, Nutella,
at mga klase ng KitKat. Masasarap lahat."

1891
01:42:47,840 --> 01:42:49,320
"Oum Oim, pakitanong nga siya
para sa akin."

1892
01:42:49,400 --> 01:42:51,280
"Ano'ng gusto niya
kapalit ng pag-alis niya?"

1893
01:42:51,960 --> 01:42:54,320
"Sabi niya ay gusto niyang magtayo ka
ng bahay ng espirtu para sa kaniya."

1894
01:42:55,360 --> 01:42:57,880
Tinanong ko, "Kung ito? Okay lang ba
ang maliit na bahay-espiritu?"

1895
01:42:57,960 --> 01:43:00,480
Iniisip ko yung mga modernong
bahay-espiritu.

1896
01:43:00,560 --> 01:43:03,040
Puwede akong bumili ng maliit na puwedeng
umayon sa ayos ng bahay ko.

1897
01:43:03,120 --> 01:43:05,080
Sabi ko ay bibili ako ng maliit lang.

1898
01:43:05,160 --> 01:43:08,120
Pwede ba iyon sa baba sa may banyo?
May banyo sa baba.

1899
01:43:08,720 --> 01:43:10,440
"Sabi niya ay hindi iyon kagalang-galang."

1900
01:43:11,280 --> 01:43:13,360
May dangal ang mga multo?

1901
01:43:14,000 --> 01:43:17,440
Sabi nila ay may herarkiya
ang mga multo, kataasan ng ranggo, ewan.

1902
01:43:17,520 --> 01:43:19,880
Basta, hindi siya sang-ayon.

1903
01:43:19,960 --> 01:43:22,280
"Magtatayo ka ba ng isa?" "Hind."

1904
01:43:23,120 --> 01:43:26,640
<i>Sabi ni Oum Oim, "Kung hindi, ibig sabihin</i>
<i>ay sinasalungat mo siya."</i>

1905
01:43:26,720 --> 01:43:29,200
<i>Iyon ang mga salita niya,</i>
<i>"Sinasalungat mo siya."</i>

1906
01:43:29,280 --> 01:43:31,680
"Oum Oim, eh ano ngayon?
Makagagawa ka ng ritwal,

1907
01:43:31,760 --> 01:43:34,320
isaksak siya sa banga,
at lunurin siya sa ilog."

1908
01:43:35,040 --> 01:43:38,480
Sumagot si Oum Oim, "Nakakakita ako
ng mga multo, pero hindi ko nagpapaalis."

1909
01:43:38,560 --> 01:43:42,200
Oh. Paano na? Sabi niya,
"Ewan ko. Kalaban mo na siya ngayon."

1910
01:43:42,280 --> 01:43:45,480
"Alas-11:00 p.m. na. Kailangan ko pang
maging punong abala ng programa."

1911
01:43:51,080 --> 01:43:53,760
Ha, paano na?
"Kailangan ko nang umalis," sabi niya.

1912
01:43:54,880 --> 01:43:58,120
"Kailangan kitang balaan.
Baka mahirapan kang matulog mamaya."

1913
01:44:00,040 --> 01:44:02,400
At umalis na siya. Wala na.

1914
01:44:02,480 --> 01:44:04,600
Naiwan akong bahala sa sarili ko.

1915
01:44:04,680 --> 01:44:08,320
Talagang nabagabag ako kasi
litong-lito ako. Tinawagan ko si Oum Oim.

1916
01:44:08,400 --> 01:44:12,360
"Wala kang dasal na proteksyon
para paalisin siya o ano?"

1917
01:44:12,440 --> 01:44:14,920
Sabi ni Oum Oim, "Meron."
"Puwede mo bang ipadala sa akin?"

1918
01:44:15,920 --> 01:44:18,320
"May makukuha ka sa Google."

1919
01:44:18,960 --> 01:44:23,720
"Ano'ng mantra?" "Puwede kahit ano."
Hinayaan na roon ni Oum Oim.

1920
01:44:23,800 --> 01:44:26,760
Umakyat ako pabalik ng kuwarto ko.
Paano ako matutulog nito?

1921
01:44:26,840 --> 01:44:29,040
Sabi niya ay galit na rin ito ngayon.

1922
01:44:29,720 --> 01:44:31,480
Patay ako.

1923
01:44:31,560 --> 01:44:35,840
May tinawagan ako para samahan ako:
sina Kong Huayrai at Bell Kanittha.

1924
01:44:35,920 --> 01:44:37,360
Sa malapit lang sila nakatira.

1925
01:44:37,440 --> 01:44:40,000
<i>Pagdating nila,</i>
<i>sabi ni Kong, "Narito na ako."</i>

1926
01:44:40,080 --> 01:44:42,200
<i>"Ako'ng bahala sa kaniya para sa iyo."</i>

1927
01:44:42,280 --> 01:44:46,120
<i>Inalok ko sa kaniya ang kama. Sabi niya,</i>
<i>"Sa sahig kami matutulog ng asawa ko."</i>

1928
01:44:46,200 --> 01:44:48,520
Kaya naghanda ako ng higaan sa sahig
para sa kanila.

1929
01:44:48,600 --> 01:44:51,040
Ito ang ulunan ng kama.
Dito ako natutulog.

1930
01:44:51,120 --> 01:44:55,320
Doon nakaturo mga binti ko. Dito ulo ko.
Nasa sahig sina Kong at asawa niya.

1931
01:44:57,040 --> 01:45:01,280
Kapag natutulog ako, kailangang madilim
ang kuwarto. Doon lang ako makakatulog.

1932
01:45:01,360 --> 01:45:04,560
<i>Pero nakaaninag ako ng ilaw.</i>

1933
01:45:05,560 --> 01:45:09,480
Hatinggabi na noon.
Dumilat ako para tingnan.

1934
01:45:09,560 --> 01:45:12,360
Gumagamit ng mga cell phone nila
sina Kong at ang asawa niya.

1935
01:45:15,480 --> 01:45:18,960
<i>Madilim na madilim. Ginawang maliwanag</i>
<i>ng screen ng cell phone ang baba nila.</i>

1936
01:45:19,880 --> 01:45:22,600
<i>Para akong may dalawang</i>
<i>bangkay na alay sa kuwarto.</i>

1937
01:45:22,680 --> 01:45:24,440
Mas takot na ako ngayon.

1938
01:45:24,520 --> 01:45:26,840
"Kong! Ano'ng ginagawa mo
ng ganitong oras?"

1939
01:45:26,920 --> 01:45:29,040
"Teka, hindi pa ako patay. Sandali."

1940
01:45:29,800 --> 01:45:32,800
Tapos ay tinapos na nila sa wakas
ang laro nila at natulog na.

1941
01:45:33,560 --> 01:45:37,360
Bandang 2:30 a.m.,
nadama kong may humihila ng kama ko.

1942
01:45:38,480 --> 01:45:40,480
Parang lindol. Inuuga ang katawan ko.

1943
01:45:40,560 --> 01:45:44,480
Parang may malaking kamay ng sinaunang
lalaking Thai ang gumagawa nito.

1944
01:45:44,560 --> 01:45:45,920
Ano'ng nangyayari?

1945
01:45:46,000 --> 01:45:48,280
Tapos may mabigat na dumiin sa kutson.

1946
01:45:49,040 --> 01:45:51,080
<i>Lummubog yung kutson. Lumubog nga.</i>

1947
01:45:51,160 --> 01:45:53,800
<i>Handa na akong maihi</i>
<i>sa pantalon ko, alam ninyo?</i>

1948
01:45:54,600 --> 01:45:56,160
<i>Inaasahan ko na iyon.</i>

1949
01:45:56,240 --> 01:46:00,040
<i>Kaya noong nangyari iyon, sumigaw ako,</i>
<i>"Kong, tulungan mo ako!"</i>

1950
01:46:01,920 --> 01:46:06,160
Sumagot agad si Kong.
Nasa tabi siya ng kama ko. "Nandito ako."

1951
01:46:06,240 --> 01:46:09,120
"Kong, may multong humihila ng kama ko!"

1952
01:46:09,960 --> 01:46:11,760
"Ang totoo, sinipa ko ang kama mo."

1953
01:46:13,720 --> 01:46:15,480
"Bakit mo gagawin iyon?"

1954
01:46:15,560 --> 01:46:17,600
"Tumayo ako para pumunta ng banyo
at nalito ako."

1955
01:46:17,680 --> 01:46:20,480
Akala niya ay silid niya ito,
at nasa kabilang banda ang kama.

1956
01:46:20,560 --> 01:46:23,440
"Hindi, may dumukwang sa akin
na parang sasakalin ako."

1957
01:46:23,520 --> 01:46:25,040
"Dumiin ito sa kama."

1958
01:46:25,120 --> 01:46:28,240
Sabi niya, "Pagkatama ng binti ko,
nahulog ako sa kama na una ang mukha."

1959
01:46:37,840 --> 01:46:40,000
Hindi ako natulungan ni Oum Oim sa multo.

1960
01:46:40,080 --> 01:46:43,480
Kaya tumawag ako ng iba pang tao,
si Bee, ang Kinatawan ng mga Multo.

1961
01:46:44,560 --> 01:46:46,120
Nagpunta si Bee.

1962
01:46:46,200 --> 01:46:49,160
Mukhang ghost-buster si Bee
na sobrang edukado.

1963
01:46:49,240 --> 01:46:51,840
Pumasok siya. Ganoon din.
Nagbukas ang elevator.

1964
01:46:53,200 --> 01:46:55,320
Sabi niya, "Tingnan ko nga."

1965
01:46:55,880 --> 01:46:59,680
"Wala rito. Wala roon.
Puwede ba akong pumasok sa kuwarto mo?"

1966
01:47:07,000 --> 01:47:08,600
"Nakatayo siya banda roon."

1967
01:47:10,720 --> 01:47:13,480
Parehong lugar. "Naroroon siya."

1968
01:47:13,560 --> 01:47:16,120
"Ano siya? Ano ang itsura niya?"

1969
01:47:16,200 --> 01:47:18,560
"Ah, hindi siya multo."

1970
01:47:18,640 --> 01:47:20,720
"Diyablo siya."

1971
01:47:22,400 --> 01:47:24,760
Masama na nga ang multo.

1972
01:47:24,840 --> 01:47:27,480
Ano ang diyablo?

1973
01:47:27,560 --> 01:47:29,360
"Sila'y…"

1974
01:47:29,440 --> 01:47:31,160
"Mas nakakatakot sila."

1975
01:47:31,240 --> 01:47:33,040
"At isa pa…"

1976
01:47:33,120 --> 01:47:34,200
"Ano ang itsura niya?"

1977
01:47:34,280 --> 01:47:37,440
"Medyo parang si Gollum, tulad ng
inilarawan mo, pero mas kakila-kilabot."

1978
01:47:37,520 --> 01:47:39,480
"At mas malaki ito."

1979
01:47:39,560 --> 01:47:41,240
"Paano na ngayon?"

1980
01:47:41,320 --> 01:47:43,360
"Ayaw rin niya ng merito."

1981
01:47:43,440 --> 01:47:44,880
"Paano siya nakarating dito?"

1982
01:47:45,400 --> 01:47:48,680
"Mukhang may sumumpa sa iyo."

1983
01:47:48,760 --> 01:47:50,320
Lumala iyon ah.

1984
01:47:51,640 --> 01:47:55,320
"Sumpa? Ano'ng gagawin ko?"

1985
01:47:56,600 --> 01:47:59,560
"Sandali lang. Hayaan mo muna akong
magnilay. Maghintay ka sa labas."

1986
01:47:59,640 --> 01:48:01,240
Pagkatapos ay nagnilay si Bee nang ganito.

1987
01:48:01,880 --> 01:48:03,360
Pagkatapos ay tinawag niya ako
para pumasok.

1988
01:48:03,440 --> 01:48:05,960
"May bagay na isinumpa sa kuwarto mo."

1989
01:48:06,040 --> 01:48:08,240
"May nakita akong pulang nakasulat."

1990
01:48:08,920 --> 01:48:13,600
Ay grabe. Ang kuwarto ko ay may kama,
mesita sa tabi ng kama, at flat-screen TV.

1991
01:48:13,680 --> 01:48:16,400
Walang ibang palamuti. Payak lang.

1992
01:48:16,480 --> 01:48:19,440
Tinanong ko, "Nasaan na?"
"Baligtarin natin ang kama," sabi niya.

1993
01:48:19,520 --> 01:48:22,600
Binaligtad namin ang kama
at nakahanap ng pulang sulat na Khmer.

1994
01:48:22,680 --> 01:48:25,960
May nakasulat na Khmer.
Napasabi ako ng, "Talaga?"

1995
01:48:26,040 --> 01:48:29,080
Sabi ni Bee, "Sandali.
May isa pa akong nakita."

1996
01:48:29,160 --> 01:48:31,880
Binaligtad uli namin ang kama.
Nasa ilalim ng kama ito.

1997
01:48:31,960 --> 01:48:34,400
Dalawa sa ilalim ng kama.
Gulat na gulat ako.

1998
01:48:34,480 --> 01:48:36,200
Hayop. Totoo kaya ito?

1999
01:48:36,280 --> 01:48:38,200
Sabi ni Bee, "Sandali.
May nakikita pa akong isa."

2000
01:48:38,800 --> 01:48:41,480
Ano? Wala nang natitira sa kuwarto ko.

2001
01:48:41,560 --> 01:48:44,080
Sa ilalim ng mesita sa tabi ng kama,
may isa pa roon.

2002
01:48:44,160 --> 01:48:46,520
Parehong sulat-kamay. Pulang tinta rin.

2003
01:48:46,600 --> 01:48:49,400
Napasambit ako, "Ano ito?"

2004
01:48:49,480 --> 01:48:51,040
Hindi ako makapaniwala.

2005
01:48:51,120 --> 01:48:54,280
Iniisip ko na baka karpintero
ang gumawa noon.

2006
01:48:54,360 --> 01:48:56,920
Isang karpinterong Cambodian na siguro

2007
01:48:57,000 --> 01:48:58,960
ay mahilig gumawa ng bandalismo.

2008
01:49:00,280 --> 01:49:02,440
Gusto niyang mag-iwan
ng mga ukit kung saan-saan.

2009
01:49:02,520 --> 01:49:04,960
Pero ang kama at ang mesa sa tabi nito

2010
01:49:05,040 --> 01:49:07,520
ay magkahiwalay na binili.

2011
01:49:07,600 --> 01:49:09,520
Paano napunta ang iisang nakaukit
sa parehong gamit?

2012
01:49:09,600 --> 01:49:13,240
Sabi ni Bee, "May sumumpa sa iyo.
Ginawa nila ito

2013
01:49:14,320 --> 01:49:16,280
at tinawag rin ang diyablo."

2014
01:49:16,360 --> 01:49:18,680
"Inatasan ang diyablo na multuhin ka."

2015
01:49:19,400 --> 01:49:22,800
Ano? Ano na ngayon ang gagawin ko?

2016
01:49:22,880 --> 01:49:25,680
"Nakakakita lang ako.
Hindi ako nakakalutas ng mga problema."

2017
01:49:28,120 --> 01:49:31,640
Kung kayo iyon, kung may nagsabi sa inyong
isinumpa ka, ano'ng gagawin niyo?

2018
01:49:31,720 --> 01:49:35,280
Hindi naman ako puwedeng lumibot at
humanap ng "Khmer na tagaalis ng sumpa."

2019
01:49:36,040 --> 01:49:37,680
Hindi ko alam ang gagawin ko.

2020
01:49:37,760 --> 01:49:39,840
Nakatira pa rin ako kasama nito.

2021
01:49:39,920 --> 01:49:42,800
Umalis na si Bee para pamahalaan
ang coffee shop niya.

2022
01:49:42,880 --> 01:49:44,960
Naiwan akong ayusin iyon.

2023
01:49:45,040 --> 01:49:47,080
Peste. Ano nang gagawin ko?

2024
01:49:47,160 --> 01:49:49,560
May kasama akong diyablo.

2025
01:49:50,280 --> 01:49:52,520
Kasama ko pa rin siya sa bahay
hanggang ngayon.

2026
01:49:53,240 --> 01:49:55,800
Hindi ko hahayaan iyon, pero kailangan ko,

2027
01:49:55,880 --> 01:49:58,080
dahil hindi ko alam ang gagawin.

2028
01:49:58,160 --> 01:50:00,320
Tinanong ko si Bee
bago siya sumakay ng kotse,

2029
01:50:00,400 --> 01:50:03,760
"Wala ka bang paraan
para makatulong na maayos ito?"

2030
01:50:03,840 --> 01:50:05,320
Sabi ni Bee, "Subukan mong alalahanin."

2031
01:50:05,400 --> 01:50:08,920
"May nakikita akong petsa, ang ikapito,
pitong taon na nakararaan sa Setyembre."

2032
01:50:09,760 --> 01:50:11,880
"Isinumpa ka ng taong iyon."

2033
01:50:13,600 --> 01:50:14,720
Pitong taon na nakararaan?

2034
01:50:15,400 --> 01:50:19,080
Napakatagal na ng pitong oras
para may maalala ako.

2035
01:50:19,960 --> 01:50:21,960
Basta, kasama ko pa rin siya.

2036
01:50:22,040 --> 01:50:23,560
Paano ko nagagawa iyon?

2037
01:50:23,640 --> 01:50:26,600
Sasabihin kong dahil sa karanasan ko
sa ordinasyon ko.

2038
01:50:26,680 --> 01:50:30,800
Matapos akong ma-orden, masasabi ko
na parang kalamnan ang utak natin.

2039
01:50:30,880 --> 01:50:33,840
Sa pagsasanay, lumalakas ito.

2040
01:50:33,920 --> 01:50:37,040
Matapos ma-orden, sabihin na lang natin,

2041
01:50:37,120 --> 01:50:39,760
nakakita na ako ng mas malala.

2042
01:50:39,840 --> 01:50:42,200
Yung templo kung saan ako na-orden
ay nasa distrito ng Phan.

2043
01:50:42,280 --> 01:50:46,400
Nasa maliit na burol iyon
sa gitna ng gubat.

2044
01:50:46,480 --> 01:50:47,520
At…

2045
01:50:48,360 --> 01:50:49,680
Nakahiwalay ako.

2046
01:50:49,760 --> 01:50:53,000
Mga 500 metro ang layo ng tulugan ko
mula sa ibang monghe.

2047
01:50:53,080 --> 01:50:54,840
Gusto kong mamuhay nang payak,

2048
01:50:54,920 --> 01:50:58,400
walang masyadong kuryente at mag-isa,
para malaman kung kaya ko.

2049
01:50:59,760 --> 01:51:01,720
Noong una, mahirap iyon.

2050
01:51:01,800 --> 01:51:03,720
May anim na aso sa templo.

2051
01:51:04,480 --> 01:51:06,600
Panay ang alulong nila sa tabi ng tulugan.

2052
01:51:06,680 --> 01:51:08,400
Umaalulong sila

2053
01:51:08,480 --> 01:51:10,800
mga bandang 7:30 o 8:00 p.m.

2054
01:51:10,880 --> 01:51:12,440
Mga ganoong oras sila nagsisimula.

2055
01:51:19,320 --> 01:51:20,960
Parang palabas na katatakutan.

2056
01:51:22,320 --> 01:51:24,120
Talagang mula sa nakakatakot na palabas.

2057
01:51:24,200 --> 01:51:25,800
Hindi rin iisang aso lang.

2058
01:51:31,880 --> 01:51:33,560
Isang koro ito.

2059
01:51:33,640 --> 01:51:35,360
Isang malaking orkestra.

2060
01:51:35,440 --> 01:51:36,520
Takot na takot ako.

2061
01:51:36,600 --> 01:51:38,880
Hindi naman panahon
para maglandi sila o ano.

2062
01:51:38,960 --> 01:51:40,480
Natakot ako sa pag-alulong.

2063
01:51:40,560 --> 01:51:42,960
Noong mga unang gabi
ng pagtira nang mag-isa,

2064
01:51:43,040 --> 01:51:45,880
Nagtanong ako sa isang senior na monghe
kung bakit sila umaalulong.

2065
01:51:46,640 --> 01:51:50,640
Nakakapanatag talaga yung monghe.
Sabi niya baka nakakita sila ng mga multo.

2066
01:51:52,480 --> 01:51:55,160
May isang matangkad na diyablong
naghahanap yata ng merito.

2067
01:51:55,240 --> 01:51:57,440
Ngapasya akong magtanong
sa isa pang monghe. Sabi niya,

2068
01:51:57,520 --> 01:52:01,440
"Oo, kasi riyan mismo, sa nayon sa baba,

2069
01:52:01,520 --> 01:52:03,760
may mga nagbigti."

2070
01:52:03,840 --> 01:52:06,320
"Baka sila yung matangkad
na diyablong humihingi ng merito

2071
01:52:06,400 --> 01:52:09,120
mula sa monghe na bagong orden."

2072
01:52:09,200 --> 01:52:11,400
"Posible iyon."

2073
01:52:11,480 --> 01:52:12,760
Kaya isinaalang-alang ko iyon.

2074
01:52:12,840 --> 01:52:16,560
Baka nga matangkad na diyablo iyon.
Dahil kung normal na multo iyon,

2075
01:52:16,640 --> 01:52:18,720
Hindi ganoon katinis ang boses niya.

2076
01:52:18,800 --> 01:52:21,000
Matangkad ang mga matangkad na diyablo,
hindi ba?

2077
01:52:21,080 --> 01:52:23,000
Siguro ang mga aso ay parang,

2078
01:52:23,080 --> 01:52:25,480
"Nakikita mo ba?"

2079
01:52:26,480 --> 01:52:28,880
"Nakikita ko rin."

2080
01:52:29,720 --> 01:52:34,720
"Singtaas ng walong palapag na gusali."

2081
01:52:37,160 --> 01:52:41,040
Lumipas ang mga araw at buwan.

2082
01:52:41,120 --> 01:52:44,920
Naging mas malakas ang isip ko.
Kaya sabi ko, tara, pag-usapan natin ito.

2083
01:52:45,000 --> 01:52:48,560
Pag-usapan natin ito, dahil pagkatapos
ng ritwal sa umaga, kailangang magnilay.

2084
01:52:48,640 --> 01:52:50,400
Naaabala talaga ako sa ingay.

2085
01:52:50,480 --> 01:52:52,640
Pakiramdam ko ay napakalapit niya.

2086
01:52:52,720 --> 01:52:55,760
Kaya nagnilay ako at sa isip ko
ay nakipagkasundo sa diyablo sa isip ko.

2087
01:52:55,840 --> 01:52:57,840
"O sige. Matangkad na Diyablo."

2088
01:52:58,680 --> 01:53:01,160
"Hindi tayo magkakilala,
Matangkad na Diyablo."

2089
01:53:01,240 --> 01:53:03,080
"Nalulugod ako sa iyong presensya."

2090
01:53:03,160 --> 01:53:05,040
"Gusto mo ng merito, hindi ba?"

2091
01:53:05,120 --> 01:53:08,760
"Ihahandog ko ang merito ko sa iyo
para malagay ka na sa tahimik."

2092
01:53:08,840 --> 01:53:11,720
"Oras na matanggap mo ang merito,
sana ay kumalma ka na."

2093
01:53:12,960 --> 01:53:15,960
Maniniwala ba kayo,
lahat ito ay nasa isip ko,

2094
01:53:16,040 --> 01:53:19,920
oras na matapos kong isipin
na sana ay kumalma siya,

2095
01:53:20,000 --> 01:53:21,560
iyong mga asong umaalulong…

2096
01:53:23,440 --> 01:53:25,840
Bigla silang tumigil na parang
may bumunot ng saksak.

2097
01:53:26,960 --> 01:53:30,520
Kinumpirma lang noon na,
"Hayop, diyablo ka ngang talaga!"

2098
01:53:36,680 --> 01:53:38,880
Pagkatapos noon ay alagang-alaga na
ang diyablo.

2099
01:53:38,960 --> 01:53:40,840
Bawat gabi tuwing 7:30 o 8:00,

2100
01:53:40,920 --> 01:53:42,520
sa tabi ng kuwarto ko,

2101
01:53:42,600 --> 01:53:45,280
Kailangan ko lagi itong bigyan ng merito.

2102
01:53:45,360 --> 01:53:49,680
Kapag paulit-ulit nating ginagawa ang
mga bagay, nasasanay ang utak natin dito.

2103
01:53:49,760 --> 01:53:53,040
Sa puntong iyon, hindi na rin masama
ang diyablo sa bahay ko.

2104
01:53:53,120 --> 01:53:54,720
May mas masama pa akong nakita.

2105
01:53:56,840 --> 01:53:59,120
Matapos kong mag-alis ng abito
at umuwi na,

2106
01:53:59,200 --> 01:54:01,760
nakipag-usap ako sa diyablo ko.

2107
01:54:01,840 --> 01:54:03,720
O yung sinaunang lalaking Thai. Kahit ano.

2108
01:54:03,800 --> 01:54:07,080
Isinara ko ang pinto,
pinatay ang ilaw, at nagnilay.

2109
01:54:07,160 --> 01:54:08,720
Sinimulan ko ang usapan.

2110
01:54:08,800 --> 01:54:12,080
Hula ko ay naroon siya sa banda roon.

2111
01:54:13,320 --> 01:54:15,360
"Baka may nagpapunta sa iyo rito."

2112
01:54:15,440 --> 01:54:17,680
"Kaya gawin mo na kung anuman
ang pinagawa sa iyo rito."

2113
01:54:17,760 --> 01:54:19,560
"Baka sakalin ako."

2114
01:54:19,640 --> 01:54:22,280
"Baka magpakita sa akin.
Basta gawin mo na lang."

2115
01:54:22,360 --> 01:54:24,160
"Maghihintay ako rito."

2116
01:54:24,240 --> 01:54:27,840
Patuloy akong nagnilay,
hinihintay siyang lumapit.

2117
01:54:27,920 --> 01:54:29,720
Hinintay ko siyang sakalin ako.

2118
01:54:30,360 --> 01:54:33,800
Totoong kuwento. Ako ay parang, ewan.

2119
01:54:33,880 --> 01:54:37,600
Kung sasakalin ako ng multo,
ayos lang sa akin ang mamatay.

2120
01:54:37,680 --> 01:54:39,640
Marami na akong nagawa sa buhay.

2121
01:54:39,720 --> 01:54:42,440
Ginagawa ko na ang parehong bagay ngayon.
Ayos lang sa aking mamatay.

2122
01:54:42,520 --> 01:54:45,800
Isa pa, ang mamatay dahil sa sakal
ng multo ay talagang kakaiba.

2123
01:54:45,880 --> 01:54:47,960
Hindi pa nangyayari iyon.

2124
01:54:48,040 --> 01:54:51,560
Lumipas ang isang oras.
Hindi siya lumapit.

2125
01:54:51,640 --> 01:54:54,520
Dalawang oras ang lumipas.
Hindi siya lumapit.

2126
01:54:54,600 --> 01:54:57,280
Higit dalawang oras ang lumipas,
at hindi pa rin siya lumalapit.

2127
01:54:57,360 --> 01:54:58,960
Tinapos ko na ang pagninilay ko.

2128
01:54:59,040 --> 01:55:01,320
Kaya natanto ko, ha.

2129
01:55:01,400 --> 01:55:04,720
Ang tanging magagawa mo lang
ay mga ingay na iyon.

2130
01:55:04,800 --> 01:55:07,040
Hindi mo ako mapapatay.

2131
01:55:07,120 --> 01:55:09,440
Sa kasong iyon, bagay kami.

2132
01:55:10,480 --> 01:55:12,080
Hindi naman masama.

2133
01:55:12,160 --> 01:55:14,200
Kumatok ka lang.
Itutuloy ko lang ang buhay ko.

2134
01:55:14,280 --> 01:55:17,680
Puwede mo akong panoorin habang tulog ako.

2135
01:55:18,520 --> 01:55:20,160
Hindi na masama iyon.

2136
01:55:20,240 --> 01:55:23,240
May lampara sa ulunan ng kama ko.
Pabalantok siya.

2137
01:55:23,320 --> 01:55:25,240
Hindi naman masama na magkaroon ng isa pa.

2138
01:55:29,120 --> 01:55:31,760
Sa ngayon, magkasama pa rin kami
sa isang tirahan.

2139
01:55:31,840 --> 01:55:34,680
Kaya kong manirahan kasama niya,
walang problema. Walang problema talaga.

2140
01:55:34,760 --> 01:55:36,800
Minamaliit ko pa siya sa isip ko.

2141
01:55:36,880 --> 01:55:39,400
Iyan lang ba ang kaya mong gawin?

2142
01:55:40,200 --> 01:55:42,200
Dahil kung isa akong multo,

2143
01:55:42,280 --> 01:55:45,160
hindi ako titigil sa paggawa lang ng ingay

2144
01:55:45,240 --> 01:55:47,040
sa mga gusto kong multuhin.

2145
01:55:47,120 --> 01:55:50,920
Sa burol ko, sinumang magbubukas
ng ataul ko nang walang pahintulot ko,

2146
01:55:52,640 --> 01:55:53,840
mumultuhin kita.

2147
01:55:56,320 --> 01:55:58,440
Ang kaso kasi sa mga multo
ay may kapangyarihan sila.

2148
01:55:58,520 --> 01:56:01,000
Ilapag natin ang mga basiko
ukol sa mga multo.

2149
01:56:01,080 --> 01:56:03,760
Para sa hindi naniniwala, tanggapin ninyo
ito bilang nakakatuwang kuwento.

2150
01:56:03,840 --> 01:56:07,400
May kapangyarihan ang mga multo
sa magkakaibang antas.

2151
01:56:07,480 --> 01:56:09,760
Parang tayo na may perang
walang limitasyon sa dami.

2152
01:56:09,840 --> 01:56:12,640
May magkakaibang antas tayo ng pambili.

2153
01:56:12,720 --> 01:56:16,640
Yung kapitan ng barangay, halimbawa,
may lakas siya sa barangay lang niya.

2154
01:56:16,720 --> 01:56:18,960
Maaaring mas maraming kapangyarihan
ang mga gobernador.

2155
01:56:19,040 --> 01:56:23,000
Ang mga punong ministro naman,
napakalawak ng kapangyarihan nila.

2156
01:56:23,080 --> 01:56:25,040
May kapangyarihan silang
pangasiwaan ang buong bansa.

2157
01:56:25,120 --> 01:56:29,320
Pero kung aabusuhin ang kapangyarihan,
sasapitin ng bansa ang lagay nito ngayon.

2158
01:56:35,520 --> 01:56:37,440
Maraming kapangyarihan ang mga multo.

2159
01:56:38,360 --> 01:56:40,840
Maari ka nilang impluwensiyahan o sapian.

2160
01:56:40,920 --> 01:56:44,520
Maari ka nilang bulagin, takpan ang tainga
mo. Narinig na natin ang ganitong kuwento.

2161
01:56:44,600 --> 01:56:47,600
Kapag natutulog tayo sa liblib na hotel,
kusang bubukas ang gripo.

2162
01:56:47,680 --> 01:56:50,680
Kayang gawin ng mga multo iyon. Dadaloy
ang tubig. Namamatay ang mga ilaw.

2163
01:56:50,760 --> 01:56:54,280
Kusang nagbubukas ang TV. Namamatay
ang mga ilaw sa buong gusali.

2164
01:56:54,360 --> 01:56:57,360
Magkakaiba ang kanilang
mga kapangyarihan at biro.

2165
01:56:57,440 --> 01:56:59,800
Maari silang lumitaw malapit sa iyo.
Maari nilang ipakita ang mga binti nila.

2166
01:56:59,880 --> 01:57:03,000
Maaring ipakita ng iba lamang-loob nila.
Maari ka nilang paralisahin sa panaginip.

2167
01:57:03,840 --> 01:57:05,080
May kapangyarihan ang mga multo.

2168
01:57:05,160 --> 01:57:07,040
Kaya kapag namatay ako,

2169
01:57:07,120 --> 01:57:09,960
sa tingin ko ay bukod-tangi
ang mga kapangyarihan ko.

2170
01:57:11,240 --> 01:57:14,760
Kapag nag-flush ka ng inidoro,
pababahain ko ang tubig.

2171
01:57:17,360 --> 01:57:19,720
Pag lalo kang nag-flush,
mas lalong babaha.

2172
01:57:19,800 --> 01:57:23,560
Kapag iniwan mo ang pwesto na iyon,
daraanan mo ang kasunod na taong papasok.

2173
01:57:23,640 --> 01:57:25,960
Magmumukha kang masama talaga.
Ikaw ang magiging taong iyon.

2174
01:57:27,640 --> 01:57:30,960
Mumultuhin kita
sa maliliit na paraang iyon.

2175
01:57:31,040 --> 01:57:33,280
Yung bidet na maayos naman na gumagana?

2176
01:57:33,360 --> 01:57:36,360
Pipindutin ko iyon
para napakahina ng tubig na lalabas

2177
01:57:36,440 --> 01:57:39,360
kaya kailangan mong
saluhin ng kamay mo ang tubig.

2178
01:57:41,520 --> 01:57:44,280
O masyadong lakasan ang pressure ng tubig

2179
01:57:44,360 --> 01:57:46,320
na hahatiin na sa dalawa
ang almoranas mo.

2180
01:57:49,320 --> 01:57:51,640
Napakaraming tindahan sa mga mall.

2181
01:57:52,400 --> 01:57:55,320
Ako ang taong magbababa
ng lahat ng takip ng inidoro.

2182
01:57:58,320 --> 01:58:00,160
Karaniwan sa Japan,

2183
01:58:00,240 --> 01:58:02,720
kapag pumasok ka sa isang pwesto
na sarado ang takip ng inidoro,

2184
01:58:02,800 --> 01:58:05,320
ibig sabihin noon ay kalilinis lang noon.

2185
01:58:05,400 --> 01:58:09,120
Ikaw lagi ang unang gagamit nito.
Maraming tiwala ang mga Hapones.

2186
01:58:09,200 --> 01:58:11,040
Pero sa bansa natin,

2187
01:58:11,120 --> 01:58:13,480
kapag tinakpan mo ang inidoro,

2188
01:58:14,640 --> 01:58:17,640
binibigyan ka nito ng mensahe.

2189
01:58:22,840 --> 01:58:24,880
Isasara ko ang lahat ng mga iyon.

2190
01:58:24,960 --> 01:58:29,320
Bakit? Para madama mo ang kilig
ng paghuhukay ng ginto.

2191
01:58:31,400 --> 01:58:32,560
Makakahanap ka ba

2192
01:58:33,400 --> 01:58:34,440
ng mga palumpon ng ginto,

2193
01:58:35,120 --> 01:58:36,240
mga ladrilyo ng ginto,

2194
01:58:36,840 --> 01:58:38,440
o mga palamuting ginto?

2195
01:58:45,440 --> 01:58:47,400
Kung kailangan mo ng Covid-19 test,

2196
01:58:47,480 --> 01:58:50,600
Mumultuhin ko ang ospital
o sasapian ko ang nars mo

2197
01:58:50,680 --> 01:58:52,720
para gamitin ang maling dulo ng swab.

2198
01:59:00,240 --> 01:59:05,720
Nagpunta ako sa isang drive-through para
sa COVID na nakasakay ka pa rin sa kotse.

2199
01:59:05,800 --> 01:59:08,440
Ito yung unang bahagi pa ng pandemya.

2200
01:59:08,520 --> 01:59:10,680
Hindi ka nila pinapababa ng kotse.

2201
01:59:10,760 --> 01:59:14,680
Tapos may nars na balot mula ulo
hanggang paa ang magsa-swab sa iyo.

2202
01:59:15,440 --> 01:59:17,720
Alam ninyo yung mga nagsa-swab na iyon?
Tingin ko,

2203
01:59:18,640 --> 01:59:22,760
bago sila naging nars,
mga atleta yata sila ng eskrima.

2204
01:59:23,920 --> 01:59:26,200
Sumailalim ba sila sa pagsasanay?

2205
01:59:28,560 --> 01:59:33,160
Idudutdot nila yung swab, aatras ako.
Kahit sino naman iiwas. Ako ganoon.

2206
01:59:33,240 --> 01:59:35,880
Sasabihin nila,
"Huwag kang umiwas. Huwag."

2207
01:59:37,040 --> 01:59:39,920
Paanong hindi ko magagawa iyon?
Literal na sumuong ka.

2208
01:59:40,000 --> 01:59:43,640
At susundan ka nila.
Susundan ka nila at isa-swab.

2209
01:59:43,720 --> 01:59:46,800
Gusto ko silang itulak palayo
gamit ang paa ko.

2210
01:59:48,720 --> 01:59:51,200
Isang pulgada na lang
ang layo mo sa utak ko.

2211
01:59:53,640 --> 01:59:57,120
Ang kaso kasi, hindi naman ganoon kahirap.

2212
01:59:57,200 --> 01:59:59,840
Yung swab, kung ikaw mismo ang gagawa,
malalaman mo.

2213
01:59:59,920 --> 02:00:03,120
Alam mo kung gaano kalayo ipapasok.
Papasok lang siya nang ganito.

2214
02:00:03,200 --> 02:00:07,480
May dalawang bahagi: ang unang bahagi,
at pagkatapos ay titingala ka.

2215
02:00:07,560 --> 02:00:10,440
Dadaan iyon sa misteryosong lugar.

2216
02:00:10,520 --> 02:00:14,240
Oras na naroon na,
malapit ka nang talaga sa nasopharynx.

2217
02:00:14,320 --> 02:00:16,680
Kapag nalapatan na iyon
ng swab, alam mo na.

2218
02:00:16,760 --> 02:00:19,040
Puwede mong dahan-dahang
paikutin ang swab.

2219
02:00:21,720 --> 02:00:24,440
Dito na lalabas ang mga luha.

2220
02:00:24,520 --> 02:00:27,520
Sobrang sarap talaga noon. Totoo.

2221
02:00:31,320 --> 02:00:34,720
Ako'y matandang lalaking tigang.

2222
02:00:34,800 --> 02:00:36,280
Sa ganito ako nakakakuha ng saya.

2223
02:00:39,840 --> 02:00:42,440
Gusto kong iswab ang ilong ko ng tatlo
hanggang apat na beses kada araw.

2224
02:00:47,080 --> 02:00:51,040
Kung baliw ka sa mga mamahaling bag,
sasapian ko ang anak mo,

2225
02:00:51,120 --> 02:00:52,680
mga pamangkin mo.

2226
02:00:52,760 --> 02:00:56,040
Ang mga limitadong edisyong bag na yari
sa balat ng buwaya at lahat ng iyon?

2227
02:00:56,120 --> 02:00:58,640
Uutusan ko ang anak mo
na sulatan ang buong bag mo.

2228
02:01:00,960 --> 02:01:05,320
Kapag nakita mo, iisipin mo,
"Hindi, hindi, hindi."

2229
02:01:05,400 --> 02:01:07,160
Maninipis ang mga sulat ng bolpen.

2230
02:01:07,240 --> 02:01:09,960
Lalo na yung mga bolpen na tatak Horse.
Mamamatay ka na lang talaga.

2231
02:01:10,680 --> 02:01:15,600
Kayong mga babae, kapag may gasgas
na ganito kanipis, hindi kayo makatulog.

2232
02:01:15,680 --> 02:01:18,960
Kahit walang ibang makakakita noon.
Ikaw lang talaga.

2233
02:01:19,040 --> 02:01:21,440
Kapag lumabas ka,
itinatago mo ang bahaging iyon.

2234
02:01:21,520 --> 02:01:25,200
Kapag inilagay mo sa estante,
iniisip mo pa ring ipagawa iyon sa Paris.

2235
02:01:25,280 --> 02:01:27,320
Para siyang tinik sa puso mo.

2236
02:01:27,400 --> 02:01:29,160
Masakit ang ganitong pagmumulto.

2237
02:01:30,760 --> 02:01:32,560
Kapag nagpunta ka sa mall,

2238
02:01:32,640 --> 02:01:34,880
kapag mahirap pumarada at umaatras ka,

2239
02:01:34,960 --> 02:01:37,880
ipaparamdam ko sa iyo
na kailangan mong sumagot ng tawag.

2240
02:01:40,080 --> 02:01:41,840
Paparada ka. Aalis ka.

2241
02:01:42,880 --> 02:01:45,400
Matapos mamili, babalik ka.

2242
02:01:45,480 --> 02:01:47,280
"Saan ako pumarada?"

2243
02:01:55,400 --> 02:01:58,320
At kapag paalis ka na sa paradahan,
makakalimutan mo ang card.

2244
02:01:58,400 --> 02:02:01,240
Hindi mo mahanap ang card.
Nakauwi ka na. Nasa pitaka mo pala.

2245
02:02:01,840 --> 02:02:02,960
Ganoon ang mangyayari.

2246
02:02:05,840 --> 02:02:07,480
Kapag nakatanggap ng bonus ang asawa mo,

2247
02:02:08,160 --> 02:02:11,640
iisipin mong isasama ka niya
sa biyahe sa malayo,

2248
02:02:11,720 --> 02:02:14,200
sa Maldives o kung saan.

2249
02:02:14,280 --> 02:02:18,080
Iimpluwensiyahan ko siyang gamitin
ang perang iyon para bumili ng motorsiklo.

2250
02:02:20,880 --> 02:02:23,560
Ang makukuha mo ay walang kuwentang helmet

2251
02:02:23,640 --> 02:02:26,240
at damit na balat na hindi mo maisusuot.

2252
02:02:26,320 --> 02:02:29,600
Pakiramdam ng asawa mo
ay napaka-astig niya sa motorsiklo niya,

2253
02:02:29,680 --> 02:02:31,240
akala niya siya si Andy Lau.

2254
02:02:32,600 --> 02:02:35,040
At mahigpit kang nakakapit
para hindi ka malaglag.

2255
02:02:43,040 --> 02:02:46,120
Yung asawa mo ang kunwari astig.
Pero magtitiis ka lang.

2256
02:02:46,200 --> 02:02:49,080
Kapag hindi ka sumama,
hindi niya alam kung saan siya pupunta.

2257
02:02:49,160 --> 02:02:53,800
Mainit at maalinsangan. Sasama ka
sa kaniya. Tapos ay gusto niyang malayo.

2258
02:02:53,880 --> 02:02:56,160
Bangkok papuntang Chiang Rai, siguro?

2259
02:02:56,240 --> 02:02:59,520
Samantala, kakapit ka lang, nagbabanggaan
ang mga helmet sa bawat preno.

2260
02:03:05,720 --> 02:03:09,720
Kung may insomia ka o mababaw matulog,
hindi ako pupunta nang ganito.

2261
02:03:11,880 --> 02:03:14,320
Magiging lamok ako. Isa lang.

2262
02:03:15,600 --> 02:03:17,720
Kapag patay na ang mga ilaw, lalabas ako.

2263
02:03:24,160 --> 02:03:26,960
Pabubuksan ko sa iyo ang ilaw
at hahanapin mo ako.

2264
02:03:27,040 --> 02:03:28,320
Galingan mo na lang.

2265
02:03:28,400 --> 02:03:30,880
Akala mo ay mahuhuli mo na ako.
Pero kapag sumilip ka, wala ako.

2266
02:03:30,960 --> 02:03:32,280
Ako ang magiging lamok na iyon.

2267
02:03:38,520 --> 02:03:40,880
Kung takot ka sa tuko, kung gayon

2268
02:03:40,960 --> 02:03:42,880
sasapian ko ang tuko

2269
02:03:42,960 --> 02:03:45,120
at sasabit sa bintana ng kotse mo.

2270
02:03:45,200 --> 02:03:48,280
Kapag nasa tollway ka,
makikita mo ako roon mismo.

2271
02:03:48,360 --> 02:03:50,480
Makikita mo ang tiyan kong pula at berde.

2272
02:03:52,800 --> 02:03:54,920
Doon mismo sa tollway. Walang takas.

2273
02:03:55,000 --> 02:03:57,640
Susubukan mong magspray
ng washer fluid ng windshield.

2274
02:03:57,720 --> 02:03:59,360
Tanggapin mo iyan. Nandiyan ka pa rin?

2275
02:03:59,440 --> 02:04:01,320
Tanggapin mo iyan, windshield wiper!

2276
02:04:02,920 --> 02:04:05,600
Malaglag ka, tuko. Ano? Nandiyan ka pa?

2277
02:04:05,680 --> 02:04:07,560
Naroon na sa bintana
sa banda ng nagmamaneho.

2278
02:04:08,400 --> 02:04:10,240
Mas malapit pa siya kaysa noong una.

2279
02:04:10,320 --> 02:04:12,520
Diyan mismo. Ibinaba mo ang bintana,

2280
02:04:12,600 --> 02:04:15,680
umaasang matanggal ang tuko
para mamatay na doon sa tollway.

2281
02:04:17,560 --> 02:04:19,640
Hinampas mo. Tapos pumasok.

2282
02:04:26,560 --> 02:04:28,520
Kapag naglaba ka ng mga medyas mo,

2283
02:04:29,600 --> 02:04:31,280
lagi kang mawawalan ng isa.

2284
02:04:32,440 --> 02:04:34,480
Lalo na sa washing machine.

2285
02:04:35,240 --> 02:04:38,200
Lalo na ang mga may
cartoon print na gusto mo.

2286
02:04:38,280 --> 02:04:41,600
Maglalaba ka, at isang medyas ang mawawala
kapag inalis mo sa washing machine.

2287
02:04:41,680 --> 02:04:43,360
Tapos isa pa, at isa pa.

2288
02:04:43,440 --> 02:04:46,040
Ngayon ay wala nang magkapares
sa mga medyas mo.

2289
02:04:46,120 --> 02:04:48,640
At mukha kang baliw na suot
ang hindi magkakapares na medyas.

2290
02:04:48,720 --> 02:04:51,600
Kaya magtatabi ka
ng palumpon ng mga natitira.

2291
02:04:51,680 --> 02:04:55,160
Makaraan ang anim na buwan,
hindi mo pa rin nakikita ang kapares nila.

2292
02:04:55,880 --> 02:04:58,560
Susuko ka at itatapon ang mga ito.

2293
02:04:58,640 --> 02:05:01,720
Iyon ang hudyat ko. Dahan-dahan kong
ibabalik ang nawawalang medyas isa-isa.

2294
02:05:09,040 --> 02:05:12,840
Kapag namimili ka sa supermarket
sa katapusan ng buwan,

2295
02:05:13,640 --> 02:05:15,560
sa Big C o Tesco Lotus,

2296
02:05:16,200 --> 02:05:18,320
gagawan kita ng problema.

2297
02:05:18,400 --> 02:05:21,760
May makakasalubong kang ginang
sa harap mo sa may kahera.

2298
02:05:23,720 --> 02:05:25,800
Sasabihin ng kahera, "Miss?"

2299
02:05:25,880 --> 02:05:28,520
"Hindi pa po natimbang itong mangga.
Wala siyang barcode."

2300
02:05:30,000 --> 02:05:33,000
Ay grabe. Oras nang maghintay habambuhay.
Ayaw ng babaeng ipatimbang ito.

2301
02:05:33,080 --> 02:05:35,440
Abala ang kahera.
Walang malapit na tauhan.

2302
02:05:35,520 --> 02:05:38,720
Maiipit ka doon hanggang magsabi ka ng,
"Naman o."

2303
02:05:39,880 --> 02:05:43,480
Lilipat ka sa ibang linya.
Panay ang hintay mo hanggang sa ikaw na.

2304
02:05:43,560 --> 02:05:45,040
Sa wakas.

2305
02:05:45,120 --> 02:05:46,400
"Mahal naming kostumer,

2306
02:05:46,480 --> 02:05:49,880
may promo kami para sa sabong panlaba
na binibili ninyo."

2307
02:05:49,960 --> 02:05:51,520
"Kung bibili ka ng isa, may libreng isa."

2308
02:05:51,600 --> 02:05:55,080
Tapos ano? "Kung gusto mo,
kailangan mong kumuha ng isa pa."

2309
02:05:55,160 --> 02:05:57,160
Nagmamadali ka.

2310
02:05:57,240 --> 02:05:59,000
At suwapang ka.

2311
02:05:59,080 --> 02:06:01,240
Nanalo ang pagiging suwapang.
Umalis ka sa linya.

2312
02:06:03,000 --> 02:06:04,400
Pagbalik mo,

2313
02:06:05,200 --> 02:06:06,720
sobrang haba na ng lahat ng linya.

2314
02:06:06,800 --> 02:06:10,520
May nakita kang ginang
sa pinakamaikling linya. Sumunod ka.

2315
02:06:10,600 --> 02:06:14,080
Pero puno ang cart niya.

2316
02:06:14,160 --> 02:06:17,560
At nagbabayad ang ginang
gamit ang tinatawag na

2317
02:06:17,640 --> 02:06:18,960
"mga end-receipt coupon."

2318
02:06:20,160 --> 02:06:22,280
Alam ng mga babae
kung ano ang tinutukoy ko.

2319
02:06:22,360 --> 02:06:25,200
Gumastos ng 800 baht
at makakadiskuwento ka ng 40 baht.

2320
02:06:25,280 --> 02:06:27,640
Ay, naku. Maghanda ka.

2321
02:06:27,720 --> 02:06:31,080
Magsisimula ang kahera na magtype
at magtatype muli ng kung ano

2322
02:06:31,800 --> 02:06:34,680
dahil kailangan nilang i-grupo
ang mga binili sa mga set na 800-baht.

2323
02:06:34,760 --> 02:06:37,640
"650 baht… 680…"

2324
02:06:37,720 --> 02:06:39,840
"Paki-abot ang repolyo."

2325
02:06:39,920 --> 02:06:43,160
"Ah, gagawing 900 ng repolyo. Alisin mo.
Ito na lang ang ipalit mo."

2326
02:06:43,240 --> 02:06:46,800
"Alisin mo ang tsaa.
Puwedeng sa susunod na ang tsaa."

2327
02:06:46,880 --> 02:06:49,080
"Ngayon, ibigay mo sa akin
ang sabong panlaba."

2328
02:06:49,160 --> 02:06:51,880
Pindot. Bura. Pindot. Bura.

2329
02:06:52,640 --> 02:06:55,040
Ay, Diyos ko. Gusto ko nang
umalis dito. Ay, Diyos ko.

2330
02:06:55,800 --> 02:06:57,480
Tapos na ang unang 800.

2331
02:06:57,560 --> 02:07:00,000
Marami pang 800 ang naghihintay.

2332
02:07:02,360 --> 02:07:05,800
Tapos nakakuha pa siya ng mga end-receipt
coupon. Tuloy ang siklo ng diskuwento.

2333
02:07:05,880 --> 02:07:08,560
Resibo kada resibo. Hindi siya natatapos.

2334
02:07:08,640 --> 02:07:11,160
Sa wakas, huling set na.
Halos tapos na sila.

2335
02:07:11,240 --> 02:07:14,320
"Ang total po ay 650 baht."

2336
02:07:14,400 --> 02:07:16,800
"Kailangan pa ninyong bumili
para maging 800 ito."

2337
02:07:16,880 --> 02:07:18,560
Ay, naku. Patuloy ang paghihintay.

2338
02:07:19,200 --> 02:07:21,000
Maghihintay ka hanggang pagkakataon mo na.

2339
02:07:21,080 --> 02:07:24,200
Sa wakas ay makakaalis ka na. Lumapit ka.

2340
02:07:24,280 --> 02:07:27,280
Inilagay ng kahera yung tatsulok na kahoy.

2341
02:07:27,360 --> 02:07:30,400
"Pasensya na po, tapos na ang trabaho ko.
Lipat na lang po kayo sa kabila."

2342
02:07:38,000 --> 02:07:40,600
Ang ayokong gawin, iniiwasan ko.

2343
02:07:40,680 --> 02:07:44,560
Pero ang hindi ko nagawa, naghahanap ako
lagi ng paraan para subukan iyon.

2344
02:07:44,640 --> 02:07:46,480
Sa totoo lang kasi,

2345
02:07:46,560 --> 02:07:50,760
ayokong palipasin ang natitirang buhay ko
na naglalakbay sa buong mundo

2346
02:07:50,840 --> 02:07:52,640
o nagba-bungee jump mula sa helicopter.

2347
02:07:52,720 --> 02:07:56,120
Hindi ko gusto iyon. Mas gusto ko
ang mga misteryosong bagay.

2348
02:07:56,920 --> 02:08:01,440
Interesado ako sa mga misteryosong bagay
na napapaisip ka kung totoo iyon o hindi.

2349
02:08:02,560 --> 02:08:03,920
Tulad ng mga naga.

2350
02:08:04,480 --> 02:08:06,360
Totoo ba ang mga naga?

2351
02:08:07,240 --> 02:08:09,400
Nagpunta ako para mag-merito
sa Chiang Rai.

2352
02:08:09,480 --> 02:08:12,120
Nagpunta ako kasama
sina Kong Huayrai at ang asawa niya,

2353
02:08:12,200 --> 02:08:15,920
si Palmy at partner niya, si Jae Nam rin,
na magsponsor sa imaheng Principal Buddha.

2354
02:08:16,000 --> 02:08:20,160
Habang naroon kami, isang abbot
mula sa monasteryo ng lalawigang Nan

2355
02:08:20,240 --> 02:08:22,640
ang humingi ng donasyon,
at nagbigay ako ng ambag.

2356
02:08:22,720 --> 02:08:26,360
Sabi niya, "Salamat sa pagtulong na itayo
ang tirahan ng aming mga monghe."

2357
02:08:26,440 --> 02:08:30,480
"Nais ko kayong anyayahan sa monasteryo."

2358
02:08:30,560 --> 02:08:32,480
"May regalo para sa inyo
ang Panginoong Naga."

2359
02:08:34,000 --> 02:08:36,280
"Panginoong Naga?
Regalo mula sa Panginoong Naga?"

2360
02:08:36,360 --> 02:08:39,480
"Oo. Hihilingin ko iyon mula mismo
sa Panginoong Naga."

2361
02:08:39,560 --> 02:08:41,080
Napaisip ako, ha.

2362
02:08:41,160 --> 02:08:42,520
Tinanong ko si Palmy.

2363
02:08:43,480 --> 02:08:46,840
"Palmy, dapat ba tayong pumunta para
tumanggap ng regalo sa Panginoong Naga?"

2364
02:08:49,280 --> 02:08:51,280
Sabi niya, "Totoo ba siya?"

2365
02:08:53,120 --> 02:08:56,000
"Kung oo, baka puwedeng subukan."

2366
02:08:57,040 --> 02:08:59,120
"Punta tayo?" Kaya nagpunta kami.

2367
02:08:59,200 --> 02:09:02,200
Sumakay kami ng van mula
Chiang Rai patungong Nan.

2368
02:09:02,280 --> 02:09:03,800
Mahigit apat na oras iyon.

2369
02:09:05,480 --> 02:09:08,320
Pagdating sa Nan,
nasa gubat ang monasteryo.

2370
02:09:08,400 --> 02:09:12,320
Mag 6:00 na gabi noon. Dapithapon na.

2371
02:09:12,920 --> 02:09:16,400
Napapaligiran ang monasteryo ng gubat
at kasalukuyang itinatayo.

2372
02:09:16,480 --> 02:09:18,720
Kakaumpisa pa lang gawin iyon.

2373
02:09:18,800 --> 02:09:22,160
Kalahating konkreto,
kalahating kahoy ang gusali.

2374
02:09:22,240 --> 02:09:25,880
Mga ganito siya kalaki.
Halos kasinghaba ng entabladong ito.

2375
02:09:25,960 --> 02:09:29,240
Ang lugar sa tabi ng tulugan ng mga monghe

2376
02:09:29,320 --> 02:09:33,240
ay ginagawa para maging pavillon
kung saan kami nagbigay ng donasyon.

2377
02:09:33,320 --> 02:09:37,000
Sampung metro ang layo ay isang
danaw ng lotus na walang natitirang lotus.

2378
02:09:37,080 --> 02:09:41,200
Isang lumang danaw ng lotus iyon na
halos kasinglaki ng laruan ng basketball.

2379
02:09:41,280 --> 02:09:43,640
Sa harap ng tulugan ng mga monghe
ay isang mesa.

2380
02:09:43,720 --> 02:09:47,120
May alay na bigas na nakabalot
sa dahon ng saging na hugis naga.

2381
02:09:48,120 --> 02:09:52,440
May speaker din na kasing tangkad ng
upuang iyan at may mikroponong nakakabit.

2382
02:09:52,520 --> 02:09:55,640
May pula at kahel na ilaw
para gabayan ang abbot

2383
02:09:55,720 --> 02:09:58,080
sa gitna ng gubat para hindi siya mawala.

2384
02:09:58,920 --> 02:10:02,640
Pagdating namin, inisip namin,
"Masyadong mapanglaw."

2385
02:10:02,720 --> 02:10:04,960
Palubog na ang araw. Dumidilim na.

2386
02:10:05,520 --> 02:10:09,120
May dalawang monghe roon,
ang abbot at prior.

2387
02:10:09,200 --> 02:10:11,200
Ang prior ang gumagawa ng seremonya.

2388
02:10:11,280 --> 02:10:13,400
Pinaupo kami ng abbot.

2389
02:10:13,480 --> 02:10:17,000
May mga kuwentuhan.
Binigyan kami ng tubig.

2390
02:10:17,080 --> 02:10:18,840
Sinabihan kami ng prior,

2391
02:10:18,920 --> 02:10:22,080
"Dadalhin ni Panginoong Naga
ang kanyang regalo ng 9:00 ngayong p.m."

2392
02:10:23,480 --> 02:10:25,680
Kaya nagkuwentuhan kami.
Walang makakainan.

2393
02:10:25,760 --> 02:10:28,640
Purong gubat lang.

2394
02:10:28,720 --> 02:10:30,040
Nagkuwentuhan kami.

2395
02:10:30,120 --> 02:10:33,600
Tumambay lang kami hanggang 9:00 p.m.

2396
02:10:33,680 --> 02:10:35,640
Lumapit ang prior at sinabi,

2397
02:10:35,720 --> 02:10:38,360
"Gustong ipagpaliban ng Panginoong Naga
ang gawain sa 10:00 p.m."

2398
02:10:40,160 --> 02:10:42,880
Oh. Tinanong namin, "Bakit naman?"

2399
02:10:42,960 --> 02:10:46,600
"Sabi ng Panginoong Naga na, sa loob
ng grupong ito, may hindi magalang."

2400
02:10:46,680 --> 02:10:49,680
"Kung hindi kayo magalang,
hindi niya kayo bibigyan ng regalo."

2401
02:10:50,800 --> 02:10:52,920
Hindi ko alam kung sino iyon.

2402
02:10:53,000 --> 02:10:55,560
Hindi naman ako puwedeng basta magtanong,
"Hindi ka ba magalang?"

2403
02:10:55,640 --> 02:10:58,680
Hindi puwede. Kaya naghintay kaming
sumapit ang 10:00 p.m.

2404
02:10:58,760 --> 02:11:00,600
Nakipagkuwentuhan kami sa mga monghe
para magpatay ng oras.

2405
02:11:00,680 --> 02:11:02,200
Dito nakaupo ang abbot,

2406
02:11:02,920 --> 02:11:04,280
narito si Kong Huayrai,

2407
02:11:04,360 --> 02:11:06,520
dito si Jae Nam, at dito naman ako.

2408
02:11:06,600 --> 02:11:10,960
Si Palmy naman ay nasa pintuan
sa pagitan ng loob at labas.

2409
02:11:11,040 --> 02:11:13,200
Nakatayo nang ganito si Palmy.

2410
02:11:14,400 --> 02:11:16,080
Tinanong ni Kong ang abbot,

2411
02:11:17,280 --> 02:11:19,080
"Ama, hindi ko po alam kung bakit,

2412
02:11:19,160 --> 02:11:23,040
pero kapag malapit ako sa Ilog Mekong,
napakabilis ng tibok ng puso ko."

2413
02:11:23,120 --> 02:11:25,280
"Parang hihimatayin ako."

2414
02:11:25,360 --> 02:11:28,560
"Sanay akong lumangoy,
pero takot akong lumusong sa tubig."

2415
02:11:29,400 --> 02:11:32,920
Sabi ng abbot, "Isa kang naga sa nakaraang
buhay mo. Alam mo ba iyon?"

2416
02:11:33,760 --> 02:11:35,280
"Talaga?"

2417
02:11:35,360 --> 02:11:38,440
"Anuman ang gawin mong may kinalaman
sa naga, maayos mo itong magagawa.

2418
02:11:38,520 --> 02:11:40,200
Tulad ng mga isinulat mong kanta."

2419
02:11:40,280 --> 02:11:44,400
"Ah, tama. Kapag nagsusulat ako
ng kanta, madali lang iyon."

2420
02:11:44,480 --> 02:11:46,200
"Gigising ako,
at dadaloy lang ang mga titik."

2421
02:11:46,280 --> 02:11:47,360
"Iyon nga."

2422
02:11:48,000 --> 02:11:51,200
"Binibigyang-inspirasyon ka
ng asawa mong naga."

2423
02:11:51,280 --> 02:11:53,360
"Mayroon kang asawang naga noon."

2424
02:11:53,440 --> 02:11:55,560
"Muli kang isinilang bilang tao."

2425
02:11:55,640 --> 02:11:57,360
"Hinihintay ka pa rin niya."

2426
02:11:58,600 --> 02:12:03,160
Sumagot si Kong, "Kaya pala kahit sino ang
maka-date ko, lagi kaming naghihiwalay."

2427
02:12:03,240 --> 02:12:05,000
"Oo, ginagawa niya itong mahirap."

2428
02:12:05,080 --> 02:12:07,560
Sa loob-loob ko lang, "Malandi ka kasi."

2429
02:12:10,240 --> 02:12:13,560
Sabi ni Kong,
"Ngayong kasal na ako sa asawa ko,

2430
02:12:13,640 --> 02:12:15,400
natatakot akong maghihiwalay kami."

2431
02:12:15,480 --> 02:12:17,720
"May magagawa ba ako para pigilan iyon?"

2432
02:12:17,800 --> 02:12:20,360
Sabi ng abbot, "Ganito kaya?"

2433
02:12:20,440 --> 02:12:22,440
"Awitan mo ang naga."

2434
02:12:23,240 --> 02:12:24,800
"Awitin mo ang kantang isinulat mo."

2435
02:12:25,360 --> 02:12:27,440
"Iyong kantang 'Khu Khong'."

2436
02:12:27,520 --> 02:12:29,560
"Awitan mo niyan ang naga."

2437
02:12:29,640 --> 02:12:31,080
"At nasaan siya?"

2438
02:12:31,160 --> 02:12:32,800
"Naroon lang."

2439
02:12:33,800 --> 02:12:35,880
"Ang danaw ng lotus
ay tahanan ni Panginoong Naga."

2440
02:12:36,480 --> 02:12:38,440
"Maari mo siyang awitan doon."

2441
02:12:38,520 --> 02:12:40,720
"Tatanggapin niya iyon
at magiging maayos ang lahat."

2442
02:12:40,800 --> 02:12:43,160
Naniwala sa kaniya si Khong at lumabas.

2443
02:12:43,920 --> 02:12:45,360
Naroon ang mikropono

2444
02:12:46,600 --> 02:12:47,880
sa may speaker.

2445
02:12:47,960 --> 02:12:50,800
At madilim ang gubat.

2446
02:12:50,880 --> 02:12:54,120
Walang masyadong ilaw sa templo.
Halos wala.

2447
02:12:55,120 --> 02:12:57,080
Nagsimulang umawit si Kong.

2448
02:12:57,760 --> 02:13:02,400
Hindi siya basta-basta lang kumakanta.
Bigay todo siya.

2449
02:13:04,320 --> 02:13:08,920
<i>Saanman mahanap ang pag-ibig…</i>

2450
02:13:10,080 --> 02:13:12,720
Akala mo nakikinig ang asawa niya.
Ang asawa niyang naga.

2451
02:13:12,800 --> 02:13:14,320
Nasa loob ang totoo niyang asawa.

2452
02:13:15,440 --> 02:13:19,600
<i>Hindi mahalaga kung sino iyon</i>

2453
02:13:19,680 --> 02:13:24,720
<i>Naroon iyon, hindi mawawala…</i>

2454
02:13:27,160 --> 02:13:28,480
<i>Sa panahon</i>

2455
02:13:28,560 --> 02:13:30,280
Umiyak siya. Umiyak talaga.

2456
02:13:30,360 --> 02:13:32,960
Nakakaloko iyon.
Umiiyak siya habang umaawit.

2457
02:13:33,040 --> 02:13:36,760
Habang umaawit siya,
umalingawngaw sa loob ang boses niya.

2458
02:13:36,840 --> 02:13:39,800
Nakaupo sa harap ng abbot si Jae Nam.

2459
02:13:39,880 --> 02:13:41,440
Medyo nakaangat ang upuan ng abbot.

2460
02:13:41,520 --> 02:13:44,240
May mangkok ng limos
na may kasamang banal na tubig

2461
02:13:44,320 --> 02:13:46,120
at isang pumpon ng mga piraso ng kawayan.

2462
02:13:46,200 --> 02:13:48,560
Yung lagi mong makikita
sa loob ng monasteryo.

2463
02:13:48,640 --> 02:13:51,880
Bigla na lang, nangisay si Jae Nam,
para siyang sinasapian.

2464
02:13:52,400 --> 02:13:53,840
Marami siyang yantra tattoo sa katawan.

2465
02:13:53,920 --> 02:13:56,360
Interesado siya sa itim na mahika,
langis na tattoo at banal na tubig.

2466
02:13:56,440 --> 02:13:59,560
Sumasamba siya sa mga banal na bagay.
May tattoo ng tigre rin siya sa likod.

2467
02:14:00,280 --> 02:14:02,840
Kaya tumalon si Jae Nam.
Wala siya sa sarili.

2468
02:14:02,920 --> 02:14:04,720
Isa siyang… isang tigre.

2469
02:14:10,240 --> 02:14:12,200
Ah, isa siyang tigre. Masama ito.

2470
02:14:13,320 --> 02:14:15,920
Tumalon siya tulad ng nakikita ninyo
sa mga clip

2471
02:14:16,000 --> 02:14:18,600
ng mga ritwal sa pagsisimula.

2472
02:14:19,960 --> 02:14:22,400
Isang hayop na tigre si Jae Nam.

2473
02:14:22,480 --> 02:14:24,000
Ano iyon? Tumalon ako palayo.

2474
02:14:24,680 --> 02:14:26,440
Nakasandal sa pader ang likod ko.

2475
02:14:26,520 --> 02:14:28,280
Nagkalat lahat.

2476
02:14:30,320 --> 02:14:31,320
Sa labas…

2477
02:14:31,400 --> 02:14:34,240
<i>Naroroon iyon</i>

2478
02:14:34,320 --> 02:14:37,400
Wala siyang kaalam-alam
tungkol sa tigre na nagwawala sa loob.

2479
02:14:37,480 --> 02:14:38,840
Umuga ang mga sahig.

2480
02:14:38,920 --> 02:14:41,760
Sumigaw ako, "Ama, tulungan ninyo kami!"

2481
02:14:41,840 --> 02:14:45,600
May mangkok ng banal na tubig ang abbot.
Kinuha ang pumpon ng kawayan at umawit…

2482
02:14:51,000 --> 02:14:54,000
Binuhusan niya siya ng banal na tubig,
pero hindi siya kumalma.

2483
02:14:54,080 --> 02:14:57,080
Parang nagbubuhos lang
ng gasolina sa apoy.

2484
02:14:57,160 --> 02:14:58,720
Naging mas mabangis pa siya.

2485
02:15:00,080 --> 02:15:03,280
Wala nang nagtangkang pumigil sa kaniya.
"Jae Nam, ano'ng nangyayari sa iyo?"

2486
02:15:05,400 --> 02:15:06,640
Sa labas…

2487
02:15:14,480 --> 02:15:15,760
Tigre pa rin si Jae Nam.

2488
02:15:15,840 --> 02:15:18,600
Sabi ko, "Ama, Tulong! Tulong po!"

2489
02:15:18,680 --> 02:15:22,040
Binuhusan na niya siya
ng banal na tubig, Hindi gumana.

2490
02:15:22,800 --> 02:15:24,360
Naubusan na siya ng mga ideya.

2491
02:15:24,440 --> 02:15:27,720
Ginalugad niya ang mga bagay
sa paligid niya

2492
02:15:27,800 --> 02:15:29,400
at nakakita ng malaking kabibe,

2493
02:15:30,400 --> 02:15:33,240
tulad ng mga nakikita ninyo
sa dalampasigan ng Bang Saen o Rayong.

2494
02:15:33,320 --> 02:15:35,320
Mga isang pulgada ang haba.

2495
02:15:35,400 --> 02:15:38,240
Hindi niya alam ang gagawin.
Nabigla yata siya.

2496
02:15:38,320 --> 02:15:41,760
Kaya binato niya ang kabibe kay Jae Nam.

2497
02:15:41,840 --> 02:15:44,960
Binato niya. Tinamaan siya ng kabibe
at tuloy lang sa paggulong.

2498
02:15:45,040 --> 02:15:48,400
At alam ninyo? Yumuko ang tigre
at pinulot ang kabibe.

2499
02:15:51,680 --> 02:15:53,760
Bakit kan'yo? Para hipan ito.

2500
02:15:55,640 --> 02:15:57,040
Ano?

2501
02:15:59,160 --> 02:16:01,760
Walang himig. Hangin lang iyon.

2502
02:16:03,040 --> 02:16:05,160
Isang tigre ang umiihip sa kabibe.

2503
02:16:05,240 --> 02:16:06,640
Sa labas,

2504
02:16:06,720 --> 02:16:09,160
umiiyak ang mang-aawit
sa kaniyang asawang naga.

2505
02:16:11,760 --> 02:16:16,360
<i>Anuman ang mangyari,</i>
<i>mananatili tayong matibay</i>

2506
02:16:22,840 --> 02:16:24,960
Nasa pintuan si Palmy.

2507
02:16:25,040 --> 02:16:28,520
Inoobserbahan niya ang mga pangyayari.
Nakita niya lahat ng nangyari.

2508
02:16:28,600 --> 02:16:30,880
Sa dilim, sumigaw si Palmy,

2509
02:16:31,880 --> 02:16:33,440
"Ano'ng kalokohan ito?"

2510
02:16:47,200 --> 02:16:49,040
"Nasobrahan ng relihiyon."

2511
02:16:50,879 --> 02:16:53,719
"Bakit tayo narito, Note?

2512
02:16:53,799 --> 02:16:57,719
Hindi ko rin alam!
Hindi ko inisip na magiging ganito kagulo.

2513
02:16:57,799 --> 02:16:59,280
Panay ang ihip ni Jae Nam…

2514
02:17:01,280 --> 02:17:03,760
hanggang sa mawalan siya ng hininga
at himatayin sa banig.

2515
02:17:03,840 --> 02:17:06,520
Iniisip ko noon,
"Anong klaseng multiverse ba ito?"

2516
02:17:07,240 --> 02:17:09,920
"Bakit ba ako napunta rito?
Litong-lito na ako."

2517
02:17:10,000 --> 02:17:12,120
Oras na himatayin si Jae Nam,

2518
02:17:12,200 --> 02:17:14,280
nagsimulang kumalma ang lahat.

2519
02:17:14,760 --> 02:17:17,639
Ikinuha nila siya ng tubig na maiinom.

2520
02:17:18,320 --> 02:17:22,480
Sakto ang tiyempo. Natapos si Kong sa
awit niya, pumasok, pinahid ang mga luha.

2521
02:17:22,559 --> 02:17:25,360
Pumasok siya at sinabing,
"Ano'ng nangyari kay Jae Nam?"

2522
02:17:26,639 --> 02:17:28,680
Ikaw rin! Ano'ng nangyayari sa iyo?

2523
02:17:32,160 --> 02:17:36,639
Tapos, ang prior sa tulugan ng monghe
ay tinapos ang seremonya at lumabas.

2524
02:17:36,719 --> 02:17:37,719
Sakto ang tiyempo.

2525
02:17:37,799 --> 02:17:39,520
"Okay, kayong lahat."

2526
02:17:39,600 --> 02:17:41,680
"Handa na ang Panginoong Naga."

2527
02:17:41,760 --> 02:17:44,879
"Maari na ninyong kunin
ang regalo ninyo."

2528
02:17:44,959 --> 02:17:46,160
"Saan po, Ama?"

2529
02:17:46,240 --> 02:17:49,680
"Ikaw, iho, lumusong ka
sa danaw ng lotus."

2530
02:17:49,760 --> 02:17:51,959
"Ha? Bakit kailangan kong lumusong?"

2531
02:17:52,040 --> 02:17:56,600
"Iyon ang palasyo ni Panginoong Naga.
Iyon ang tahanan niya."

2532
02:17:56,680 --> 02:17:57,840
"Kami?"

2533
02:17:58,559 --> 02:18:01,480
"Gusto mo kaming pumasok sa tahanan niya?"

2534
02:18:02,280 --> 02:18:03,840
"Para maging hapunan niya?"

2535
02:18:06,559 --> 02:18:09,680
Napakadilim noon. Sobrang madilim.
Walang mga ilaw.

2536
02:18:09,760 --> 02:18:13,959
Ang mayroon lang kami ay ang flashlight
ng templo at mga telepono namin.

2537
02:18:14,040 --> 02:18:17,360
Medyo tulala pa kami
kaya sinundan namin ang abbot.

2538
02:18:17,440 --> 02:18:22,000
Pagkatapos ay sinabi ng abbot,
"Hindi puwedeng lumusong ang mga babae."

2539
02:18:22,840 --> 02:18:24,440
"Kokontrahin nito
ang mga kapangyarihan niya."

2540
02:18:24,520 --> 02:18:28,600
"Nireregla ang mga babae. Masama
ang epekto nito sa kapangyarihan niya."

2541
02:18:28,680 --> 02:18:32,879
Kaya kami, sige, bawal ang babae sa danaw.
Palmy, hindi ka puwedeng lumusong.

2542
02:18:32,959 --> 02:18:36,200
Habang nililinaw namin ito,
lumusong na sa danaw si Jae Nam.

2543
02:18:38,920 --> 02:18:41,200
Hindi iniisip ni Jae Nam na tao siya.

2544
02:18:41,760 --> 02:18:42,840
Tigre siya.

2545
02:18:44,160 --> 02:18:46,799
Walang nagtangkang pigilan siya
sa takot na kakagatin niya kami.

2546
02:18:50,680 --> 02:18:53,240
"Ama, nasa danaw na siya."

2547
02:18:53,320 --> 02:18:56,040
"Eh, ewan ko…"

2548
02:18:56,120 --> 02:18:58,040
"O sige."

2549
02:18:58,120 --> 02:19:00,799
Doon sa danaw na iyon na kasing laki
ng palaruan ng basketball,

2550
02:19:00,879 --> 02:19:02,680
sinabihan kami ng abbot
na maghawak kamay kaming lahat.

2551
02:19:03,520 --> 02:19:07,160
Naghawak kamay kami at naglakad nang
tabi-tabi mula isang dulo pa-kabila.

2552
02:19:07,240 --> 02:19:10,520
Kapag may nahanap kami, dapat kunin namin.
Iyon ang regalo ng naga.

2553
02:19:11,360 --> 02:19:14,600
"Okay," sabi ng abbot.
"Mula dito sa taas, gagawin ko seremonya."

2554
02:19:14,680 --> 02:19:16,160
Nagsindi siya ng kandila.

2555
02:19:17,040 --> 02:19:19,280
May mga sipol ng natural na hangin,

2556
02:19:19,360 --> 02:19:23,520
ang mga likas na tunog ng kuliglig,
at kadiliman,

2557
02:19:23,600 --> 02:19:27,600
maging ang pagka-asiwa ng takot namin.

2558
02:19:27,680 --> 02:19:30,200
Paglusong ko, ganito kataas ang tubig.

2559
02:19:30,280 --> 02:19:32,400
Putik ang nasa ilalim. Doon kami naglakad.

2560
02:19:32,480 --> 02:19:35,000
Danaw ng lotus iyon,
o dating danaw ng lotus.

2561
02:19:35,080 --> 02:19:37,840
Walang bagong mga lotus.
Mga tuyong sanga lang ang nandoon,

2562
02:19:37,920 --> 02:19:40,440
na nakakairita sa mga paa namin
kapag tumatapak kami roon.

2563
02:19:40,520 --> 02:19:42,879
Habang naglalakad kami, may maliliit
na bulang lilitaw sa bawat hakbang.

2564
02:19:42,959 --> 02:19:45,240
May mabahong amoy. Pero kami…

2565
02:19:46,360 --> 02:19:49,600
sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit
namin ginawa iyon, pero naroon na kami.

2566
02:19:49,680 --> 02:19:51,240
Sabi ng abbot, "O sige."

2567
02:19:51,320 --> 02:19:55,680
Mahina ang boses ng abbot, pero malinaw
mong naririnig iyon sa gitna ng dilim.

2568
02:19:55,760 --> 02:19:58,720
"Kapag may nahanap kayo, huwag sisigaw."

2569
02:19:59,440 --> 02:20:03,120
"Huwag gagawa ng gulo.
Huwag ninyong pag-isipan ng kung ano."

2570
02:20:03,960 --> 02:20:05,000
Ha?

2571
02:20:05,960 --> 02:20:08,520
Nasa danaw ako. Kapag may nagpuntang naga,

2572
02:20:08,600 --> 02:20:11,480
ililingkis ang katawan nito sa akin,
lalamunin ang binti ko,

2573
02:20:11,560 --> 02:20:13,040
dapat ba talaga akong manahimik?

2574
02:20:14,680 --> 02:20:16,640
Hahayaan ko na lang ba
ang sarili ko na lumubog?

2575
02:20:19,880 --> 02:20:20,880
Talaga?

2576
02:20:22,120 --> 02:20:25,840
Litong-lito ako. Natatakot lahat.
Ako, asawa ni Palmy,

2577
02:20:27,160 --> 02:20:29,600
ang drayber, lahat ng mga lalaki,
alam ninyo iyon?

2578
02:20:29,680 --> 02:20:31,880
Takot kaming lahat.
Isa lang sa amin ang masaya.

2579
02:20:33,920 --> 02:20:35,040
Ang dating naga.

2580
02:20:36,920 --> 02:20:39,120
Si Kong Huayrai.
Lumalangoy siya, dire-diretso lang.

2581
02:20:40,640 --> 02:20:44,120
Ginagawa niya ang butterfly stroke.
Kasi ganito lumangoy ang naga.

2582
02:20:44,200 --> 02:20:46,600
Langoy lang siya nang langoy,
tinatamasa ang pagkakataon.

2583
02:20:46,680 --> 02:20:49,480
Pauwi na siya,
uuwi para makita ang asawa niya.

2584
02:20:50,520 --> 02:20:52,760
Sa gitna ng katahimikan ay ang ingay
ng pagtatampisaw namin.

2585
02:20:54,320 --> 02:20:57,000
Habang nangyayari iyon,
inaawit ng abbot ang mga mantra niya.

2586
02:20:57,080 --> 02:20:58,640
Sa gitna noon, sabi niya,

2587
02:20:58,720 --> 02:21:01,040
"Binibini, ikaw na nasa dalampasigan,

2588
02:21:02,080 --> 02:21:03,600
sabayan mo akong umawit."

2589
02:21:04,440 --> 02:21:06,480
"Ang awit na 'Itipiso'."

2590
02:21:06,560 --> 02:21:08,600
"Samahan mo akong umawit."

2591
02:21:10,400 --> 02:21:12,240
Ang babae sa dalampasigan

2592
02:21:12,320 --> 02:21:13,760
ay walang iba kung hindi si

2593
02:21:14,400 --> 02:21:16,440
Eve Pancharoen,

2594
02:21:16,520 --> 02:21:17,840
ang aming mahal na Palmy.

2595
02:21:18,680 --> 02:21:20,880
Sa ganap na kadiliman

2596
02:21:22,560 --> 02:21:23,600
ng gubat,

2597
02:21:24,840 --> 02:21:26,200
maririnig mo

2598
02:21:27,120 --> 02:21:29,600
ang boses ni Palmy na umaawit

2599
02:21:29,680 --> 02:21:31,360
na walang katulad.

2600
02:21:33,760 --> 02:21:35,720
Habang nagtatampisaw kami…

2601
02:21:37,160 --> 02:21:42,680
<i>Itipiso bhagava araham</i>

2602
02:21:42,760 --> 02:21:46,280
<i>Samma sambuddho</i>

2603
02:21:47,640 --> 02:21:52,520
<i>Vijjacaranasampanno</i>

2604
02:21:52,600 --> 02:21:56,360
<i>Sugato lokavidu</i>

2605
02:21:56,440 --> 02:21:58,240
<i>Anuttaro…</i>

2606
02:22:00,120 --> 02:22:01,800
Hindi ako makapaniwala.

2607
02:22:07,280 --> 02:22:11,080
Akala ko ay nananaginip lang ako.

2608
02:22:11,160 --> 02:22:13,920
Nagtatampisaw kami sa lugar ng isang naga

2609
02:22:14,000 --> 02:22:16,080
habang umaawit si Palmy ng "Itipiso."

2610
02:22:16,160 --> 02:22:17,640
Anong klaseng kalokohan ito?

2611
02:22:17,720 --> 02:22:19,840
Nagtatampisaw kami at nangangapa.

2612
02:22:19,920 --> 02:22:23,080
Sa gitna ng dilim,
sumigaw si Kong, "Note!"

2613
02:22:24,360 --> 02:22:26,480
"Ano? Ano iyon? Ano?"

2614
02:22:27,720 --> 02:22:29,680
"Lumangoy siya sa pagitan
ng mga binti ko!"

2615
02:22:30,600 --> 02:22:33,360
"Ano?" "Lumangoy siya
sa pagitan ng mga binti ko!"

2616
02:22:33,440 --> 02:22:34,440
Ano'ng kalokohan ang ginagawa mo?

2617
02:22:36,360 --> 02:22:37,960
"Totoo siya! Lumangoy siya
sa pagitan ng mga binti ko."

2618
02:22:38,040 --> 02:22:41,680
Ang ibig niyang sabihin ay may nagang
lumangoy sa pagitan ng mga binti niya.

2619
02:22:42,720 --> 02:22:45,840
Talaga? Hindi hiniwa
ng tuktok niya ang itlog mo?

2620
02:22:51,080 --> 02:22:53,880
Hindi ako napanatag noon.

2621
02:22:53,960 --> 02:22:56,840
Natakot ako.
Mahigpit kaming naghawakan ng kamay.

2622
02:22:56,920 --> 02:22:58,600
Huwag kang lalangoy sa ilalim ko!

2623
02:22:58,680 --> 02:23:00,440
Huwag kang lalangoy sa ilalaim ko!
Huwag mo akong sasakalin!

2624
02:23:00,520 --> 02:23:04,440
Patuloy kaming naglakad papunta sa kabila.
Ilang minuto rin ang inubos namin.

2625
02:23:04,520 --> 02:23:06,520
Bago namin narating ang dalampasigan,

2626
02:23:06,600 --> 02:23:08,040
tumahimik na sa buong paligid.

2627
02:23:09,200 --> 02:23:10,440
Sabi ng abbot,

2628
02:23:10,520 --> 02:23:13,160
"Huwag kayong titigil."

2629
02:23:13,240 --> 02:23:15,120
"Ituloy mo ang pag-awit."

2630
02:23:15,200 --> 02:23:17,040
Si Palmy siguro ang kinakausap niya.

2631
02:23:19,560 --> 02:23:21,680
"Tuyo na ang lalamunan ko kakaawit."

2632
02:23:23,680 --> 02:23:26,760
"Nakaupo ako sa santambak
na halamang touch-me-not."

2633
02:23:27,640 --> 02:23:30,000
"Masakit na ang puwit ko."

2634
02:23:34,960 --> 02:23:36,920
<i>Itipiso…</i>

2635
02:23:42,160 --> 02:23:43,920
Buong kahabaan kaming naglakad.

2636
02:23:44,000 --> 02:23:46,520
Wala kaming nakita!
Naggalugad kami at walang nakita.

2637
02:23:46,600 --> 02:23:47,920
Masyado akong pinanghinaan ng loob.

2638
02:23:48,000 --> 02:23:51,200
Gumapang ako sa gilid ng danaw.
Mga 1.5 metro ang taas ng gilid.

2639
02:23:51,280 --> 02:23:55,280
Sinabi ko sa abbot,
"Ama, wala po kaming nakita."

2640
02:23:55,360 --> 02:23:57,400
Sabi ng abbot, "Hmm."

2641
02:23:57,480 --> 02:23:59,360
"Hindi pa ito nangyayari noon."

2642
02:24:01,400 --> 02:24:04,040
"Baka may maling nangyari."

2643
02:24:04,120 --> 02:24:06,440
"Ang sabi ng Panginoong Naga
ay binastos natin siya."

2644
02:24:06,520 --> 02:24:08,560
"May naging hindi magalang siguro."

2645
02:24:08,640 --> 02:24:09,680
Sino?

2646
02:24:11,920 --> 02:24:13,360
Hindi ako.

2647
02:24:13,440 --> 02:24:16,480
Nagpunta lang ako para magmasid,
alam ninyo iyon?

2648
02:24:17,240 --> 02:24:18,240
Kaya…

2649
02:24:18,320 --> 02:24:20,480
"Ako na lang ang lulusong," sabi ng abbot.

2650
02:24:20,560 --> 02:24:24,040
Hinubad niya ang kaniyang roba, suot lang
ang nasa balikat niya at panloob,

2651
02:24:24,120 --> 02:24:25,480
at lumusong sa danaw.

2652
02:24:25,560 --> 02:24:27,640
Pero ayaw na naming umulit
para sa ikalawang ulit.

2653
02:24:27,720 --> 02:24:31,160
Puro putik na kami,
at halos hatinggabi na.

2654
02:24:31,840 --> 02:24:35,160
Alam ninyo kung sino ang lumusong
kasama ng abbot? Tama. Ang lalaking iyon.

2655
02:24:37,000 --> 02:24:39,000
Taas-baba siya.

2656
02:24:39,080 --> 02:24:41,000
Naghalughog sila.

2657
02:24:41,080 --> 02:24:44,000
Hanggang sa dulo. At nakita nila.

2658
02:24:44,080 --> 02:24:45,880
Totoo.

2659
02:24:45,960 --> 02:24:47,840
Isang bolang kristal.

2660
02:24:48,400 --> 02:24:50,960
Sabi ng abbot ay kay Panginoong Naga iyon.
Ganito iyon kalaki.

2661
02:24:51,760 --> 02:24:53,600
Ang bigat ay mga 130 libra.

2662
02:24:53,680 --> 02:24:57,000
Napakalinaw. Iniahon nila iyon,
at dumulas iyon.

2663
02:24:57,080 --> 02:24:58,960
"Umaalumpihit ito," sabi ni Kong.

2664
02:24:59,040 --> 02:25:00,440
Panay ang pagdula niya.

2665
02:25:00,520 --> 02:25:04,760
Napakaputik, alam ninyo iyon.
Patuloy na dumudulas yung bolang kristal.

2666
02:25:04,840 --> 02:25:09,080
Sa wakas, tinawag yung drayber
para kumuha ng telang gagamitin sa bola.

2667
02:25:09,160 --> 02:25:12,280
Inakyat nila ito. Mga anim na tao
ang kinailangan. Mabigat iyon.

2668
02:25:12,360 --> 02:25:16,200
Hinugasan namin iyon at dinala sa tray na
may tuntungan papuntang tuluyan ng monghe.

2669
02:25:16,280 --> 02:25:18,600
Tiningnan namin iyon,
panay kami ooh at aah.

2670
02:25:19,720 --> 02:25:21,320
Tuwang-tuwa si Kong.

2671
02:25:21,400 --> 02:25:23,680
Nagbigay-galang siya roon,
hinugasan at pinatuyo iyon.

2672
02:25:23,760 --> 02:25:25,760
Hindi siya tumitigil sa pagsasalita.

2673
02:25:26,400 --> 02:25:29,160
Hindi ko alam ang iisipin.
Napakalinaw at napakaganda noon.

2674
02:25:29,240 --> 02:25:30,680
Lumapit si Palmy para tumingin.

2675
02:25:30,760 --> 02:25:32,600
"Puwede bang makita?"

2676
02:25:34,840 --> 02:25:38,560
"Ama, puwede ko pong hawakan?"
"Sige lang." Piniga ito ni Palmy.

2677
02:25:42,680 --> 02:25:45,680
"Ito ba iyong inaawitan natin
nang napakatagal na?"

2678
02:25:47,800 --> 02:25:50,600
"Marami kang makikitang ganito
sa Tha Phra Chan."

2679
02:26:02,480 --> 02:26:06,920
Sa huli, hindi ko maibalik ito
sakay ng eroplano kasi sobrang bigat.

2680
02:26:07,000 --> 02:26:10,720
Kailangan naming umarkila ng van
para ihatid ito mula Nan hanggang Bangkok.

2681
02:26:10,800 --> 02:26:14,240
Ibinigay nalang namin
ang bolang kristal kay Kong Huayrai.

2682
02:26:14,320 --> 02:26:16,200
Tuwang-tuwa siya.

2683
02:26:16,800 --> 02:26:20,000
Dapat ay matatapos na ang palabas ko
ngayon. Ngayon na mismo.

2684
02:26:20,080 --> 02:26:23,960
Pero ayoko pang tapusin ito.
Puwede bang dito pa muna ako?

2685
02:26:34,720 --> 02:26:36,320
Kasi may babanggitin pa ako

2686
02:26:36,400 --> 02:26:39,840
na tao na hindi ko na titiisin.

2687
02:26:40,880 --> 02:26:43,120
Walong taon ko na siyang tinitiis.

2688
02:26:53,400 --> 02:26:55,520
Ano ito? Kayo rin ba?

2689
02:26:56,360 --> 02:26:57,720
Hindi nga.

2690
02:26:59,480 --> 02:27:01,440
Medyo ano siya…

2691
02:27:07,120 --> 02:27:09,680
Sabihin na lang nating
ayaw pa niyang umalis.

2692
02:27:09,760 --> 02:27:14,000
Kung gagamitin natin ang sikolohiya,
gusto niyang manatili nang buong puso.

2693
02:27:14,080 --> 02:27:16,400
Kahit na umaasta siya na, alam ninyo iyon,

2694
02:27:17,320 --> 02:27:19,920
"Anuman ang gusto ng mga tao, okay?"

2695
02:27:20,920 --> 02:27:25,920
Pero sa kilos niya gusto niyang manatili,
siguro hanggang sa pulong ng APEC,

2696
02:27:26,600 --> 02:27:28,120
bilang karangalan sa kaniyang pamilya.

2697
02:27:28,200 --> 02:27:30,480
O baka gusto niyang manatili
ng apat na taon pa

2698
02:27:30,560 --> 02:27:33,800
para maging 12 taon para makagawa
ng bagong rekord o ano.

2699
02:27:33,880 --> 02:27:36,840
Pero dahil ayaw niyang umalis,

2700
02:27:36,920 --> 02:27:40,440
iminumungkahi ko na gawin nating totoo
ang pangarap niya.

2701
02:27:40,520 --> 02:27:42,760
Gawin nating totoo ang pangarap
ng isang matandang lalaki.

2702
02:27:42,840 --> 02:27:46,240
Para kapag umalis siya,
wala siyang pagsisisihan.

2703
02:27:47,280 --> 02:27:49,560
Sa loob-loob ko,
gusto kong sumali sa grupo niya

2704
02:27:50,600 --> 02:27:53,360
at tulungan siyang mangampanya
para sa susunod na termino niya.

2705
02:27:53,440 --> 02:27:55,840
Dahil alam kong 'pag siya lang ang gumawa,
mabibigo siya.

2706
02:27:57,200 --> 02:27:59,520
Nakita ninyo, lumang balita na,

2707
02:27:59,600 --> 02:28:01,840
ipinapakilala at ikinakampanya
sa lumang pamamaraan.

2708
02:28:01,920 --> 02:28:04,640
Mas kilala bilang "pangakong mapapako."

2709
02:28:05,640 --> 02:28:08,200
Nangangakong gagawin ito at iyan.

2710
02:28:08,280 --> 02:28:11,400
Nangangakong itataas ang suweldo
sa 400 baht at kung ano pa.

2711
02:28:11,480 --> 02:28:14,360
Kapag hindi natupad ang mga iyon,
inaalis nila ang talakayan.

2712
02:28:20,480 --> 02:28:23,640
Sawa na tayo riyan.
Ngayon, ang totoong ikaw ang mabenta.

2713
02:28:23,720 --> 02:28:28,760
Magpakatotoo ka lang. Kapag binoto ka,
dahil sa gusto ka nila sa kung sino ka.

2714
02:28:28,840 --> 02:28:32,160
Alam ninyo?
Ang tawag ko sa ganyang marketing

2715
02:28:32,240 --> 02:28:34,280
ay "bully marketing."

2716
02:28:35,160 --> 02:28:36,960
Sabihin mo lang sa mundo kung sino tayo.

2717
02:28:38,160 --> 02:28:40,960
Ang ideyang naisip ko para kay Tito Tuu

2718
02:28:41,040 --> 02:28:43,680
ay mula sa halalan
para sa gobernador ng Bangkok.

2719
02:28:43,760 --> 02:28:46,040
Gumagamit sila ng mga kotse na malakas
ang patugtog ng tugtuging country na Thai

2720
02:28:46,760 --> 02:28:49,440
na may pamilyar na himig
at inangkop na titik.

2721
02:28:49,520 --> 02:28:51,800
Nakakahalina ang mga tugtog.
Pagkatapos noon,

2722
02:28:51,880 --> 02:28:55,600
ipapaalam ninyo nang tapat
ang mga kuwalipikasyon ninyo.

2723
02:28:56,760 --> 02:28:58,680
Ang narinig ko ay parang ganito.

2724
02:29:02,560 --> 02:29:04,280
Maririnig mo ang mga alingawngaw.

2725
02:29:04,360 --> 02:29:06,120
Masayang tugtog, alam ninyo iyon?

2726
02:29:07,280 --> 02:29:08,760
Paki-lakasan ang alingawngaw.

2727
02:29:12,720 --> 02:29:14,400
Daraan iyon sa bahay mo.

2728
02:29:15,840 --> 02:29:19,400
<i>Mayroon akong kabigha-bighaning gayuma</i>

2729
02:29:19,880 --> 02:29:25,040
<i>Iuutos sa pusong piliin</i>
<i>ang dating pag-ibig</i>

2730
02:29:25,960 --> 02:29:28,000
<i>Ang parehong punong ministro</i>

2731
02:29:28,640 --> 02:29:30,920
<i>Magtipon tayo</i>

2732
02:29:31,000 --> 02:29:33,120
<i>Bumoto tayo</i>

2733
02:29:33,200 --> 02:29:37,640
<i>At piliin si Tito Tuu</i>

2734
02:29:42,560 --> 02:29:44,440
Pagkatapos, sabihin mo
ang iyong mga kuwalipikasyon.

2735
02:29:44,520 --> 02:29:45,880
Matapang.

2736
02:29:47,160 --> 02:29:48,400
Hindi maaasahan.

2737
02:29:53,200 --> 02:29:56,120
Iniwan tayong bahala sa sarili natin.

2738
02:29:56,200 --> 02:29:57,360
Matapang.

2739
02:29:57,440 --> 02:29:58,920
Hindi maaasahan.

2740
02:29:59,000 --> 02:30:00,920
Kunsintidor ng mga umiiral na isyu.

2741
02:30:01,000 --> 02:30:02,920
Tagagawa ng mga bago.

2742
02:30:03,000 --> 02:30:05,520
Kailangan mong sabihin sa mga tao kung ano
ang kanilang dapat asahan, hindi ba?

2743
02:30:10,800 --> 02:30:13,240
Kunsintidor ng mga umiiral na isyu.
Tagagawa ng mga bago.

2744
02:30:13,320 --> 02:30:16,000
Tagatupad ng pagiging malinaw.

2745
02:30:16,080 --> 02:30:17,440
Pero bawal ang pagsusuri.

2746
02:30:22,840 --> 02:30:24,640
Handang harapin ang lahat ng problema

2747
02:30:24,720 --> 02:30:26,480
gamit ang lahat ng talinong taglay niya

2748
02:30:27,240 --> 02:30:29,840
at lahat ng 84,000 brain cells niya.

2749
02:30:32,400 --> 02:30:35,480
Ang pinakamalakas sa kaniya ay…
ang ulo niya.

2750
02:30:41,280 --> 02:30:43,280
Ang pinakamalakas na katangian niya
ay ang ulo niya.

2751
02:30:43,360 --> 02:30:45,960
Ang pinakakahinaan niya
ay ang nasa loob nito.

2752
02:30:54,920 --> 02:30:56,360
Magaling siya sa mga salita.

2753
02:30:57,680 --> 02:30:59,720
Pero mas magaling kung wala noon.

2754
02:31:04,880 --> 02:31:08,600
Isang punong ministrong inaayos ang
problema ng bansa sa pagsulat ng kanta.

2755
02:31:08,680 --> 02:31:12,400
Napakaraming bagong kanta. Bakit
hindi ka na lang gumawa ng album?

2756
02:31:13,920 --> 02:31:16,280
Inaayos niya ang mga problema ng bansa
sa pamamagitan ng pagsusulat ng kanta.

2757
02:31:16,360 --> 02:31:18,800
Inaayos niya ang sariling problema niya
sa pagiging agresibo.

2758
02:31:20,200 --> 02:31:23,520
Kapag may tanong na hindi niya masagot,
pinagtatakpan niya ito ng galit.

2759
02:31:25,440 --> 02:31:27,960
Ang taong nanumpa sa bansa.

2760
02:31:29,240 --> 02:31:31,120
At hindi lang isang bansa.

2761
02:31:34,240 --> 02:31:36,680
Nakipagkasundo siya sa maraming bansa.

2762
02:31:36,760 --> 02:31:39,240
Ang pinakabagong kasunduan
ay ang utang sa Japan.

2763
02:31:46,280 --> 02:31:48,640
Ang utang natin ngayon
ay ilampung milyong baht.

2764
02:31:49,640 --> 02:31:53,040
Maging kalmado tayo, at magkakasama nating
bayaran ang mga utang.

2765
02:31:57,920 --> 02:32:01,720
Ipasa natin ang mga utang natin
sa mga anak natin.

2766
02:32:01,800 --> 02:32:03,000
Bakit kamo?

2767
02:32:03,080 --> 02:32:05,920
Dahil hindi ito mabayaran
ng henerasyon natin.

2768
02:32:11,400 --> 02:32:13,360
Hindi natin kinokopya
ang polisiya ninuman.

2769
02:32:14,320 --> 02:32:18,280
Kung iboboto mo si Chadchart,
puro trabaho ang makukuha mo.

2770
02:32:19,040 --> 02:32:24,160
Pero kung iboboto mo si Tito Tuu,
kailangan mo nang magdasal.

2771
02:32:30,400 --> 02:32:33,480
At mainis nang mainis.

2772
02:32:40,480 --> 02:32:42,440
Pahinga muna tayo mula sa kampanya.

2773
02:32:43,320 --> 02:32:46,160
Pag-usapan natin ang mga taong
nagtsitsimisan sa mga kalye.

2774
02:32:46,880 --> 02:32:47,960
Ang siste kasi,

2775
02:32:49,280 --> 02:32:51,600
may dalawang tao sa bansang ito

2776
02:32:51,680 --> 02:32:53,840
na sa tuwing nagsasalita sila,

2777
02:32:53,920 --> 02:32:55,440
nagagalit ako.

2778
02:32:56,120 --> 02:32:59,400
Ang dalawang taong ito
ay sina Tito Tuu at Kratik.

2779
02:33:02,480 --> 02:33:03,560
Para siyang…

2780
02:33:12,880 --> 02:33:13,920
"Sir,

2781
02:33:14,600 --> 02:33:17,160
paano ba natin maaayos ang trapik?"

2782
02:33:17,880 --> 02:33:20,560
"Mabuting may trapik.
Naiiwasan noon ang mga aksidente."

2783
02:33:28,800 --> 02:33:32,200
Siya ang panauhing pandangal noong isang
araw. Si Tito Tuu ang panauhing pandangal

2784
02:33:32,280 --> 02:33:36,240
sa Thailand 5G Summit.

2785
02:33:37,040 --> 02:33:38,840
Kumperensya sa teknolohiya iyon.

2786
02:33:40,280 --> 02:33:43,360
Pinangunahan niya ang isang miting
ukol sa teknolohiya.

2787
02:33:47,040 --> 02:33:49,640
Ang pinakamagandang linya ng araw na iyon
ay noong sinabi niyang

2788
02:33:49,720 --> 02:33:51,280
napakarami niyang ginagawa

2789
02:33:52,120 --> 02:33:56,360
na kung computer siya, sa dami ng
ginagawa niya, nasira na sana siya.

2790
02:33:57,320 --> 02:33:59,880
Sir, huminga po kayo ng malalim
at gumising kayo.

2791
02:34:00,600 --> 02:34:02,840
Hindi kayo computer.

2792
02:34:02,920 --> 02:34:06,240
May processing unit ang isang computer…

2793
02:34:12,000 --> 02:34:13,880
at may isang memory unit.

2794
02:34:14,560 --> 02:34:15,800
Wala kayo noon pareho.

2795
02:34:17,440 --> 02:34:20,120
Isang hamak na keyboard lamang kayo.

2796
02:34:20,200 --> 02:34:22,560
Okay? Ni wala pang screen.

2797
02:34:24,080 --> 02:34:26,160
Walang display ng inyong mga nagawa.

2798
02:34:26,240 --> 02:34:29,840
May iba pa ngang tinatawag kayong
makinilya. At yung luma pa.

2799
02:34:37,680 --> 02:34:38,920
Hindi ba nakakainis iyon?

2800
02:34:39,000 --> 02:34:41,960
Oo, oo, at oo.

2801
02:34:45,040 --> 02:34:48,600
May simpleng tanong ako para sa inyo.
Sabihin nating may negosyo kayo.

2802
02:34:48,680 --> 02:34:50,920
Lahat siguro kayo may isa kahit papaano.

2803
02:34:51,000 --> 02:34:53,360
Sabihin nating may nag-aplay
para magtrabaho sa inyo

2804
02:34:54,320 --> 02:34:56,080
na may ugali…

2805
02:34:58,200 --> 02:35:00,320
"Sa tingin mo ay gusto kong gawin ito?"

2806
02:35:01,240 --> 02:35:02,800
"Gusto mong subukan ito?"

2807
02:35:03,400 --> 02:35:06,520
Isipin mong aplikante ito sa trabaho.
Nag-aplay sila.

2808
02:35:06,600 --> 02:35:08,400
Kukunin mo ba sila?

2809
02:35:09,200 --> 02:35:11,000
Madaling tanong ito.

2810
02:35:11,880 --> 02:35:14,880
Sa ngayon, ito ang klase ng taong
nagtatrabaho para sa atin.

2811
02:35:17,480 --> 02:35:19,280
Sa tingin mo ba ay may kinabukasan dito?

2812
02:35:29,360 --> 02:35:33,000
Ano ang populasyon ng Thailand?

2813
02:35:33,080 --> 02:35:36,280
67 o 76 na milyon ba?

2814
02:35:37,120 --> 02:35:40,040
Mga ganoong bilang.
Ilang milyong tao.

2815
02:35:40,120 --> 02:35:43,840
Isipin ninyong
nasa iisang eroplano lang tayong lahat.

2816
02:35:44,360 --> 02:35:48,000
Nasa higanteng eroplano tayo.
Ang eroplanong ang tawag ay Thailand.

2817
02:35:49,760 --> 02:35:53,920
Karaniwan, pilotong may karanasan
ang nagpapalipad ng eroplano.

2818
02:35:54,880 --> 02:35:58,160
Tama? Piloto ang nagpapalipad ng eroplano.

2819
02:35:58,240 --> 02:36:04,480
Pero sa ngayon, lahat ng pilotong may alam
at may kakayahan ang hindi nagpapalipad.

2820
02:36:05,560 --> 02:36:08,080
Sino ang nasa cockpit? Isang sekyu.

2821
02:36:13,800 --> 02:36:18,200
Pag-isahin muna natin ang pananaw natin.
Hindi ko minamaliit ang mga sekyu.

2822
02:36:18,280 --> 02:36:21,480
Ipinanganak ang mga tao
na may magkakaibang gusto.

2823
02:36:21,560 --> 02:36:23,960
Gusto mo ng mga numero?
Maging accountant ka.

2824
02:36:24,960 --> 02:36:28,200
Gusto mo ng kapayapaan at hindi nakatali?
Maging monghe ka.

2825
02:36:28,960 --> 02:36:32,040
Gusto mo makipaglaban? Maging boksingero.
Gusto mong magluto? Maging kusinero.

2826
02:36:32,120 --> 02:36:34,080
Lahat ay may kani-kaniyang hilig.

2827
02:36:34,160 --> 02:36:38,680
Gusto mo ng mga titulo at ranggo?
Gusto mo ng disiplina? Maging sundalo.

2828
02:36:38,760 --> 02:36:42,080
Gusto mong magpanatili
ng kaayusan at seguridad?

2829
02:36:42,160 --> 02:36:44,080
Maging sekyu.

2830
02:36:44,160 --> 02:36:46,640
Kailangan ng mundo ang lahat ng tao.

2831
02:36:46,720 --> 02:36:48,040
Pero hindi ibig sabihin noon

2832
02:36:48,680 --> 02:36:50,080
na ang sekyu

2833
02:36:51,080 --> 02:36:53,160
ay magiging magaling
sa pagpapalipad ng eroplano.

2834
02:36:53,240 --> 02:36:55,160
Huminga tayo nang malalim.

2835
02:36:55,240 --> 02:36:59,480
Ngayon, ang bansa natin
ay minamaneho ng isang sekyu.

2836
02:37:00,520 --> 02:37:03,680
Para sa mga tagahanga ni Tito Tuu,
pakinggan ninyo ako.

2837
02:37:03,760 --> 02:37:07,680
Hindi ko sinasabing masamang tao siya.
Pakinggan lang ninyo ako.

2838
02:37:07,760 --> 02:37:09,920
Gusto ko rin siya dati.

2839
02:37:13,480 --> 02:37:15,720
Hindi ko sinasabing masamang tao siya.

2840
02:37:15,800 --> 02:37:19,800
Ang kayang magpalipad ng eroplano
ay iba sa pagiging mabuting tao.

2841
02:37:19,880 --> 02:37:21,240
Sabihin nating nakilala natin
ang mongheng ito.

2842
02:37:21,320 --> 02:37:23,760
Gumagawa siya ng mabubuting bagay
at isinasabuhay ang 227 batas ng ugali.

2843
02:37:23,840 --> 02:37:27,360
Hihilingin ba natin siyang
magpalipad ng eroplano? Hindi.

2844
02:37:27,440 --> 02:37:31,240
Ang mga magandang asal at magandang gawain
ay hindi makakapagpalipad ng Boeing

2845
02:37:31,320 --> 02:37:34,080
na may bigat na 200 tonelada sa ere.

2846
02:37:34,160 --> 02:37:37,080
Maging malinaw tayo doon.
Tungkol ito sa kaalaman.

2847
02:37:37,160 --> 02:37:40,520
Hindi talaga piloto
ang nagsisilbing piloto ng bansa natin.

2848
02:37:41,520 --> 02:37:44,720
Dahil hindi niya alam ang gagawin,
kapag kailangan na…

2849
02:37:45,880 --> 02:37:48,360
Kapag ginagawa ng mga tao
ang bagay na hindi nila alam gawin,

2850
02:37:48,440 --> 02:37:50,560
ang kaya lang nilang gawin ay magpanggap.

2851
02:37:50,640 --> 02:37:52,440
Sabihin nating ikaw
ang naging punong chef.

2852
02:37:52,520 --> 02:37:55,640
Hindi ka sanay magluto, pero ikaw
ang naitalaga. Ano ang kaya mong gawin?

2853
02:37:55,720 --> 02:37:58,280
Isusuot mo ang uniporme at magpapanggap.

2854
02:37:58,360 --> 02:38:00,600
Kapag tinanong ka ukol sa resipe,
kunwari galit ka.

2855
02:38:01,360 --> 02:38:04,800
Sisigawan mo sila pataboy.
Paraan iyon para mabuhay.

2856
02:38:05,720 --> 02:38:08,840
Sabihin nating coach ka ng soccer.
Hindi ka sanay maglaro.

2857
02:38:08,920 --> 02:38:11,120
Ano ang puwede mong gawin?
Magpapanggap ka.

2858
02:38:12,240 --> 02:38:15,160
Nakakaawang tanawin iyon,
magbihis bilang coach ng soccer

2859
02:38:15,240 --> 02:38:18,360
tapos sisigaw ka,
"Hoy! Abante! Sige na! Takbo!"

2860
02:38:18,440 --> 02:38:20,560
Pero alam mo ba kung paano maglaro?

2861
02:38:20,640 --> 02:38:23,640
Parang ganoon iyon.
Ganyan siya magpalipad ng eroplano.

2862
02:38:24,480 --> 02:38:29,160
Nadarama iyon ng mga taong nasa eroplano.
Hindi nila iniisip na masamang tao siya.

2863
02:38:29,240 --> 02:38:32,040
Iniisip lang nila
kung saan niya sila dadalhin.

2864
02:38:41,880 --> 02:38:44,720
Mali ba tayong tanungin
kung saan tayo patungo?

2865
02:38:44,800 --> 02:38:47,400
Bilang mga pasahero, kailangan nating
malaman kung saan tayo lalapag.

2866
02:38:47,480 --> 02:38:49,800
Kapag inuungkat natin iyon,
sinisigawan niya tayo.

2867
02:38:50,880 --> 02:38:54,720
"20 taong ruta ito."

2868
02:38:54,800 --> 02:38:58,160
Bale, saan ba ang hintuan
ng 20 taong rutang ito?

2869
02:38:58,240 --> 02:39:01,840
At kapag may problema ang eroplano,

2870
02:39:03,080 --> 02:39:06,200
ito man ay tindi ng hangin,
kulang na pagkain o baradong inidoro,

2871
02:39:06,280 --> 02:39:08,680
wala siyang alam kapag nagtanong tayo.

2872
02:39:08,760 --> 02:39:11,960
Kapag hindi alam ng tao kung paano
maging piloto, may libro para sa piloto.

2873
02:39:12,040 --> 02:39:14,760
Sa kasamaang palad, walang silbi iyon,
kasi nasa wikang Ingles.

2874
02:39:19,960 --> 02:39:22,160
Hindi rin naman
ganoon kaganda ang Ingles ko.

2875
02:39:22,240 --> 02:39:26,640
Pero hindi ba dapat hayaan natin ang mga
kayang basahin iyon na gawin ang trabaho?

2876
02:39:26,720 --> 02:39:31,320
Ang sagot ay hindi basahin ang magasin
ng <i>Better Homes at Gardens</i>.

2877
02:39:32,040 --> 02:39:34,760
Hindi ito ang panahon
para palamutian ang eroplano.

2878
02:39:34,840 --> 02:39:38,000
Hindi natin siya maaasahan. Wala siyang
sagot. Kaya tatanungin natin ang co-pilot,

2879
02:39:38,080 --> 02:39:40,440
na mas may seniority at karanasan.

2880
02:39:40,520 --> 02:39:43,360
Kakalabitin natin ang co-pilot,
at grabe, ang himbing ng tulog niya.

2881
02:39:50,000 --> 02:39:51,600
Gigisingin natin siya at tatanungin natin.

2882
02:39:54,120 --> 02:39:56,000
"Wala akong alam."

2883
02:39:59,440 --> 02:40:02,680
Ang paglipad kung saan

2884
02:40:03,920 --> 02:40:06,040
nang hindi alam ang pupuntahan…

2885
02:40:06,120 --> 02:40:08,840
Huwag na ninyong banggitin
ang 20 taong plano.

2886
02:40:09,600 --> 02:40:14,120
Para sa plano mo,
napakatagal na ng 20 minuto.

2887
02:40:23,360 --> 02:40:25,840
Ito ang sentimyento ng bansa natin.

2888
02:40:25,920 --> 02:40:28,480
Hindi natin alam kung saan tayo pupunta.

2889
02:40:28,560 --> 02:40:31,440
Kung mahal mo ang mga tao
tulad ng sinasabi mo,

2890
02:40:31,520 --> 02:40:33,760
pareho kayo, ang piloto at ang co-pilot,

2891
02:40:33,840 --> 02:40:36,280
mangyaring alisin ninyo
ang sarili ninyo sa eroplano.

2892
02:40:44,640 --> 02:40:47,800
Huwag kayong mag-alala na babagsak tayo.
Puwede ninyong buksan ang auto-pilot mode.

2893
02:40:47,880 --> 02:40:51,120
Makakahanap ang mga pasahero
ng tamang piloto.

2894
02:40:51,200 --> 02:40:56,200
Napakaraming taong alam gawin ang
trabaho. Hayaan ang mga taong alamin iyon.

2895
02:40:56,280 --> 02:41:01,200
Huwag ninyong sabihing, "Hindi!
Kami na mismo ang pipili ng kung sino."

2896
02:41:01,280 --> 02:41:05,560
Huwag hayaang ang 250 senador
ang pumili para sa atin.

2897
02:41:14,040 --> 02:41:15,600
Sandali lang.

2898
02:41:15,680 --> 02:41:17,320
Puwede bang buksan ang ilaw na ito?

2899
02:41:19,640 --> 02:41:22,440
Ikaw na nakaitim na tshirt.
Hindi ka sundalo, hindi ba?

2900
02:41:25,360 --> 02:41:31,000
Pag-usapan natin ito.
Ikaw lang ang hindi pumapalakpak.

2901
02:41:32,720 --> 02:41:34,120
Ang kaso kasi…

2902
02:41:37,320 --> 02:41:39,880
alam mo dapat na hindi sa akin
galing ang mga salitang ito.

2903
02:41:39,960 --> 02:41:42,560
Isinumpa ako, tanda mo?

2904
02:41:51,440 --> 02:41:55,120
<i>Walang aagaw nito</i>

2905
02:41:58,400 --> 02:42:02,320
<i>Itipiso bhagava araham…</i>

2906
02:42:03,600 --> 02:42:04,840
Wala ako sa sarili ko.

2907
02:42:06,440 --> 02:42:08,120
Huwag mo akong isumbong, ha?

2908
02:42:09,880 --> 02:42:10,920
Ang problema kasi,

2909
02:42:11,720 --> 02:42:14,400
sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakakita

2910
02:42:14,480 --> 02:42:16,720
ng gayong pagkakaisa.

2911
02:42:17,280 --> 02:42:20,280
Isipin ninyo ito. Sa kaarawan ni Tito Tuu,

2912
02:42:21,040 --> 02:42:24,800
makikita iyon sa balita sa Workpoint,
sa Facebook.

2913
02:42:24,880 --> 02:42:26,600
Nagkakaisa ang mga komento.

2914
02:42:32,680 --> 02:42:35,360
Ginagawa kong katatawanan
ang bawat administrasyon.

2915
02:42:35,440 --> 02:42:39,240
Ito man ay si Yingluck, Abhisit, Taksin,
Lahat sila ginagawa kong katatawanan.

2916
02:42:39,320 --> 02:42:42,200
Pero hindi pa ako nakakita
ng gayong pagkakaisa.

2917
02:42:42,280 --> 02:42:46,920
Kaya sa ilalim ng post sa kaarawan niya,
iisa lang ang sinasabi sa komento: PI.

2918
02:42:52,120 --> 02:42:54,080
Hayop, hindi ko pa nakikita iyon.

2919
02:42:56,760 --> 02:42:58,600
-Tama?
-Tama.

2920
02:42:58,680 --> 02:43:02,200
Lahat ay sinasabihan siyang
tumutok at umunawa,

2921
02:43:02,280 --> 02:43:05,680
tumutok at umunawa, tumutok at umunawa.

2922
02:43:07,680 --> 02:43:08,840
Ibang klaseng pagkakaisa.

2923
02:43:12,960 --> 02:43:16,240
Kaya pagkatapos ng pagtatanghal na ito,

2924
02:43:16,320 --> 02:43:19,160
kapag nawala ako sa mga pahayagan,

2925
02:43:20,160 --> 02:43:25,080
sa media o sa balita, sinasabi ko na
ngayon na hindi ako naging monghe.

2926
02:43:27,160 --> 02:43:30,440
Huwag ninyong isipin na nagpasiya si Udom
na mamuhay mag-isa bilang monghe.

2927
02:43:31,480 --> 02:43:33,800
Sa tingin ko ay ikaw ang dudukot sa akin.

2928
02:43:40,160 --> 02:43:43,240
Bumalik na tayo sa kampanya.

2929
02:43:43,320 --> 02:43:47,720
Tapos na tayo sa mga tao,
mga baliw na tao, mga naga, at tsismis.

2930
02:43:47,800 --> 02:43:49,120
Mga kathang-isip.

2931
02:43:52,240 --> 02:43:53,680
Ituloy natin ang kampanya.

2932
02:43:54,920 --> 02:43:56,440
Patuloy na aandar ang kotse.

2933
02:43:58,160 --> 02:44:01,200
Isa itong paanyaya
sa lahat ng mga mamamayang Thai.

2934
02:44:02,320 --> 02:44:04,960
Magkakasama, protektahan natin ang bansa

2935
02:44:05,880 --> 02:44:07,880
mula sa pag-unlad.

2936
02:44:14,520 --> 02:44:17,280
Protektahan natin ang bansa
mula sa pag-unlad

2937
02:44:17,360 --> 02:44:19,040
sa pamamagitan ng pagpili kay Tito Tuu.

2938
02:44:19,800 --> 02:44:23,080
Si Tito Tuu ang pinakamainam

2939
02:44:23,160 --> 02:44:26,560
sa mga walang pagpipilian.

2940
02:44:27,480 --> 02:44:30,920
Magandang gabi sa inyong lahat. Maraming
salamat sa pagpunta. Mahal ko kayo.

2941
02:44:31,640 --> 02:44:35,120
Mahal ko kayo. Salamat po.
Salamat sa inyo. Salamat po.

2942
02:45:29,680 --> 02:45:31,440
Hindi pa kayo uuwi?

2943
02:45:31,520 --> 02:45:32,520
Hindi!

2944
02:45:33,240 --> 02:45:34,600
Nagbibiro kayo, hindi ba?

2945
02:45:36,840 --> 02:45:38,120
Gusto pa namin!

2946
02:45:40,680 --> 02:45:42,120
Ano'ng nangyayari?

2947
02:45:44,880 --> 02:45:46,120
Gusto pa namin!

2948
02:45:51,680 --> 02:45:53,520
Sige. Habaan pa natin.

2949
02:46:06,480 --> 02:46:07,480
Hubad!

2950
02:46:10,960 --> 02:46:12,520
Dito tayo hanggang umaga!

2951
02:46:14,160 --> 02:46:15,960
Ginoong sundalo, sir,

2952
02:46:16,840 --> 02:46:19,200
maari na ninyong ihanda ang mga kawal.

2953
02:46:21,040 --> 02:46:24,400
Iisa lang naman ang labasan.
Parang hindi ako makakaalis dito.

2954
02:46:26,240 --> 02:46:30,280
Karaniwang natatapos sa tawanan
ang stand-up comedy,

2955
02:46:30,360 --> 02:46:32,240
tulad ng nakita ninyo.

2956
02:46:32,320 --> 02:46:37,760
Pero sa tingin ko ay matanda na ako
para ibahin naman ang katapusan ngayon.

2957
02:46:39,040 --> 02:46:41,000
Hindi ko sinasabing magpapakamatay ako.

2958
02:46:42,800 --> 02:46:47,000
May aral akong natutunan
na gusto kong ibahagi sa inyo.

2959
02:46:47,880 --> 02:46:49,680
Mula nang natanto ko

2960
02:46:50,760 --> 02:46:53,760
na sandali na lang
ang natitira kong panahon sa Mundo,

2961
02:46:53,840 --> 02:46:56,000
pinadali nitong mabuhay.

2962
02:46:57,160 --> 02:46:59,520
Hindi na ako masyadong
tsismoso ukol sa ibang tao.

2963
02:47:00,520 --> 02:47:03,120
Mas marami akong oras para maging
tsismoso tungkol sa sarili ko.

2964
02:47:03,960 --> 02:47:07,920
Nagdulot ito sa aking matanto kung ano

2965
02:47:09,280 --> 02:47:11,120
ang talagang gusto kong gawin,

2966
02:47:11,200 --> 02:47:16,640
at kung ano ang gusto kong
makita ng tao na ginagawa ko,

2967
02:47:16,720 --> 02:47:18,320
o maging ganoong bagay nga.

2968
02:47:19,840 --> 02:47:24,440
Ang pariralang, "Umuubra ito sa akin,"
ay nakatulong nang malaki sa akin.

2969
02:47:24,520 --> 02:47:29,520
Umuubra ito sa akin.

2970
02:47:29,600 --> 02:47:34,360
Ito man ay uso o hindi, bago o luma,
bukas o sarado,

2971
02:47:34,440 --> 02:47:39,400
narito o nariyan, astig o sosyal,
walang halaga sa akin.

2972
02:47:39,480 --> 02:47:43,160
Baka astig para sa iba,
pero hindi para sa akin.

2973
02:47:43,240 --> 02:47:45,880
Tingnan ninyo yung mga super car
na may pintong parang pakpak.

2974
02:47:46,720 --> 02:47:50,080
Astig iyon para sa iba, pero ayoko noon.

2975
02:47:50,160 --> 02:47:54,280
Mahirap para sa mama ko na sumakay.
Mahirap para sa akin na sumakay.

2976
02:47:54,360 --> 02:47:56,880
Hindi iyon magagamit
ng asawa at mga anak ko.

2977
02:47:56,960 --> 02:47:58,920
Saan ako paparada sa palengke?

2978
02:47:59,640 --> 02:48:02,000
Tatamaan lang ng mga pinto
ang mga payong ng mga tindera.

2979
02:48:03,560 --> 02:48:06,080
Hindi ko lang talaga gusto iyon.

2980
02:48:06,160 --> 02:48:08,640
O sa mga gustong tumanaw
ng utang na loob sa kanilang mga nanay

2981
02:48:08,720 --> 02:48:13,120
sa paglapag ng isang balumbon ng pera sa
harap niya at sabihing utang na loob ito.

2982
02:48:13,200 --> 02:48:17,840
Ayos iyon, pero hindi iyon uubra sa akin.
Mas gusto kong ipadala na lang ang pera.

2983
02:48:20,640 --> 02:48:24,240
O kung wala tayong pera, pwede nating
masasahihin ang paa niya

2984
02:48:24,320 --> 02:48:27,360
habang nanonood siya ng <i>Mic On Debt Off</i>,

2985
02:48:27,440 --> 02:48:30,120
kung saan hindi na natapos
ang pagiging kampeon ni Ryan.

2986
02:48:33,520 --> 02:48:35,880
Ang lahat ay may sarili nilang konsepto

2987
02:48:35,960 --> 02:48:39,320
ng kaginhawahaan, kaligayahan at tagumpay.

2988
02:48:39,400 --> 02:48:42,280
Mga konsepto silang
bagay sa mga buhay nila.

2989
02:48:42,360 --> 02:48:45,160
Hindi tayo puwedeng humiram
at magsuot ng damit ng ibang tao.

2990
02:48:45,240 --> 02:48:49,680
Isipin mo kung hiniram natin
ang damit ni Ice Apitsada.

2991
02:48:50,720 --> 02:48:54,560
Isang bodysuit ito na kailangan mong
magpahid ng langis bago mo maisuot.

2992
02:48:54,640 --> 02:48:59,360
Astig iyon sa kaniya, pero
subukan ninyong isuot iyon, kuha ninyo?

2993
02:48:59,440 --> 02:49:03,240
Hindi iyon bagay sa atin. Hindi.
May mga bagay na para sa atin.

2994
02:49:04,040 --> 02:49:07,360
Ang problema sa karamihan
sa mga tao ngayon

2995
02:49:07,440 --> 02:49:12,440
ay ginagamit natin ang ideya ng ibang tao
sa tagumpay, ligaya, at dali ng buhay.

2996
02:49:13,960 --> 02:49:17,280
Gusto ng lahat ng magandang buhay.
Gusto ng lahat na maging sobrang yaman

2997
02:49:17,360 --> 02:49:21,920
o maging bilyonaryo agad, tulad ng
sinasabi ng mga aklat na self-help,

2998
02:49:22,000 --> 02:49:25,080
tulad ng tinuturo sa inyo ng mga coach,
tulad ng sinasabi ng mga podcast na iyon,

2999
02:49:25,160 --> 02:49:26,560
tulad ng kung paano mabuhay
ang mga YouTuber na iyon.

3000
02:49:26,640 --> 02:49:29,480
Gusto nila tayong maging mayaman,
sobrang yaman. Maki-ugnay sa kalawakan.

3001
02:49:29,560 --> 02:49:32,320
Buksan ang isip mo.
Isipin na magkakaroon ka ng maraming pera.

3002
02:49:32,400 --> 02:49:36,200
Hilingin sa kalawakan na padalhan ka
ng yaman sa loob ng 72 oras.

3003
02:49:36,280 --> 02:49:38,520
Ganoon ba kadaling sumunod ang kalawakan?

3004
02:49:38,600 --> 02:49:41,920
Eh di hilingin mo sa kalawakan na gamutin
muna ang pagkalulong sa sugal ng asawa mo.

3005
02:49:42,840 --> 02:49:45,360
Mapagawa sa mga anak mo
na iligpit muna ang mga gamit nila.

3006
02:49:46,400 --> 02:49:50,160
Kung ganoon lang kadali iyon, mayaman
na lahat. Hindi na iiral ang class.

3007
02:49:50,240 --> 02:49:53,600
Sino'ng magmamaneho ng taxi para sa atin?
Sino'ng magpapatakbo ng mga MRT natin?

3008
02:49:53,680 --> 02:49:56,280
Sino'ng magluluto ng pagkain
at ihahain ito sa atin?

3009
02:49:56,360 --> 02:49:59,920
Ang mundo ay binubuo ng mga tao
ng lahat ng sitwasyon.

3010
02:50:00,000 --> 02:50:01,480
Gumising kayo.

3011
02:50:03,280 --> 02:50:05,600
Isang porsyento ng mga tao sa mundong ito,

3012
02:50:05,680 --> 02:50:08,960
isang porsyento lamang ng tao
sa bansang ito ang sobrang yaman.

3013
02:50:09,760 --> 02:50:12,040
Parang marathon ang buhay.

3014
02:50:12,120 --> 02:50:15,920
Mula sa 10,000,
isa lamang ang umaabot sa pagtatapos.

3015
02:50:16,000 --> 02:50:19,400
Hindi mo makikita sa isang marathon

3016
02:50:19,480 --> 02:50:23,320
na sampung libong tao ang magkakasamang
makakatapos ng karera.

3017
02:50:23,400 --> 02:50:25,640
Gumising kayo. Hindi iyon totoo.

3018
02:50:26,800 --> 02:50:28,080
Iyon ang isang porsyento.

3019
02:50:28,160 --> 02:50:30,560
Ang mga mayayamang tao
na may magagandang buhay

3020
02:50:30,640 --> 02:50:33,120
na nagpo-post ng mga litrato sa Instagram,
ang mga sobrang yamang tao na iyon?

3021
02:50:33,200 --> 02:50:35,440
Hayaan ninyo silang maging mayaman.
Maging masaya kayo para sa kanila.

3022
02:50:35,520 --> 02:50:37,920
Hindi natin kailangang
isuot ang damit nila.

3023
02:50:38,000 --> 02:50:40,200
Ano naman kung sobrang yaman nila?
Di ba?

3024
02:50:40,280 --> 02:50:43,440
Hindi man tayo ganoon kayaman,
pero masaya tayo sa sarili nating paraan.

3025
02:50:43,520 --> 02:50:47,600
Mayaman tayo sa pakikipagkaibigan,
mayaman sa kalusugan, mayaman sa pagtawa.

3026
02:50:50,920 --> 02:50:53,080
Marami pang ibang paraan
para maging mayaman.

3027
02:50:53,160 --> 02:50:56,240
Pero ang isang porsyentong
sobrang kinaiinggitan natin,

3028
02:50:56,320 --> 02:51:00,160
paano kung mayaman sila pero walang
kaibigan, kulang sa mabuting kalusugan,

3029
02:51:00,240 --> 02:51:04,480
kulang sa katatawanan, kulang sa
pagkakaibigan, kulang sa paghanga?

3030
02:51:05,560 --> 02:51:08,040
Ang tawag ko doon ay pagiging mahirap.

3031
02:51:08,120 --> 02:51:09,600
Mas mayaman tayo.

3032
02:51:17,360 --> 02:51:20,880
Hindi nakakatakot ang kamatayan.
Hindi ito nakakatakot.

3033
02:51:20,960 --> 02:51:27,040
Mas nakakatakot ang mabuhay
ngunit hindi ka masaya.

3034
02:51:29,160 --> 02:51:32,880
Ang hindi gawin ang ayos lang sa iyo.
Ang hindi gawin ang para sa iyo.

3035
02:51:32,960 --> 02:51:35,640
Naiipit na gawin ang bagay na ayaw mo.

3036
02:51:37,520 --> 02:51:41,280
Kung hindi ka magpapakatotoo,

3037
02:51:41,360 --> 02:51:44,680
wala kang pinagkaiba sa buhay na bangkay.

3038
02:51:53,760 --> 02:51:55,480
Alalahanin ninyo ito.

3039
02:51:55,560 --> 02:51:57,720
Ito ang umuubra sa akin.

3040
02:51:57,800 --> 02:52:01,120
Mabuhay nang ayon sa umuubra sa inyo.
Magandang gabi po sa inyong lahat.

3041
02:52:38,800 --> 02:52:43,800
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
Gertrudes Sapitan



