1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:02:20,250 --> 00:02:24,041
Masaya akong nabuhay ako para makitang
patayin ni Scarface ang pamilya mo.

4
00:02:31,291 --> 00:02:33,000
Sino ba sila sa tingin nila?

5
00:02:36,416 --> 00:02:38,625
Walang reputasyon ang pamilya mo.

6
00:02:40,791 --> 00:02:42,791
Wala kang kuwenta pati
sa susunod mong buhay…

7
00:02:58,583 --> 00:02:59,458
Scarface!

8
00:05:03,750 --> 00:05:05,000
Kasalanan mo 'to.

9
00:05:07,041 --> 00:05:09,083
Hangga't pumapatay ka pa rin,

10
00:05:09,666 --> 00:05:12,291
mamamatay ang mga taong mahal mo.

11
00:06:33,166 --> 00:06:38,708
BAD BLOOD

12
00:06:42,916 --> 00:06:49,916
{\an8}MAKALIPAS ANG 20 TAON

13
00:06:52,333 --> 00:06:55,000
{\an8}HIRING KAMI
LABOR COFFEE STAND

14
00:06:55,750 --> 00:06:57,041
Magandang umaga, madam!

15
00:06:58,083 --> 00:06:59,250
May bagong damit ako…

16
00:06:59,333 --> 00:07:00,291
- Ms. Hai!
- Kumusta?

17
00:07:00,375 --> 00:07:01,875
- Ang ganda mo ngayon.
- Salamat.

18
00:07:01,958 --> 00:07:04,416
- May dine-date ka ba?
- Wala kang pakialam.

19
00:07:04,958 --> 00:07:05,791
- Hai.
- Bakit?

20
00:07:05,875 --> 00:07:07,500
- Hiring ba kayo?
- Oo.

21
00:07:07,583 --> 00:07:09,875
- Kunin mo ako.
- Salamat pero kailangan ko lalaki.

22
00:07:10,583 --> 00:07:11,583
Bastos 'to!

23
00:07:13,500 --> 00:07:16,000
- Sir! Ano'ng maitutulong ko?
- Nag-aayos ka ng kotse?

24
00:07:16,583 --> 00:07:18,541
- Oo, kaya ko lahat.
- Ikaw.

25
00:07:22,458 --> 00:07:25,541
Ano ba 'yan?
Walang magagawa ang gano'n kapayat.

26
00:07:25,625 --> 00:07:27,541
- Ba't di ako pinili?
- Alam mo kung bakit?

27
00:07:27,625 --> 00:07:28,500
Bakit?

28
00:07:28,583 --> 00:07:29,916
Kasi ang pogi mo.

29
00:07:30,416 --> 00:07:31,291
- Talaga?
- Hindi.

30
00:07:41,208 --> 00:07:44,750
Sinabi ko sa 'yo. Humanap ka
ng isa pang kasama natin ngayon.

31
00:07:45,250 --> 00:07:47,375
- Kundi, di natin magagawa 'yon.
- Sir!

32
00:07:47,458 --> 00:07:48,666
Ilan ang kailangan mo?

33
00:07:48,750 --> 00:07:49,791
- Isa.
- Ako na lang!

34
00:07:50,750 --> 00:07:51,916
- Sige.
- Okay.

35
00:07:52,000 --> 00:07:53,000
- Teka lang.
- Ha?

36
00:07:57,708 --> 00:07:58,541
Ikaw.

37
00:08:01,916 --> 00:08:03,958
Hindi. Sumakay ka na rito.

38
00:08:08,916 --> 00:08:09,750
Tara na.

39
00:08:20,958 --> 00:08:22,916
Ang init siguro sa loob ng costume na 'to.

40
00:08:23,000 --> 00:08:24,166
Kawawa ka naman!

41
00:08:24,791 --> 00:08:26,625
Congratulations sa grand opening n'yo!

42
00:08:37,125 --> 00:08:38,375
Tama na. Tara na!

43
00:08:39,250 --> 00:08:41,458
- Yes, sir.
- Bilisan na.

44
00:08:42,583 --> 00:08:44,625
Ba't aalis na tayo nang di pa tayo tapos?

45
00:08:47,333 --> 00:08:49,458
Hoy, hintayin mo ako!

46
00:08:49,958 --> 00:08:51,375
LIPAT-BAHAY

47
00:08:56,166 --> 00:08:57,708
Subukan n'yo ang aming bubble tea…

48
00:08:58,583 --> 00:08:59,875
Tingnan mo dinadaanan mo!

49
00:08:59,958 --> 00:09:01,791
Grabe, ang sakit.

50
00:09:01,875 --> 00:09:04,208
GRAND OPENING
BUY 2 GET 1 FREE

51
00:09:04,291 --> 00:09:05,166
Hoy, kayong dalawa!

52
00:09:13,375 --> 00:09:14,291
Para sa ’yo 'to.

53
00:09:18,500 --> 00:09:19,333
Nakalimutan ko.

54
00:09:20,166 --> 00:09:21,166
Salamat, pare.

55
00:09:21,666 --> 00:09:23,666
Punta ka sa store ko
kung may kailangan ka.

56
00:09:25,083 --> 00:09:26,000
Baliw ka.

57
00:09:28,500 --> 00:09:29,625
Sino ba 'yon?

58
00:09:29,708 --> 00:09:31,666
Malay natin? Baka lolo ko siya.

59
00:09:33,375 --> 00:09:34,291
Kalokohan.

60
00:10:01,083 --> 00:10:01,958
Hi, Lam.

61
00:10:47,291 --> 00:10:48,708
Wag kayong maglaro dito!

62
00:11:01,125 --> 00:11:01,958
Hanh!

63
00:11:02,541 --> 00:11:03,375
Tita Mai.

64
00:11:03,458 --> 00:11:04,750
- Kakarating mo lang?
- Oo.

65
00:11:05,416 --> 00:11:06,875
- Wow.
- Hi, Tita Mai.

66
00:11:06,958 --> 00:11:08,583
Nagluluto ka na naman, Lam?

67
00:11:08,666 --> 00:11:09,500
Oo.

68
00:11:10,583 --> 00:11:12,666
- Pinapahirapan niya lang ako.
- Naku.

69
00:11:12,750 --> 00:11:13,583
Heto.

70
00:11:13,666 --> 00:11:16,208
Dinalhan kita ng spicy lemongrass chicken.

71
00:11:16,291 --> 00:11:18,000
- Mukhang masarap ito.
- Di ba?

72
00:11:18,583 --> 00:11:20,291
Dito ka na lang mananghalian.

73
00:11:20,375 --> 00:11:22,333
Hindi, uuwi ako para pagsilbihan asawa ko.

74
00:11:22,416 --> 00:11:24,166
Ang aga mo namang manggulo?

75
00:11:25,666 --> 00:11:28,833
Nakaupo ako rito
bilang guest of honor nila.

76
00:11:28,916 --> 00:11:32,208
Ikaw ang nanggugulo
at sumisilip sa bahay nila.

77
00:11:33,208 --> 00:11:35,250
Ang sama talaga ng bibig mo.

78
00:11:35,333 --> 00:11:36,166
Lam!

79
00:11:36,250 --> 00:11:37,083
Bakit?

80
00:11:37,583 --> 00:11:39,291
Nakapagluto ka na ba?

81
00:11:40,250 --> 00:11:41,583
Kailangan mo ba ng bodyguard?

82
00:11:41,666 --> 00:11:44,500
Sa nakikita ko, dehado ka.

83
00:11:44,583 --> 00:11:49,250
Kaya nga sabi nila pag nagbiro ka
sa mga nakakatakot na tao,

84
00:11:49,333 --> 00:11:50,916
mabubugbog ka.

85
00:11:51,000 --> 00:11:52,875
Masuwerte ka, mabait si Lam.

86
00:11:52,958 --> 00:11:54,000
"Mabait" ba 'ka mo?

87
00:11:54,083 --> 00:11:55,833
- Oo.
- Hindi, a.

88
00:11:55,916 --> 00:11:58,458
Mabait lang 'yan
dahil mahal niya ang asawa niya.

89
00:11:58,541 --> 00:12:02,541
Kung di ka niya kilala
at gagalitin mo siya, makikita mo.

90
00:12:02,625 --> 00:12:05,083
Lam, may hihingin akong pabor.

91
00:12:05,166 --> 00:12:07,208
Hanh, puwede ko ba siyang hiramin sandali?

92
00:12:07,291 --> 00:12:09,083
- Nasira ang pinto ko.
- Gano'n ba.

93
00:12:09,166 --> 00:12:11,208
- Tara sa bahay ko.
- Kakain muna kami.

94
00:12:11,291 --> 00:12:13,916
Ayusin mo muna ang pinto
saka ka mananghalian. Tara na.

95
00:12:14,000 --> 00:12:16,708
- Pabalikin mo siya agad.
- Sige.

96
00:12:17,291 --> 00:12:18,583
Maraming mababait na tao.

97
00:12:18,666 --> 00:12:20,291
- Kasing bait ng lalaking ito.
- Oo.

98
00:12:20,375 --> 00:12:22,000
Pero si Lam lang ang tumutulong.

99
00:12:24,583 --> 00:12:27,083
Dalhan mo ako ng mga insenso
para sa mga ninuno ko.

100
00:12:27,166 --> 00:12:29,791
Hihingin kong ilayo na siya. Habang-buhay.

101
00:12:30,291 --> 00:12:31,291
- Tito.
- Bakit?

102
00:12:31,375 --> 00:12:33,166
- Kain ka na rin.
- Di na, salamat.

103
00:12:33,250 --> 00:12:35,875
Uwi na 'ko. Sa susunod na lang, ha?

104
00:13:32,875 --> 00:13:34,000
Hien!

105
00:13:34,083 --> 00:13:34,916
Opo, Ma.

106
00:13:45,541 --> 00:13:47,375
Maghugas ka na ng kamay at kumain.

107
00:13:48,041 --> 00:13:52,125
Tapos maghugas tayo ng plato
at maglaba. Marami tayong gagawin.

108
00:13:52,208 --> 00:13:53,750
Hindi kita mahagilap.

109
00:13:53,833 --> 00:13:55,750
May interview ako ngayong hapon.

110
00:13:56,250 --> 00:13:58,333
Ano? Interview sa ganitong oras?

111
00:13:59,291 --> 00:14:00,708
Bakit di mo sinabi sa akin?

112
00:14:02,750 --> 00:14:04,083
Di kasi kita makausap.

113
00:14:05,166 --> 00:14:06,333
Ano'ng ibig mong sabihin?

114
00:14:07,208 --> 00:14:08,250
Di ba?

115
00:14:08,875 --> 00:14:11,750
Lagi kang busy. Nag-oovertime ka pa.

116
00:14:14,333 --> 00:14:16,916
Ano'ng ibig mong sabihin?
Gabi-gabi naman akong umuuwi.

117
00:14:17,000 --> 00:14:19,500
Kahit pag weekend.
Wala ka ring sinasabi sa 'kin.

118
00:14:20,666 --> 00:14:23,458
Totoo 'yan. Pero lagi kang busy
pag kailangan kita.

119
00:14:23,958 --> 00:14:25,250
May sarili na ‘kong buhay.

120
00:14:25,333 --> 00:14:26,333
Ano?

121
00:14:28,208 --> 00:14:30,916
Ilang taon ka na? Kumikita ka na ba?

122
00:14:31,000 --> 00:14:34,125
Humihingi ka pa sa 'kin ng pambayad
mo sa school at panggastos.

123
00:14:34,208 --> 00:14:36,416
Tapos sasabihin mong
"may sarili ka nang buhay"?

124
00:14:36,500 --> 00:14:40,000
Kahit ang amain mo hindi sinasabi 'yon…
Nagbayad ba si Tita Mai?

125
00:14:41,000 --> 00:14:42,500
Pinainom lang ako ng iced tea.

126
00:14:42,583 --> 00:14:45,000
Pambihira! Lagi na lang ganiyan.

127
00:14:45,083 --> 00:14:46,416
- Hayaan mo na.
- Dapat kasi…

128
00:14:46,500 --> 00:14:49,083
Kita mo? Kinakausap kita.

129
00:14:49,666 --> 00:14:52,750
Puwede mo ba akong respetuhin
at isa-isa lang ang kausapin mo?

130
00:14:54,875 --> 00:14:57,875
Sige. Ikuwento mo.
Pa'no ka nagkaroon ng interview?

131
00:14:57,958 --> 00:15:01,041
Anong klaseng trabaho?
Saan? Disente ba 'yan?

132
00:15:01,750 --> 00:15:03,958
Nasa coffee shop ako noong weekend.

133
00:15:04,041 --> 00:15:05,458
- Oo.
- May nakilala akong lalaki.

134
00:15:05,958 --> 00:15:09,125
Mabait siya. May mga ipinakita
siyang magagandang trabaho sa 'kin.

135
00:15:09,208 --> 00:15:10,666
Sasamahan niya ako sa interview.

136
00:15:11,541 --> 00:15:13,250
Ano'ng pangalan niya? Ano'ng trabaho?

137
00:15:13,333 --> 00:15:14,333
Saan siya nakatira?

138
00:15:15,000 --> 00:15:16,208
Tien ang pangalan niya.

139
00:15:16,291 --> 00:15:18,250
"Tien"? E, ang pamilya niya…

140
00:15:18,333 --> 00:15:20,750
Bakit ang dami mong tanong?
Mahalaga pa ba 'yon?

141
00:15:21,375 --> 00:15:22,291
Mahalaga 'yon.

142
00:15:22,791 --> 00:15:25,208
Kasama mo lang siyang nagkape
tapos nagtiwala ka na?

143
00:15:25,708 --> 00:15:27,041
Parang kayong dalawa?

144
00:15:27,708 --> 00:15:28,541
Kasi…

145
00:15:28,625 --> 00:15:32,625
Pa'no kung di mo alam kung saan
siya nakatira at ano'ng trabaho niya?

146
00:15:33,541 --> 00:15:36,041
Wala akong pakialam. Di na mahalaga 'yon.

147
00:15:36,125 --> 00:15:36,958
Bakit hindi?

148
00:15:37,458 --> 00:15:40,083
Igalang mo ang amain mo. Wag kang bastos.

149
00:15:40,791 --> 00:15:44,833
Sumagot ka kapag kasing tanda
mo na ako. Wag kang magmarunong.

150
00:15:44,916 --> 00:15:47,666
Kung lalabas ka o may gagawin
kasama ang ibang tao,

151
00:15:47,750 --> 00:15:51,625
aalamin ko kung mabuti ba sila. Hahayaan
lang kita na pangalan lang ang alam mo?

152
00:15:51,708 --> 00:15:53,875
Ayaw ko na! Di ka aalis.

153
00:15:55,541 --> 00:15:58,666
Wala akong ibang gusto kundi
ang makaalis sa mabahong lugar na ito.

154
00:15:59,166 --> 00:16:02,166
Tapos magsama na kayo
hanggang gusto n'yo. Wala akong pakialam.

155
00:16:02,666 --> 00:16:04,375
Pero sana isipin mo naman ako.

156
00:16:04,458 --> 00:16:07,666
Kailan ba kita hindi inisip?
Sabihin mo sa akin.

157
00:16:09,208 --> 00:16:10,041
Paano kung

158
00:16:10,541 --> 00:16:11,916
samahan kita?

159
00:16:13,583 --> 00:16:15,708
Ihahatid ko siya doon
tapos iuuwi ko, okay?

160
00:16:15,791 --> 00:16:19,125
Tito, makikita nila na kailangan
pa akong ihatid ng pamilya ko sa trabaho.

161
00:16:19,208 --> 00:16:21,250
- Tatanggapin kaya nila ako?
- Bakit hindi?

162
00:16:21,875 --> 00:16:24,125
Gusto ka ba niyang pagsamantalahan o ano?

163
00:16:24,625 --> 00:16:26,583
Mama, ganito 'yon.

164
00:16:26,666 --> 00:16:28,583
Mahirap lang ako,

165
00:16:28,666 --> 00:16:31,500
di ako dugong bughaw
para pagsamantalahan nila.

166
00:16:31,583 --> 00:16:33,625
- Mas mahirap pa ako sa daga!
- Hien.

167
00:16:34,750 --> 00:16:35,708
Ano'ng problema n'yo?

168
00:16:35,791 --> 00:16:38,416
Dapat masaya kayo
dahil may tumutulong sa 'kin.

169
00:16:38,500 --> 00:16:40,875
Wag n'yo akong igaya sa inyo.

170
00:16:41,458 --> 00:16:44,958
Lagi mo akong kinokontrol.
Di mo ako hinahayaang gawin ang kahit ano.

171
00:16:45,458 --> 00:16:48,083
Di ito pagmamahal.
Pagiging makasarili ito!

172
00:16:48,750 --> 00:16:49,583
Makasarili?

173
00:16:49,666 --> 00:16:51,583
Nag-aalala ako sa kaligtasan mo!

174
00:16:51,666 --> 00:16:52,583
Ligtas ba dito?

175
00:16:53,166 --> 00:16:54,000
Alam mo, Ma.

176
00:16:54,083 --> 00:16:56,875
Yumayaman ang ibang tao
habang tayo ganito na lang.

177
00:16:56,958 --> 00:16:59,166
Ligtas ito para sa 'yo,
para sa 'kin hindi.

178
00:16:59,250 --> 00:17:00,166
Ang galing mo.

179
00:17:00,250 --> 00:17:03,000
Malaki ka na, nasasabi mo na ang gusto mo!

180
00:17:04,291 --> 00:17:05,583
Mahal, magsalita ka!

181
00:17:08,958 --> 00:17:09,875
Sige, umalis ka na.

182
00:17:11,875 --> 00:17:14,958
I-text mo ang nanay mo
pagdating mo doon, ha?

183
00:17:16,250 --> 00:17:17,291
Tumahimik ka, puwede?

184
00:17:18,083 --> 00:17:19,166
Di ko kailangan 'yan.

185
00:17:20,083 --> 00:17:21,000
Mga bata ngayon…

186
00:17:21,083 --> 00:17:23,500
Wala nang ginawa
kundi awayin ang magulang nila.

187
00:17:30,333 --> 00:17:32,958
Pasensiya na.
Di ko sinasadyang magsalita ng gano'n.

188
00:17:33,458 --> 00:17:34,458
Okay lang, anak.

189
00:17:58,208 --> 00:17:59,625
Pumasok ka na para kumain!

190
00:17:59,708 --> 00:18:01,500
Gusto mong itapon ko lahat 'yan?

191
00:18:07,833 --> 00:18:08,791
Pinaghintay kita.

192
00:18:09,541 --> 00:18:12,291
Ayos lang. Kaya kong maghintay
habang-buhay para sa 'yo.

193
00:18:15,958 --> 00:18:17,333
Nakakatakot siyang nanay, 'no?

194
00:18:18,750 --> 00:18:20,208
Ang bait ng tatay mo.

195
00:18:20,708 --> 00:18:23,541
Maamo pa siya sa tupa.
Sana naging tigre siya.

196
00:18:24,125 --> 00:18:24,958
Tara na?

197
00:19:01,166 --> 00:19:02,000
Ako na.

198
00:19:11,666 --> 00:19:13,208
<i>Nandito na ako.</i>

199
00:19:14,125 --> 00:19:18,333
<i>Pero… Matagal na akong naghihintay.</i>
<i>Wala pa 'yong magi-interview sa 'kin.</i>

200
00:19:20,541 --> 00:19:24,041
<i>Gusto ko lang malaman mo</i>
<i>okay lang ako, Ma. Ayos lang ako.</i>

201
00:19:25,875 --> 00:19:28,500
Siya ang pumayag na umalis ka.
Siya dapat ang tinawagan mo.

202
00:19:28,583 --> 00:19:29,791
Ba't ako ang tinawagan mo?

203
00:19:58,375 --> 00:20:00,125
Inii-spoil mo siya…

204
00:20:01,500 --> 00:20:02,833
Lagi mo siyang pinagbibigyan.

205
00:20:03,458 --> 00:20:05,000
Di na niya ako nirerespeto.

206
00:20:05,083 --> 00:20:05,916
Alam ko.

207
00:20:08,250 --> 00:20:09,750
Bakit mo siya pinayagan?

208
00:20:11,041 --> 00:20:12,833
Ayaw mo bang maging independent

209
00:20:13,500 --> 00:20:14,875
ang anak natin?

210
00:20:24,375 --> 00:20:25,458
Gusto ko naman.

211
00:20:26,416 --> 00:20:28,500
Pero di niya puwedeng
gawin ang gusto niya.

212
00:20:29,083 --> 00:20:30,500
Paano kung maging spoiled siya?

213
00:20:31,375 --> 00:20:34,416
- Alam mo bang puno ng panganib ang buhay?
- Alam ko.

214
00:20:34,500 --> 00:20:37,291
Pero hinayaan mo
siyang gawin ang gusto niya?

215
00:20:38,583 --> 00:20:40,916
Wag mo akong sutsutan. Tama ako, di ba?

216
00:20:42,916 --> 00:20:44,000
Oo.

217
00:20:46,666 --> 00:20:47,916
Nag-aalala pa rin ako.

218
00:20:52,666 --> 00:20:53,916
Maaga kang umuwi ngayon.

219
00:20:56,083 --> 00:20:57,125
Walang kumuha sa 'yo?

220
00:20:59,666 --> 00:21:02,708
May nagtangka bang agawin ang trabaho mo?

221
00:21:06,833 --> 00:21:07,791
Bukas,

222
00:21:08,458 --> 00:21:09,583
sasama ako sa 'yo.

223
00:21:09,666 --> 00:21:11,875
Ako ang magiging bodyguard mo.
Wag kang kokontra.

224
00:21:15,916 --> 00:21:16,791
Loko ka talaga.

225
00:21:17,375 --> 00:21:20,000
Ayaw ko pag ngumingiti ka nang ganiyan.

226
00:21:23,458 --> 00:21:24,916
Dati kang waiter?

227
00:21:26,500 --> 00:21:27,708
Lagi ka bang sumasayaw?

228
00:21:29,000 --> 00:21:29,916
At magaling ka ba?

229
00:21:32,833 --> 00:21:34,250
Sikat ka siguro sa mga babae.

230
00:21:40,875 --> 00:21:45,958
E, galing din ba sa nakaraang 'yon
'yong mga peklat mo sa katawan?

231
00:21:58,791 --> 00:21:59,625
Uy.

232
00:22:00,791 --> 00:22:04,541
Pag nakita tayo ng mga kapitbahay,
iisipin nilang baliw tayo.

233
00:22:05,541 --> 00:22:06,791
Baliw talaga tayo.

234
00:22:07,416 --> 00:22:09,041
Walang gano'n.

235
00:22:18,291 --> 00:22:19,125
Dahan-dahan!

236
00:23:03,125 --> 00:23:04,333
Excuse me.

237
00:23:04,833 --> 00:23:06,583
Darating ba 'yong magi-interview?

238
00:23:07,083 --> 00:23:09,291
Parating na sila. Hintayin mo lang.

239
00:23:09,375 --> 00:23:11,291
Darating ba si Tien?

240
00:23:11,875 --> 00:23:12,708
Sino 'yon?

241
00:23:13,750 --> 00:23:15,875
'Yong lalaking nagdala sa akin dito.

242
00:23:15,958 --> 00:23:17,583
Di ko siya maalala.

243
00:23:18,291 --> 00:23:20,083
Sabay na ako sa 'yo pag-uwi.

244
00:23:21,666 --> 00:23:22,750
Wag kang aalis.

245
00:23:29,000 --> 00:23:31,833
Dadalhin kita sa interview, okay?

246
00:23:45,250 --> 00:23:46,791
Saan siya pumunta? Hulihin siya!

247
00:23:48,291 --> 00:23:49,333
0Ayun siya!

248
00:23:52,208 --> 00:23:53,458
Nando'n siya. Hulihin n'yo!

249
00:23:55,166 --> 00:23:56,166
Hulihin n'yo!

250
00:23:59,833 --> 00:24:01,958
Ayun siya! Nandito! Nandito siya!

251
00:24:09,750 --> 00:24:10,833
Hulihin n'yo siya!

252
00:24:47,208 --> 00:24:48,083
Mama!

253
00:24:49,708 --> 00:24:51,125
Nakauwi na ako, Ma!

254
00:24:54,041 --> 00:24:56,833
Mahal ko, nandito na ako.

255
00:24:58,541 --> 00:24:59,916
Mahal ko!

256
00:25:24,458 --> 00:25:25,291
Mama?

257
00:25:39,166 --> 00:25:40,000
Si Scar…

258
00:25:42,916 --> 00:25:43,875
face…

259
00:26:27,333 --> 00:26:28,541
Nanaginip ka na naman?

260
00:26:32,250 --> 00:26:33,500
Hindi pa siya umuuwi.

261
00:26:36,583 --> 00:26:38,416
Di ako makatulog dahil sa kaniya.

262
00:26:40,250 --> 00:26:43,625
Nasaan siya sa ganitong oras?
Hindi man lang siya tumawag sa bahay!

263
00:26:43,708 --> 00:26:46,833
Mabuti pang wag na siyang umuwi.
O babaliin ko ang mga binti niya.

264
00:26:48,333 --> 00:26:51,083
Tawagan mo kaya
ang mga kaibigan niya para tanungin sila?

265
00:26:51,166 --> 00:26:52,583
Tinawagan ko na silang lahat.

266
00:26:55,333 --> 00:26:57,416
Kung wala pa siya bukas,

267
00:26:58,541 --> 00:26:59,833
pupunta tayo sa pulis.

268
00:27:15,291 --> 00:27:16,833
<i>Sigurado akong nasa panganib siya.</i>

269
00:27:16,916 --> 00:27:18,583
- Natatakot ako na…
- Sige.

270
00:27:18,666 --> 00:27:21,750
Gagawa ako ng full report
at ipapadala ko sa boss ko.

271
00:27:21,833 --> 00:27:24,625
Babalitaan namin kayo pag may update na.

272
00:27:24,708 --> 00:27:25,541
Kailan?

273
00:27:26,291 --> 00:27:27,958
Gusto kong malaman kung kailan.

274
00:27:29,625 --> 00:27:30,791
Kadalasan,

275
00:27:30,875 --> 00:27:34,083
nawawala lang sila ng isang araw
at bumabalik nang kusa.

276
00:27:34,166 --> 00:27:36,500
May sampung milyong tao
ang lungsod na ito.

277
00:27:37,125 --> 00:27:38,958
Maaaring nariyan lang ang anak n'yo.

278
00:27:39,041 --> 00:27:40,625
Ano'ng ibig mong sabihin?

279
00:27:41,208 --> 00:27:42,500
Ano'ng sinasabi mo?

280
00:27:43,541 --> 00:27:46,416
Hindi lumalabas nang magdamag ang anak ko.

281
00:27:46,500 --> 00:27:48,416
Tinatawagan muna niya ako lagi.

282
00:27:48,500 --> 00:27:50,916
- Hindi niya ako sinusuway!
- Naiintindihan ko, mam.

283
00:27:51,000 --> 00:27:51,833
Hindi!

284
00:27:51,916 --> 00:27:55,416
Paano mo naintindihan ang nararamdaman ko?
Di ko alam kung nasaan ang anak ko!

285
00:27:55,500 --> 00:27:57,541
Pag napahamak siya, sino'ng tutulong?

286
00:27:58,166 --> 00:27:59,875
Uupo lang kayo at magsasalita.

287
00:27:59,958 --> 00:28:02,625
Gusto kong hanapin n'yo siya!

288
00:28:03,625 --> 00:28:05,125
Siya ang buhay ko.

289
00:28:05,208 --> 00:28:09,000
Kung may mangyari sa kaniya, mas mabuting
mamatay na ako. Di ko na kayang mabuhay.

290
00:28:10,416 --> 00:28:12,125
Iligtas n'yo siya.

291
00:28:25,583 --> 00:28:26,666
Ang tigas ng ulo niya.

292
00:28:28,583 --> 00:28:30,333
Parang iniinis niya ako.

293
00:28:52,541 --> 00:28:54,000
Salamat po.

294
00:28:55,416 --> 00:28:56,750
<i>Gusto ko ng ice cream.</i>

295
00:28:57,250 --> 00:28:59,166
- Heto.
- Salamat po.

296
00:28:59,250 --> 00:29:00,916
- Magkano?
- 2,000 dong.

297
00:29:01,000 --> 00:29:02,291
Nakauwi na kayo?

298
00:29:03,041 --> 00:29:04,875
Tapos na akong magluto. Pasok na kayo…

299
00:29:06,875 --> 00:29:07,875
Bilisan mo.

300
00:29:09,375 --> 00:29:10,208
Harap ka sa 'kin.

301
00:29:10,791 --> 00:29:11,750
Humarap ka sa 'kin.

302
00:29:14,000 --> 00:29:14,958
Ibuka ang bibig.

303
00:29:20,166 --> 00:29:21,583
Nagpabili ka sa kaniya?

304
00:29:22,541 --> 00:29:24,083
At binilhan mo naman.

305
00:29:24,166 --> 00:29:25,625
Pa'no siya makakakain ngayon?

306
00:29:25,708 --> 00:29:27,708
Ilang beses ko nang sinabi.

307
00:29:27,791 --> 00:29:29,666
Naiinis na ako, ha.

308
00:29:29,750 --> 00:29:33,166
Sinabi ko nang wag kakain
ng junk food bago kumain.

309
00:29:36,291 --> 00:29:37,291
Talaga naman…

310
00:29:38,958 --> 00:29:40,416
Pa'no 'tong bike mo?

311
00:29:44,708 --> 00:29:45,958
Lam!

312
00:29:46,041 --> 00:29:49,833
Nahanap n'yo na si Hien?
Pinag-uusapan siya ng lahat.

313
00:29:57,375 --> 00:29:58,291
Dalawang pa lang.

314
00:29:58,791 --> 00:30:00,500
- Kakaunti?
- Dalawang pasahero.

315
00:30:01,958 --> 00:30:03,083
Nakita n'yo ba si Hien?

316
00:30:05,541 --> 00:30:07,666
- Hindi.
- Di ko alam.

317
00:30:16,291 --> 00:30:17,750
- Pumunta ba si Hien…
- Ewan ko!

318
00:30:41,958 --> 00:30:42,791
Lam!

319
00:30:43,666 --> 00:30:46,375
Hinahanap mo ba
'yong sumundo kay Hien kahapon?

320
00:30:48,375 --> 00:30:51,833
May kambal na pumunta rito
para magpaayos ng damit nila.

321
00:30:52,583 --> 00:30:55,541
<i>Kasabay nila</i>
<i>siyang dumating at nag-park doon.</i>

322
00:30:55,625 --> 00:30:57,458
Nag-picture pa sila. Oo.

323
00:30:57,541 --> 00:30:59,125
Pero, hindi kasama 'yong lalaki.

324
00:30:59,208 --> 00:31:00,791
Di nila type 'yong gano'n.

325
00:31:00,875 --> 00:31:03,250
Nakipaglandian lang sila.

326
00:31:03,333 --> 00:31:07,625
<i>Hiniling ng dalawang babae</i>
<i>na mag-picture kasama ako.</i>

327
00:31:09,750 --> 00:31:10,625
Ayan.

328
00:31:11,125 --> 00:31:12,041
'Yan siya.

329
00:31:14,625 --> 00:31:16,291
Wow, ang guwapong lalaki!

330
00:31:16,375 --> 00:31:18,750
Di ba ang guwapo niya? Ang pogi.

331
00:31:20,541 --> 00:31:22,958
Ba't ganiyan ka makatingin?
May nangyari ba?

332
00:31:23,833 --> 00:31:24,958
Hinahanap mo ba siya?

333
00:31:25,458 --> 00:31:27,333
Relax ka lang. Tutulungan kita.

334
00:31:28,416 --> 00:31:29,250
Si Lu!

335
00:31:29,333 --> 00:31:30,166
Tama!

336
00:31:30,250 --> 00:31:32,291
Naaalala mo 'yong kumuha sa 'yo kahapon?

337
00:31:32,375 --> 00:31:35,833
May gang siya na tumutulong
sa paglutas ng problema sa lugar na 'to.

338
00:31:35,916 --> 00:31:37,750
Tumutulong siya kahit di natin hilingin.

339
00:31:37,833 --> 00:31:40,375
Higit sa lahat, kilala niya
lahat ng masasamang loob.

340
00:31:40,458 --> 00:31:42,125
Puntahan mo. Matutulungan ka niya.

341
00:31:42,625 --> 00:31:43,916
- Salamat.
- Okay. Teka!

342
00:31:44,000 --> 00:31:47,333
Pag nakita mo siya, sabihin mo kaniya
magbayad na ng utang. Tagal na no'n.

343
00:31:55,375 --> 00:32:02,375
ORPHANAGE FURNITURE

344
00:32:03,333 --> 00:32:04,708
Naliligaw ka ba, tanda?

345
00:32:16,750 --> 00:32:18,625
<i>Mga ulila ba lahat ng tauhan mo?</i>

346
00:32:19,708 --> 00:32:20,541
Hindi.

347
00:32:21,041 --> 00:32:24,333
Nagtataka ka siguro kung bakit
"Orphanage Furniture" ang pangalan.

348
00:32:24,833 --> 00:32:26,750
Para di na tumawad ang mga bumibili.

349
00:32:26,833 --> 00:32:27,875
ORPHANAGE MOVING

350
00:32:33,416 --> 00:32:35,500
- 0-Ano'ng nangyari?
- May lalaki, ngalan ay Tien.

351
00:32:35,583 --> 00:32:38,208
Dinala niya ang anak ko
sa interview at di pa bumabalik.

352
00:32:38,291 --> 00:32:39,541
Gusto ko siyang hanapin.

353
00:32:39,625 --> 00:32:40,500
Gano'n ba.

354
00:32:40,583 --> 00:32:43,166
Kaya nandito ka para hingin ang tulong ko?

355
00:32:43,791 --> 00:32:46,458
Tinulungan mo
akong magnakaw ng ilang bagay.

356
00:32:47,375 --> 00:32:49,791
Pero sa tingin ko, di ka naman sumbungero.

357
00:32:50,500 --> 00:32:51,666
Sigurado ka?

358
00:33:01,500 --> 00:33:03,875
Ano'ng gagawin mo pag nahanap mo siya?

359
00:33:05,791 --> 00:33:07,208
Makikipag-usap lang ako.

360
00:33:11,458 --> 00:33:13,791
Lintik. Mukhang malaki 'to.

361
00:33:13,875 --> 00:33:15,166
Ano'ng sabi mo?

362
00:33:16,875 --> 00:33:17,708
Wala.

363
00:33:18,333 --> 00:33:19,500
Wala akong sinabi.

364
00:33:20,291 --> 00:33:21,541
- Lai.
- Bakit?

365
00:33:23,750 --> 00:33:26,583
Kunin mo 'to at sabihin
sa mga kapatid natin na hanapin siya.

366
00:33:26,666 --> 00:33:29,208
- Ilabas ang mga armas para patayin siya!
- Yes, sir!

367
00:33:36,750 --> 00:33:38,708
Walang patayan. Hanapin n'yo lang siya.

368
00:33:38,791 --> 00:33:40,125
Ibalik n'yo ang mga armas.

369
00:33:55,750 --> 00:33:56,666
Ayos ka lang ba?

370
00:34:23,666 --> 00:34:24,500
Salamat.

371
00:34:29,500 --> 00:34:32,083
Guys, maghiwa-hiwalay kayo
para hanapin ang lalaking ito.

372
00:34:35,291 --> 00:34:36,458
Medyo malapot, 'no?

373
00:34:36,958 --> 00:34:37,875
Weasel coffee 'yan.

374
00:34:40,916 --> 00:34:45,208
Kung gusto mo, ililibre kita
ng roasted constipated weasel coffee.

375
00:34:45,291 --> 00:34:48,250
Constipated ang weasel.
Mas matagal na niluto ang beans.

376
00:34:48,333 --> 00:34:49,458
Kaya mas masarap.

377
00:34:49,958 --> 00:34:53,208
Mahirap anihin ang beans
pag constipated ang weasel. Kaya mahal.

378
00:34:53,291 --> 00:34:55,125
Ang lasa at lapot,

379
00:34:55,208 --> 00:34:57,500
masasabi kong ibang klase.

380
00:34:59,291 --> 00:35:00,125
Buweno…

381
00:35:01,500 --> 00:35:03,125
Basta malinis.

382
00:35:03,958 --> 00:35:05,000
Malinis nang 50%.

383
00:35:13,708 --> 00:35:14,916
Nandito siya.

384
00:35:16,333 --> 00:35:19,625
- Gusto mong samahan ka ng mga kapatid ko?
- Di na. Mag-uusap lang kami.

385
00:35:22,666 --> 00:35:26,291
- Bakit mo siya tinutulungan?
- Sabi ko sa 'yo, lolo ko kasi siya.

386
00:35:34,958 --> 00:35:36,125
Parking card mo.

387
00:35:39,708 --> 00:35:40,583
Salamat.

388
00:35:42,041 --> 00:35:46,208
Ano'ng maitutulong namin, sir?
Di kami tumatanggap ng tagarito.

389
00:35:47,458 --> 00:35:48,833
Hindi ako tagarito.

390
00:35:50,041 --> 00:35:51,166
Wag kayong mag-aaway.

391
00:35:53,125 --> 00:35:54,833
Nandito lang ako para makipag-usap.

392
00:36:02,583 --> 00:36:09,583
RECEPTION

393
00:36:20,916 --> 00:36:21,833
Hoy.

394
00:36:21,916 --> 00:36:23,208
Para sa VIP 'yan, tanda.

395
00:38:24,458 --> 00:38:25,708
Saan n'yo dinala si Hien?

396
00:38:26,958 --> 00:38:29,166
Sino 'yan? Nababaliw ka na ba, tanda?

397
00:38:39,833 --> 00:38:40,708
Nagkape lang kami.

398
00:38:41,208 --> 00:38:43,625
Pagkatapos, di ko na alam
kung saan siya nagpunta.

399
00:38:46,708 --> 00:38:47,541
Totoo…

400
00:38:49,083 --> 00:38:50,708
Di ko alam kung saan siya nagpunta.

401
00:38:50,791 --> 00:38:51,708
Totoo!

402
00:39:01,041 --> 00:39:02,125
Nagkita lang…

403
00:39:03,625 --> 00:39:06,958
Sinamahan ko lang siya kay Thanh
sa may gallery. Wala na akong alam.

404
00:39:07,583 --> 00:39:08,583
Sino 'yon?

405
00:39:09,083 --> 00:39:10,458
Si Thanh Pretty Eyes.

406
00:39:10,541 --> 00:39:11,625
Sa Cay Da market.

407
00:39:12,333 --> 00:39:15,041
- Sino si Pretty Eyes?
- Minsan mukha siyang duling.

408
00:39:16,500 --> 00:39:18,541
Kilala siya sa Cay Da,
mahahanap mo siya do'n.

409
00:39:20,041 --> 00:39:22,333
Totoo ang sinasabi ko. Pangako.

410
00:39:47,041 --> 00:39:48,833
Ang ingay, ah! May away ba?

411
00:39:48,916 --> 00:39:50,958
Di sila sanay sa hot stone massage.

412
00:39:53,708 --> 00:39:54,958
Ingat sa biyahe.

413
00:40:08,041 --> 00:40:10,833
Kilala mo ba si Pretty Eyes?
Sabi sa 'kin kilala siya dito.

414
00:40:12,125 --> 00:40:13,291
Kasi…

415
00:40:15,875 --> 00:40:16,875
Hoy, sandali!

416
00:40:39,666 --> 00:40:41,250
Heto'ng sa 'yo!

417
00:40:42,000 --> 00:40:43,291
Ginisang kangkong.

418
00:40:43,375 --> 00:40:44,666
At dragon fruit.

419
00:40:45,791 --> 00:40:47,083
Kunin mo lahat.

420
00:40:48,166 --> 00:40:49,125
Magnanakaw ba 'yon?

421
00:40:51,583 --> 00:40:53,208
Tita, tulong! May magnanakaw!

422
00:40:55,500 --> 00:40:57,541
Magnanakaw!

423
00:40:57,625 --> 00:40:58,958
Aray, ang sakit.

424
00:41:05,041 --> 00:41:06,666
Sira ulo ka, baliw ka ba?

425
00:41:12,375 --> 00:41:14,291
Hoy, binebenta lang 'yan!

426
00:41:15,916 --> 00:41:16,875
Whoosh!

427
00:41:21,875 --> 00:41:22,875
Diyos ko!

428
00:41:49,708 --> 00:41:50,541
Hayaan mo na siya.

429
00:41:51,125 --> 00:41:52,000
Sumama ka sa 'kin.

430
00:42:16,291 --> 00:42:19,833
May prinsipyo ako. Pag inuman, uminom,
pag trabaho, magtrabaho.

431
00:42:21,083 --> 00:42:23,666
Dinala kita rito
di para painumin o arestuhin.

432
00:42:24,375 --> 00:42:25,375
Salamat.

433
00:42:28,333 --> 00:42:29,750
Kung gayon, bakit?

434
00:42:30,333 --> 00:42:32,125
Mapanganib ka ba?

435
00:42:33,541 --> 00:42:35,333
Ordinaryong trabahador lang ako.

436
00:42:39,166 --> 00:42:42,958
Kilala kita.
Matalino ka para manatiling tago.

437
00:42:43,041 --> 00:42:45,041
Madaling mahuli pag madaling makita.

438
00:42:45,125 --> 00:42:46,833
Bakit mo hinahabol si Thanh?

439
00:42:46,916 --> 00:42:48,875
Dinukot ng isang lalaki ang anak ko.

440
00:42:48,958 --> 00:42:52,291
Si Thanh ang itinuro ng kidnaper.

441
00:42:53,916 --> 00:42:55,583
Gusto ko lang mahanap ang anak ko.

442
00:42:56,166 --> 00:42:59,041
May ebidensya ka ba na sangkot si Thanh?

443
00:42:59,541 --> 00:43:00,375
Wala.

444
00:43:03,166 --> 00:43:04,000
Wala pa.

445
00:43:05,166 --> 00:43:07,125
At mag-iimbestiga ka pa rin?

446
00:43:07,208 --> 00:43:08,375
Tumigil ka na.

447
00:43:08,458 --> 00:43:11,000
Si Thanh ang
pangunahing suspek sa kaso namin.

448
00:43:11,083 --> 00:43:13,666
Di namin hahayaang sirain mo
o ng sinuman ang kaso namin.

449
00:43:13,750 --> 00:43:15,250
Kailangang mahanap ko siya.

450
00:43:15,333 --> 00:43:18,333
Pero kung gumawa ka
ng anumang makakahadlang sa kaso namin,

451
00:43:18,416 --> 00:43:20,166
mapaparusahan ka.

452
00:43:38,916 --> 00:43:40,041
Ano ba 'yan!

453
00:43:42,791 --> 00:43:43,625
Ano'ng…

454
00:43:43,708 --> 00:43:46,291
Hoy! Sino ka? Hoy!

455
00:43:46,916 --> 00:43:48,250
Mga walang-hiya…

456
00:43:51,041 --> 00:43:53,333
Sino ba kayo? Aray!

457
00:43:54,916 --> 00:43:56,791
Nasa'n ang matandang Lam na 'yon?

458
00:44:01,416 --> 00:44:02,541
Nasaan si Lam?

459
00:44:02,625 --> 00:44:05,416
Sisigaw ako at huhulihin kayo ng pulis!

460
00:44:06,875 --> 00:44:07,916
Tulong!

461
00:44:09,000 --> 00:44:09,875
Pulis, ha?

462
00:44:12,583 --> 00:44:13,708
Wala siya rito.

463
00:44:21,625 --> 00:44:23,000
- Tien!
- Nanay…

464
00:44:23,083 --> 00:44:24,125
Makinig ka.

465
00:44:24,625 --> 00:44:25,708
Di kami edukado,

466
00:44:25,791 --> 00:44:28,250
pero di walang modo.
Paglapastangan 'to sa namatay.

467
00:44:31,500 --> 00:44:32,916
Walang-hiya ka!

468
00:44:33,500 --> 00:44:35,500
Ba't mo ginawa 'yon?

469
00:44:36,166 --> 00:44:37,000
Teka, Tien!

470
00:44:38,708 --> 00:44:40,750
Paano kung di niya kayanin at mamatay?

471
00:44:41,333 --> 00:44:42,333
Huminahon ka.

472
00:44:45,041 --> 00:44:46,750
Lumayas ka sa harapan ko!

473
00:44:49,875 --> 00:44:50,875
Ikaw…

474
00:44:52,291 --> 00:44:53,125
Ikaw…

475
00:44:53,625 --> 00:44:55,666
Ikaw si Tien.

476
00:44:56,958 --> 00:44:58,958
Ikaw ang sumundo kay Hien.

477
00:44:59,916 --> 00:45:00,791
Nasa'n siya?

478
00:45:02,541 --> 00:45:03,416
Nasaan siya?

479
00:45:03,500 --> 00:45:05,375
Kapag may nangyari sa kaniya,

480
00:45:06,166 --> 00:45:07,875
sisiguraduhin kong mamamatay ka.

481
00:45:10,625 --> 00:45:11,791
Tumawag ka ng pulis.

482
00:45:12,291 --> 00:45:14,250
Hayaan mo silang arestuhin ang mga 'to.

483
00:45:14,333 --> 00:45:16,333
- Mai, tumawag ka ng pulis.
- Ha?

484
00:45:16,416 --> 00:45:18,916
Ikaw na. Pakialamero ka.

485
00:45:23,583 --> 00:45:24,916
Delikado dito.

486
00:45:39,666 --> 00:45:41,208
Makinig kayong lahat.

487
00:45:42,416 --> 00:45:44,791
Tinuturuan ko ng leksiyon
ang pamilya ni Lam.

488
00:45:45,291 --> 00:45:46,833
Kung sino mang tatawag sa pulis,

489
00:45:47,458 --> 00:45:48,416
humanda kayo!

490
00:46:04,416 --> 00:46:06,500
- Hanh!
- Halika rito!

491
00:46:43,750 --> 00:46:44,708
Tangina!

492
00:47:44,291 --> 00:47:45,166
Gulpihin n'yo!

493
00:47:52,916 --> 00:47:54,708
Pulis! Mga pulis!

494
00:47:55,291 --> 00:47:57,916
Nandiyan na ang mga pulis!

495
00:47:58,416 --> 00:48:00,583
Pulis!

496
00:49:00,000 --> 00:49:01,208
Hanapin mo ang anak natin…

497
00:49:03,208 --> 00:49:04,250
Nakikiusap ako.

498
00:49:08,208 --> 00:49:10,375
Huwag mong pababayaan ang anak natin.

499
00:49:14,166 --> 00:49:15,125
Wag mong pababayaan…

500
00:50:01,250 --> 00:50:02,875
<i>Nami-miss mo ba'ng anak mo?</i>

501
00:50:04,875 --> 00:50:07,208
Kamukha ko ba siya?

502
00:50:07,291 --> 00:50:09,625
Ba't di mo siya binibisita?

503
00:50:12,125 --> 00:50:14,333
Bakit ka umiiyak tapos nakangiti?

504
00:50:18,583 --> 00:50:19,833
Gagaling ka.

505
00:50:21,041 --> 00:50:22,416
'Yan ang sabi ni Mama.

506
00:50:22,916 --> 00:50:24,541
Matatapos din ang lahat.

507
00:50:24,625 --> 00:50:26,166
Hien, uwi na tayo.

508
00:50:27,583 --> 00:50:28,666
Bye, Tito.

509
00:50:57,833 --> 00:50:59,083
Babalik sila.

510
00:51:03,958 --> 00:51:06,250
Saan kaya nila tayo dadalhin?

511
00:51:07,000 --> 00:51:07,916
Di ko rin alam.

512
00:51:08,541 --> 00:51:11,000
Narinig kong may sinabi
sila tungkol sa "Thien An."

513
00:51:16,750 --> 00:51:17,750
Ate.

514
00:51:19,416 --> 00:51:21,958
Kung may mangyari,
tulungan mo akong makatakas.

515
00:51:22,458 --> 00:51:24,791
Tapos hahanap ako
ng tutulong sa atin, okay?

516
00:51:31,791 --> 00:51:32,666
Labas.

517
00:52:04,916 --> 00:52:05,833
Sakay na sa van.

518
00:52:25,208 --> 00:52:26,333
Hi, Lola.

519
00:52:35,041 --> 00:52:36,000
Uy, mga bata.

520
00:52:43,208 --> 00:52:44,458
Ano'ng kinakain mo?

521
00:52:44,541 --> 00:52:47,333
Beef meatball pho. Ang sarap. Gusto mo?

522
00:52:47,416 --> 00:52:50,250
Lola, dalhan mo ako
ng malaking mangkok ng pho.

523
00:52:51,125 --> 00:52:52,583
Akala ko di siya makarinig.

524
00:52:52,666 --> 00:52:53,666
Di ko rin alam.

525
00:52:53,750 --> 00:52:57,041
Wag kang mag-alala. Kahit anong orderin
mo, pareho lang hinahain niya.

526
00:52:57,125 --> 00:52:58,333
E bakit ka pa umorder?

527
00:52:58,416 --> 00:52:59,833
Kung hindi, di siya maghahain.

528
00:53:04,750 --> 00:53:06,125
Ano'ng sasabihin mo sa 'kin?

529
00:53:06,708 --> 00:53:07,541
Heto.

530
00:53:08,541 --> 00:53:10,708
Nakipag-away siya
kung saan at nakita ni Lola.

531
00:53:10,791 --> 00:53:12,000
Malas niya.

532
00:53:17,083 --> 00:53:19,708
Tinakpan mo ang bibig at ilong ko.
Paano ako hihinga?

533
00:53:20,208 --> 00:53:22,000
Sagutin mo. Sagutin mo ako!

534
00:53:24,458 --> 00:53:26,541
Sir, please pakawalan mo na ako…

535
00:53:27,916 --> 00:53:31,166
Baliw ang lalaking 'yon.
May isinuksok siya sa puwit ko.

536
00:53:32,708 --> 00:53:35,208
Kanino mo natutunan ang parusang 'to?

537
00:53:35,291 --> 00:53:36,750
Sa tatay mong constipated?

538
00:53:44,291 --> 00:53:45,125
Magandang biro.

539
00:53:45,958 --> 00:53:48,958
Lintik. Alisin n'yo o matutunaw na 'to.

540
00:53:49,458 --> 00:53:50,666
'Tol, tulungan mo ako…

541
00:53:52,750 --> 00:53:55,541
- 'Tol… 'Tong gagong 'to…
- Hoy.

542
00:53:55,625 --> 00:53:58,625
Anak, bawal magmura sa bahay na 'to.

543
00:53:58,708 --> 00:53:59,791
Sino'ng anak mo?

544
00:54:00,416 --> 00:54:01,250
Naku po.

545
00:54:02,541 --> 00:54:03,375
Grabe…

546
00:54:04,041 --> 00:54:06,916
Mas baliw ka pa sa gagong 'yon.

547
00:54:21,500 --> 00:54:22,791
Sabihin mo sa 'kin, anak.

548
00:54:23,416 --> 00:54:25,750
Bakit kayo nanggulo

549
00:54:25,833 --> 00:54:27,333
ng mga kaibigan mo kina Mr. Lam?

550
00:54:28,125 --> 00:54:30,083
Nahuli mo ako
bago pa ako makagawa ng gulo.

551
00:54:30,166 --> 00:54:31,125
Tanungin mo siya.

552
00:54:31,208 --> 00:54:33,250
Sino'ng nagsabi sa kaniya na sumugod

553
00:54:33,333 --> 00:54:35,958
at guluhin ang negosyo ko?
Napakatangang tanong.

554
00:54:39,875 --> 00:54:40,791
Humarap ka.

555
00:54:40,875 --> 00:54:43,000
Anak, maniwala ka sa 'kin.

556
00:54:43,083 --> 00:54:44,875
'Yong taong sinasabi mo.

557
00:54:44,958 --> 00:54:47,666
Di siya tupa. Lobo 'yon.

558
00:54:48,416 --> 00:54:51,125
Kung matalino ka, sabihin mo na.

559
00:54:51,750 --> 00:54:53,833
Kung hindi, pagkaubos ko sa pho ko,

560
00:54:53,916 --> 00:54:56,458
iiwan kita rito at si lola

561
00:54:56,958 --> 00:54:59,041
at ang kapatid ko na ang bahala sa 'yo.

562
00:55:00,333 --> 00:55:01,416
Ano sa tingin mo?

563
00:55:56,750 --> 00:55:57,958
Kakausapin ko si Mr. Linh.

564
00:56:00,000 --> 00:56:03,666
Sarado na kami.
May appointment ka ba sa Head Curator?

565
00:56:04,541 --> 00:56:05,375
Wala.

566
00:56:06,583 --> 00:56:11,416
SAMAHAN NG MGA ART CURATOR

567
00:56:20,416 --> 00:56:23,666
Kung gusto mo pang matuto,
punta ka lang dito.

568
00:56:24,166 --> 00:56:26,291
Tuturuan kita mula sa mga karanasan ko.

569
00:56:32,583 --> 00:56:33,875
Long time no see.

570
00:56:38,583 --> 00:56:41,000
Kilala mo lahat sa negosyong 'to.

571
00:56:41,791 --> 00:56:42,750
May hinahanap ako.

572
00:56:43,416 --> 00:56:45,208
Isang art curator, Thanh ang pangalan.

573
00:56:45,291 --> 00:56:46,708
Di mo kilala ang binabangga mo.

574
00:56:48,208 --> 00:56:49,750
Nandito ka ba para patayin ako?

575
00:56:49,833 --> 00:56:50,666
Hindi.

576
00:56:52,375 --> 00:56:53,541
May regalo ako sa 'yo.

577
00:56:59,208 --> 00:57:00,125
Mula noong 1925.

578
00:57:00,208 --> 00:57:02,666
Pamana ng pamilya.
Napakahalaga, di ko 'to matatanggap.

579
00:57:03,166 --> 00:57:04,750
Mahalaga ito sa ibang tao,

580
00:57:05,250 --> 00:57:06,291
hindi sa 'kin.

581
00:57:12,833 --> 00:57:14,875
Pinatalsik si Thanh noong nakaraang taon.

582
00:57:15,583 --> 00:57:17,208
Nagtatrabaho na siya para kay Tung.

583
00:57:17,291 --> 00:57:20,375
Si Tung ay isang negosyante
na umunlad sa mga nakaraang taon.

584
00:57:21,041 --> 00:57:24,458
<i>Kaunti lang ang nakakakilala</i>
<i>sa kaniya, pero sa pagkakaalam ko,</i>

585
00:57:25,166 --> 00:57:30,083
<i>inaakit niya ang mga bata at mahihirap</i>
<i>na babae na gustong kumita sa ibang bansa.</i>

586
00:57:35,041 --> 00:57:37,583
Binigyan kita ng pagkakataong kumita

587
00:57:38,416 --> 00:57:39,666
para sa pamilya mo,

588
00:57:39,750 --> 00:57:41,250
pero di mo nagawa.

589
00:57:41,333 --> 00:57:44,458
Kaya tinatanong kita, mapapatawad ba 'to?

590
00:57:46,541 --> 00:57:49,000
Pinayaman siya ng negosyong ito,

591
00:57:49,500 --> 00:57:52,250
kaya itinayo niya
ang Factory Gallery, na malapit lang dito.

592
00:57:55,416 --> 00:57:57,666
<i>Isa itong contemporary arts center,</i>

593
00:57:57,750 --> 00:58:00,791
<i>doon siya nakikihalubilo</i>
<i>sa mayayaman at itinatago ang pera niya.</i>

594
00:58:00,875 --> 00:58:01,791
<i>Higit sa lahat,</i>

595
00:58:01,875 --> 00:58:04,541
<i>doon niya inaakit</i>
<i>at dinudukot ng mga batang babae.</i>

596
00:58:12,708 --> 00:58:14,708
Pag di ako lumabas matapos ang isang oras,

597
00:58:14,791 --> 00:58:16,250
pakitawagan ang kaibigan ko.

598
00:58:16,750 --> 00:58:18,125
{\an8}ORPHANAGE MOVING

599
00:58:19,583 --> 00:58:23,916
Pero sasabihin ko sa 'yo
na ayaw nila sa mga kagaya mo.

600
00:58:24,916 --> 00:58:26,041
Madaling pumasok,

601
00:58:26,125 --> 00:58:27,458
pero walang daan palabas.

602
00:58:48,625 --> 00:58:50,250
Pa'no 'yong matandang 'yon?

603
00:59:01,250 --> 00:59:03,208
<i>Pupunta at pupunta 'yan dito.</i>

604
00:59:03,833 --> 00:59:05,958
<i>May hinanda ako para sa kaniya.</i>

605
00:59:07,000 --> 00:59:08,500
Sir, saan kayo pupunta?

606
00:59:09,000 --> 00:59:09,833
Sir!

607
01:00:34,375 --> 01:00:35,708
Wala rito ang hinahanap mo.

608
01:06:21,416 --> 01:06:23,625
Wala kang kuwentang tao.

609
01:06:24,875 --> 01:06:26,583
Hindi ka dapat nandito.

610
01:06:29,125 --> 01:06:30,333
Nasaan ang anak ko?

611
01:06:31,250 --> 01:06:32,500
Nasaan ang anak ko?

612
01:06:35,083 --> 01:06:36,291
Maniwala ka, tanda.

613
01:06:38,041 --> 01:06:39,000
Kalimutan mo na siya.

614
01:06:42,083 --> 01:06:44,166
Baka nagsumbong na siya sa mga pulis.

615
01:06:49,958 --> 01:06:51,083
Problema 'yan.

616
01:06:51,958 --> 01:06:52,958
Bumalik na tayo.

617
01:06:53,458 --> 01:06:54,333
Sira-ulo ka ba?

618
01:06:54,916 --> 01:06:58,708
May nakakita sa kaniyang pumasok. Kung
papatayin n'yo siya, dapat sa ibang lugar.

619
01:06:59,208 --> 01:07:01,833
Duling ka na, wag ka nang maging tanga.

620
01:07:10,500 --> 01:07:11,541
Kuha mo, kapatid?

621
01:07:13,458 --> 01:07:14,291
Mabuti naman.

622
01:07:14,791 --> 01:07:17,041
- Yes, sir.
- Gawin mo.

623
01:07:17,916 --> 01:07:20,250
Naintindihan ko na. Pasensiya na, Kuya.

624
01:07:20,750 --> 01:07:22,125
Pasensiya na, Kuya.

625
01:07:31,458 --> 01:07:32,958
Sandali lang.

626
01:07:35,583 --> 01:07:36,791
Bago ako pumunta rito,

627
01:07:37,291 --> 01:07:39,375
binisita ko ang asawa mo sa ospital.

628
01:08:05,166 --> 01:08:08,000
Lam…

629
01:08:21,583 --> 01:08:22,500
Wag mong subukan.

630
01:08:23,500 --> 01:08:24,500
Wag kong subukang

631
01:08:25,208 --> 01:08:26,416
kunin 'to?

632
01:08:29,333 --> 01:08:31,125
Ikaw… walang-hiya ka…

633
01:09:25,000 --> 01:09:26,083
ORPHANAGE MOVING

634
01:09:27,458 --> 01:09:29,625
- Tigil, wag kayong lumapit…
- Lolo!

635
01:09:31,500 --> 01:09:32,333
Dahan-dahan.

636
01:09:35,208 --> 01:09:36,041
Tara na!

637
01:09:56,166 --> 01:09:58,833
Lam!

638
01:09:59,416 --> 01:10:00,250
Lam!

639
01:10:01,250 --> 01:10:02,166
Ako ito, si Lu.

640
01:10:03,833 --> 01:10:05,125
- Bumangon ka.
- Sige.

641
01:10:10,708 --> 01:10:11,875
Lagi kang ganiyan.

642
01:10:12,541 --> 01:10:15,166
Sabi mo kakausapin mo lang
pero sa huli nagkakagulo.

643
01:10:19,541 --> 01:10:20,708
Ano'ng ginagawa mo?

644
01:10:24,833 --> 01:10:27,083
<i>Hangga't pumapatay ka pa rin,</i>

645
01:10:27,583 --> 01:10:30,333
<i>mamamatay ang mga taong mahal mo.</i>

646
01:10:36,541 --> 01:10:37,375
Lam!

647
01:10:39,416 --> 01:10:40,416
Uy!

648
01:10:40,500 --> 01:10:41,500
Gumising ka.

649
01:10:44,916 --> 01:10:45,791
Lu?

650
01:10:47,041 --> 01:10:48,083
Naaalala mo na ako?

651
01:10:58,916 --> 01:11:00,000
Noon,

652
01:11:00,958 --> 01:11:02,583
mas malaki ka kaysa ngayon.

653
01:11:04,333 --> 01:11:06,250
Marami akong nagawang kasalanan noon

654
01:11:06,333 --> 01:11:08,083
kaya nagpasiya akong maging monghe

655
01:11:08,166 --> 01:11:10,916
at maging vegan. Kaya ako pumayat.

656
01:11:11,416 --> 01:11:14,000
Noon, araw-araw akong nagdarasal

657
01:11:14,083 --> 01:11:16,625
na kung makakaalis ako,
pupunta ako sa isang pagoda

658
01:11:17,125 --> 01:11:18,708
at magiging vegan na habang-buhay.

659
01:11:20,833 --> 01:11:22,291
- Mula noon…
- Hindi.

660
01:11:22,875 --> 01:11:24,333
Di ko natiis, nagkarne ako ulit.

661
01:11:31,083 --> 01:11:31,916
Lu.

662
01:11:32,916 --> 01:11:34,791
Saan ko hahanapin si Hien?

663
01:11:41,041 --> 01:11:43,625
Pasensiya na, Kuya.
Nakalimutan kong bilangin.

664
01:11:55,208 --> 01:11:56,333
Okay lang, kapatid.

665
01:12:02,500 --> 01:12:03,625
Relax ka lang.

666
01:12:18,375 --> 01:12:20,125
Tito, gumising ka at tulungan mo ako!

667
01:12:20,875 --> 01:12:21,708
Tito!

668
01:12:31,666 --> 01:12:35,416
- Ba't di ka sumasagot?
<i>- Di matawagan ang numerong tinatawagan…</i>

669
01:12:42,541 --> 01:12:43,666
Tito, tulungan mo ako.

670
01:12:44,166 --> 01:12:46,208
<i>Di matawagan ang numerong tinatawagan…</i>

671
01:12:56,166 --> 01:12:57,958
THIEN AN, TULUNGAN MO AKO
SEND

672
01:12:58,041 --> 01:13:00,583
SA NUMERONG ITO:

673
01:13:34,000 --> 01:13:35,375
Patawad.

674
01:13:38,041 --> 01:13:41,541
Nasa mga safe house na
sa Mekong Delta ang mga babae.

675
01:13:42,208 --> 01:13:43,041
Dahil sa 'yo,

676
01:13:43,125 --> 01:13:45,541
nalaman ni Tung na nadiskubre
na ang network niya.

677
01:13:45,625 --> 01:13:47,208
Ipapadala na niya sila.

678
01:13:47,791 --> 01:13:51,125
Ayon sa mga source ko, gagamit siya
ng bangka na pinangalanang "Destiny."

679
01:13:51,208 --> 01:13:52,791
Dahil pribadong bangka ito,

680
01:13:52,875 --> 01:13:55,583
mahirap hanapin ang lokasyon nito.

681
01:13:55,666 --> 01:13:57,333
Wala na tayong oras.

682
01:14:01,791 --> 01:14:02,833
"Thien An"?

683
01:14:02,916 --> 01:14:04,166
Thien An Harbor.

684
01:14:05,291 --> 01:14:06,166
Kuya!

685
01:14:07,083 --> 01:14:08,458
Di ka dapat pumunta do'n.

686
01:14:09,875 --> 01:14:11,291
Pinatay nila ang asawa ko

687
01:14:12,958 --> 01:14:14,625
at dinukot ang anak ko.

688
01:14:17,208 --> 01:14:20,291
Pagod na akong tratuhin
na parang walang kuwenta.

689
01:14:20,375 --> 01:14:22,833
'Yon ay dahil para kang
walang kuwenta kung umasta.

690
01:14:23,583 --> 01:14:24,583
Makinig ka.

691
01:14:25,375 --> 01:14:26,708
Oras na para tapusin ito!

692
01:14:28,208 --> 01:14:29,458
- Sasama ako sa 'yo…
- Hindi.

693
01:14:29,958 --> 01:14:31,708
Wala itong kinalaman sa 'yo.

694
01:14:33,666 --> 01:14:35,291
Malaki na ang naitulong mo sa 'kin.

695
01:14:38,083 --> 01:14:39,750
Wag mo nang idamay ang sarili mo.

696
01:14:43,208 --> 01:14:44,750
<i>Namatay si Hanh dahil sa akin.</i>

697
01:14:45,750 --> 01:14:47,500
<i>Ayaw kong abalahin ka.</i>

698
01:16:26,541 --> 01:16:31,291
DESTINY

699
01:16:48,250 --> 01:16:49,166
Tapos na ako.

700
01:17:19,041 --> 01:17:20,500
Saan n'yo sila ikinulong?

701
01:17:20,583 --> 01:17:21,583
Tanga ka.

702
01:17:22,208 --> 01:17:24,166
Hindi ka makakatakas.

703
01:17:31,875 --> 01:17:37,458
SALA

704
01:18:08,291 --> 01:18:11,833
ENGINE ROOM

705
01:20:07,791 --> 01:20:09,041
Wag kang tumakbo!

706
01:21:58,875 --> 01:21:59,958
Pigilan siya!

707
01:23:30,166 --> 01:23:31,291
Patayin siya!

708
01:23:54,583 --> 01:23:55,416
Hien!

709
01:23:58,333 --> 01:24:00,750
ENGINE ROOM

710
01:24:00,833 --> 01:24:01,666
Hien?

711
01:24:17,291 --> 01:24:18,166
Hien!

712
01:24:19,375 --> 01:24:25,666
SALA

713
01:25:08,541 --> 01:25:10,666
Hien!

714
01:25:11,166 --> 01:25:12,291
Nandito ka ba?

715
01:26:01,000 --> 01:26:02,791
Hien!

716
01:26:18,375 --> 01:26:21,250
<i>Napapaligiran na kayo.</i>
<i>Ibaba ang mga armas at sumuko.</i>

717
01:26:21,333 --> 01:26:22,916
Inuulit ko. Ibaba ang mga armas.

718
01:26:55,708 --> 01:26:56,541
Tito.

719
01:27:06,708 --> 01:27:07,958
Tito!

720
01:27:30,541 --> 01:27:32,041
Tito…

721
01:27:33,208 --> 01:27:34,458
Wag mo akong iiwan, Tito.

722
01:27:34,541 --> 01:27:36,416
Please, wag kang mamamatay.

723
01:27:40,416 --> 01:27:41,541
Sige na, Papa!

724
01:27:42,458 --> 01:27:44,916
Di na kita ulit aawayin, Papa.

725
01:27:56,625 --> 01:27:57,708
Patawarin mo ako.

726
01:28:15,291 --> 01:28:16,125
Papa.

727
01:28:18,958 --> 01:28:21,250
Bakit ka umiiyak tapos nakangiti?

728
01:28:27,625 --> 01:28:28,791
Patawarin mo ako, Papa.

729
01:28:32,250 --> 01:28:34,250
Lahat ng suspek ay naaresto na.

730
01:28:36,041 --> 01:28:37,833
<i>Lilitisin sila.</i>

731
01:28:38,666 --> 01:28:40,791
Salamat sa 'yo, nahuli namin si Tung

732
01:28:40,875 --> 01:28:42,416
bago siya makatakas.

733
01:28:44,666 --> 01:28:46,083
At wag mong kakalimutan.

734
01:28:46,583 --> 01:28:49,833
May appointment ka sa amin paggaling mo.

735
01:29:03,708 --> 01:29:04,958
<i>Sinasabi noon ng mama mo,</i>

736
01:29:05,458 --> 01:29:07,458
<i>malakas ka raw niyang anak.</i>

737
01:29:08,916 --> 01:29:10,458
Anuman ang mangyari…

738
01:29:11,041 --> 01:29:12,541
Kailangan kong mabuhay.

739
01:29:17,250 --> 01:29:18,416
Kailangan ko nang umalis.

740
01:29:27,916 --> 01:29:29,708
Laging nasa tabi mo ang mama mo.

741
01:29:43,208 --> 01:29:44,416
Umuwi ka agad, Papa.

742
01:30:19,083 --> 01:30:21,750
Kailangan nating pagbayaran
ang mga kasalanan natin…

743
01:30:24,166 --> 01:30:26,500
sa buhay na ito o sa susunod.

744
01:30:28,125 --> 01:30:30,250
Kailangan kong harapin ang nakaraan ko.

745
01:37:28,958 --> 01:37:30,291
Mahal ko.

746
01:37:31,458 --> 01:37:33,458
Mahal ko.

747
01:37:34,125 --> 01:37:34,958
Mahal ko.

748
01:37:35,541 --> 01:37:37,541
Nasobrahan ka ba sa trabaho at nakatulog?

749
01:37:37,625 --> 01:37:39,083
Ano'ng ginagawa mo dito?

750
01:37:40,083 --> 01:37:41,375
Tapos na ang kuwento.

751
01:37:41,875 --> 01:37:42,833
Uwi na.

752
01:37:42,916 --> 01:37:45,375
Tagapagsalin ng Subtitle:
Ivy Grace Quinto



